-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
12 Wais Grocery Shopping Tips to Save Money this 2020
March 19, 2021
Ngayong love month ng February, hindi lang mga tao ang nagmamahal, pati mga bilihin nagmamahalan din. Para sa isang wais na Suki tulad mo, siguradong mahalagang malaman ang iba’t-ibang money management tips to save money the best way possible.
Kadalasan ang isa sa pinaka-pinagkakagastusan ng mga tao ay pagkain at groceries dahil ito ay basic need ng bawat pamilya. Pero syempre sa hindi naman excuse ito para maging isa kang spendthrift na mamimili. Kaya naman, handog ng Palawan Pawnshop ang 12 wais tips to save money on groceries nang hindi sinasakripisyo ang pangangailangan at kaligayahan ng iyong pamilya.
1. Gumawa ng grocery list at sundin ito
Photo courtesy of picjumbo.com via Pexels
Bago umalis ng bahay para mag grocery, mag-inventory check ng mga stock mo sa bahay nang sa gayon ay hindi ka mag-overbuy. Kapag gumagawa ng detalyadong grocery list na naglalaman ng iyong pangangailangan, magandang maghanda ka rin ng inyong weekly menu plan para ma-determine mo na kung anong mga fresh products ang dapat mong bilhin sa halip na bilhin ang mga ito tapos ay itatabi mo lang sa inyong ref hanggang sa ito ay maluma at mabulok.
Matutulungan ka rin ng isang grocery list na mag-stick sa financial limit na tinakda mo para sa iyong grocery shopping. Sundin ang iyong budget sa pamamagitan ng pagbili ng grocery items na nakalista sa iyong grocery list. Kung may sale item kang nakita pero wala ito sa iyong listahan, ‘wag mo muna itong bilhin para hindi ka lumagpas sa iyong budget.
2. I-round-up ang price
Para sa wais na budget tracking habang nasa grocery, ilista at i-tally sa calculator ang round-up price ng kada item na ilalagay mo sa iyong cart. Halimbawa, kung Php195.50 ang halaga ng isang item, gawin itong Php196. Kapag ginawa mo ito, may approximate idea ka kung magkano na ang babayaran mo sa counter at mas matutuwa ka dahil for sure mas mababa ang tunay na babayaran mo kumpara sa nakalagay sa calculator mo dahil naka-round up ang prices na nilista mo. Sa pamamagitan nito, matitiyak mong under budget ang magagastos mo every time na ikaw ay nag-grocery shopping.
3. Bumili nang maramihan
Photo courtesy of Tim Mossholder via Pexels
Magandang bumili ng mga canned goods at iba pang dry goods tulad ng sardinas, corned beef, noodles, mantika, asukal, shampoo, sabon, at toilet paper in bulk kapag ito ay on sale dahil mahaba ang shelf life nito. Kung magka-emergency at walang pagkain o pambili ng pagkain, makakatulong ang stocked foods na ito para hindi kayo magutom. Tignan lang maigi ang expiration dates ng mga grocery items na bibilhin mo in bulk para matiyak na hindi ka malulugi kung bibilhin mo ito.
4. Ipagkumpara ang presyo ng iba’t-ibang tindahan
Malamang may favorite kang grocery store dahil mas konti ang tao dito o dahil mas malapit ito sa bahay niyo. Pero ang isang paraan to save money ay piliin ang grocery store kung saan ka mas makakamura.
Kapag nakagawa ka na ng iyong grocery list, maglaan ng oras na bisitahin ang iba’t ibang grocery stores na malapit sa inyo at ikumpara ang mga presyo nila. Makakatulong ito sa’yo na madetermine kung saang shop ka mas makakamura para sa specific na mga products.
Kapag tapos na ang iyong research, saka ka mamili sa mga stores na ito para sa produktong mas mura nilang binebenta. Magandang i-apply ang tip na ito kahit pa sa palengke ka lang mamimili.
5. Ikumpara ang presyo per equivalent unit ng mga grocery items
Photo courtesy of Waldemar Brandt via Pexels
Isang pang shopping strategy to save money on groceries ay ang pagkukumpara ng presyo ng mga grocery items per equivalent unit. Minsan kasi, mukhang mas mura ang isang produkto pero pag tiningnan mo ang presyo nito per equivalent unit, marerealize mong mas mahal ito kaysa sa produkto na iba ang tatak. Sa tulong nito, malalaman mo kung anong mas produkto ang mas mura o kung dapat bang bilhin mo ang isang grocery item in bulk o patingi-tingi na lang.
6. Huwag isama ang mga chikiting
Kadalasan, mga chikiting ang mahilig maghabol at magdagdag sa bilihin na hindi nakalista sa iyong grocery list. Para maging stress-free ang iyong grocery shopping experience nang walang batang nagmamaktol dahil hindi niyo bibilhin ang gusto niyang snacks, ‘wag na silang isama kapag namimili ka.
Kung gusto mo talagang isama ang mga chikiting sa iyong pamimili para matuto sila, i-apply ang finance tips for kids na ito para turuan sila na maging disiplinado at marunong sa pera bago sila sumama sa iyong pamimili sa grocery man o sa palengke.
7. Gulay mo, itanim mo
Photo courtesy of Binyamin Mellish via Pexels
Undeniably, kung maglalagay ka ng herbs tulad ng basil, thyme, at rosemary sa iyong mga lulutuin, mas sumasarap ito. Pero, minsan mahal ang mga ito sa grocery stores. Ang good news Suki, pwede kang magtanim ng mga herbs na ito sa isang paso para to save money. Ang better news, may iba’t-ibang gulay na madaling itanim sa bahay. Kung gagawin mo ito, hindi ka lang makakatipid, kundi makakasigurado ka pang fresh at healthy ang gulay na ihahain mo para sa iyong family.
8. Maging creative sa pagluluto
Minsan feeling mo wala ka nang mailuto dahil pakiramdam mo wala kang ingredients na pwedeng iluto at kailangan mo nang mamili sa grocery. Pero baka kailangan mo lang maging creative sa mga food stock mo sa bahay, suki. Malay mo baka may maimbento kang masarap na dish para sa iyo at sa iyong pamilya gamit ang mga on-hand ingredients sa bahay niyo.
Kung wala naman ang isa o dalawang ingredient sa iyong bahay para sa isang menu na gusto mong iluto, baka naman pwede mo pa ring iluto ang nasa isip mong ulam kahit wala ang mga ito o baka pwede kang mag-substitute ng ingredients na meron ka sa iyong bahay. Sa tulong nito, magiging mas creative na manluluto ka.
9. Alamin kung anong prutas at gulay ang in season
Photo courtesy of Caio Resende via Pexels
Isa pang hack to save money on groceries ay ang pamimili ng mga gulay at prutas na in-season. Kadalasan na, kapag in-season ang mga bibilhin mo, mas mura ito at mas malinamnam.
Pwede ka ring bumili in-bulk ng ilang prutas at gulay at gawin itong jams o pickles para pagkakitaan o bilang pandagdag sa stock ng pagkaing meron ka sa bahay nang sa gayon ay mas makatipid ka.
10. Mamili ng fresh goods sa palengke
Ang isang shopping strategy to save money on groceries na pwede mong subukan ay ang pamimili ng prutas, gulay, karne, at isda sa palengke. Kadalasan nang mas sariwa ang mga fresh goods sa palengke kaya magandang mamili rito kumpara sa mga grocery stores. Pumili ng tindera na nagbebenta nang mas mababa pero sariwang produkto at sikaping maging suki ka nila. Medyo matrabaho ito ngunit makakatulong ito sa’yo at sa family mo to save money. Kung may suki kang tindera sa palengke, mas madaling makakahingi ng tawad kaya mas makakapag save ka ng money.
11. Panatilihing simple ang menu
Photo courtesy of Engin Akyurt via Pexels
Bagamat masarap sa pakiramdam na maghanda ng garbong pagkain para sa iyong pamilya, kung lagi mo itong gagawin, masakit na ito sa bulsa. Kahit pa simple meals lang ang ihahain mo sa iyong family at friends, kung magiging creative ka lang at magluluto ka with love, mapapasaya mo pa rin sila at makakapag-save ka ng money. Isa pa, ‘wag magluto ng masyadong maraming putahe lalo na kung hindi rin ito agad mauubos para hindi ito i-stock sa ref ng matagal at masayang lang.
12. Gamitin ang ref at freezer
Kung iyong maayos na itatabi ang mga pagkain sa inyong bahay, mas tatagal ang shelf life nito kaya mas makakapag-ipon ka pa. Kapag namimili ng mga karne, ilagay ito sa freezer para mas tumagal ang shelf life nito. Para naman hindi masayang ang mga itinanim mong herbs, ilagay sa freezer ang mga na-harvest mo para hindi ito mabulok. Kung may leftover food naman kayo, ilagay ito sa ref para hindi mapanis makain pa sa kinabukasan o baunin ito sa trabaho sa halip na itapon ito o bumili ng pagkain sa labas.
Hindi kailangang mabutas ang bulsa mo Suki para mapaglaanan ang pangangailangan mo at ng family mo when you go grocery shopping. Kung magiging matalino ka sa paggamit ng iyong pera, hindi mo lang mailalaan ang needs nila, makakapag-ipon ka pa para sa inyong brighter future simula ngayong 2020. Kung may friendships ka ring nangangailangan ng tips na ito, i-share na ito sa kanila para lahat ay makapag-save ng money at maging happy!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024