7 Golden Reasons Why Gold and Perfect Valentine’s Gift

Blog

February 09, 2022

7-Golden-Reasons-Why-Gold-and-Perfect-Valentines-Gift-1

Love is in the air ngayong Pebrero Suki kaya naman ngayon ang perfect time para maghanap ng regalo para sa taong importante sa’yo. Dahil hindi lang naman romantic ang dahilan ng pagbibigay regalo. Dapat pinapakita mo rin na someone is special to you gamit ang simpleng mga regalo.

Maraming dahilan kung bakit perfect na pangregalo ang gold ngayong Valentine’s Day. Alam mo ba Suki na maraming kahulugan ang gold sa iba’t ibang kultura at karaniwan nitong sinisimbolo ang tagumpay at katatagan? Perfect na perfect bilang metaphor sa matatag na pagsasamahan niyo ng bebe loves mo!

Bukdo dito, praktikal na regalo ang ginto dahil maaari niyo itong isangla sa nanungunang Philppine pawnshop sa Pilipinas, ang Palawan Pawnshop!Suki alam mo bang napakababa ng interest rate nito na 1% lamang pag natubos sa loob ng 11 days. Bukod pa ito sa mataas na appraisal rate!

Pero hindi natatapos dito ang benefits ng pagreregalo ng gold sa Valentine’s Day. Basahin sa ibaba kung bakit ito ang best at pinakawais na gift para sa iyong special someone:

7 Wais Reasons Bakit Gold ang Perfect Valentine's Gift Para Sa Loved Ones Niyo

Bukod sa special meanings na nakadikit sa pagreregalo ng ginto, may kasama rin itong mga praktikal na benepisyo para sa taong iyong bibigyan. Alamin kung anu-ano ang mga ito sa ibaba:

1. Panghabang-buhay ang ginto

Panghabang-buhay ang gintoPhoto courtesy of Jeffbalbalosa via Pixabay

Kung sabi ni Marilyn Monroe na diamonds are a girl’s best friend, well ang gold naman will stick by your side forever!

Tama, Suki, panghabang-buhay ang ginto na iyong ireregalo dahil hindi ito basta-basta nasisira. Ang gold ay isang espesyal na uri ng mineral na hindi madaling masira at magasgasan. Mahaba rin ang buhay nito dahil hindi naman ito nalalaos. Kahit lumipas ang mahabang panahon at kung saan ka man pumunta, masasabi na ang gold jewelries ay espesyal at laging in sa masa.

Kung ikaw ay tunay na Suki sa Palawan Pawnshop, magugulat ka dahil mayroong 10% off sa jewelry display kung ikaw ay may Suki Card kaya huwag sayangin ang benepisyong ito!

Siyempre para makasiguradong tatagal ang iyong alahas na bibilhin, kailangan alam mo kung paano sabihin kung ja-fake ang iyong gold. Sa Palawan Pawnshop, makasisigurado ka na laging authentic ang gold dahil mabusisi itong chine-check ng mga Palawan Agents bago ito tanggapin.

Kaya kung naghahanap ka nga Valentine’s gift idea na magpapakita kung paano ka laging nandyan para sa iyong mga mahal sa buhay, gold is the way to go!

2. Ang gold ay isang must-have fashion item

Ang gold ay isang must-have fashion itemPhoto courtesy of Mitchel Lensink via Unsplash

Hindi nawawala ang gold sa isang tipikal na kolektor ng alahas. Ang gold ay nagsisimbolo ng kapangyarihan at karangyaan kaya naman patok na patok ito sa maraming tao at iba’t ibang kultura.

Kung mahilig sa alahas ang iyong gusto bigyan ng regalo, hindi pwedeng mawala ang gold jewelries sa kaniya. Dahil kahit anong porma ay madaling bagayan ng gold. Marami ring uri ng gold jewelries mula sa singsing, bracelet, hikaw, at kwintas.

Huwag mahiya magtanong sa iyong Palawan Pawnshop agent kung nais mong tingnan ang mga gold na naka display. Pwede mo ring basahin ang Guide to Palawan’s Gold Bili-Sangla na ito, sakaling may tanong ka tungkol dito.

Dahil nga sikat ang gold, ito rin ang karaniwang tinatanggap sa Palawan Pawnshop. Napakadali lang magsangla. Pumunta lamang sa kahit alin mang Palawan Pawnshop branch at dalhin ang iyong gold. Sabihin sa agent ang iyong napagdesisyonan na pawning amount batay sa binanggit niyang appraisal amount. Matapos nito ay kailangan mo lang punan ang mga forms na ibibigay sayo. Makukuha mo rin agad ang pera sa iyong isasangla.

Kaya ano pang hinihintay mo Suki. Tell your bebe loves na they complete you by giving them gold ngayong Valentine’s Day!

3. Pwede Isuot ang gold araw-araw

Pwede Isuot ang gold araw-arawPhoto courtesy of MARTIN Productions via Pexels

Mahalaganag iparamdam mo ang presence mo sa taong importante sayo mula sa iyong romantic partner, magulang, at pati mga kaibigan. Di ba nga sabi nila na to love someone is to always be there for them. Mula sa moments ng kasiyahan hanggang sa kalungkutan, malalaman mo na mahal ka talaga ng isang tao kung hindi ka nila pinababayaan mag-isa.

Ito ang dahilan kung bakit perfect ang gold as a Valentine’s gift. Pwedeng isuot ng special someone mo ang gold kahit saan siya pumunta kahit walang mahalagang okasyon. Kaya kahit malayo ka at nagtratrabaho ka sa ibang bansa para sa iyong pamilya, pwede mo pa rin iparamdam sa iyong loved ones na lagi kang nandyan para sa kanila by putting a small piece of you in gold trinkets and jewelries.

Bukod dito, hindi baduy ang gold kaya swak na swak ito sa iyong iba’t ibang porma sa mga matatanda at sa mga bata. Kahit ang mga Gen Z Tiktokers ay may recommended style ng gold jewelries para sa iba’t ibang get ups.

Tell your loved ones na you’ll always be there for them with gold jewelry this Valentine’s Day!

4. Ang gold ay pwede maging investment

Ang gold ay pwede maging investmentPhoto courtesy of Olya Kobruseva via Pexels

Walang tatalo sa regalong gold jewelries dahil bukod sa maganda at prestihiyosong dating nito, ito rin ay isang praktikal na uri ng regalo.

May negatibong konotasyon ang gold nag nagpapakita raw ito ng sobrang karangyaan at pagmamayabang. Itago na lang daw ang pera dahil sayang lang ito sa ginto. Subalit, hindi lingid sa kaalaman ng iba na pwede mong i-invest ang gold na ireregalo mo sa iyong partner in life.

Una, bakit ba mas wais ang gold investment bukod sa other investments? Ang pinaka mahalagang rason ay dahil ang gold ay isang uri ng versatile na investment! Ibig sabihin, maraming tao ang interesado dito kung kaya hindi basta-basta bumababa o nag dedepreciate ang halaga nito.

At gaya na nga rin ng nabanggit kanina, ang gold ay forever. Sa pagdaan ng panahon, maaari tumaas ang value nito kung kaya pwede mong mabawi o doblehin pa ang orihinal na presyo nito. Hindi ito katulad ng mga impraktikal na regalong gadgets na mabilis bumaba ang presyo sa paglipas ng panahon dahil mabilis din itong mapalitan taon-taon, o minsan pa nga ay every 6 months. Ito ang dahilan kung bakit sulit na investment ang ginto dahil kahit ano pang taon, lagi itong patok at lagi kang makahahanap ng interested buyers dito.

Naririyan din palagi ang Palawan Pawnshop kung nais mo isangla ang iyong gold. Puwede kang mamili sa iba’t ibang branch ng Palawan Pawnshop sa Pilipinas. Hindi mo rin kailangan mag-alala kung kailangan mo nang irenew ang plan mo dahil pwede ito sa kahit anong branch. Bukod dito, may text reminder kang matatanggap na magpapaalala sayo ng mahahalgang petsa ng iyong pagsangla.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ka talaga mauubusan ng options kung nais mo ring bawiin ang isasangla mong gold dahil sa sentimental value nito .Kaya nga the best decision you will make today ay pagpasyahan na ginto ang iregalo sa iyong partner. Dahil bukod sa palagi niya itong magagamit, pwede niyo rin itong asahan sa oras ng pangangailangan.

5. Pwede mo itong ipamana sa iyong mga anak

Pwede mo itong ipamana sa iyong mga anakPhoto courtesy of Ivan Samkov via Pexels

Isa sa mga responsible things ng pagiging magulang ay ang mag plano sa future para sa iyong mga anak. . Mula sa kung saan sila mag-aaral, ano ang pangarap niyong marating nila sa buhay, at hanggang sa pagpaplano ng financial security nila..

Magandang iregalo ang gold ngayong Valentine’s Day dahil maaari itong ipamana sa iyong mga anak, o magiging anak sa hinaharap. Bukod sa sentimental value nito para sa kanila, praktikal din ito sapagkat gaya ng nabanggit, maaari rin nila itong i-invest sa future lalo na kung mataas na mataas na ang value nito.

Ang gold ay iregalo hindi lamang sa present kung hindi para sa future. Choose the wisest Valentine’s gift today not only for your romantic partner, but also para sa greatest blessing niyo sa buhay: ang inyong mga anak.

6. Bagay ang gold kahit kanino at sa kahit anong okasyon

Bagay ang gold kahit kanino at sa kahit anong okasyonPhoto courtesy of Camilafourcaud via Pixabay

Hindi mo kailangan pag-isipan kung babagay ba sa iyong pagbibigay ang gold jewelries this Valentine’s Day. Dahil kahit ano pang gender or age ng iyong pagbibigyan, lahat ay binabagayan ng gold.

Bukod dito, marami ring form ng gold jewelries ang pwede mong pagpilian na pwedeng iregalo. Pwede ang ring kung gusto mong ipakita ang iyong commitment sa kanya. Pwede ang earrings kung gusto mo siyang tulungan na magkaroon ng boost sa kaniyang confidence dahil nakakaganda ang gold jewelries. At syempre, pwede rin ang mga gold necklaces para sa more subtle look for them.

Don’t go wrong sa pagpili ng gift ngayon Valentine’s Day. Always go for gold, Suki, to give your loved one the best gift on the Day of Hearts.

7. Hindi karaniwang binibili ng tao ang gold para sa kaniyang sarili

Hindi karaniwang binibili ng tao ang gold para sa kaniyang sariliPhoto courtesy of Freestocks via Unsplash

Madalang na bumili ang isang tao ng gold para sa kaniyang sarili. Ito ay dahil mas nakikita ng tao na pang-regalo ang ginto.

Kaya nga, kung ikaw ay reregaluhan ng ginto. Ang dapat mong isipin ay kung paano ka pinapahalagahan ng taong nagbigay sa’yo nito. Ibig-sabihin, pinili talaga niya ito para sa mag match sa iyong personality at physical appearance.

Ganitong message ang ipinararating mo tuwing magbibigay ka ng gold. It shows that you actually thought of them at pinag-isipan mo ang pinaka swak na regalo para sa kanila.

Show that people around you are special by choosing the best gold for them ngayong Valentine’s Day.

Hulihin ang tunay na halaga ng pagreregalo gamit ang gold jewelries

Ngayon Suki, alam mo na kung bakit praktikal at wais na desisyon na magregalo ng ginto hindi lamang sa Valentine’s Day, kung hindi pati sa ibang mahahalagang okasyon gaya ng birthdays, o kaya graduation day ni bunso.

Siguro Suki, isang bagay na pumipigil sa pagreregalo ng ginto ay ang karat value nito. Natatakot ka siguro na sabihin ng iba na magreregalo na nga lang tapos hindi pa purong ginto iyong binili. Pero, don’t mind the haters! Lagi mo lang tandaan na nagreregalo ka hindi para sa iba kung hindi para sa taong mahal mo.

Hulihin ang tunay na halaga ng pagreregalo gamit ang gold jewelriesPhoto courtesy of Nicole Michalou via Pexels

Ang tunay na halaga ng pagreregalo ay hindi nasusukat sa mga value, kung hindi sa intensyon ng nagbibigay nito. Hindi man ganoon kataas ang value ng ireregalo mong gold jewelries, pero gaya ng nabanggit, maari mo pa rin itong i-invest dahil nga hindi naman ito nalalaos. At higit sa lahat, laging naririyan ang gold sa iyong buhay.

Step up your game sa gift-giving sa tulong ng gold jewelries na available sa partner mong Palawan Pawnshop na 36 years nang nagbibigay ng walang-kuskos na balungos na serbisyo sa Pilipinas.

Ngayon Valentine’s Day, iparamdam sa iyong partner kung gaano sila kahalaga sa’yo gamit ang ginto. Dahil bukod sa napakagandang dating nito, maaari niyo rin itong gamitin bilang investment sa hinaharap.

Learn more about making practical and wise decisions in life sa tulong ng Palawan Pawnshop.

Share: