5 Exciting Hobbies na Pwedeng Paggamitan ng E-load

Blog

August 09, 2021

Hobbies-Pwedeng-Paggamitan-E-load

Naranasan mo na bang biglang huminto magsalita si Song Joong-Ki sa Vicenzo habang nanunuod sa Netflix? Naiinggit ka ba sa magagandang skins ng mga tropa mo sa ML at Genshin Impact? O ‘di kaya'y gusto mong bumili ng bagong game sa Steam habang naka-sale?

E-load lang ang katapat niyan, Suki!

Ang e-load ay ang virtual money na pwede mong ilagay sa Smart or Globe number mo upang magamit ang iba’t-ibang digital na serbisyo. Sa tulong ng e-load, maaari mong ma-avail ang mga subscription sa Netflix o iba pang streaming services, gaming services kagaya ng Steam, at pati na rin mga online payment services katulad ng PayMaya.

Kung di mo pa knows ito Suki, huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng Palawan Pawnshop kung paano ba magkaroon ng e-load at kung saan ito pwedeng gamitin. Kaya huwag nang magpahuli sa mga bagets, alamin kung paano ba magpa-e-load sa tulong ng Palawan Pawnshop!

Level-up na ang hobbies at home gamit ang e-load

Huwag magpahuli sa in at uso ngayon, Suki. Napakaraming online hobbies ang pwede mong ma-miss kung wala kang E-load at kundi di ka sanay gumamit nito. Ilan na nga lang sa mga ito ang mga sumusunod:

1. Budol galore sa online shopping

how-to-eload-palawan-pawnshop-1Photo courtesy of Afif Kusama via Unsplash

Pagod ka na bang magmadali sa kahahanap ng baryang pambayad kay kuya na nagdeliver ng latest budol mo mula sa Shopee o Lazada? Gusto mo bang dumating ang mga items mo nang papindot-pindot ka lang?

Tamang-tama ang e-load para diyan, Suki! Dahil kasama ang mga payment services at apps sa mga pwede mong pag-gamitan ng e-load. Pwedeng-pwede mag e-load sa GCash, Paymaya, at Coins.ph upang mabayaran na nang agaran ang iyong online purchases. Malaki ang maitutulong nito lalo na kung marami ito.

Sa tulong ng e-load mula sa Palawan Pawnshop, 'di mo na kailangang lumabas-labas pa at pumila sa ATM para lang mag-withdraw ng perang pambayad sa items mo.

Ang wais, ‘di ba, Suki? Laking bawas sa hassle sa pagbabayad!

2. Magbabad sa paborito mong shows at serye

how-to-eload-palawan-pawnshop-2Photo courtesy of Anastasia Shuraeva via Pexels

Minsan kulang sa paypay at uling ang mabagal na wi-fi sa bahay kaya di mo ma-enjoy ang mga pinapanood mo dahil pahinto-hinto ito. Sa tulong ng e-load mula sa Palawan Pawnshop, pwedeng pwede mo nang ma-enjoy ang mga ito!

Una, pwede mong gamitin ang e-load para sa mag-subscribe ng iba’t ibang mobile data promos sa Globe at Smart. Hindi mo na kailangan lumabas at gisingin si Aling Marites sa kanyang tindahan para lang magpaload nang may dagdag na dalawang piso. Gamit ang iyong e-load, pwede ka nang bumili mula sa iyong phone gamit ang mga apps ng mga TelCo brands na ito.

Bukod dito, pwede mo ring gamitin ang e-load mo para makapag subscribe ka sa mga sikat na streaming sites gaya ng Netflix at Iflix. Huwag magpahuli sa latest episodes ng Kdrama, Anime, at mga bagong pelikula gamit ang iyong e-load.

3. Maging laging handa sa live streaming

how-to-eload-palawan-pawnshop-3Photo courtesy of Ron Lach via Pexels

Suki, pwede mo ring gamitin ang iyong e-load para sa iyong live streams. Kadalasan itong ginagamit ng mga iba’t ibang online live sellers pati na rin ang mga live gaming streamers.

Kung balak mong magkaroon ng extra income sa pamamagitan ng live selling, isa sa mga kailangan mong i-invest ay ang e-load.

Isa sa mga malalang panic moments kapag naubusan ng e-load ang mawalan ng internet para sa iyong online selling business. Meron ka mang internet sa bahay, mahalaga pa rin na may emergency funds kang pambayad sa mga mobile data subscriptions lalo na kung bigla itong mawala at bumagal. Deliks ito lalo na’t tag-ulan ngayon at uso ang brownout.

4. Magbabad all day sa social media

how-to-eload-palawan-pawnshop-4Photo courtesy of Erik_Lucatero via Pixabay

Magagamit talaga ang e-load sa maraming bagay tulad na lang na pwede mo rin itong gamitin para mag-log-in sa iyong social media accounts kahit saan.

Minsan walang wifi sa iba’t ibang lugar na madalas mong pinupuntahan gaya ng grocery store at restaurant. Gusto mo sanang mag-status update at magbahagi ng photo sa IG at FB stories na hindi mo magagawa kung walang data or wifi connection.

Sa tulong ng e-load pwede ka nang makipag chikahan at mag-chat kahit walang internet sa tulong ng mobile data na pwede mong bilhin gamit ang iyong e-load! Maging connected to everyone kahit saan ka man pumunta sa tulong ng iyong e-load.

5. Maging-Bida Best sa Video at Mobile Games

how-to-eload-palawan-pawnshop-5Photo courtesy of RODNAE Productions via Pexels

Halos lahat ng bagay ay maaari nang paggamitan ng e-load at isa sa mga pinaka-popular na gamit nito ay para sa mga mobile at video games.

Gusto mo ba ng latest skins sa mga ML heroes gaya ni Esmeralda at Vale? E-load lang ang katapat niyan! Bili na Suki para kahit na bokya ang iskor mo, maganda naman tingnan ang hero mo.

Bukod dito, pwede mo rin gamitin ang e-load mula sa Palawan Pawnshop para bumili ng mga games sa apps gaya ng Steam. Napakaraming sulit at special offers sa Steam monthly na hindi mo dapat palampasin gaya ng Mass Effect at Red Dead Redemption II kaya magpaload ka na sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop.

Ngayong feeling fresh at bagets na bagets ka dahil alam mo na kung para saan ang e-load, ang mahalagang tanong ay paano ka naman bibili nito? Basahin sa ibaba kung paano pa magpa e-load sa Palawan Pawnshop.

Mag E-load na sa Palawan Pawnshop!

Gaya ng nabanggit, iba’t ibang online hobbies ang pwede mong ma-enjoy kapag may e-load ka na mula sa Palawan Pawnshop. Ilan sa mga telecom brand na pwedeng-pwede mo lagyan ng load ay ay Smart, Globe, Sun, TM at Talk ‘N Text.

Sundin lamang ang mga hakbang na ito:

  1. Pumunta sa Palawan Pawnshop branch at sabihin sa pogi at/o magandang agent na ikaw ay magpapaload.
  2. Ibigay ang iyong Subscription Account Number or Mobile Number, kung ano ang applicable. I-double check ito upang maging sigurado.
  3. Bayaran ang halaga ng iyong ipapa-load at abangan na pumasok ang notification na natanggap mo na ito.

Napakadali lang Suki, di ba? Bukod sa mga nabanggit, pwede mo rin tingnan ang website ng Palawan Pawnshop para makita ang iba’t ibang brands at application na pwede mong lagyan ng e-load.

Napakarami mong pwede gawin sa iyong e-load, Suki. Kaya huwag ka nang magpahuli sa in ngayon. Sa tulong ng Palawan Pawnshop, pwede ka nang magpa-e-load kahit saan para i-level up ang hobbies mo.

Tingnan ang ilan pang services na pwede mong subukan sa Palawan Pawnshop website at Facebook page.

Share: