4 Jewelry Cleaning Hacks Para Alagaan ang Iyong Investment

Blog

June 14, 2021

jewelry-cleaning-hacks

Silver-colored-Ring-With-Clear-GemstonePhoto courtesy of Marta Branco via Pexels

More than just an accessory, ang mga alahas ay magandang investment. Pero dahil sa make-up, pabango, hair spray, lotion, sabon, alikabok, at dumi, nawawala ang kinang ng mga jewelry. Ikaw Suki, paano mo inaalagaan ang mga alahas mo para manatili itong shining, shimmering, at splendid?

Handog ng pinagkakatiwalaan na pawnshop in the Phillippines ang mga wais cleaning hacks at proper storage and caring tips ng mga alahas. ‘Pag sinunod mo ang mga ito suki, ‘di ka magsisisi! Siguradong maayos, malinis, at sparkling ang iyong precious gold jewelries.

Isang paalala lang, bago linisin ang mga alahas i-check kung: Una, hindi fake ang iyong gold jewelry; at pangalawa ay kung may damage ba ito.

1. Dishwashing soap + Warm water

Ang ingredients ng pinaka-safe at basic na cleaning hack para sa mga alahas ay dishwashing soap at maligamgam na tubig. Sa isang bowl, maglagay ng maligamgam na tubig at magpatak dishwashing soap. Ilubog sa solution na ito ang iyong gintong alahas at iikot ang bowl ng marahan para matanggal ang mga naipit na dumi. Gumamit ng strainer kapag babanlawan mo sila sa running water para hindi ma-shoot sa drain ang gold accessories mo sakaling dumulas ito sa kamay mo.

Kung silver naman ang alahas na lilinisin mo, isawsaw ang malambot na tela sa solution at ipahid ito sa silver para matanggal ang mga tarnish nito. Banlawan ang silver na alahas gamit ang malamig na tubig at tuyuin ito gamit ang tuyong malambot na tela. 

Kung pearls naman, tandaan na huwag na huwag itong ibabad sa tubig para hindi maging weak ang tali na nagdudugtong dito. Gumamit ng isang malambot na make up brush at isawsaw ito sa solution. Linisin ang mga pearls gamit ang brush. Para tuyuin ang pearls, basain sa malinis na tubig ang isang malambot na tela, pigaan ito mabuti at punasan ang iyong pearls. Pwede mo ring gamiting panlinis ang solution na ito sa mga softer stones tulad ng opal at emerald. ‘Pag sinubukan mo ang cleaning hack na ito, for sure magiging looking good as new ang accessories mo, Suki.

2. White Vinegar solution

barbara-montavon-KCvIMGo-1nc-unsplash-minPhoto courtesy of Bàrbara Montavon via Unsplash

Alam ng mga nanay na ang suka ay mahalagang sangkap sa pangluto at maganda din itong panglinis sa bahay. Pero alam mo ba suki na maganda rin itong pang-linis ng ginto? Ibabad ang gold mong alahas sa kalahating cup ng puting suka sa loob ng 15-20 minuto. Pagkatapos ay banlawan itong maigi sa running water at tuyuin gamit ang isang malambot na tela.

Kung silver naman ang alahas na lilinisin mo, no worries, suki. Mag-add ka lang ng 2 tablespoons na baking soda sa kalahating cup ng puting suka. Ibabad dito ang iyong mga silver accessories sa loob ng 2-3 oras. Pagkatapos ay banlawan ito gamit ang malamig na tubig at patuyuing maigi gamit ang malambot na tela.

3. Beer

alcohol-beer-beverage-1571701-minPhoto courtesy of rawpixel.com via Pexels

Sinong mag-aakala na ang beer na malakas ang sipa ay nakakalinis ng gitong alahas? Oo, suki! Di ka namamalikmata. Talagang malilinis ng beer ang precious gold jewelries mo. Isawsaw ang isang malambot na tela sa beer at marahang ipunas ito sa iyong mga gintong alahas. Kumuha ng isa pang malinis at malambot na tela para naman tuyuin ang iyong alahas. O diba, suki! Simple lang at madaling gawin, pero wag mong iinuman ung beer na pinanlinis mo ah. Taandaan lang na ang beer ay magandang panlinis ng gold pero hindi ito effective na panlinis para sa mga silver na alahas.

4. Toothpaste

Closeup-and-Selective-Focus-PhotographPhoto courtesy of George Becker via Pexels

Bukod sa pagpapakinang ng iyong shiny, white, bright teeth, magagamit din ang toothpaste bilang cleaning hack sa iyong silver jewelries. Note lang. Suki. ‘Wag gamitin na panlinis ng alahas ang gel or yung transparent at colored na toothpaste, dahil kadalasan walang baking soda ang mga toothpaste na ito.

Lagyan ng konting toothpaste ang tarnished mong silver jewelry. Marahang punasan ito gamit ang malambot na tela para matanggal ang tarnish. Banlawan ito gamit ang maligamgam na tubig at tuyuin gamit ang malambot na tela para maibalik ang sparkle nito. 

BONUS JEWELRY CLEANING HACKS:

Aluminum foil para sa rose gold

joanna-kosinska-xLGtGvH0A8g-unsplash-minPhoto courtesy of Joanna Kosinska via Unsplash

Ang mga alahas na rose gold high sa copper. Para linisin ito, balutan ng aluminum foil ang loob ng isang bowl. Dapat ung makintab na side ng aluminum foil ang nasa ibabaw. Punuin ang bowl ng maligamgam na tubig at haluan ito ng 1 tablespoon ng asin, 1 tablespoon ng baking soda, at ½ tablespoon ng dishwashing liquid. Haluing mabuti at ibabad dito ang alahas mo sa loob ng 10-15 minuto. Banlawaan itong maigi sa tubig at tuyuin gamit ang malambot na tela.

Dishwashing liquid para sa white gold

amanda-mocci-Zyp3t67rrP4-unsplash-minPhoto courtesy of Amanda Mocci via Unsplash

Tulad ng platinum, ang white gold ay coated ng rhodium. Para naman linisin ang alahas mong white gold, kumuha ng isang bowl at lagyan ito ng soap water at konting dishwashing liquid. Haluin itong mabuti hanggang sa bumula ito. Ibabad dito ang iyong alahas sa loob ng 10-15 minuto.

Habang naghihintay, paghaluin ang baking soda at tubig hanggang makabuo ka ng paste. ‘Pag tapos na ang 10-15 minutes, kunin ang iyong binabad na alahas, banlawan ito sa tubig, at linisin ito gamit ang paste na ginawa mo. Pwede kang gumamit ng toothbrush na may soft bristles para matiyak na malilinis ang kasuluksulukan nito. Pagkatapos ay banlawan ito sa running water.

 Ammonia para sa hard stone cleaning

Close-Up-Photo-of-DiamondPhoto courtesy of Leah Kelley via Pexels

Syempre, ang mga alahas may bling din. Para linisin ang mga hard stones sa jewelries mo tulad ng diamond, ruby, at sapphire, 3 ingredients lang ang kailangan mo: ammonia, dishwashing soap, at tubig. Pag-haluhaluin ito at gumamit ng cotton swab para ipahid sa mga gems na lilinisin mo. For sure, mapapakanta ka ng shine bright like a diamond kapag natapos mong linisin ang mga bling sa alahas mo.

Ang solution na ito ng diluted ammonia ay isa ring cleaning hack na pwede mong gawin kung gusto mong mag-deep cleaning ng gold jewelries mo. Pero tandaan na huwag ibabad ang alahas mo sa solution na ito ng higit sa isang minuto. Tandaan na ang ammonia ay strong chemical na pwedeng maging abrasive, kaya mag-ingat lagi, suki.

Tips para sa proper storage and care

rings-and-earrings-on-jewelry-boxPhoto courtesy of JESUS ECA via Unsplash

Ngayong nalaman mo na suki ang mga cleaning hacks na pwede mong gawin para maging clean at shiny ang mga alahas mo, dapat mo ring matutunan ang proper storage at pangangalaga nito. 

Ideally, maganda kung may sari-sariling jewelry bag ang iyong alahas para hindi ito magasgasan o masira. Kung hindi naman, pwede mong ilagay ang mga gintong alahas mo sa loob ng jewelry box na may fabric lining. Itago ang mga alahas sa cool and dry place. Kung may silver ka namang alahas, huwag hayaang amagin ito sa loob ng jewelry box mo. Kapag mas sinusuot mo ito, nagiging mas shiny ito. Sakaling hindi mo ito gagamitin, itago ito sa isang anti-tarnish pouch.

Para naman sa paggamit ng alahas, tandaan ang policy na “put it on last, take it off first.” Oo, kapag nag-aayos ka para sa gala or party, ang alahas ang huli mong isusuot. Ang mga make-up, lotion, at hairspray kasi na ginagamit mo bilang pampaganda ay pwedeng manuot sa mga alahas mo kaya nagmumukha itong di malinis o luma. Tanggalin mo rin ang singsing mo kapag maghuhugas ka ng kamay o maglalaba. Huwag ding magsuot ng alahas kung plano mong mag-swimming. Ang chlorine at tubig alat ay nakakasira ng mga nito.

engagement-gold-gold-rings-248077-minPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Ang alahas lalo na kung purong ginto ito ay hindi naluluma. Pwede mo rin itong ipamana sa mga anak, apo, hanggang sa apo ng mga apo mo. Isa rin itong long term investment, Suki.Kaya tandaan o balik-balikan mo ang jewelry cleaning hacks na ito para lumago ang iyong gold investment.

Paalala rin ni Ms. Karen Cua-Lerma, presidente ng isang auction house na “ Choosing the right pieces of jewelry to invest is the key...it is important to buy from a professional and trustworthy source.” Tama naman diba, Suki? Dapat maganda ang kalidad ng gintong jewelry na gusto mong gawing investment para mataas din ang value nito. Kung nais mo rin pang palakihin ang investment mo, maraming gintong alahas na availabale sa ating mga Palawan Pawnshop branches – tawagan lamang ang contact number of the branch nearest you para mag-inquire!

Isa pa, kung sakaling magkaroong ng emergency at wala kang cash, pwede mo rin itong isangla sa Palawan Pawnshop—ang matatag, maaasahan, at mapagkakatiwalaan na sanglaan sa bansa!

 

 

Share: