-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
7 Diskarte Tips Para Makaipon Ng Emergency House Repair Funds
March 18, 2021
Tag-ulan na naman, suki!
Maliban sa hassle na pagpapatuyo ng sinampay at pagbiyahe habang umuulan, isa sa mga dapat mong alalahanin sa ganitong panahon ay ang kaligtasan ng iyong pamilya at estado ng bahay na iyong tinutuluyan.
Masaklap mang isipin, nakita natin kung gaano kasama ang naging epekto ng mga sakunang dumaan sa Pilipinas kagaya ng Ondoy, Yolanda, at iba pa. Ngunit dahil sa likas na pagiging positibo nating mga Pinoy, marami sa atin ang hindi iniisip na maaaring tayo na ang susunod na biktima. Kaya naman hindi tayo nababahala sa presyo ng mga materyales sa paggawa ng bahay at iba pang paghahanda sa sakuna.
Panahon na para maging wais at maging handa. Dapat na tayong matutong mag-ipon para sa ating emergency house repairs at kayanin ang gastusin kahit pa magkano magpagawa ng bahay kung sakaling mapinsala ng bagyo ang ating tahanan.
Ngayon, tuturuan namin kayo kung paano mag-ipon ngayong 2019 at sa mga susunod pang mga taon para maging handa sa anumang pagsubok.
Halika’t tignan ang mga sumusunod na ipon tips na pwede mong sundin:
Maglaan ng hiwalay na ipon para sa emergency fund
Maaaring nag-iipon ka na ngayon para sa edukasyon ng iyong mga anak, o pambili ng bahay, o kaya naman ay para sa iyong retirement fund.
Ngunit dapat ay mayroon ka ding hiwalay na ipon na para sa mga hindi inaasahang pagkakagastusan kagaya na lamang ng pagpapagawa ng bahay sa oras na tamaan ng sakuna. Mag-open ng hiwalay na bank account at magpadala sa anumang branch ng Palawan Pawnshop. Sa paraang ito, mas madidisiplina mo ang iyong sarili na mag-ipon at huwag gastusin ang iyong emergency house repair fund.
Kung titignan natin kung magkano magpagawa ng bahay ngayon, malaking halaga ang magagastos mo kung sakali.
Kapag mayroon kang emergency fund, mayroon kang magagamit na panggastos nang hindi nababawasan ang iyong ipon para sa iyong mga anak. Mayroon kang sapat na pera para maipagawa ang iyong bahay at panatilihing ligtas ang iyong pamilya nang hindi nalulubog sa utang.
Mag-set ng tamang target
Ang ideal na halaga ng iyong emergency fund ay katumbas ng iyong kalahating taon na suweldo. Ito ay para masigurong sasapat ang iyong pera upang maisakatuparan lahat ng mga hakbang sa paggawa ng bahay sa oras na kailanganin.
Kung ikaw ay may asawa, ito ay dapat katumbas ng anim na buwang sweldo niyo kapag pinagsama.
Mag-set din ng ipon goals kada buwan ayon sa iyong kakayanan at pilitin itong maachieve hangga’t maaari. Sa paraang ito, mas madaling masiguro na patuloy ang iyong pag-iipon at hindi ito mahihinto.
Pero huwag kang matakot. Malaking halaga man ito sa unang tingin, kayang-kaya mo itong ma-achieve kung uunti-untiin at ipaprioritize kaa sa mga luho. At siyempre, bibigyan pa namin kayo ng mas maraming ipon tips ngayong 2019.
Sundin ang budget
Kapag napag-uusapan kung paano ang tamang paghawak ng pera, siguradong narinig mo na ang salitang “budget’ ng paulit-ulit.
Pero nakaririndi man, ang unang hakbang para makaipon at makaiwas sa stress dala ng kawalan ng pera ay ang pagkakaroon at pagsunod sa budget na iyong nilaan.
Pero maliban sa mga bills at pang-araw-araw na gastusin, dapat mo ring isama sa budget mo ang halagang ilalaan mo sa iyong emergency fund.
Hindi naman kailangan ng malaking halaga ang iyong ilaan sa pag-iipon, ang importante ay palagi natin itong nahuhulugan kada buwan nang walang mintis.
Keep the change
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Ang mga baryang hindi mo pinapansin ang maaaring magligtas sa’yo mula sa pagkakalubog sa utang.
Itabi ang mga barya mula sa mga sukli sa pinamili, ibinayad sa jeep, o tira sa pamamalengke at simulan ang pag-iipon sa alkansya. ‘Di magtatagal ay mapupuno rin ito at maaari mo nang ilipat sa iyong emergency fund.
Siyempre, maraming paraan upang makaipon ng mas mabilis, pero ang maliliit na bagay na gaya nito ay nakakatulong rin upang makondisyon ang utak natin mag ipon at kung patuloy na susundin ay pwedeng pwede rin makapagdagdag ng malaki sa ating emergency fund.
Tandaan - ang bawat piso ay mahalaga kaya ugaliing ipunin ito, suki.
Maghanap ng raket
Kung sapat lang sa mga gastusin ang ating kinikita, mahirap nga namang maglaan ng pera para sa hiwalay pang-ipon. Lalo na kung saktong-sakto lang ito sa ating budget.
Kung iyan ang problema, ang solusyon ay hindi pagtitipid kundi pagdagdag ng mga pagkakakitaan. Maaaring maging reseller ng iba’t ibang produkto, o kaya naman ay gamitin ang internet upang magbenta.
Maaari ding maging freelancer o kaya ay kumita negosyong patok tulad ng online shop! Sa tamang diskarte at kaalaman kung paano mag-handle ng pera, mas mapapadali mong mahulugan ang iyong emergency fund.
Ibenta mo na!
Mayroon ka bang mga gamit sa bahay na hindi mo na pinapakinabangan? Hinay-hinay sa pagtatapon dahil baka maaari mo pa itong pagkakitaan!
Pwede ka mag-set-up ng Garage Sale para sa mga lumang gamit na hindi mo na kailangan at imbitahin ang buong barangay na mamili! O kaya naman ay gamitin ang internet at magbenta ng gamit saiba’t ibang buy-and-sell platforms. Nakabawas ka na sa mga kalat at mapapaluwag ang bahay, makakapagtabi ka pa ng extrang pera upang maidagdag sa’yong emergency fund!
Ilan sa halimbawa ang mga lumang appliances, lumang libro, damit, lumang laruan ng mga chikiting, at gamit sa kusina. Siguraduhin lamang na linisin ito para maging kaaya-aya at mabilis mong maibenta. Bawas kalat na, dagdag pera pa!
Pera sa basura
Photo courtesy of Krizjohn Rosales via Pexels
Isa sa pinakamalaking dahilan ng pagbabaha sa Pilipinas ay ang tambak ng basura sa mga estero. Paano kung pwede kang makatulong na solusyonan ito habang kumikita ng pera? Kayang kaya ‘yan sa pamamagitan ng tamang pagre-recycle!
Ugaliing ihiwalay ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok upang makatulong sa kalikasan. Ang ibang basurang maitatabi mo ay maaari mo namang ibenta kagaya ng mga plastic bottles, garapon, mga lumang dyaryo, at iba pa. Nakatulong ka na sa kalikasan, makakaipon ka pa ng extrang pera! Panalo, ‘di ba?
Isangla muna ang mga gold jewelry
Kung talagang gipit na sa pera at hindi pa naman kailangan mag-accessorize with gold jewelry, maaaring i-sangla mo muna ang mga alahas mo, Suki. Unahin muna ang mga dapat unahin. At pag dating sa priorities, siyempre dapat naman mauna muna ang mga emergency funds – repairs man ng bahay o hindi.
Sa Palawan Pawnshop, mataas pati ang mga appraisal rate. Kaya naman kung kailangan i-maximize ang value ng gold jewelry mo, tumakbo na sa pinakamalapit na branch sa iyo! Maaaring malaman what is the contact number of the branch nearest you pati na rin ang address, gamit ang branch finder natin sa website.
Ang pag iipon ay hindi madali. Ngunit mas mahirap ang mabaon sa utang at walang matakbuhan sa oras na tamaan ng sakuna at kailanganing muling itayo ang inyong tahanan para sa iyong pamilya. Mas mabuti nang mayroong huhugutin sa oras ng biglaang pangangailangan ipaayos ang iyong bahay, gawa ng sakuna man o kalumaan.
Maging handa at mag ipon ngayong 2019 para laging kampante at panatag ang isipan!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024