Hassle-Free Investments Para Sa Financially Secure Future

Blog

May 10, 2021

hassle-free-investments-ft-img

Maraming challenges ang dinala ng pandemya hindi lamang sa aspeto ng kalusugan. Dahil sa mga lockdowns, maraming mga negosyo ang naapektuhan. Ang ilan sa kanila ay nag-lay off ng mga empleyado, at ang iba nama’y tuluyang nagsara.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na bukod sa paghahanap ng mas stable na trabaho o pandagdag na kita ngayong pandemya, marami sa atin ang naghahanap ng wais na investment.

In particular, dalawang factors ang hanap natin sa mga assets: iyong hassle-free at long-term. Marami sa atin ang hindi tumutuloy sa investment goals dahil natatakot sa risks, na-o-overwhelm sa maintenance ng assets, o na-i-insecure dahil wala silang masyadong kaalaman sa pag-i-invest. Kaya naman, gusto natin na ma-take advantage ang hassle-free opportunities, iyong mga madali lamang simulan o palaguin.

At the same time, gusto natin ang mga investments na maaasahan hindi lamang sa nalalapit na hinaharap o short term, kundi sa mga susunod na taon, especially sa gitna ng krisis. I-consider mo ang benefits ng long-term investments over short-term.

Short-Term vs Long-Term Investments

Ang short-term investments ay mga assets na maaari mong ibenta o i-convert into cash sa loob ng limang taon o less. Ang long-term investments naman, by its name, ay mga assets na maitatago mo sa mahabang panahon. Usually, makukuha mo ang strong returns nito pagkatapos ng limang taon o higit pa.

Kung pagtutuunan mo ang long-term investments, heto ang ilang mga advantages:

  • May oportunidad para palaguin nang husto ang pera. Kapag mas matagal kang namuhunan, mas malaking ang returns sa’yo. Imagine kung makuha mo ang returns sa iyong retirement. Hayahay ang iyong senior years.
  • Mapoprotektahan ka nito sa inflation. Again, lumalago ang iyong investment over time. Tumataas ang value nito. By the time na mapapakinabangan mo ang perang inilagak, malakas ang purchasing power mo sa market.

Ang good news, Suki, mayroong mga opportunities na pangmatagalan na, waley hasul pa! Heto ang ilang mga long-term investment examples na maaari mong subukan:

1. Gold

Isa sa mga safest investments sa gitna ng krisis ang gold dahil ito ay less volatile kumpara sa ibang mga assets, tulad ng stocks. Hindi ito tulad ng physical money o currency na nakakabit ang value sa lagay ng ekonomiya. Kung titingnan mo rin ang history ng asset na ito, consistent itong valuable sa market dahil nga ito ay isang precious metal. Ang returns sa asset na ito ay nakadepende sa price appreciation nito.

Sulit na investment ang gold dahil mataas ang demand para dito. Maraming mga industriya ang nangangailangan nito. Sa medisina, ginagamit ang gold nanoparticles sa rapid diagnostic tests. Sa electronics, ang ginto ay ginagamit na electricity conductor na common sa mga microchip ng laptops at telebisyon. Kung isasama mo ang long-term investment na ito sa iyong portfolio, maaasahan mo ang high demand para dito.

hassle-free-investments-1Photo courtesy of Syed F Hashemi via Unsplash

Bakit hassle-free ang investment na ito?

Maraming mga avenues para makabili ng gold: sa mismong jewelry stores, pawnshops, at sa mga kakilala mong nangibang bansa. Basically, it’s everywhere. Isa pa, liquid asset ang ginto. Mabilis mo siyang mai-co-convert into cash. Sa gitna ng krisis na kailangan mo ng pera para sa essential needs, maasahan mo ang asset na ito.

2. Real Estate

Mabuting long-term investment decision ang bumili ng property. Unang una, makakaasa kang tataas ang value nito habang tumatagal ang panahon. Ang bahay na ang halaga ay P1 milyon ngayon ay maaaring maging P10 milyon na ang halaga lima o pitong taon mula ngayon. Maaaring mas mataas pa kung ang location ng property na binili mo ay nag-develop nang husto. Dito pa lang, kita mo na agad ang malaking return of investment.

Tulad ng gold, mataas din ang demand para sa mga properties sa simpleng dahilan na ang shelter ay basic need. Sa panahong ito na lahat ay ina-advise na magstay sa kanilang mga tahanan, marami ang naghahanap ng disente at maayos na matitirhan. Kaya kung may natatanggap kang pera padala buwan-buwan galing abroad, ituon mo ito sa business investment na ito.

hassle-free-investments-2Photo courtesy of Scott Webb via Unsplash

Bakit hassle-free ang investment na ito?

Kapag bumili ka ng property, marami kang pwedeng gawin dito. Maaari mo itong paupahan nang short-term, iparenta sa mga turista o long-term, sa mga residents. Kung nakabili ka ng foreclosed property, pwede mo itong i-renovate at saka ibenta nang mas malaking halaga kaysa sa binili mo. Maaari ring wala ka munang gawin sa property. Gaya ng nasabi, tumataas pa rin ang value nito over time. At kung consistent ka sa pagbabayad ng iyong home loan, ma-bi-build mo ang iyong equity, funds na maaari mong gamitin sa ibang major expenses, tulad ng renovation o pag-aaral ng iyong mga anak.

3. Pag-IBIG MP2 Savings

Ang MP2 savings ay iba sa regular Pag-IBIG savings na hinuhulugan mo kada buwan by virtue of being an employee. Kung sa regular savings, ma-de-determine ang mortgage amount na makukuha mo kapag ikaw ay nag-apply for loan, sa MP2, na voluntary savings program, kikita ka dahil may garantiya ito na returns in the form of dividends.

Mataas ang earning interest ng savings account na ito. Noong 2017, nagtala ito ng 8.11% na dividend rate, ang pinakamataas sa history ng programa. Locked in ang funds mo ng minimum of five years. Maaari mong i-claim ang dividends annually pagkatapos ng period na ito.

hassle-free-investments-3Photo courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Bakit hassle-free ang investment na ito?

Madali lang ang application for MP2 savings. Maaari mo itong gawin online. I-submit mo lang ang accomplished form at kopya ng iyong valid identification card at ATM card ng bank account.

Sa mismong pag-iinvest naman, sa halagang P500, maaari ka nang mag-start sa long-term investment na ito. Maraming paraan para magbayad. Maaari itong salary deduction katulad ng regular savings mo o over-the-counter sa mga Pag-IBIG branches at payment centers, tulad ng Bayad Centers, SM Business Centers, M Lhuillier, etc.

4. Edukasyon ng mga anak

Isa sa mga best long-term investments na talagang sulit sa iyong finances at oras ay ang edukasyon ng iyong mga anak. Kapag sila ay nakatapos sa pag-aaral, maaari na silang tumulong sa mga needs ng iyong pamilya. Dagdag pa rito, ang mismong investment plans na related sa edukasyon ng mga bata ay umaani ng malaking interes sa tagal ng panahon na makaka-expect ka ng strong returns sa panahong magkokolehiyo na ang iyong mga anak.

Ang maganda sa mga educational plans, meron itong kakabit na iba pang insurance. Nakapagbibigay ito ng peace of mind sa mga magulang na ang kanilang mga anak ay well-provided kung sakaling sila ay mawala. In other words, secure ang future ni Junior.

hassle-free-investments-4Photo courtesy of Emily Ranquist via Pexels

Bakit hassle-free ang investment na ito?

Nasa goals at plano na nating mga magulang ang makapag-ipon para sa edukasyon ng mga anak natin. Kasama na nga sa budget natin kada sweldo ang magtabi para sa pag-aaral nila. Mas pinapadali ng educational plans lalong pagiging intentional sa pag-iipon para dito.

5. Skills and personal development

Ang abilidad at character na mabubuo mo sa mga relevant seminars o workshops na dadaluhan mo ay magbibigay sa’yo ng edge sa workforce. For instance, ang starting offer sa mga call center agents na kayang magsalita ng foreign language bukod sa Ingles ay mas mataas kaysa sa usual na aplikante.

Dagdag pa rito, ang investment mo sa sarili mo ay kapaki-pakinabang sa habambuhay. Dahil lalo mong ginagamit ang mga skills na ito sa trabaho, nahahasa ang iyong galing at lalong dumadami ang opportunities around you. Long-term na ang results, mataas pa ang returns.

hassle-free-investments-5Photo courtesy of Stem List via Unsplash

Bakit hassle-free ang investment na ito?

Maraming mga avenues para mag-grow better as a person and a professional. Depende sa industriyang gusto mong pasukin, maaari kang sumali sa mga personality development seminars kung saan mahahasa ang iyong confidence o di kaya naman ay sa sales presentation workshops para mas lalong maging mahusay ka sa pakikipag-usap sa mga kliyente.

In just one year of consistently learning, pwede ka nang maging the best employee sa pinagtatrabahuhan mo. Natuto ka na, nag-enjoy na, na-promote pa!

6. Investment-Linked Insurance

Mula sa pangalan, ang asset na ito ay insurance plan na may kakabit na investment. Ang premiums na binabayaran dito ay di lamang para sa financial protection ng mga kamag-anak in the event of critical illness or death. Ang bahagi nito na ay mapupunta sa investment choice mo. Depends sa insurance provider, pwedeng mapunta ang iyong pera sa bonds, equities, at iba pa.

Transparent ang mga institutions sa returns na maaari mong makuha sa investment na ito, kaya hindi ka dapat mag-alala. Mas mainam nga lang na kumunsulta sa financial coach ng mga insurance companies para mas maging informed ka at maka-settle sa plan na swak na swak sa iyong needs and goals.

Bakit hassle-free ang investment na ito?

Sa asset na ito, flexible ang pagpili ng types of financial products na gusto mong paglaanan ng pera. Dagdag pa rito, may dedicated, competent investment managers ang magpapalago ng pera mo. Hindi mo kailangang mag-worry sa lagay ng market. Makakaasa ka sa experience at expertise nila sa pagpapataas ng returns sa’yong investment.

Sa gitna ng krisis, long-term investments ang dapat nasa isip. Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang sa ganitong larangan, hindi mo kailangang ma-overwhelm sa pag-me-maintain ng iyong asset. Mayroong mga hassle-free opportunities out there — marunong ka lang dapat mag-explore at magsuri, Suki!

Para sa dagdag kaalaman tungkol sa mga investment opportunities, bumisita lagi sa aming blog page.

Share: