Suki Guide sa Pagpili ng Swak Na Palawan Pawnshop Insurance

Blog

May 03, 2021

Insurance? Naku, dagdag gastos lang ‘yan!” Kung ganito ang paniniwala mo at ikaw ang breadwinner sa pamilya mo, isipin mo na lang kung ano ang mangyayari sa kanila kapag naaksidente ka at hindi mo na sila kayang suportahan. So ano, nganga na lang?

Kawawa at mahihirapan sila kung hindi ka na makakapag-hanapbuhay dahil sa aksidente o natsugi ka na. Kaya ka nga kumakayod dahil may pangarap ka para sa pamilya mo, ‘di ba?

Buti na lang, may Palawan Pawnshop ProtekTODO accident insurance kang maaasahan para sa todo-todong proteksyon sa presyong kayang-kaya mo. May tatlong insurance packages na pagpipilian, mga suki. Alin ang pinaka-swak sa pangangailangan mo? 

SULIT SOLO ProtekTODO: para sa manggagawang hindi regular ang kita 

Pinagkakasya mo lang ba sa pang-araw-araw mong budget ang maliit mong kinikita bilang tricycle o jeepney driver, construction worker o tindera sa bangketa? Alam mo bang kahit hindi regular ang kita mo, pwedeng-pwede kang magkaroon ng insurance sa halangang bente pesos (Php20) lang?

Yes, mga suki—tama ang basa ninyo! Bente as in dalawampung piso lang ang kailangan mo para protektahan ang iyong sarili.

Saan aabot ang bente pesos mo? Sa Sulit Solo ProtekTODO, malayo ang mararating nito! Eto ang mga benepisyong makukuha mo kung sakaling may mangyari sa ‘yo (*knock on wood):wood):

  • Php10,000 - death due to accident (including unprovoked murder and assault)
  • Php5,000 - death due to motorcycle accident
  • Hanggang Php10,000 - permanent disability or dismemberment

Kung madalas kang nagmo-motor pagpasok sa trabaho at pauwi sa bahay, malaking tulong ang motorcycle accident insurance sakaling magkaroon ka ng injury dahil sa aksidente. Covered na nito ‘yung kikitain mo sa mga araw na hindi ka makakapagtrabaho habang nagpapagaling.

Isang beses mo lang itong babayaran, covered ka na sa loob ng apat na buwan. Sulit na sulit! O ‘di ba, para kang naka-jackpot! 

PREMIUM SOLO ProtekTODO: para sa minimum wage earner na may pinapa-aral

Para sa mga security guard, traffic enforcer, kasambahay, factory worker, at iba pang minimum wage earners, eto naman ang insurance plan na swak sa inyo: ang PREMIUM SOLO ProtekTODO.

Sa halagang singkwenta pesos (Php50) na isang beses mo lang babayaran, protekTODO ka sa loob ng isang taon. May dagdag itong mga benepisyo para sa mga magulang at breadwinner na nagpapa-aral at gumagastos para sa mga estudyante sa pamilya.

  • Php2,500 - educational assistance for the beneficiary on death due to accident
  • Php5,000 - burial benefit on death due to accident
  • Php2,500 - cash assistance for death due to a natural cause or sickness
  • Php10,000 - death due to accident (including unprovoked murder and assault)
  • Php5,000 - death due to motorcycle accident
  • Up to Php10,000 - permanent disability or dismemberment

Kapag ito ang pinili mong Palawan Express insurance, makasisiguro kang makakatanggap ng tulong ang pamilya mo kung hindi mo na sila kayang suportahan dahil sa aksidente o kamatayan.

PREMIUM PAMILYA ProtekTODO: para sa breadwinner ng buong pamilya 

Kaya mo bang maglaan ng Php100 kada taon para sa insurance? Umaasa ba sa iyo ang buong barangay, este, pamilya mo? Eh di itodo mo na ang benepisyo mo! 

The best choice ang PREMIUM PAMILYA ProtekTODO para sa mga OFW, call center agent, may-ari ng maliliit na negosyo gaya ng sari-sari store, at iba pang breadwinners na sumusuporta sa kanilang asawa, mga anak, at pati mga kapatid at magulang. 

Maximum protection para sa buong pamilya ang maaasahan mo sa ProtekTODO package na ito. Bukod sa mga benefits na meron sa ibang Palawan insurance packages, may dagdag na fire assistance (Php5,000) para makabangon kayong muli ng pamilya mo sakaling masunugan kayo ng bahay.

Narito ang lahat ng benepisyong matatanggap mo o ng iyong pamilya under the PREMIUM PAMILYA ProtekTODO plan:

Paano mag-avail ng Palawan accident insurance

Nakapili ka na ba ng ProtekTODO insurance package na swak sa budget at pangangailangan mo? Pwede ka nang mag-enroll saan mang branch ng Palawan Pawnshop. Hindi na kailangang magpasa ng kahit anong papeles o requirements para sa insurance, kaya mabilis at madali ka lang makakakuha nito.

How to enroll for Palawan ProtekTODO insurance:

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch. 
  2. Sagutan at pirmahan ang ProtekTODO Enrollment Form.
  3. Bayaran ang halaga ng pinili mong insurance:
    • Php20 for SULIT SOLO 
    • Php50 for PREMIUM SOLO
    • Php100 for PREMIUM PAMILYA 
  4. Pirmahan at kunin ang Confirmation of Registration (COR) na ibibigay ng staff sa ‘yo.
  5. Itago mo ang COR. Ipapakita ang dokumentong ito tuwing magfa-file ng insurance claim.

Paano mag-claim ng insurance

Pwedeng mag-request ng claim ang beneficiary mo sa kahit anong Palawan branch within the coverage period ng insurance mo (4 months for SULIT SOLO / 1 year for PREMIUM SOLO and PREMIUM PAMILYA).

How to apply for ProtekTODO insurance claim:

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch. 
  2. Sagutan ang Notice of Claim.
  3. Ibibigay sa ‘yo ang listahan ng documents na kailangang ipasa sa loob ng 90 days from the date of incident.
  4. Kapag pinasa mo na lahat ng requirements at approved ang claim mo, makakatanggap ka ng text notification sa cell phone mo.
  5. Tanggapin ang pera na ire-release ng Palawan branch kung saan ka nag-file ng insurance claim.

Mag-enroll na sa ProtekTODO accident insurance plan!

Tatlo lang sa kada 10 Pilipino ang may insurance. Kung mapabilang ka diyan, isa kang wais na Pinoy! 

Mahal mo ang iyong pamilya kaya ka nagsasakripisyo para sa kanila. Ngayon pa lang, protektahan mo na sila para sa panahong hindi mo na sila kayang suportahan. Huwag ka nang magdalawang-isip pagdating sa insurance dahil kering-keri ‘yan ng budget mo. Dito ka na sa cheap insurance na hindi sasagarin ang bulsa mo. ProtekTODO ka sa Palawan Pawnshop!

Share: