-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Palawan Pawnshop Insurance Guide na Swak sa Iyo
May 12, 2021
Photo courtesy of MCC Jason Penny via Wikimedia Commons
Insurance? Naku, dagdag gastos lang ‘yan!” Kung ganito ang paniniwala mo at ikaw ang breadwinner sa pamilya mo, isipin mo na lang kung ano ang mangyayari sa kanila kapag naaksidente ka at hindi mo na sila kayang suportahan. So ano, nganga na lang?
Kawawa at mahihirapan sila kung hindi ka na makakapag-hanapbuhay dahil sa aksidente o natsugi ka na. Kaya ka nga kumakayod dahil may pangarap ka para sa pamilya mo, ‘di ba?
Buti na lang, may Palawan Pawnshop ProtekTODO accident insurance kang maaasahan para sa todo-todong proteksyon sa presyong kayang-kaya mo. May tatlong insurance packages na pagpipilian, mga suki. Alin ang pinaka-swak sa pangangailangan mo?
SULIT SOLO ProtekTODO: para sa manggagawang hindi regular ang kita
Photo courtesy of MonicaVolpin via Pixabay
Pinagkakasya mo lang ba sa pang-araw-araw mong budget ang maliit mong kinikita bilang tricycle o jeepney driver, construction worker o tindera sa bangketa? Alam mo bang kahit hindi regular ang kita mo, pwedeng-pwede kang magkaroon ng insurance sa halangang bente pesos (Php20) lang?
Yes, mga suki—tama ang basa ninyo! Bente as in dalawampung piso lang ang kailangan mo para protektahan ang iyong sarili.
Saan aabot ang bente pesos mo? Sa Sulit Solo ProtekTODO, malayo ang mararating nito! Eto ang mga benepisyong makukuha mo kung sakaling may mangyari sa ‘yo (*knock on wood):wood):
- Php10,000 - death due to accident (including unprovoked murder and assault)
- Php5,000 - death due to motorcycle accident
- Hanggang Php10,000 - permanent disability or dismemberment
Kung madalas kang nagmo-motor pagpasok sa trabaho at pauwi sa bahay, malaking tulong ang motorcycle accident insurance sakaling magkaroon ka ng injury dahil sa aksidente. Covered na nito ‘yung kikitain mo sa mga araw na hindi ka makakapagtrabaho habang nagpapagaling.
Isang beses mo lang itong babayaran, covered ka na sa loob ng apat na buwan. Sulit na sulit! O ‘di ba, para kang naka-jackpot!
PREMIUM SOLO ProtekTODO: para sa minimum wage earner na may pinapa-aral
Photo courtesy of Brian Evans via Flickr, Creative Commons
Para sa mga security guard, traffic enforcer, kasambahay, factory worker, at iba pang minimum wage earners, eto naman ang insurance plan na swak sa inyo: ang PREMIUM SOLO ProtekTODO.
Sa halagang singkwenta pesos (Php50) na isang beses mo lang babayaran, protekTODO ka sa loob ng isang taon. May dagdag itong mga benepisyo para sa mga magulang at breadwinner na nagpapa-aral at gumagastos para sa mga estudyante sa pamilya.
- Php2,500 - educational assistance for the beneficiary on death due to accident
- Php5,000 - burial benefit on death due to accident
- Php2,500 - cash assistance for death due to a natural cause or sickness
- Php10,000 - death due to accident (including unprovoked murder and assault)
- Php5,000 - death due to motorcycle accident
- Up to Php10,000 - permanent disability or dismemberment
Kapag ito ang pinili mong Palawan Express insurance, makasisiguro kang makakatanggap ng tulong ang pamilya mo kung hindi mo na sila kayang suportahan dahil sa aksidente o kamatayan.
PREMIUM PAMILYA ProtekTODO: para sa breadwinner ng buong pamilya
Kaya mo bang maglaan ng Php100 kada taon para sa insurance? Umaasa ba sa iyo ang buong barangay, este, pamilya mo? Eh di itodo mo na ang benepisyo mo!
The best choice ang PREMIUM PAMILYA ProtekTODO para sa mga OFW, call center agent, may-ari ng maliliit na negosyo gaya ng sari-sari store, at iba pang breadwinners na sumusuporta sa kanilang asawa, mga anak, at pati mga kapatid at magulang.
Maximum protection para sa buong pamilya ang maaasahan mo sa ProtekTODO package na ito. Bukod sa mga benefits na meron sa ibang Palawan insurance packages, may dagdag na fire assistance (Php5,000) para makabangon kayong muli ng pamilya mo sakaling masunugan kayo ng bahay.
Narito ang lahat ng benepisyong matatanggap mo o ng iyong pamilya under the PREMIUM PAMILYA ProtekTODO plan:
Paano mag-avail ng Palawan accident insurance
Nakapili ka na ba ng ProtekTODO insurance package na swak sa budget at pangangailangan mo? Pwede ka nang mag-enroll saan mang branch ng Palawan Pawnshop. Hindi na kailangang magpasa ng kahit anong papeles o requirements para sa insurance, kaya mabilis at madali ka lang makakakuha nito.
How to enroll for Palawan ProtekTODO insurance:
- 1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch.
- 2. Sagutan at pirmahan ang ProtekTODO Enrollment Form.
- 3. Bayaran ang halaga ng pinili mong insurance:
- Php20 for SULIT SOLO
- Php50 for PREMIUM SOLO
- Php100 for PREMIUM PAMILYA
- 4. Pirmahan at kunin ang Confirmation of Registration (COR) na ibibigay ng staff sa ‘yo.
- 5. Itago mo ang COR. Ipapakita ang dokumentong ito tuwing magfa-file ng insurance claim.
Paano mag-claim ng insurance
Pwedeng mag-request ng claim ang beneficiary mo sa kahit anong Palawan branch within the coverage period ng insurance mo (4 months for SULIT SOLO / 1 year for PREMIUM SOLO and PREMIUM PAMILYA).
How to apply for ProtekTODO insurance claim:
- Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch - Kung nais mong tumawag bago dumalaw, maaaring mahanap ang contact number at address ng pinakamalit na branch gamit ang branch at agent finder.
- Sagutan ang Notice of Claim.
- Ibibigay sa ‘yo ang listahan ng documents na kailangang ipasa sa loob ng 90 days from the date of incident.
- Kapag pinasa mo na lahat ng requirements at approved ang claim mo, makakatanggap ka ng text notification sa cell phone mo.
- Tanggapin ang pera na ire-release ng Palawan branch kung saan ka nag-file ng insurance claim. ‘Wag kalimutang i-check ang listahan ng mga type of IDs accepted sa branch at mag-dala ng isa (1) sa mga ito para maipakita sa agent o branch associate.
Mag-enroll na sa ProtekTODO accident insurance plan!
Tatlo lang sa kada 10 Pilipino ang may insurance. Kung mapabilang ka diyan, isa kang wais na Pinoy!
Mahal mo ang iyong pamilya kaya ka nagsasakripisyo para sa kanila. Ngayon pa lang, protektahan mo na sila para sa panahong hindi mo na sila kayang suportahan. Huwag ka nang magdalawang-isip pagdating sa insurance dahil kering-keri ‘yan ng budget mo. Dito ka na sa cheap insurance na hindi sasagarin ang bulsa mo. ProtekTODO ka sa Palawan Pawnshop!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024