-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Holiday Scam Alarm: Alamin Ang Mga Dapat Iwasan Ngayong Kapaskuhan
March 19, 2021
Talaga nga namang napakabilis ng panahon—akalain mo, ilang araw na lang at magpapasko na naman, mga bes! Ibig sabihin, panahon na naman ng mga batang nangangaroling sa kalsada, ng binebentang bibingka’t puto bumbong sa kanto, at syempre pa, mga holiday scams!
Alam na naman nating lahat na tuwing kapaskuhan, naglipana ang mga manggagantso sa Pilipinas. Sa katunayan, ang PNP mismo ang nagbabala madalas sa mga tao na maging alerto sa mga katulad ng Salisi Gang, Budol-budol Gang, Ipit Gang, at maging sa mga snatchers. At bukod pa sa napakaraming manloloko sa tunay na mundo, kailangan din natin mag-ingat online ngayong kapaskuhan.
Paano nga ba tayo makakaiwas sa mga manggagantso sa Internet? Here’s how to avoid holiday scams online:
Phishing Scam
Ano Ito?
Kahit hindi kayo tech savvy pero madalas kayo online, malamang pamilyar kayo sa terminong ito. Ito ay dahil sa ang phishing ang isa sa mga pinaka-una at pinaka-epektibong paraan ng panloloko sa Internet. Paano? Katulad ng pangingisda (o “fishing” kung saan nakuha ang pangalan nito), magpapakalat ng pain (o “bait” sa ingles) na emails o fake websites ang mga scammers. Kadalasan, ang ginagamit nilang email address at URL ng website ay mukhang lehitimo na galing sa mga bangko. Dito ay hihingin ng mga salarin ang iyong credit card information, bank details, passwords, at iba pang personal information. At dahil nga sa mukhang totoong galing sa mga bangko ang email o mukhang totoong website ito ng bangko, marami ito naloloko. Sa oras na maibigay mo ang kahit isa sa mga detalyeng ito, tiyak na magiging malungkot ang iyong pasko.
Paano Ka Makakaiwas?
Simple lang naman talaga makaiwas sa scam na ito: iwasang magbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa’yo; lalo na kapag may kinalaman sa’yong personal na impormasyon, credit cards, o banking details. Tandaan na ang mga bangko ay hinding-hindi mag-i-email sa’yo para kunin ang iyong banking details katulad ng password o credit card information. Siguraduhin ding hindi scamming websites ang pagbibigyan mo ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng pag-check kung mayroong maliit na padlock symbol sa kaliwang bahagi ng address bar o kung ang URL ay naguumpisa sa HTTPS.
Online Shopping Scam
Ano Ito?
Sa makabagong panahon ngayon, marami na ang nahuhumaling sa online shopping. At ngayong kapaskuhan, asahang mas darami pa ang mamimili sa Internet at asahan din na mas darami ang mabibiktima ng scammers. Kadalasan ang mga nabibiktima nito ay ang mga online shoppers na nagmamadaling makabili ng “rare” items o yung gustong makuha ang “malaking discount na ino-offer” ng scammer. Madalas din sa mga ganitiong scams, full payment agad ang hihingin ng seller. At kapag napadala mo na ang buong bayad, mawawala na ang mga ito na parang bula.
Paano Ka Makakaiwas?
Una, huwag padalos-dalos sa pagbili ng mga items sa Internet. Ugaliing i-check kung ang online shopping site na pagbibilhan mo ay katiwa-tiwala at may maayos na reputasyon. Pangalawa, siguraduhin na ang mismong seller ay may maayos din na reputasyon. Magagawa mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga reviews at kadalasang reklamo (kung meron man) sa naturang shopping site o online seller. Panghuli, siguraduhing sa mga reliable na bangko o remittance center katulad ng Palawan Express Pera Padala lamang magpadala ng bayad. Ito ay para rin masigurado ang mabilis at walang problemang transaksyon sa inyong dalawa ng seller.
Fake Charity
Ano Ito?
Nakakalungkot isipin na kahit ang pagmamagandang-loob ng mga tao sa panahon ng kapaskuhan ay maaaring gamitin ng mga scammers para makapanlinlang sa kapwa. Kadalasan, ang mga manloloko ay magpapadala ng email o gagamit ng mukhang lehitimong charity organization website para manggantso ng mga taong nais tumulong sa mga nagangailangan. Gamit ang mga emails at pekeng websites, maaari silang makakuha ng mga donasyon at maging ang mga personal impormasyon na maaari nilang magamit para makakulimbat pa lalo ng mas malaking halaga mula sa credit card o bank account info na kanilang makukuha.
Paano Ka Makakaiwas?
Kung nais mong makatulong ngayong kapaskuhan—at syempre, kung gusto mo talagang makaabot sa mga nangangailangan ng iyong tulong, siguraduhin na sa mga reputable charitable organizations katulad ng Haribon Foundation, Habitat for Humanity, at UNICEF Philippines lang magpapadala ng donasyon. O pwede din namang huwag na lang sa pamamagitan ng pera tumulong. Maaari kayong magvolunteer o ‘di kaya’y mag-organisa ng isang Christmas party para sa mga tao’ng nais mong mabigyan ng saya ngayong kapaskuhan.
Online Investment Scam
Ano Ito?
“Open minded ka ba, bes?” Marahil ay pamilyar na kayo dito by now. Karamihan sa mga ito ay ang mga tinatawag ding networking, pyramiding, o multi-level marketing scams. Hihikayatin ka ng scammer sa pamamagitan ng mga matatamis na salita at too good to be true na mga success stories. At kapag ikaw ay na-hook, ikaw ay mapipilitang “mag-invest” ng pera para sa registration o para sa “business package”. At sa huli, ang kailangan mo na lang gawin ay mag-recruit ng mga tao magiging “under” mo para sa pangakong walang katapusang pagpasok ng salapi sa’yong mga bulsa. Sounds good, ‘di ba? Pero ang totoo niyan, karamihan sa mga pangako ng mga ito ay napapako. Alam mo na rin naman siguro yun.
Paano Ka Makakaiwas?
Oo, mayroon din naman mga lehitimong networking businesses pero iilan-ilan lang talaga ito at kadalasan ay hindi totoo ang mga sinasabing “easy money” dito. Syempre, katulad din ng ibang business, may risk na involved dito at kailangan mo talaga pagtrabahuhan para magtagumpay. Kung gusto mo talagang subukan ito, be sure to check the license and the background of the networking business you’re investing in. Maganda rin i-check ang kanilang track record—may malinis na reputasyon ba sila? Totoo ba ang mga success stories na pinagmamayabang nila?
Online Hotel Booking Scam
Ano Ito?
Tuwing nalalapit na ang Pasko, dumarami rin ang mga nagbabakasyon. Kaya’t heto ngayon, naglipana ang mga online hotel booking scammers. Sa dami ng mga sabik sa bakasyon, marami ang mga nagmamadaling makapag-book ng mga hotel sa Internet ng hindi chine-check kung katiwa-tiwala ba ang kanilang transaksyon. Ang ending, marami ang agad-agad nagbabayad ng buo o nagbibigay ng credit card o banking information. Sa huli na siyempre nila malalaman na na-scam sila.
Paano Ka Makakaiwas?
Ugaliing i-check ang website ng booking site na iyong makaka-transaksyon. Alamin kung secured ang kanilang website sa pamamagitan ng pag-check kung may lock symbol sa kaliwang bahagi ng address bar at kung naguumpisa sa “HTTPS” ang kanilang URL. At para mas nakasisigurado kayo, maaari ring makipag-usap directly sa mga hotel na nais n’yong puntahan. Puntahan lang ang official website ng hotel o ‘di kaya’y tawagan n’yo mismo ang hotel.
“Billionaire” Scam
Ano Ito?
Sa totoo lang, matagal na itong scam na ‘to; pero nakakalungkot lang na marami pa rin ang nabibiktima. At dahil nga sa “easy money” eto, marami pa rin ang kumakagat at nagpapadala ng kanilang bank account details.
Paano Makakaiwas?
Simple lang: huwag pansinin ang mga ganitong klaseng emails.
Lotto o Raffle Contest Scam
Ano Ito?
Katulad ng billionaire scam, heto ay paraan ng mga kawatan para linlangin ang mga tao na ibigay sa kanila ang kanilang bank details. Ang kaibahan lang dito ay imbes na makakatanggap ka ng mana mula sa isang ubod ng yaman at galanteng tao, ikaw ay nanalo sa lotto o ‘di kaya naman ay sa isang raffle contest.
Paano Ka Makakaiwas?
Bago maniwala sa mga ganito, tanungin mo muna ang iyong sarili: tumaya ka ba sa lotto o sumali ka ba sa kahit isang raffle contest? Kung hindi, bakit ka naman maniniwala na nanalo ka ng limpak-limpak na pera kung hindi ka naman sumasali sa mga contest, ‘di ba? Kung ikaw naman ay tumaya o sumali talaga sa isang contest, mas mabuting tumungo kung saan ka sumali para i-beripika ito.
Online Dating Scam
Ano Ito?
Para sa mga malalamig ang Pasko, magiingat kayo dahil kayo ang punterya ng scam na’to. Kadalasan ang mga scammers na ito ay namamalagi sa mga social media groups, chat rooms, at mga online dating sites. Gumagamit sila ng mga fake accounts at nakikipagkilala online para makahanap ng mga single ngayong pasko. Sa una ay makikipagkaibigan sila sa’yo o magiging masugid na manliligaw. Kapag nahuli na nila ang loob mo, doon sila magbabalak na “manghiram” ng pera para sa mga “emergencies.” May mga kaso din na hihingin nila ang bank details mo para “makapagpadala” sila ng regalo sa’yo ngayong Pasko. Ang mahirap dito, meron ding mga kaso na makikipag-meet o eyeball sila sa’yo para sa inyong “first date” at dun na magaganap ang ‘di kanais-nais.
Paano Ka Makakaiwas?
Okay lang naman na makipagkaibigan online, lalo na kung ikaw ay mag-isa at nalulungkot ngayong kapaskuhan. Tandaan lang na sa panahon ngayon, mahirap magtiwala ng basta-basta. Kaya’t kapag ikaw ay hiningan na ng personal na impormasyon (lalo na kapag may kinalaman sa pera), mas mabuti pang lumayo na agad sa mga ganitong tao online. At kung gusto mo talagang makikipagkita, siguraduhin na makikipagkita ka lang sa mga matataong lugar katulad ng mall—at huwag na huwag kang sasama kung sakaling ayain ka niya kung saan man. Advisable din na magsama ka ng mga kaibigan kung first time mo sila mami-meet.
Ang sabi nga nila: nasa huli palagi ang pagsisisi. Kaya’t ugaliing maging mapagmatiyag at alerto palagi, lalo na ngayong kapaskuhan kung kalian napakaraming mga manggagantso na naghahanap ng mabibiktima online.
At para naman sa fastest and safe pera padala for online transactions, mag-Palawan Express Pera Padala ka na. Hindi ka lang makakasigurado sa mabilis at maayos na serbisyo, makakamura ka din dahil sa napakamura nila’ng minimum remittance rate. Gamit ang mga resources na available sa ating website, madali lang ding aralin how to send money pati na rin how to receive it. Isa pa, hindi rin mahirap maghanap ng address o contact number of the branch nearest you gamit ang ating branch finder. O ‘di ba? Hindi langa makakasigurado na mabilis at maayos ang serbisyo – mura rin ang remittance fees at pinadali pa ang mga proseso!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024