-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Mga Hakbang Sa Online Selling Para Maging Patok Na Negosyo
May 10, 2021
Sa pagtaas ng mga bilihin, lalo na sa nakaraang buwan ng Mayo, ano pa kaya ang mga dapat gawin para kumita ng dagdag na pera?
Isa sa patok na negosyo sa pilipinas ang pagtayo ng sariling online shop. Mapa-gadget, accessories, o damit — handog ng Palawan Pawnshop ang step-by-step guide na ito kung paano magsimula ng negosyo gamit ang Internet at social media.
Hakbang Sa Online Selling:
- Pumili ng produkto na ibebenta
- Humanap ng katiwalang supplier
- Alamin at aralin ang kompetisyon
- Mag-research tungkol sa target market
- Humanap ng madali na payment option
- Pumili ng maayos na delivery system
- Mamili ng online platform para magbenta
- Mag-isip ng catchy name para sa online shop
- Invest in good quality photos
- Magsulat ng engaging captions
- Makipag-usap sa mga customers
- Humingi ng customer reviews
- Pursue and don’t give up
1. Pumili ng produkto na ibebenta
Photo courtesy of Muffin via Pexels
Ang pinakaunang step kung paano gumawa ng online business ay ang pagpili ng kung ano ang ibebenta mo online. Pwede ka mag-benta ng produkto na uso at patok na patok ngayon? Tulad ng 2014, nauso ang pagkuha ng selfie kaya marami ang kumuha ng opportunidad para magbenta ng monopod at selfie stick. Dahil marami ang interesado kumuha ng pak na pak na selfie, marami rin sa mga online seller ang mabilis kumita online.
Kung ayaw mo naman maki-uso sa trends, pwede ka naman ay magbenta ng unique at one of a kind na produkto na nahahanap lang sa lugar niyo. Kung magaling at mahilig ka magluto o mag-bake, pwedeng-pwede rin ito maging paraang kung paano magsimula ng negosyo sa loob lang ng bahay.
Kung tutuusin, marami talagang bagay na pwedeng ibenta online, suki. Kailangan mo lang talaga mamili ng bagay na gusto mo at kaya mong ibenta online.
2. Humanap ng katiwalang supplier
Photo courtesy of Nicole Law via Pexels
At dahil alam mo na ang gusto mong i-benta sa iyong online shop, ngayon naman ay kailangan mo na maghanap ng supplier ng iyong produkto. Maraming mga wholesale provider na willing maging direct supplier for online shop. Kailangan lang ay kausapin sila para makakuha ka ng mura at sulit na deal para sa iyong online shop.
Para makahanap ng supplier, maraming offers sa mga sites tulad ng OLX, Lazada, at Shopee. Meron rin mga online pages ang mga suppliers na ito tulad ng Facebook at Instagram.
Pero kung gusto niyo naman makita mismo ang produkto na iyong bebenta, pwede kayo mamili at makipag-negosyo sa mga bagsakan ng mga murang paninda tulad ng Baclaran, Divisoria, o Taytay.
3. Alamin at aralin ang kompetisyon
Photo courtesy of Lukas via Pexels
Hindi maiiwasan ang kompetisyon sa negosyo, suki! Isang matalinong strategy kung paano kumita online ay ang pag-research sa mga ka-kompitensya mo ng paninda. Hanapin mo sila sa social media tulad ng Facebook o Instagram. Kung ikaw ay re-seller ng mga damit, tignan ang mga online shop na may ka-pareho ng paninda o produkto. Aralin ng mabuti kung ano ang mga ginagawa nila para kumita online.
Sa pag-aaral kung paano gumawa ng online business ang iyong mga ka-kompitensya ay makakakuha ka ng ideya o inspirasyon mara mapabuti ang iyong negosyo. Kung sa tingin mo ay kulang ang mga discount o offer ang isa, pwede mo ito gamitin to your advantage at mag-offer ng mga sulit na deals para sa iyong magiging customers. Sa pagsaliksik sa mga competitors ay malalaman mo ang mga bagay kung saan ka magfo-focus para ma-iba at mag-stand out ang iyong online business.
4. Mag-research tungkol sa target market
Kung alam mo na ang mga competitors mo sa iyong online business, ngayon ay aalamin mo na ang iyong target market. Ang target market mo ay ang mga tao o grupo ng tao na bebentahan mo ng iyong mga produkto.
Ang pagkilala sa mga bebentahan mo ay isang siguradong paraan kung paano kumita sa online shop. Para makakuha ng specifc target market sa iyong produkto, alamin sa mga competitor ang mga madalas bumibili ng produkto nila. Para makuha ang specific na target market, alamin ang kanilang gender, edad, at interests para madali mong makuha ang kanilang atensyon online. Kung kilala mo ang iyong mga customer, madali silang makaka-relate sa iyo at sa iyong mga posts kaya’t siguradong malakas benta mo dahil alam mo na kung paano paano kumita sa online shop.
5. Humanap ng madali na payment option
Isang konsiderasyon sa kung paano magsimula ng negosyo ay kung paano magbabayad ang mga customers para sa kanilang binili. Isang madaling paraan ay magbukas ng panibagong account sa isang banko at doon ay pwede silang mag-deposit o mag-transfer ng kanilang bayad. Kung hindi naman pwede ang bank transfer, pwede mo i-suggest na lumapit sa pinaka-malapit na pera padala o pawnshop para magbayad.
Tulad ng Palawan Pawnshop, dahil sa nationwide stores at branches ay pwedeng-pwede mag-padala to bank account ang iyong mga buyers para safe at sigurado ang kanilang padala. Kailangan lang nila pumunta sa pinaka-malapit na Palawan Pawnshop branch, mag-fill-out ng form, at magbayad ng amount na kailangan.
Paalalalahan na rin natin ang customers natin na kailangan nila magdala ng mga sumusunod na type of IDs accepted sa ating branches tuwing magproprocess ng transaksyon:
- Driver’s license Person with Disability (PWD) ID Card
- Government Service Insurance System (GSIS) E-Card
- Social Security System (SSS) Card
- Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
- Pag-Ibig Loyalty Card
- Voter's ID
- Senior Citizen ID
- School ID
- Philhealth Insurance Card
- Company ID
- Barangay ID
- Barangay Clearance or Certificate Tax Identification Number (TIN)
- DSWD Certification or 4P's ID
Hindi niyo kailangan mag-alala dahil ang Palawan Pawnshop ay partners sa halos lahat ng banko sa Pilipinas kaya pwedeng-pwede silang magbayad at nag-transfer agad sa iyong bank account. Sobrang simple at dali lang ‘di ba, mga suki?
Ingat lang sa pagbahagi ng impormasyon, suki! Siguraduhin muna na sila ay sure-buyer bago ibigay ang iyong bank details at personal information. Gawin din na requirement at pag-picture ng resibo kapag nakapag-deposit o nakapag-transfer na ang buyer ng pambayad sa kanilang binili.
6. Pumili ng maayos na delivery system
Dahil walang physical store ang mga online shop, kailangan ay humanap ka ng paraan para i-deliver ang iyong mga produkto. Marami na ang mga delivery system at mobile na app na pwede gamitin para maipadala ng maayos ang iyong produkto.
Isang trick kung paano kumita sa online shop at mapadali ang pagpapa-deliver mo ng produkto ay ang bulk delivery. Mag-set ng deadline kung hanggang kailan pwede magbabayad ang mga customer para umabot sila sa delivery date ng linggo o buwan na ito. Gawin mo ito para maayos ang pag-kolekta ng bayad at pagpapadala ng produkto na ayon sa schedule mo.
7. Mamili ng online platform para magbenta
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Ngayon at alam mo na paano sumali sa online business, oras na para simulan ang pagbenta! Marami nang paraan at platform para magtayo ng online shop. May mga online stores na sa social media tulad ng Facebook, Instagram, at kahit sa Twitter! Pwede rin gumamit ng mga ecommerce platform tulad ng Lazada, Shopee, OLX, BeautyMNL, at iba pa para mag-benta. Kung nasaan ang na-research mo na target market ay doon ka mag-focus at mag-push ng bentahan.
8. Mag-isip ng catchy name para sa online shop
Sa paghanap ng platform para kumita online , siyempre kailangan gumawa at mag-isip ng pangalan para sa online shop mo. Mag-brainstorm ka ng mga possibleng business name na bagay sa mga bebenta mo. Kung hindi mo kaya mag-isa, humingi ng tulong sa mga kaibigan at pamilya. Baka may magagandang suggestion sila para maging matunog ang pangalan ng iyong online shop. Malay mo, sa witty name pala ng online shop mo ang susi kung paano kumita sa online shop.
9. Invest in good quality photos
Photo courtesy of Lisa Fotios via Pexels
Dahil online ang bentahan, kailangan Instagrammable at share-worthy ang mga picture na ipo-post mo online, suki! Siguraduhin na malinaw at nasa focus ang mga kuha sa produkto.
Kung damit ang ibebenta, magbigay ng iba’t ibang klase ng shot. Isang malayo na kita ang damit, isang malapitan para makita ang quality o kapal ng damit, at isa naming naka-suot sa model para makita ng customer ang itsura ng produkto.
Kung pagkain naman ang ibebenta, gawin naman na maayos at katakam-takam ang mga kuha para makuha ang atensyon ng makakakita at mapapabili sila sa tingin pa lang.
10. Magsulat ng engaging captions
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Para suportahan ang mga magagandang kuha mo sa produkto, kailangan pak na pak rin ang caption na iyong isusulat. Ilagay ang mga detalye ng produkto mo. Ano ang mga special features nito? Anong tela ang ginamit? Anong size at length nito? Importante na sabihin mo ang unique and wow factor ng binebenta mo. Tandaan, mga suki. Hindi makikita in person ng mga interesado bumili ang binebenta mo. Kaya kailangan i-supply mo sa kanila lahat ng kailangan nila malaman.
Ilagay mo rin sa caption kung paano sila makaka-order at makakabyad para isahang post ay alam na nila agad. ‘Wag mo rin kalimutan maglagay ng ‘Call to Action’ tulad ng “Buy now!” o “Contact us!” para ma-enganyo sila mag-message at bumili.
11. Makipag-usap sa mga customers
Photo courtesy of Roman Pohorecki via Pexels
Ang malupit na sikreto kung paano kumita sa online shop ay ang pakikipag-usap at pagkilala sa mga interesado at bumibili sa iyong online shop. Sa kahit anong interaction o engagement na gawin nila sa shop mo ay sagutin mo, suki. Kung nagtanong sila sa comment, mag-reply ka agad. Kung nag-private message sila, sagutin kung kalian ka pwede. Kung anuman ang tanong o concern nila ay dapat maka-sagot ka.
Kung madalas at suki na sila online shop mo, all the more na kailangan makipag-usap sa kanila at kilalanin. Alagaan ang mga loyal customers ng iyong shop, suki! Isa itong paraan para maparamdam sa kanila na mabait at mapagkakatiwalaan kang online seller.
12. Humingi ng customer reviews
Kapag may mga bumili at nakasubok na ng iyong produkto, hingan mo sila ng review. Ayon sa pagsusuri, marami ang na e-enganyo bumili lalo na kapag nakita nila na may iba nang sumubok at natuwa. Paraan ‘to ng mga interesado na i-sigurado na kalidad ang binebenta mo.
Hingan ang mga dati mong buyers ng maikling message tungkol sa produkto na binili nila sa’yo. O kaya ay kung kumportable sila, mag-picture or mag-video sila kasama ang binili nila at i-post mo sa social media. Ito ay para makita ng iba na maraming bumibili sa’yo at ma-enganyo rin sila na ito’y subukan.
13. Pursue and don’t give up
Alam ng Palawan Pawnshop na mahirap talaga ang kumita sa online shop, suki. Pero sipag, oras, at tiyaga lang ay tiyak na bubunga ang lahat ng iyong sakripisyo at hirap. Sana makatulong ang guide na ito kung paano magsimula ng negosyo at kumita ng extra para sa pamilya. Goodluck, mga suki!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024