Suki’s 7-Step Guide on How to Pawn Gold at Palawan Pawnshop

Blog

April 16, 2021

Gold-and-Diamond-Jewelry-1

Inabutan ka ba ng petsa de peligro, Suki?

Sa panahon ng kagipitan, maraming naiisip ang tao na mga paraan para mabilis na magkaroon ng pera. Ang iba, nagbebenta ng mga gamit samantalang ang iba naman ay nangungutang. Pero sa mga wais na suki na may gold investment, pwede niyo i-sangla ang iyong gold jewelry items sa pawnshop!

Kung first time mo mag-sangla, sasagutin ng Palawan Pawnshop lahat ng tanong mo tungkol sa pawning, masasagot sa step-by-step guide on how to pawn jewelry guide na ito!

Requirements bago mag-sangla

Syempre, bago ka magpunta sa isang pawn shop, may mga requirements na dapat ka munang isaalang-alang.

1. Ang iyong gold jewelry

Gold-and-Diamond-JewelryPhoto courtesy of Castorly Stock via Pexels

Una, dapat mong i-check ang alahas na plano mong isangla. Tiyakin na ito ay gawa talaga sa ginto para sure na tanggapin ito.

2. Magkano ba ang kailangan mo?

Kung alam mo ang specific loan amount na kailangan mo, mapipili mo kung anong gold jewelry ang dapat mong dalhin. Matutulungan ka nito na umutang base lang sa pangangailangan mo.

3. Valid IDs

Uk-Driving-LicensePhoto courtesy of Dom J via Pexels

Huwag ding kalimutang magdala ng kahit isa sa mga primary valid IDs, o kaya’y dalawa sa mga secondary valid IDs bago ka magpunta sa pawn shop dahil isa ito sa mga requirements. Para maging sigurado ka sa mga valid IDs na dadalhin ninyo, narito na ang listahan ng mga valid IDs in the Philippines.

4. Past appraisals

Kung may mga dating appraisal ka ng alahas na iyon, ibig sabihin, kung naisangla mo na ang mga ito dati, dalhin mo rin ang mga ito lalo na kung makikipag-negotiate ka sa appraisal na ibibigay sa iyo ng pawnshop na pupuntahan mo.

5. At least 18 years of age

Man-Wearing-Blue-SuitPhoto courtesy of Minervastudio via Pexels

Age knows no limit pero sa pawning, meron! How old do you have to be to pawn something? Dito sa Pilipinas, required na at least 18 years old ang magsasangla.

6. Be understanding

Is pawning worth it? Oo naman, Suki. Pero tandaan na kailangan din ng mga pawn shops ang money para lumago ang business nila. Kaya huwag mag-assume ng mas mataas na appraisal value kung hindi naman talaga ito worth sa quality ng gold jewelry mo.

Maging makatwiran sa iyong expectations at maging patient hanggang mahanap mo ang pawn shop na may pinakamagandang deal para sa gold jewelry mo.

 

Step-by-step guide on how to pawn something

1. Alamin ang basics tungkol sa alahas at gawin itong presentable

Macro-Photo-Of-Golden-RingPhoto courtesy of axecop via Pexels

Tandaan, Suki na karat, weight, at appearance ang primary na sukatan ng pawnshops para sa gold jewlery appraisal. Bago ka pa umalis ng bahay, mas maganda kung alam mo na kung ano ang timbang at karat ng alahas mo.

Pagdating mo sa pawn shop, huwag kang mainip kung tanungin ka nila tungkol sa iba pang detalye tungkol sa alahas. Ginagawa nila ito upang matiyak na sa iyo talaga ang alahas at hindi ito nakaw.

Kung matagal itong nagpahinga sa lalagyan, linisin at pakintabin ito para magmukhang bago at makita ang kinang nito. Kung nasa iyo pa original packaging ng iyong mga alahas, dalhin din ito.

2. Alamin ang initial value

Kung naisangla mo na dati pa ang alahas na ito, may ideya ka na kung magkano ang price nito kaya mas madali mong mai-ne-negotiate ang tamang presyo para rito. Pwede mong pag-aralan ang ilang basic calculations para malaman kung paano makuha ang presyo ng ginto o tingnan ang mga online gold prices.

3. Bumisita sa iba’t-ibang pawn shops

Woman-in-Brown-Coat-Standing-on-Sidewalk-during-Night-TimePhoto courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Iba’t-iba ang appraisal ng pawn shops sa ginto kaya bago ka makipag-deal sa isang pawn shop, alamin muna kung magkano ang appraisal ng iyong alahas sa ibang sanglaan. Pumunta rin sa mga mapagkakatiwalaang pawn shop para tiyak na ‘di ka madaya sa timbang ng alahas mo.

Alamin din, Suki, how to calculate pawn shop interest nang sa gayon ay hindi ka naman mabaon sa laki ng interes sa pawn shop. Bukod sa appraisal, ikumpara rin ang interest rates, due dates, at sulit packages ng pawnshop bago magpasya kung alin ang swak para sa’yo.

4. Makipag-negotiate sa presyo

Women-Having-a-ConversationPhoto courtesy of mentatdgt via Pexels

Kapag makikipag-negotiate, chill lang, Suki. Kung ikaw ang hinimok nila na magbanggit ng unang presyo, sabihin mo ang highest price mo. Maging open din sa first offer ng pawn shop. Bukod sa presyo, pwede mo ring i-negotiate ang interest rate at due date ng iyong pawn loan.

Kung hindi ka pabor sa terms na ini-o-offer sa iyo, pwede ka namang lumipat sa ibang pawn shop. Pero kung pabor sa iyo ang mga terms, piliin ang pawning amount na hindi lalagpas sa maximum appraised value ng iyong gintong alahas.

5. I-fill out at pirmahan ang mga papeles

Selective-Focus-Photography-of-Person-Signing-on-PaperPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Kasama sa proseso ng how to pawn jewelry ay ang pagbabasa, pagpupuno, at pagpirma sa mga papeles. Kung walang papeles na papapirmahan sa’yo, huwag kang papayag.

Tingnan ang papeles at tiyakin na nandito ang terms ng loan niyo, interest rate, at due date kung kailan mo dapat mabayaran ang pawn loan mo para hindi maremata ang alahas mo. Maganda rin kung nakalagay sa papeles ang ilang description ng alahas.

Suki Tip: Piktyuran ang alahas na isasangla mo katabi ng pawn contract nang sa gayon ay pwede mo itong ipakita kung sakaling magkaproblema sa hinaharap.

6. Huwag kalimutang kunin ang kopya ng pawn ticket

calculator-on-invoicePhoto courtesy of Oliver Menyhart via Pexels

Ang pawn ticket ang mahalagang papeles para makuha mo ang pawned jewelry mo kapag nabayaran mo na ang loan mo kaya huwag kalimutang kunin ito at huwag itong iwala para hindi sumakit ang ulo mo kapag tutubusin mo na ang alahas mo, Suki.

7. Bilangin ang pera at tingnan kung legit ito

Bago umalis ng pawn shop, suriin ang pera at bilangin itong mabuti para matiyak na ito ang eksaktong price na napagkasunduan niyo.

 

Paano i-redeem ang pawned items

Person-in-Black-Long-Sleeve-Shirt-Holding-Black-CardPhoto courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

1. Pumunta sa pawn shop kung saan ka nagsangla.

Syempre Suki, huwag mong kalimutang dalhin ang wallet at pambayad mo, pati na rin ang pawn ticket na ipapakita mo sa counter. Dapat mabayaran mo nang buo ang loan mo before ang due date na napagkasunduan niyo para hindi maremata ang alahas mo.

2. Pirmahan ang mga papeles.

Black-Pen-Placed-on-White-PaperPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Sulatan ang pawn ticket para sa date at amount na babayaran mo lalo na kung installment ang payment option mo.

3. Ipakita ang pinirmahan na pawn ticket at iabot ang bayad.

Iabot ito sa counter at hintayin hanggang matapos nila ang pag-aasikaso ng payment mo. Konti nalang at magre-reunite na kayo ng iyong minamahal na gold jewelry, suki!

4. Kunin ang alahas na tinubos mo at suriin ito.

Suriing mabuti ang alahas kung ito nga ang eksaktong gold jewelry na isinangla mo. Tingnan kung nagkaroon ito ng mga damages. Kung meron kang nakitang damage, sabihin ito agad. Kung wala naman, pwede ka nang umalis sa pawn shop.

Sobrang simple lang ng proseso sa pawning service ng Palawan Pawnshop! May iba’t-ibang package na ini-o-offer ang Palawan Pawnshop depende sa pangangailangan mo at pwede mong ma-compute patiuna kung magkano ang pag-redeem at renewal amount ng pawn loan mo online!

Kaya kung magsasangla ka ng ginto, magpunta ka na sa Palawan Pawnshop. Dito, mataas ang appraisal rates at mabilis ang serbisyo! Saan ka pa, suki? I-Palawan mo na ‘yan!

Share: