Iba’t Ibang Negosyo Na Perfect Para Sa Summer

Blog

April 14, 2021

Ibat-Ibang-Raket-Na-Patok-Ngayong-Summer

Summer vacation na naman! Kung ikaw ay estudyante, siguradong excited ka na sa sa summer break para makapag-chill at manood ng mga Netflix series na nasa watch list mo.

Hindi naging madali ang adjustment sa mga estudyante ngayong academic year dahil sa lahat ng mga eskwelahan sa bansa ay nagsagawa lamang ng online classes dahil sa pandemya. Dahil sa napakaraming stressful na karanasan natin sa nagdaan na 2020, marami sa atin ang hindi na makapaghintay na magbakasyon.

Ngunit kung ikaw naman ay naghahangad na kumita ng extra money ngayong bakasyon, maaari mo ring subukan ang iba’t ibang raket na patok ngayong summer. Hindi ka man makakapunta sa iyong mga favorite tourist destinations dahil sa dumarami na naman na cases ng COVID-19 sa bansa, ay maaari mong gamiting ang panahon na ito upang makapag-ipon at makatulong sa iyong pamilya.

Sa ganitong paraan ay siguradong magiging productive ang iyong summer vacation at makakapag-ipon ka pa para sa iyong dream vacation pagkalipas ng pandemic.

Eto ang ilang mga ideas para sa raket na patok ngayong summer:

1. Magbukas ng online shop

apr-summer-extra-income-1Photo courtesy of PhotoMIX-Company via Pixabay

Isa sa mga napaka-patok na raket ngayong panahon ng pandemic ay ang pagbebenta online. Hinihikayat ng gobyerno ang pag-stay sa bahay at pag-iwas sa mga matataong lugar. Marami sa atin ang nawili sa online shopping upang maiwasan ang pagpunta sa mga malls at naging stress reliever na rin ito ng mga nabubugnot na sa kanilang bahay.

Kung may talento ka sa arts and crafts o kaya naman may mata para mga bagay na pwede mong i-resell, pwedeng-pwede ka magbukas ng sarili mong online store. Kayang-kaya ito kahit maliit lang ang puhunan. Kadalasan, kahit sa Instagram o Facebook Marketplace ka lang mag benta, marami ka nang maabot na taong maaaring tumangkilik sa mga binebenta mo.

Sa lagay naman ng pagtatanggap ng mga bayad mula sa mga buyers mo, ang Palawan Pawnshop ay may one-stop money services na makakatulong sa inyo at sa mga customers mo para makapag transact nang ligtas at maayos.

2. Ukay-ukay sa bahay

Kung ayaw mo naman maglabas ng malaking puhunan sa pagtayo ng online shop ay maaari mong ibenta ang iyong mga gamit o damit na hindi mo na naisusuot. Sulitin ang bakasyon upang makapag-general cleaning at pagkakitaan ang mga bagay na hindi mo na ginagamit. Sa ganitong paraan ay makakapag-declutter, kikita ka rin ng pera.

May iba’t ibang paraan at platforms sa pagtayo ng iyong ukay-ukay. Maaari mo itong i-display sa labas ng iyong bahay. Kung gusto mo naman na makausap ang mas maraming buyer, maaari mong ibenta ito online o subukan ang live selling sa Facebook.

3. Baking

apr-summer-extra-income-2Photo courtesy of Free-Photos via Pixabay

Kung ikaw naman ay natuto magbake ngayong lockdown, panahon na para gamitin ang iyong talent sa paggawa at pagkikita ng pera sa pagbebenta ng masasarap na pastries at desserts. Maaari mo i-develop pa ang iyong talent sa pag bake ng cookies, muffins, cakes, at iba pa. Mag-eenjoy ka na, magkakaroon ka pa ng extra money!

Maaari mo rin itong ibenta online o bilang meryenda sa iyong mga kapitbahay. Siguraduhin lamang na magsuot ng face mask at face shield. Mas maganda rin kung magtatayo ka ng iyong sariling Facebook Page o Instagram Shop kung saan maaari kang i-follow ng iyong mga potential buyers.

4. Food trays at packed meals

Ang food business ang isa sa mga pinakapatok na raket every summer. Ngayong panahon ng pandemic, marami sa atin ang hindi na masyadong kumakain sa dine-in restaurants at mas gusto na magbaon na lamang ng pagkain sa trabaho. Maaari mo silang maging target customers para bigyan ng meal plan at i-deliver na lamang ang kanilang baon sa kanilang workplace.

Kung gusto mo naman ng mas maramihan na order, maaari kang magbenta ng food trays sa mga parties. Dahil hindi pa pinapayagan ang mga social gatherings, marami ang nagcecelebrate ng kanilang birthday, anniversary, at iba pang events sa kanilang bahay.

5. Virtual Assistant

apr-summer-extra-income-3Photo courtesy of bzak via Pixabay

Ang Virtual Assistant Jobs ay isa sa mga in demand na freelance work sa panahon ngayon. Malawak ang sakop ng maaari mong gawin bilang virtual assistant. Ang maganda dito ay makakapagtrabaho ka online at hindi kinakailangan na lumabas pa ng bahay. Maaari mo rin ito gawing side job kung ikaw ay meron nang trabaho.

Bilang virtual assistant, maaari ka maging data encoder, sales, booking assistant, at marami pang iba. Ang iyong trabaho ay depende sa kinakailangan na assistant ng employer. Bisitahin ang mga online job finder kagaya ng Upwork upang maghanap ng iba’t ibang raket.

6. Online tutoring jobs

Dahil puro online classes lang ang meron ngayong panahon ng pandemic, marami rin ang naghahanap ng mga online teachers o tutors na magtuturo sa mga estudyante. Kung ikaw ay may passion sa pagtuturo o mahilig sa mga bata, maaari mong sanayin pa ang iyong skills sa pamamagitan ng online tutoring. Maaari itong full-time o part-time depende sa kailangan ng employer.

7. Freelance writing

Kung ikaw naman ay mahilig sa pagsusulat, perfect ang freelance writing para sa’yo. Maganda itong practice kung gusto mong maging professional writer pagka-graduate o di naman kaya ay gawin itong permanent part-time work. Maraming topic ang pwede mong isulat depende sa hinahanap ng employer.

8. Graphic designer

Talent mo ba ang pag-eedit ng iba’t ibang posters para sa school requirements? Maaari mo itong subukan bilang raket ngayong summer kung saan ay kikita ka pa ng extra money. Maraming kumpanya ang naghahanap ng freelance graphic designers dahil sa dami ng demands nito. Bilang graphic desiner, maaari kang gumawa ng designs ng logos, magazine, posters, packaging, at iba pa.

Ang summer vacation ay hindi lamang panahon para makapagbakasyon kundi para rin kumita ng extra money. Maging wais kung papaano nyo magagamit ang inyong skills para kumita ng pera. Goodluck, Suki!

Share: