Hassle-Free Guide Para Inyong Makahulugang Visita Iglesia

Blog

May 12, 2021

hassle-free-visita-iglesia

Tradisyon na sa mga maraming Katoliko ang magkaroon ng panata kapag Holy Week o Semana Santa. Maraming ginagawa ang mga tao para magdasal at ipakita ang pakikiramay nila sa paghihirap ng Panginoon.

Isa sa pinakamakatagal na panata ay ang pagbabasa ng Pasyon o ang pagkanta at pag-kwento ng buhay ni Hesus. Para naman sa mga malakas ang loob ang penitensya kung saan sinasaktan ng tao ang sarili gamit ng laso hanggang tadtad na ng sugat ang likod. May iba naman na extreme na nagpapa-pako na sa krus tulad ng naranasan ni Hesus sa kanyang paghihirap. Meron din namang simple at ligtas na mga penitensya tulad ng Senakulo, Alay Lakad, at Visita Iglesia.

Relihiyoso man o hindi, maraming Katoliko pinilipili ang Visita Iglesia o Station of the Cross bilang panata nila kada taon. Kahit na panata, ang pagbibisita sa 7 simbahan ay nagsisilibi na ring outing o bonding experience ng barkada o pamilya dahil karamihan ay walang pasok kapag Holy Week at bumabiyahe pa sa malalayong lugar para makumpleto ang panata.   

Kahit saan ka man pumunta para matapos ang panata, naghanda kami ng mga tips para mas komportable ang Visita Iglesia niyo ngayong Holy Week 2019!

Magsuot ng presko na damit at sapatos

Visita iglesia guide

Photo courtesy of Francesco Paggario from Pexels.com

Kailangan cool ang suot mo para sa panahon. Hindi naman kailangan bihis na bihis, pero kailangan presko ang suot mo. Sa init ng araw at dami ng tao sa mga simbahan, kailangan komportable ang damit mo para hindi pawisan at sobrang pagtaas ng body temperature. Pero kahit na kailangan presko, tandaan na iwasan pa ding mag-shorts sa simbahan. Mag-suot pa rin ng damit na appropriate sa simbahan bilang respeto.

Magpa-load na ng cellphone

Girl using cellphone

Photo courtesy of Porapak Apichodilok from Pexels.com

Nakaka-panic kaya ‘pag walang load, ‘di ba mga suki? Bumili muna ng cellphone load bago umalis para madaling makausap at matawagan ang mga kasama mo. Kahit idamay mo na rin sila sa pagpapa-load mo, suki! Mas mabuti nang ready sa mga pwedeng mangyari kaya magpaload na sa pinakamalapit na e-loading station sa inyo. Mag-register na rin kayo sa mga promo na all-text o tawag para hindi na magdalawang-isip sa pag-contact kung sakaling nagkahiwalay o nagkawalaan kayong magkakasama.

Kumain para sa sapat na lakas

Meals sharing

Photo courtesy of rawpixel from Pexels.com

Ang Holy Week ay panahon din ng fasting o abstinence pero kung may biyahe kayo sa malayo o diyan lang sa malapit, siguruhing may sapat na kain para may lakas at sigla kayo sa mahaba-haba niyong araw. Ang mga kalaban niyo sa Visita Iglesia ay ang init, traffic, at dami ng tao sa labas.

Paalala lang mga suki! May mga baranggay o simabahan na sinasara ang daan, lalo na kapag kilala ang simbahan para sa Visita Iglesia. Kung hindi naman sarado o makitid ang mga daan ay karaniwan ubos ang parking space kaya mapipilitan ka talagang maglakad ng malayo.

Kaya kumain nang sapat para ihanda ang katawan sa Visita Iglesia.

Magbaon ng pagkain

Magbaon ng pagkain

Photo courtesy of Keegan Evans from Pexels.com

Kahit kumain ng marami bago umalis, siguraduhin na mag-baon ng pagkain. Kung buong araw ninyo plano mag-Visita Iglesia ay sigurado na bababa ang energy ninyo at kakailanganin mag-recharge! Para ganahan pa ipagpatuloy ang Visita Iglesia, magdala ng snacks na nakakabusog tulad ng sandwich para lang mabawi ang pagod. Basta alalahanin na ‘wag magdala ng pagkain na madaling mapanis o makalat para iwas hassle sa pagbitbit at biyahe.

I-full charge ang phone at powerbank

I-full charge ang phone at powerbank

Photo courtesy of Lukas from Pexels.com

Hindi lang sa phone, pero lahat ng kailangan mo buong araw na de-baterya ay i-charge na hanggang ma-full battery. Mahaba ang araw ninyo pag Visita Iglesia, hindi madali makahanap ng saksakan sa mga simbahan o stop na pupuntahan. I-charge at dalhin na ang mga powerbank ninyo para on-the-go palagi at tuloy-tuloy ang  pagpa-panata ng Visita Iglesia.

Magbitbit ng payong kahit rain or shine

Magbitbit ng payong kahit rain or shine

Photo courtesy of Zainab Aamir from Pexels.com

Sa pabago-bagong panahon, hindi ka  sigurado kung maaraw ba ngayon o uulan mamayang hapon. Magdala ng sariling payong para iwas sa init ng araw at ambon. May ibang mga simbahan na sa labas nilalagay ang Station of the Cross. Ito ay para maging maluwag at tahimik para sa mga gustong magsimba at magdasal ng taimtim sa loob. 

Magdala ng maraming tubig

Magdala ng maraming tubig

Photo courtesy of i love simple beyond from Pexels.com

Isa ‘to sa mga basic travelling tips na kailangan malaman bago bumiyahe. Importante ang tubig sa katawan natin lalo na ngayong summer! Nakakapagod ang umikot sa pitong simbahan sa iisang araw. Magdala ng sariling tubig para hindi ma-dehydrate at hindi agad mapagod. Mas matipid magdala ng sarili kaysa bili nang bili ng plastic bottle kada simbahan na pupuntahan ninyo.

Dalhin o bumili na ng prayer booklet

Dalhin o bumili na ng prayer booklet

Photo courtesy of rawpixel from Pexels.com

Ang Way of the Cross o Ang Daan ng Krus ay ang Stations of the Cross guide para sa pagdadasal. Nakalagay dito ang 14 station na bibisitahin at dadasalan para makumpleto ang panata ng Visita Iglesia. Marami naman ang naglalako ng booklet sa simbahan pero mas mainam na handa na bago ang mismong araw ng Visita Iglesia o dalhin ang dati nang nagamit na prayer booklet.

Magbaon ng pamalit na damit

Sa init at haba ng araw, siguradong dugyot, pawis, at haggard ka na pagdating ng huling simbahan. Magdala ng extrang damit na pamalit o t-shirt at bimpo para hindi matuyuan ng pawis at magkasakit kinabukasan. Para na rin presentable kahit na buong araw ka nasa labas at naglalakad sa ilalim ng init ng araw.

Kung isa ka sa mga may balak na subukan o ipagpatuloy ang panata na ito, sana makatulong itong guide to Visita Iglesia. Pero sa lahat ng ihahanda mo, ‘wag kalimutan na dapat ang pinakahanda ay ang sarili mo para madama ang dahilan o kung para kanino kaya’t ginagawa mo ang panata na ito. 

Share: