-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Swakto sa Budget na Health Insurance for PalaParaan Suki
October 07, 2022
Tag-ulan na naman, Suki. Kaya usong-uso ang mga sakit tulad ng ubo, sipon, pati na dengue. Dagdagan pa ng banta ng virus na nakakahawa tulad ng COVID-19 lalo’t bumabalik na tayo sa old normal kung saan bumabalik na ang mga tao sa opisina, at pati ang mga estudyante ay face to face na ang klase.
Pero ano pa man ang panahon, bawal na bawal magkasakit. Hindi lang kasi ito masama sa katawan, masakit din ito sa bulsa. Pero hindi naman kasi maiiwasan magkasakit talaga. Ang kailangan bukod sa malakas na pangangatawan ay isang maaasahang health insurance in the Philippines na siyang tutulong sa iyo sa panahon ng kagipitan.
Maraming naglipanang health insurance in the Philippines, samahan pa ng personal accident insurance at life insurance. Ang tanong, ano nga ba ang pinaka the best sa mga ito? Sa article na ito, malalaman mo Suki ang the best health insurance in the Philippines, the best hindi lang dahil maaasahan ito, kundi higit sa lahat, sulit na sulit dahil swak ito sa budget mo!
Bakit kailangan ng health insurance?
Aminin man natin o hindi, mahal ang healthcare sa bansa. Sang ayon sa isang pag-aaral, lumalabas na tumaas ang Current Health Expenditure (CHE) ng bansa nitong 2020 ng mga 12.6 percent kumpara noong 2019. Kung sakto o kulang ang budget mo tapos magkasakit ka o magkasakit pa ang mahal mo sa buhay, baka mabaon ka sa utang.
Bagaman dadagdag ng konti sa inyong budget ang isang health insurance plan, ito naman ang ilang benepisyo ng pagkakaroon nito:
1. Proteksyon sa aksidente at sakit
Kung magkakasakit ka man o maaksidente (huwag naman sana) na maaaring magresulta sa pagka baldado o pagkamatay, kung meron kang health insurance sa Pilipinas, may perang automatic na nakalaan na pwedeng mag cover sa mga gastusin mo sa ospital kung ikaw ay macoconfine o burial assistance, kung sa kasawiang palad ay mag resulta sa kamatayan ang aksidente.
2. Health coverage kapag nagkasakit
May mga health insurance plans din na dinisenyo sa espisipikong mga sakit tulad ng cancer, dengue, COVID-19, at iba pang malalang sakit na maaaring magresulta ng malaking gastos para sa iyo at sa pamilya mo kung sakaling isa sa inyo ang magkasakit nito.
Sa ilang mga health insurance, kasama sa coverage ang iyong gagastusin kung ikaw ay macoconfine o mangailangan ng ilang laboratory tests at medication. Sa ibang mga policy naman, kahit kung ikaw ay isang out patient, may makukuha ka pa ring medical financial aid.
3. Dagdag tulong pinansyal sa emergencies
Bukod sa medical benefits, may mga accident insurance sa Philippines na kung saan ay makakakuha ka ng cash assistance kung sakaling may mamatay na isang insurance holder sa inyo o kung sakaling kayo ay humarap sa mga di inaasahang pangyayari tulad ng sunog o bagyo.
Ang halaga ng cash aid na mapupunta sa iyo ay nakadepende sa policy ng accident insurance na kinuha niyo. Magkano man ito, tunay na makatutulong sa inyo ang perang ito para may magastos kayo sa panahon ng emergency.
Mga Dapat Alalahanin Kapag Kukuha ng Health Insurance sa Philippines
Hindi porket may nagsabi sayo na mag apply ka ng health insurance Suki ay G na G ka na agad. May mga factors ka rin na dapat i-consider nang sa gayon ay matiyak mong swak sa’yo at sa budget mo ang health insurance coverage na kukunin mo. Ito ang ilan sa iyon:
1. Pre-existing conditions
Habang nagkakaedad, mas marami ang nararamdamang sakit ang isang tao. Di kalaunan, maari na rin magkaroon ng common health problems tulad ng diabetes at hypertension.
Kaya kung kukuha ng health insurance, makabubuting malaman kung ano ba ang pre-existing conditions na meron ka at ang mga kapamilya mong plano mo ring kuhanan nito.
Ang mga health insurance sa Pilipinas ay kadalasang nagbibigay ng coverage para sa mga 5 to 70 years old kaya kung pasok sa edad na ito ikaw at ang mga kapamilya mo, magandang kumuha ng insurance para sa kanila kahit pa meron silang pre-existing conditions o wala.
2. Coverage ng insurance
Bago ka mag settle sa isang health protection plan Suki, dapat mo munang alamin ano ba ang covered ng plan na ito. For example, kung ikaw ay nagmamaneho, o lagii kang nasa labas, maganda kung magkakaroon ka ng isang accident insurance plan nang sa gayon ay kung maaksidente ka man sa daan ay may benefits ka pa ring makukuha.
Magkakaiba ang coverage at features ng mga health insurance products na inaalok sa bansa kaya makabubuting i-review ang mga ito para matiyak mong the best ang makukuha mong plan.
3. Price
Tandaan, hindi naman lahat ng insurance plans ay mahal. Merong mga insurance policies na malawak ang coverage kaya umaabot ng libo ang contribution mo daily o monthly para dito.
Pero dahil hindi naman lahat ng mga insurance ay mahal, posibleng makahanap ka ng mura na hindi tinipid ang coverage. Pati mga students ay posible ring makakuha ng insurance na swak ang presyo tulad ng accident insurance for students na inooffer ng Palawan Pawnshop.
4. Budget
Kung may budget ka Suki, mas magandang kumuha ng health insurance plan na may extensive coverage para mas panatag ang isip mo. Pero tulad sa pag gastos sa ibang bagay, don’t spend more than you can afford pagdating sa pagpili ng health insurance.
Make sure na kaya mong bayaran ang annual or monthly insurance premium nang sa gayon ay hindi naman ito ma-cancel dahil hindi mo na kayang bayaran ang monthly or annual contributions para dito.
5. Payment Methods
May iba’t-ibang payment methods ang mga health insurance. May iba na automatic na ibabawas sa credit or bank account mo ang monthly contribution. May iba naman na pwede mo bayaran sa pamamagitan ng pagpunta sa mga bayad center or franchise ng insurance provider mo.
Palawan ProtekTODO Insurance: Ang Pinaka Sulit na Accident Insurance sa Pilipinas
Kung ready ka nang mag-apply ng health protection, ito ang best health insurance na pwede mong iapply na talagang sulit sa coverage at sa price: ang Palawan ProtekTODO Insurance.
Kung mag-a-apply ka lang din ng isang health insurance, itodo mo na Suki! Ang Palawan ProtekTODO Insurance ay isang abot-kayang personal accident insurance para sa masang Pilipino.
Isa sa mga ProtekTODO benefits ay may 11 different policies na dinisenyo upang tiyaking handa kang harapin ano man ang ibato sa iyo ng buhay, kahit na sa mga hindi inaasahang mga sakuna o pangyayari pa ito.
Pwede kang mag-apply ng hanggang 5 policies sa Palawan ProtekTODO Insurance. Ikaw man ay single, may asawa, estudyante, o may pamilya, madaling makahanap dito ng insurance na swak sa pangangailangan mo. Ito ang mga policies na pwede mong pagpiliian:
- Palawan ProtekTODO Eskwela MAX 30
- Palawan ProtekTODO Eskwela MAX 50
- Palawan ProtekTODO Premium Pamilya MAX 300
- Sulit Solo ProtekTODO
- Premium Solo ProtekTODO
- Premium Pamilya ProtekTODO
- Sulit Singko ProtekTodo
- Sulit Solo Plus TortekTODO
- Premium Solo Plus ProtekTODO
- Grupo ProtekTODO 45
- Grupo ProtekTODO 100
Bukod sa maraming options, napaka mura lang ng mga premiums na ito, Nasa PhP 5 hanggang PhP 300 lang ang insurance premiums ng mga ito kaya hindi ka mamumulubi, kahit kumuha ka ng tig limang policies para sa iyo at sa pamilya mo.
At kapag isa kang Suki cardholder, meron kang 5% discount sa alinmang ProtekTODO Policy at kung magrerenew ka naman ng policy meron kang 10% discount sa bawat ProtekTODO Policy!
Ang mga policies na ito ay kinocover ang mga death at accidents dahil sa mga motorcycle accident o iba pang aksidente. Covered din nito ang mga natural death at death due to sickness. Ang ilang policies din sa insurance ay naglalaan ng educational assistance para sa anak ng insured at fire assistance sa bahay ng principal insured.
Kaya naman, hindi lang ikaw at pamilya mo ang covered ng Palawan ProtekTODO Insurance, kundi maging ang kinabukasan mo at bahay mo rin!
Mahalaga ang pagkakaroon ng health insurance sa Pilipinas dahil mahalaga ang buhay at kalusugan mo, Suki! Tandaan, wag isipin na para sa mga mayayaman lang ang insurance, dahil ang totoo, deserve ito ng lahat Suki! At salamat sa Palawan ProtekTODO Insurance, naging mas abot kaya pa ang health protection para sa masang Pilipino.
Kung usapang insurance lang din naman, huwag nang humanap ng iba, punta na sa Palawan Pawnshop at i-avail ang ProtekTODO Insurance!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024