-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Make Lasting Memories with these 9 Graduation Day Activities
March 19, 2021
Marso na naman ngayon, Suki! Nakikita mo na ba ang mga relatable na eksena ngayong graduation season? Ang maka-graduate ay isa sa mga milestones sa buhay ng isang tao. Kindergarten o university graduation man iyan, isang malaking achievement ‘yan!
Hindi lang naman dapat ito i-celebrate dahil sa diploma o awards na natatanggap sa graduation day. Mahalaga ito dahil patunay ito na nagbunga ang lahat ng pagsisikap ng anak mo sa pag-aaral niya kahit pa nangangahulugan ito ng ilang gabing walang tulog o walang kain kaka-review o kakagawa ng mga school requirements.
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Ngayon din ba ang graduation ni bunso at naghahanap ka ng memorable things to do kasama sila? Kung oo, no need to worry, suki. Handog ng Palawan Pawnshop ang 9 ideas na pwede mong gawin para sa iyong graduating na anak to make them feel special during and after ng kanilang commencement exercises.
Kindergarten at Elementary Graduates
1. Gumawa ng memory album
Photo courtesy of Dominika Roseclay via Pexels
Bilang isang proud parent, for sure, kada maliit na achievement ng iyong bulilit ay lagi kang may picture. Kaya para makita mo, ng anak mo, at ng ibang tao ang kanyang victories leading to graduation, gumawa ng memory album na naglalaman ng pictures at descriptions tungkol dito. Samahan na rin ito ng short messages mula sa adviser, teachers, at classmates ni bunso pati na rin mula sa family members at relatives ninyo.
2. Picnic celebration
Photo courtesy of Agung Pandit Wiguna via Pexels
I-level-up ng kaunti ang usual na graduation celebration salu-salo nang hindi gumagastos ng malaki. Isa sa mga family activities na pasok sa budget ay ang picnic. Pumunta sa isang park o beach at doon i-celebrate ang graduation day ng anak. Mahalaga ang outdoor activities sa mga bata para makapag-relax at makapaglaro din sila matapos ang mga school activities nila at mapahinga mula sa paggamit ng gadgets.
3. Movie at popcorn night
Photo courtesy of Vidal Belielo Jr. via Pexels
Kung staycation graduation celebration ideas naman ang hanap mo, Suki, magandang option ang movie at popcorn night sa bahay. Hayaang ang graduation celebrant ang pumili ng movies na papanoorin niyo ng pamilya.
Payagang magpuyat kahit konti ang mga bata bilang reward nila sa kasipagan nila sa school dahil pagdating nila sa high school, school requirements na ang pagpupuyatan nila. Maghanda ng popcorn at iba pang snacks, patayin ang ilaw, at i-enjoy ang movie night!
Senior High School Graduates
4. Magregalo ng simpleng gold jewelry
Photo courtesy of Godisable Jacob via Pexels
Ngayong dalaga o binata na ang anak mo, bakit hindi sila regaluhan ng affordable pero special gold jewelry? Para maka score ng special pieces of gold na hindi masakit sa bulsa, pumunta sa Palawan Pawnshop para sa kanilang bili-sangla service kung saan ang mga narematang alahas ay pwedeng mabili.
5. Go for an adventure
Photo courtesy of Film Bros via Pexels
High school ang sinasabing pinakamasayang phase sa buhay ng isang estudyante. Kadalasan na dito nangyayari ang mga “firsts” ng isang tao na nakakatulong sa kanila na higit pang makilala ang sarili. First gala sa mall nang hindi kasama ang mga magulang, first overnight sa bahay ng classmate para sa group project, first love, at minsan, pati first heartbreak.
Pagkatapos ng graduation day ng anak mo, bakit hindi kayo mag-adventure sa iba’t-ibang Philippine destinations? Halimbawa, mag-roadtrip, hiking, o island visit sa lugar na hindi pa ninyo napupuntahan. Ang mga adventure na ito ay tutulong sa inyo na higit na makilala ang mga anak niyo at maturuan sila ng mga practical lessons sa buhay na kakailanganin nila kapag nag-college na sila.
6. Regaluhan sila ng ticket sa isang gig o concert ng gusto nilang local band
Photo courtesy of Oleg Magni via Pexels
May favorite bang local band ang anak mo, Suki? Yung tipong pinapakinggan at sinasabayan pa niya sa pagkanta kapag nag-aaral o gumagawa ng gawaing bahay? Kung sakaling malaman mong may gig o concert sila at may extra budget ka pa mula sa kanilang graduation day celebration, bakit hindi i-surprise ang anak ng isang gig o concert ticket?
Pero huwag kalimutang turuan sila na maging responsable kapag umattend sila ng gig o concert lalo na kung hindi kayo ang kanilang kasama. Kapag na-feel ng mga anak niyo na willing kayong suportahan sila pati sa mga gusto nila, for sure, mapapasaya niyo sila at sa paningin nila, kayo ang coolest parents in the whole wide world! At ang pagkaalam nito ay isang feeling na hindi matutumbasan ng anumang bagay.
7. Gumawa ng video compilation
Photo courtesy of Teono123 No via Pexels
Ang isa pang graduation gift na pwede mong iregalo sa anak mo na high school graduate ay compilation video ng high school life niya na may kasamang short video clips mula sa mga classmates, friends, family, at teachers niya. Gawing background music ang favorite songs niya para mas ma-touch sila sa iyong graduation gift. Kung sakali mang mag-dodorm ang anak mo sa pagpasok niya sa college, at least, pwede niyang i-save at panoorin ito sa kanyang laptop o cellphone ang video na ito lalo na kapag naho-home sick siya. Malayo man siya sa inyo, pakiramdam niya ay kasama pa rin niya kayo.
College at Post-Grad Graduates
8. Regaluhan sila ng appliance o gamit na kakailanganin nila
Ang pag-graduate sa college o post-graduate studies ay nangangahulugan ng pag-welcome sa adult life. Kaya naman, kung bubukod na sa bahay niyo ang fresh graduate na anak mo para magtrabaho, bakit hindi kayo pumunta sa mall para mag-shopping date at regaluhan siya ng isang simple pero useful na appliance o gamit na kakailanganin nila? Tiyak na ma-a-appreciate ng anak niyo ang praktikal na graduation day gift niyo para sa kanya.
9. Go on a dinner date kasama ang graduate
Photo courtesy of Elina Sazonova via Pexels
Minsan, sa bilis ng panahon, nagugulat ka na lang na ang anak mong baby pa noon ay adult na ngayon. Kung pwede lang sanang pigilan ang panahon para ma-enjoy mo ang bawat sandali na kasama sila, pero syempre, darating ang puntong kailangan mo silang i-let go para ma-experience nila ang mundo.
Kaya naman after ng kanilang commencement ceremony at graduation celebration kasama ng ibang mga kamag-anak at kaibigan, bakit hindi sila imbitahan sa isang special dinner date sa isang restaurant? Regaluhan sila ng simpleng bouquet of flowers o iba pang token of appreciation. Sa quiet at formal setting na ito, sabihin sa kanila kung gaano kayo ka-proud sa mga achievements nila.
Hindi naman kailangang laging bongga ang activity na gagawin sa graduation day ng inyong anak para lang maging memorable ito sa inyo at sa kanila. Ang kailangan lang talaga ay maipadama mo sa kanila kahit sa simpleng paraan na mahal mo sila at proud ka sa lahat ng achievements nila sa buhay.
At kung sakaling magipit ka ng kaunti para sa pinaplano mong memorable activity kasama ng iyong anak sa kanilang graduation day, pumunta ka lang sa Palawan Pawnshop. Dito, pwede ka magsangla ng ginto at magkaroon ng karagdagang pera para sa espesyal at minamahal mong fresh graduate na anak.
Mula sa amin sa Palawan Pawnshop, saludo kami sa lahat ng mga magulang at graduates ng Batch 2020! Congratulations at maligayang pagtatapos!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024