No to Utang, Yes to Ipon: 10 Tips Para Iwas Utang Sa 2020

Blog

March 19, 2021

iwan-utang

Naranasan mo na ba ang mga eksenang ito sa buhay, suki?

Kailangan ni junior ng pera para sa project; nagkasakit si tatay ng biglaan; nanghihingi na si nanay ng pambayad sa renta sa bahay; kailangan mo nang bumili ng bagong cellphone pamalit sa sirang cellphone na ginagamit mo. Hay! ‘Pag nagkapatong-patong ang mga dapat bayaran at dapat mong bilhin pero kulang ang pera mo, kadalasan nang pangungutang ang unang maiisip mo. 

Utang man \'yan sa kaibigan, kapamilya, o kahit sa bangko, masho-shookt ka nalang sa taas ng babayaran mong utang! Nako, hindi dapat ganon, suki!

rupixen-comPhoto courtesy of rupixen.com via Unsplash

Nakaka-stress talaga pag may utang ka at maraming hamon ang napapaharap sa mga pamilyang lubog sa utang. ‘Yung tipong ung sinahod mo noong kinsenas at katapusan ay diretso lahat sa mga pinagutangan mo, na hindi mo forever kayang iwasan. Worse comes to worst, baka nga nangungutang ka pa sa iba para ipambayad sa mga utang sa mo sa credit card. 

Kaya para stress-free ka ngayong bagong taon, basahin mo ang iwas-utang tips na handog ng Palawan Pawnshop para makaiwas sa utang at makapag-ipon para sa isang magandang kinabukasan:

1. Maging financially literate
2. Magkaroon ng emergency fund
3. Mag-set ng financial goals
4. I-track ang expenses
5. Be willing to make sacrifices
6. Magkaroon ng extra source of income
7. Huwag mangutang kung di kailangan
8. Suriin ang utang
9. Huwag mag-paimpluwensiya sa iba
10. Maging kuntento sa kung ano meron ka

Handa ka na ba i-apply ang 10 wais tips na ito? Keep on reading to find out!

1. Maging financially literate

Kahit may financial literacy lessons ang students ang Department of Education at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay dapat magsimula sa loob ng pamilya. Kapag financial matters ang usapan, dapat isama na ang mga anak, from panganay to bunso, para maturuan sila kung gaano kahalaga ang pera. Kasama na rin dito ay ang paraan kung paano mag-ipon, at ang matalinong paggamit and paggastos ng pera.

Kapag bubuo na ng monthly family budget, isama niyo ang mga anak para makita nila na malaking responsibilidad ang pag-manage ng pera. Ito rin ay para kung sakaling magpapabili man sila ng pang-project, o kaya event, ay mapaglalaanan niyo na agad ng pera. Kapag nagsikap ang mga magulang na sanayin ang kanilang mga anak sa wastong paggamit ng pera, matutuo na sila maging matalino sa paggastos nito.

2. Magkaroon ng emergency fund

gray-auto-bill-counterPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Isa sa mga dahilan kung bakit madalas na nangungutang  ang mga tao sa mga lending company o kaya ay sa mag 5-6 na pautang ay dahil merong mga ‘di inaasahang pagkakagastusan na hindi kasama sa budget. Para maging utang-free kapag may emergency, maglaan at mag-ipon na oara magkaroon ka ng emergency fund, suki. 

Kadalasan ay dapat 3-months worth of living expenses ang dapat na laman ng iyong emergency fund. Sa ganoong paraan, kung may isang magkaroon ng malubhang sakit sa inyo, meron kang pera na nakahanda para sa pagpapagamot niya. Kung maari, magbukas ka ng hiwalay na savings account para sa inyong emergency fund at magpadala ng pera diretso sa iyong account.

Maghulog agad kada-araw ng sweldo, sa bangko man o kaya’y sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop para i-padala to bank account na ‘yan

3. Mag-set ng financial goals

Syempre, suki, hindi naman dapat hanggang doon ka lang sa goal na makaiwas sa utang o mabayaran mo lahat ng utang mo. Dapat magkaroon ka rin ng diskarte para makaipon ng pera para sa future mo at ng pamilya mo. 

Para maging matagumpay ang iyong pag-iipon, subukang gumawa ng money goals na pwede gawin kada-katapusan ng buwan. Kapag may maayos ka na goals at plano, magiging mas madali ang pag-iipon para sa iyo. Mag-isip din ng ibang paraan kung paano mapapaikot ang pera, tulad ng pag-iinvest nito sa isang business para naman hindi lang natutulog ang savings mo sa bangko.

4. I-track ang expenses

A-Person-Stacking-Paper-Bills-MoneyPhoto courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Para malaman kung saan ba napupunta ang sahod mo, ilista sa isang money journal ang lahat ng iyong pinagkakagastusan. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung saang category ka pinaka magastos. Gamit nito, matutulungan kang makita ang iyong debt to income ratio.

Maisusuri mo rin ang mo ang sarili mo at mga gastusin mo kada buwan. Malalaman mo rin ang kakayahan mong mangutang sa iba at mabayaran ito sa napagkasunduang panahon kapag mindful ka sa paraan ng paggastos o ng iyong pinaghirapang pera.

5. Be willing to make sacrifices

Syempre, para makatipid ng pera at makapag-ipon, kailangan mong mag-sacrifice, suki. Halimbawa, baka pwedeng bawasan mo ang mga monthly online subscriptions mo tulad ng Spotify at Netflix para makabawas ito sa iyong credit card bills. Maganda kung ididiscuss mo sa iyong pamilya ang mga ginagawa mong money sacrifices para makatipid para makabayad kayo sa utang. ‘Pag ginawa ninyo ito, ma-iinspire mo sila na mag-sacrifice din ng kanilang mga luho para mas makatipid kayo bilang pamilya. Sa ganoong paraan, makakapagtulungan ang lahat para makaahon mula sa utang.

6. Magkaroon ng extra source of income

blur-cash-close-up-dollarsPhoto courtesy of Burst via Pexels

Dahil may panahon talagang kulang ang kinikita mo sa trabaho tapos may mga debt collector pang nangungulit sa’yo, maganda kung magkakaroon ka o ang pamilya mo ng extra source of income kahit part time gig or freelance job lang.

Halimbawa, kung may talent ka sa arts, baka pwede kang mag-commission ng mga artwork para may extra kang kita. Pwede din naman kayong mag-garage sale para makapag-declutter din ng mga gamit sa inyong bahay at kumita pa ng pera na pwedeng ipambayad sa inyong mga loans.

7. Huwag mangutang kung hindi kailangan

Sa hirap ng buhay ngayon, dapat pag-isipan mong maigi bago ka mangutang para lang mabili ung isang bagay na gusto mo pero baka di mo naman pala talaga kailangan. Maging goal na kung sakaling walang-wala ka na talaga eh saka mo lang ico-consider ang pangungutang ng pera sa iba.

Hangga’t may option ka na huwag umutang, wag kang umutang. Isang magandang option ay ang pagsasangla ng ginto sa Palawan Pawnshop sa halip na mangutang sa 5-6. Dahil sa low interest rates at packages na ino-offer sa pawnshop na ito, kayang-kaya mo itong bayaran nang di ka nalulubog sa utang.

8. Suriin ang iyong mga utang

sebastian-herrmannPhoto courtesy of Sebastian Herrmann via Unsplash

Kapag naman wala ka nang ibang choice kundi kumuha ng loan, umutang sa isang lending company, o manghiram sa iyong mga kaibigan, maganda kung pag-aaralan mo muna ng maigi ang utang agreement ninyo. Kahit pa sa mga kaibigan mo lang ikaw uutang, dapat na gumawa kayo ng kasulatan ng iyong mapagkakasunduan regarding sa utang mo para maging formal ang lahat at hindi masira ng utang ang pagkakaibigan niyo.

Bago mo pirhamahan ang inyong utang agreement, tignan kung magkano ang interes ng uutangin mong halaga at kung magkano ang penaltly kung sakaling ma-late ka sa pagbabayad nito. Kapag na-evaluate mo na ang terms ang agreements ng utang mo, matutulungan ka nito na malaman kung may kakayahan ka bang bayaran on time ang hihiramin mong pera. ‘Pag familiar ka rin sa contract ng iyong loans, magiging madali para sa iyo na i-prioritize kung anong loan ang dapat mong bayaran agad para hindi na tumaas pa ang interes nito.

9. Huwag mag-paimpluwensiya sa iba

men-s-gray-and-black-button-up-shirtPhoto courtesy of Artem Beliaikin via Pexels

Sa dami ng bagong produkto na available sa market ngayon at sa advertisement nito, mapapasabi ka nalang ng “Sana All” may pera pambili ng mga ito. Patunayang ikaw ay certified na wais sa pamamagitan ng ‘di pagpapadala sa pambubuyo ng iba na maging sunod sa uso. Tandaan, hindi ka magiging tunay na maligaya kahit pa meron kang latest phone every time may bagong release kung ang kapalit naman nito ay ang pagkalubog mo sa utang na hindi mo mabayad-bayaran. 

Kapag mag-shoshopping ka, sikaping mag-stick sa budget na itinakda mo sa halip na sabihin sa sariling pwede mo namang bayaran nalang ung mga gusto mong bilhin gamit ang credit card mo.

10. Maging kuntento sa kung anong meron ka

man-and-woman-carryingPhoto courtesy of Caleb Oquendo via Pexels

Ang pinaka simpleng paraan para makaiwas sa utang at makapag-ipon ng pera ay ang pagiging kuntento sa kung anong meron ka. Hindi naman masamang maghangad ng mga magagandang bagay para sa iyo at sa pamilya mo, suki. Pero kung nasa iyo na ang lahat at hindi ka marunong makuntento, hindi ka pa rin magiging masaya. Kaya para maging tunay na maligaya kahit pa konti lang ang meron ka, dapat matutunan mong maging kuntento.

Isa pa, sikaping maging goal ng buong pamilya ang makapagtaguyod ng lifestlye na swak sa inyong means of living nang sagayon ay hindi kayo ma-pressure na mangutang ng mangutang para magkaroon ng mga bagay na hindi niyo naman talaga afford.

Maraming dahilan kung bakit nangungutang ang mga tao at hindi naman masamang mangutang lalo na kung talagang kailangang-kailangan. Pero tandaan Suki, nakaka stress pag may inaalala kang mga utang na di pa nababayaran. Kaya bago ka mangutang, pag-aralan maigi ang tamang debt management para hindi ka palaging lubog sa utang.

Share: