23 Suki-fied Health Safety Guidelines sa “New Normal” Life

Blog

September 02, 2020

pexels-cottonbro-4057672

Nang pumasok ang buwan ng Marso, 2020, nagbago ang buhay ng bawat tao hindi lang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo. Ilang buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay sinasanay pa rin natin ang ating sarili at ang ating pamilya sa “new normal” life. Now more than ever, nagiging mas pala-isip at masunurin tayo sa health safety guidelines para makaiwas sa COVID-19.

Totoo, mahalaga ang mag-ingat lalo na’t mas tumataas ang bilang ng mga kaso ng kumpiramdong kaso ng COVID-19 sa bansa. Nakikita rin natin na nahihirapan na ang mga ospital at health care workers sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa mga dumadaming kasong ito. Isa pa, unti-unti na ring niluluwagan ang mga strict quarantine measures para makapagbukas ang ekonomiya ng bansa; ibig sabihin mas maraming tao na ang lalabas ng bahay kaya mas kailangang pag-ibayuhin ang infection control.

Oo Suki, binago ng COVID-19 ang mundo at buhay natin pero hindi pa rin tumitigil sa pag-ikot ang mundo. Tuloy pa rin ang buhay natin. Ang pinagkaiba lang Suki, now’s the time to practice the new normal life we have— lalo na’t hindi pa natin nakikita ang liwanag sa dulo ng madilim na lagusang ito.

Kung nag-aadjust ka pa rin sa new normal life at gusto mo ng complete health safety guidelines para mapanatili ang kaligtasan mo at ng iyong pamilya, ito ang mga mga tips na pwede mong sundin.

Sa loob ng iyong tahanan:

1. Magkaroon ng wastong pang-unawa sa mga sintomas at kung paano maaaring mahawa ng COVID-19.

Ngayon, kapag sumakit lang ang lalamunan mo o may kaunti kang sipon, nakakapraning dahil naiisip mo agad baka may COVID ka na. Para maiwasan ang pagka-praning, kailangan na wasto ang pang-unawa moi at ng pamilya mo sa mga sintomas ng COVID-19 at kung paano ka pwedeng mahawaan ng sakit na ito.

Ang wastong kaalaman tungkol sa mga detalyeng ito ay makakatulong sa iyo at pamilya mo na mag-isip ng iba pang mga hakbang para maingatan ang sarili niyo.

2. Disinfect, disinfect, disinfect.

pexels-cottonbro-4114702Photo courtesy of cottonbro via Pexels

Maraming mga lugar at gamit sa bahay ang madalas hawakan na dapat linisin palagi tulad na lamang ng mga door knob, light switch at sahig. Isama mo na rin mga gamit na madalas na dinadala sa labas tulad ng iyong cellphone. Kung madalas na hawak mo ang gadget mo saan ka man pumunta, alamin ang tamang paraan ng pagdi-disinfect ng cellphone para matiyak na wala itong virus. Maging pamilyar lang Suki sa mga tamang paraan at disinfectants na dapat gamitin para linisin ang mga gamit na ito nang sa gayon ay hindi sila masira dahil sa paglilinis na gagawin mo.

3. Maghugas ng kamay bago kumain at bago hawakan ang mukha.

Kahit wala pang COVID-19, ang paghuhugas ng kamay sa loob ng 20 segundo gamit ang tubig at sabon ay isa sa mga basic safety health practices na ginagawa ng tao. Kaya gawin itong habit at sanayin ang mga bata na gawin ito para kalakihan nila ang magandang practice.

4. Kumain ng masustansyang pagkain at palakasin ang immune system.

pexels-ksenia-chernaya-3952055Photo courtesy of Ksenia Chernaya via Pexels

Ang isa sa mga epektibong paraan para makaiwas na mahawaan ng COVID-19 at iba pang sakit ay ang pagpapalakas ng immune system. Ang pinaka-wais na paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay. Hangga’t maaari, mas mapa-practice niyo ang food safety kung kayo mismo ang nagluto nito at mainit niyo itong kakainin.

Bukod sa pagkain ng prutas at gulay, makatutulong din ang pag-inom ng Vitamin C para hindi kayo madaling kapitan ng sakit. Isama na rin sa inyong daily activities ang mga simpleng exercise routines at iba pang routine na madaling gawin sa loob ng bahay.

Kapag lumalabas para sa mga essentials:

5. Magsuot ng personal protective equipment (PPE).

pexels-ian-panelo-4487319Photo courtesy of Ian Panelo via Pexels

Isa sa mga common PPE na ginagamit natin sa araw-araw ay ang face mask at face shield. Kung cloth ang facemask na gamit mo, tiyakin na regular itong labhan nang sa gayon ay malinis ito tuwing gagamitin mo. Kung surgical masks naman ang gamit mo, make sure na i-discard ito agad kapag natapos nang gamitin. Hindi ito reusable tulad ng cloth na facemask. Huwag itong labhan. Tandaan, hindi lang sapat na meron kang face mask, tama ang pagsusuot mo nito kung natatakpan ang iyong ilong at bibig.

Bukod sa face mask, magiging mas ligtas ka rin Suki kung magsusuot ka ng faceshield o eye shield. Huwag isipin na hindi ka sanay o maitatago ang iyong beautiful face kung magususuot ka ng mga PPE na ito. Safety first muna ang normal mantra natin ngayon. Huwag din kalimutan ang bote ng alcohol para makapag-disinfect ka ng kamay mo palagi.

6. Umiwas sa mga matataong lugar.

Kung may kailangang puntahan tulad ng pagpunta sa salon o sa dentista, mas maganda kung magpapa-book ka ng appointment bago pumunta nang sa gayon ay maaasikaso ka na agad at hindi mo na kailangang magtagal sa lugar na iyon.

Kung mamimili naman, iwasan ang mga matataong lugar. Kung mamamalengke o mag-go-grocery, mas maganda kung mamili sa mga oras na kaunti pa ang mga tao para iwas ang siksikan.

Kung pera padala naman ang hanap, maghanap ng hassle free pera padala alternatives na pwede mong gawin para iwas tao, at iwas din sa paghawa ng kung anu

7. I-practice ang social distancing measures. 

pexels-cottonbro-4114713Photo courtesy of cottonbro via Pexels

Kung minsan, hindi naman talaga mako-kontrol ang dami ng mga tao sa mga facilities tulad ng palengke, malls, at groceries. Kung sakaling mapunta ka sa lugar na maraming tao, sumunod sa mga social distancing protocol na ipinapatupad sa mga lugar na ito. Umiwas din sa nakararami kung uubo ka. I-practice ang coughing etiquette para di makahawa sa iba. Ang simpleng pagsunod sa bagay na ito may makakapag-ligtas ng buhay para sa iyo at sa kapuwa mo.

Sa lugar ng trabaho:

8. Iwas muna sa handshake, beso, at hugs.

pexels-gustavo-fring-4127431Photo courtesy of Gustavo Fring via Pexels

For sure na-miss mo ang mga katrabaho mo. Pero kapag nagkita na kayo sa office, Suki, tandaan, hanggang elbow bump muna kayo ngayon Suki. Kung ipagpapatuloy mo pa rin kasi ang pakikipag-shake hands o beso, hindi ka makakatulong sa infection control o transmission ng COVID-19.

9. Magsuot ng facemask at laging linisin ang office space.

Kung ang pagsusuot ng personal protective equipment (PPE) tulad ng face mask ay required ayon sa worker safety regulations, sundin ito Suki. Huwag isipin na ang office ay bahay mo kung saan safe ka. Tandaan, hindi mo alam kung sino ang nakahalubilo ng mga ka officemate mo kaya mas maganda kung mag-iingat ka.

Isa pa, panatilihing nadisinfect ang iyong mga gamit at puwesto sa opisina. Huwag itong ipaubaya sa inyong mga janitor. Pwede kang magkusang i-disinfect ang iyong office space.

10. Iwasang magkwentuhan nang malakas lalo na kapag kumakain.

Syempre, kung kakain kayo, hindi na kayo nakasuot ng face mask. Sa mga panahon ng lunch break, tandaan na malaki ang maitutulong ng pagsunod sa social distancing protocols. At para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng opisina, isa sa mga personal safety regulations na pwede mong gawin at ibahagi sa mga katrabaho mo ay ang di magkukwentuhan nang malakas sa panahong ito lalo na’t di kayo nakasuot ng mga face mask.

11. Huwag pumasok kung masama ang pakiramdam.

Kung nakakaranas ka ng ilang sintomas na katulad ng sa COVID-19, pagpapakita ng pag-ibig ang di pagpasok sa trabaho at makihalubilo sa iba. Oo, hindi naman ibig sabihin na kapag nakaramdam ka ng mga sintomas na ito eh COVID-positive ka na. Pero kailangan mong mag-ingat at mag self-quarantine kung may nararamdaman kang sintomas sa loob ng 14 na araw. Kung pipilitin mong pumasok, baka mas mahawaan ka pa ng sakit sa labas. Magpalakas ka muna bago sumabak sa trabaho sa opisina.

Kapag nagko-commute:

12. Iwasang humawak kung saan-saan.

transportation-388826_1280Photo courtesy of ed_davad via Pixabay

Huwag humawak nang humawak sa mga handle sa taxi, jeep, bus, at tricycle kung di naman kinakailangan. Baka kasi di mo mapansin Suki na bigla kang mapahawak sa mukha mo pag tapos mong humawak dito. Laging mag-spray ng alcohol sa kamay pag nag-abot ng bayad at pagkatapos bumaba ng sinasakyan.

13. Huwag makipagsiksikan sa katabi.

May mga safety divisions na inilagay sa mga pampasaherong sasakyan. Sundin ang mga ito Suki at huwag isiksik ang sarili sa katabi o tangkaing tanggalin ang mga divisions na ito dahil gusto mong maging clingy.

Kapag uuwi sa bahay galing sa outside world:

14. Linisin ang sapatos bago ipasok sa loob.

Hangga’t maaari, makakabuti kung iiwan sa labas ang mga sapatos at tsinelas na ginamit sa labas. Kung di naman ito posible, linisin ang mga ito sa labas sa pamamagitan ng pagtapak ng soles nito sa isang mat na may bleach nang sa gayon ay matanggal lahat ng virus na meron dito at hindi iyon maipasok sa loob.

15. I-disinfect ang mga gamit na ginamit sa labas ng bahay.

Bukod sa sapatos, ang bag mo rin ay nanggaling sa outside world. Tiyakin na i-disinfect din ito bago ipasok sa kuwarto mo o ipatong sa kung saan saan sa loob ng bahay mo dahil nagtatagal ang virus na ito sa iba’t-ibang mga surface o ibabaw ng mga kagamitan.

16. Tanggalin at ilagay agad sa labahan ang damit na suot.

Bukod sa pagtanggal agad ng mga damit, kung posible na labhan na agad ang mga ito, mas makabubuti lalo na kung galing ka sa lugar na maraming tao. Huwag ipagpag ang hinubad na damit galing sa labas para hindi kumalat ang anumang dumi o virus mula dito sa loob ng bahay niyo.

17. Maligo nang mabuti.

pexels-craig-adderley-2306210Photo courtesy of Craig Adderley via Pexels

Para matiyak na malinis ang iyong buong katawan bago makipaglaro o makisalamuha sa mga pamilya mo, makabubuting maligo muli pag-uwi mo.

Kapag iniuuwi ang mga pinamili sa loob ng bahay:

18. I-disinfect ang mga lalagyan ng mga pinamili.

pexels-cottonbro-4057671Photo courtesy of cottonbro via Pexels

Bago ipasok sa bahay ang mga grocery bags, i-sprayan muna ito ng disinfectant lalo na kung hindi mo alam kung saan naibaba o nadikit ang mga bagay na ito. Kung may delivery naman na dumating, isprayan din ito ng disinfectant.

19. Punasan ang mga pinamili bago itago sa mga lalagayan.

Isang new normal wais grocery shopping tip na ngayon ay ang pagpunas ng mga pinamili gamit ng basang basahan na may bleach or iba pang disinfectant bago ilagay sa mga lagayan para tiyak na malinis at walang virus ang mga ito. Hindi ka kasi sure kung sino-sino ba ang mga nakahawak sa mga bagay na ito bago ito dumating sa bahay mo.

Kapag may mga bisita sa loob ng bahay:

20. Kapag masama ang pakiramdam mo o ng isang tao sa loob ng bahay, huwag magpapunta ng bisita.

Magandang paalalahanan ang mga taong gustong bumisita sa inyo na mag-set ng appointment bago pumunta sa halip na bigla na lang dumalaw sa inyo ng walang pasabi. Sa gayon, matitiyak mo na bago kayo mag-entertain ng bisita sa bahay, walang sinuman ang may sakit sa inyo na maaaring makahawa ang bisita niyo.

21. Tiyaking walang sakit ang bisita.

Kung nagmamalasakit kayo sa bisita niyo, maganda ring magpakita sila ng pagmamalasakit sa inyo. Tiyaking walang sakit ang bisita na pupunta sa bahay niyo lalo na kung may mga bata o senior na nakatira sa inyo. Isa itong basic health safety guidelines to follow para matiyak na lahat sa bahay niyo ay magiging safe. Tiyakin din na hindi marami ang bisitang pupunta sa inyo

22. Magsuot ng facemask kung kinakailangan kahit pa nagkukwentuhan lang.

pexels-cottonbro-3944308Photo courtesy of cottonbro via Pexels

Ayon sa World Health Organization , ang COVID-19 ay maaaring airborne. Sa mga lugar tulad ng loob ng bahay na walang magandang daluyan ng hangin, mas makabubuti kung magsusuot kayo ng face mask at susundin ang new normal life protocol ng social distancing kahit pa nagkukwentuhan lang kayo sa loob ng bahay.

23. I-note ang mga taong pumunta sa bahay niyo at kung kailan sila bumisita.

pexels-michaela-295826Photo courtesy of Michaela via Pexels

Sa mga lugar na pinupuntahan natin sa ngayon tulad ng malls at bangko, llaging nagpapasulat ng pangalan at petsa ng pagpunta nang sa gayon ay makatulong ang mga impormasyon na ito kung sakaling kailanganin ang contact tracing para sa assessment ng infection spread ng COVID-19 sa mga lugar na ito.

Kaya naman para ma-track ‘nyo rin ang mga taong nakakasalamuha ‘nyo, bakit hindi isulat ang mga taong pumunta sa bahay niyo pati ang petsa ng pagdalaw nila.

Matrabaho at nakakapagod ang pagsunod sa mga health safety guidelines pero hindi ka malulugi kung susundin mo ito. Tandaan, nakikipaglaban tayo sa isang sakit na hindi natin nakikita. Ito ang tutulong sa iyo na manapanatiling ligtas ka at pamilya mo sa COVID-19. Kaya naman Suki, ingat ka palagi!

Share: