-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2020 Winners
December 21, 2020
Ano nga ba ang isang kasambahay? Hindi lang sila kasambahay, itinuturing din silang kasambuhay, o katuwang sa buhay--for better or for worse--ng mga pamilyang pinaglilingkuran nila. Kilala sila sa loob at labas ng bansa bilang mga modernong bayani.
Para kilalanin ang hard work, humility, sacrifice, faithful service, at good example ng mga kasambahay, binuo ng Junior Chamber International (JCI) Senate Philippines, Inc. at ng Palawan Pawnshop ang Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards, isang recognition at awards program dedicated para sa mga Pilipinong “Kasambahays.” Ang mga kasambahay na ito ay ang mga yaya, driver, gardener, household cooks, at mga labandera na nag-dedicate ng kanilang serbisyo para sa kanilang mga amo o ikalawang pamilya.
Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awardees 2020
Mas challenging ang pagrereview at pagpili ng mga winners para sa Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2020. Magkagayunman, mula sa libong mga submissions, isa-isang binasa at sinuri ng panel of judges mula sa Junior Chamber International Senate Philippines, Inc. at ng Palawan Pawnshop ang mga entries ng mga kasambahay all over the Philippines.
Kung gusto mong ma-inspire sa mahuhusay na halimbawa at kwento sa buhay, ito ang mga magigiting na kasambahay winners ng Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2020:
1. Narcisa Dionisio
Si Lola Narcisa o mas kilala sa tawag na Narcing ay namasukan sa kaniyang amo sa edad na 24 anyos. Ngayong 2020, siya ay 74 taon anyos na at 50 years nang naglilingkuran bilang isang masipag at maibiging kasambahay sa kaniyang mga amo. Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Narcing ang pangarap na makapag-aral at namasukan. Dahil sa kaniyang dedikasyon sa trabaho at pagturing sa kaniya bilang kapamilya ng kaniyang mga amo, tumagal si Narcing sa pamamasukan sa kanila.
Wala mang naging diploma sa paaralan si Narcing, itinuturing niyang personal accomplishment ang matagumpay na pagpapalaki sa mga anak at apo ng kaniyang amo. Ang nakakatuwa pa, tinuruan din siya ng kaniyang amo tungkol sa accounting. Oo, kulubot man at puti na ang buhok ni Narcing, isa siyang mahusay na halimbawa ng pagiging masipag at maaasahan sa trabaho.
2. Natividad Saraga
Pangarap ni Natividad, o Nati na maging isang doktor noong siya ay bata pa. Ngunit, napilitang siyang maging isang kasambahay sa edad na 14 para masuportahan ang 9 pa niyang mga kapatid sa probinsiya dahil maaga silang naulila sa magulang. Siya ay 50 taong gulang at kasalukuyang naglilingkod sa kaniyang amo sa loob ng 37 years. Laba, luto, linis, at pag-aalaga ng bata ang mga gawain niya bilang isang kasambahay.
Mapagkakatiwalaan sa pera, masipag, at walang reklamo, iyan ang mga katangiang napahalagahan ng amo ni Nati sa kaniyang pamamasukan sa kanila. Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga, di man siya nakapag-aral, napa-aral naman niya ang pamangkin niya at napaayos ang bahay nila. Oo, masaya si Nati na ibahagi sa mga mahal niya sa buhay ang perang pinagpaguran niya para makatulong at iyan din ang isa sa mga bagay na natutunan niya sa kaniyang amo. Ang isa sa mga payo niya sa kapuwa niya kasambahay para tumagal sa trabaho ay ang pagiging mapagkakatiwalaan sa pera.
3. Mercy Taladtad
Kahirapan din ang nagdala kay Mercy sa Manila upang magsilbi bilang isang kasambahay. Sa edad na 61, 38 years na siyang matapat na naglilingkuran sa kaniyang amo. Pinangarap ni Mercy na makatapos sa pag-aaral, maging guro, at makapagturo sa mga bata pero dahil sa kahirapan, hindi niya ito natupad para sa kaniyang sarili. Pero ang nakakatuwa, dahil sa kaniyang paninilbihan bilang isang kasambahay, napag-aral niya ang kaniyang mga pamangkin at ngayon sila ay mga guro na.
Masipag, masinop, mapagmalasakit, mapagmahal, at masarap magluto si Mercy ayon sa kaniyang mga amo. Mahusay ring humawak ng pera si Mercy, kaya naman nakapag pundar siya ng lupa para sa kaniyang sarili. At dahil itinuring na rin si Mercy ng kaniyang mga amo bilang bahagi ng pamilya, nakapunta rin siya sa ibang bansa kung saan nagbabakasyon ang kaniyang mga amo. Oo, hindi lang naging katuwang si Mercy ng kaniyang mga employer sa mga panahong masasaya, kundi naging tunay din siyang kapamilya at kaibigan sa kanila sa panahon ng mga problema.
4. Lilia Rivera
Maliit man si Lilia, mahusay naman siyang maglaba, kahit pa ng mga pantalong mas malaki pa sa kaniya. Siya ay 57 years old at kasalukuyang naglilingkod sa kaniyang amo sa loob ng 19 years. Sa kagustuhang makatulong sa mga magulang dahil sa hirap ng buhay, sumabak sa pagiging isang kasambahay si Lilia sa edad na 13 years old.
Bukod sa mabait na pakikitungo at pagtulong sa pinansiyal, tinulungan din si Lilia ng kaniyang amo kung paano higit pang kumita ng pera at mag-ipon. At bilang isang magulang, siya ang naging takbuhan ng kaniyang amo sa kung paano magpalaki ng bata. Malaki ang tulong ng pagkapanalo ni Lilia sa Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2020 yamang makakatulong ang premyong maiuuwi niya para sa pagpapagamot ng kaniyang asawa na may colon cancer. Oo, mahirap man ang kalagayan ni Lilia at ng kaniyang pamilya sa ngayon, pero puno naman siya ng pag-asa. At sa tulong ng Palawan Pawnshop, natiyak ng mga amo ni Lilia na regular na maipadala ang kaniyang sahod kahit na panahon ng pandemic.
5. Venilda Wenceslao
Si Venilda ay 61 taong gulang at 46 years nang naninilbihan sa kaniyang amo. Dream ni Venilda na maging isang mahusay na cook sa restaurant pero namasukan siya para makatulong sa kaniyang pamilya. Di man siya naging cook sa restaurant, pinupuri ng kaniyang amo ang masasarap na ulam at mga cake na bine-bake niya.
Mahusay ang pakikitungo kay Venilda ng kaniyang mga amo. Sa katunayan, tinulugan din nila ang mga kapatid niya na makahanap ng trabaho. Sa halip na tanggapin ang offer na mag-aral, pinilit ni Venilda na alagaan ang bagong silang na apo ng kaniyang mga amo. Sulit ba ang sakripisyo niya? Aba’y oo naman. Sa sipag at tiyaga, alam niyo bang nagpapatayo siya ngayon ng sarili niyang bahay? Amazing, diba! Paalala ni Venilda sa mga kapuwa niya kasambahay, hindi lang ang pagiging masipag, kundi ang pagiging ma-respeto rin sa mga amo.
6. Gelina Bueno
Simula pa noong 2018, sumasali na si Gelina sa Kasambahay Kasambuhay Philipinas Awards. Ngunit ngayong 2020, sa ikatlong pagsali, ay saka lamang siya nanalo. Ano nga ba ang kwento ng buhay niya bilang isang kasambahay? Masipag na estudyante si Gelina o mas kilala bilang Ging ngunit pansamantala siyang tumigil sa kolehiyo upang magparaya sa pag-aaral ng mga mas nakababata niyang mga kapatid. Sa ngayon, si Ging ay 41 years old at namamasukan sa kaniyang amo sa loob ng 20 years at naglilingkod bilang yaya ng anak ng kanyang amo na may autism na itinuturing na rin niyang nakababatang kapatid.
Hindi man madali sa simula ang pag-aalaga ng isang batang may autism, natutunan ni Ging na mahalin ang kaniyang trabaho bilang tagapag-alaga. Masipag, matiyaga, matiisin, mapagmahal, at maaasahan, iyan lamang ang ilan sa mga katangiang meron si Ging na siyang pinapapurihan ng kaniyang mga amo. At sa pagiging isang kasambahay niya, walo ang mga kapatid niya ang napagpatapos niya ng pag-aaral. Apat dito ay nakatapos ng 4-year college courses, at ang apat naman ay ng 2-year courses. Pinag-aral din siya ng kaniyang mga amo ng caregiving course.
Malayo man siya sa kaniyang mga anak, nauunawaan naman nila na ang sakripisyong ginagawa ng kanilang ina ay para sa kanila.
7. Miriam Fernandez
Sa edad na 9, iniwan si Miriam ng kaniyang mga magulang sa pamilyang pinaglilingkuran niya ngayon bilang isang kasambahay sa loob ng 53 taon. Nagtagal si Miriam sa kaniyang mga amo dahil sa simula pa lamang, pamilya na ang turing nila sa kaniya. Sa katunayan, Auntie Indah ang tawag sa kaniya ng mga amo niya.
Sa edad na 62, nakaka-amaze na napagtapos ni Miriam sa pag-aaral ng kaniyang mga anak at nakapagpatayo rin siya ng sarili niyang bahay.
8. Cornelia Panoringan
Si Coring ay nagsilbing isang kasambahay since 1969 sa edad na 22 years old at kasalukuyang naglilingkod sa loob ng 52 years. Maganda ang buhay noon nila Coring pero dahil nai-stroke ang kanilang ama noong siya’y elementarya pa lang, natuto nang maghanap-buhay si Coring. Tumulong siya sa kaniyang ina sa pagbebenta bago pumasok sa eskwela. Isang kahig, isang tuka ang naging pamumuhay nila Coring, kaya naman namasukan siya bilang isang kasambahay.
Senior citizen na ngayon si Coring at apat na henerasyon ng pamilya ng amo niya ang napagsilbihan niya. Devoted, loyal, trustworthy, patient, at God-fearing ang ilan sa mga katangian niya na talagang hinahangaan ng kaniyang mga amo. Hindi man natupad ni Coring ang mga pangarap niya para sa sarili, tiniyak niyang matulungan ang mga kapatid at pamangkin niyang matupad ang mga pangarap nila. At ngayon, goal pa rin niyang makatulong sa mga kapamilya niyang nangangailangan ng tulong.
9. Ofelia Tablac
21 anyos noon si Ofelia o mas kilala bilang Iyang sa kaniyang amo. Sa ngayon ay nagsisilbi siya sa kanila bilang isang kasambahay sa loob ng 48 taon. Ginustong maging madre ni Iyang pero naging isang kasambahay siya dahil sa hirap ng buhay. Napamahal ang mga amo ni Iyang sa kaniya dahil itinuring niya ang mga amo niya bilang kapamilya na rin niya. Ang isa pang payo niya sa kaniyang mga kapuwa kasambahay ay ang pagiging honest at pagiging marunong sa paghawak ng pera na siya ring itinuro sa kaniya ng kaniyang amo. Hindi man kalakihan ang sahod, kung mag-tatabi ng kahit kaunting pera, lalaki rin ang ipon mo.
10. Carolina Amano
Isang stroke patient ang amo ni Carolina o mas kilala sa tawag na Carol. Siya ay 62 years old at ilang isang kasambahay sa loob ng 20 taon. Nagpadala noon ang kaniyang anak sa Palawan Pawnshop nang makita nito ang poster sa Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2020 kaya hinimok niya ang kaniyang nanay na sumali.
Bilang ganti sa pag-aalaga niya sa kaniyang amo, tinitiyak ng mga amo ni Carol na matulungan siya kung sakaling mangailangan man ng tulong si Carol at ang pamilya niya. Kahit na biyuda na si Carol, accomplishment para sa kaniya ang mapagtapos sa pag-aaral ang dalawa niyang anak sa tulong din ng amo niya sa kursong Secondary Education at Chemical Engineering. Nakakatuwa pa nito, natuto si Carol na magluto mula sa kaniyang amo kaya may na-achieve din siya para sa sarili niya. Payo ni Carol sa mga kapuwa niya kasambahay? Ibigay ang best sa trabaho.
Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awarding Ceremony
Ang Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards ay isang paraan upang ipagbunyi ang trabaho at sakripisyo ng mga kasambahay. Dahil sa dami ng mga deserving kasambahay, may iba pang 16 ulirang kasambahay ang nanalo ng tig-PhP 10,000 bilang Special Awards winners noong December 6. Ang totoo, maaaring maubos ang cash prize na matatanggap nila, pero ang pagbibigay dangal at ang pagkadama na mahalaga ang mga kasambahay na ito ay mananatili sa kanilang puso.
Kailan ka huling nagsabi ng pasasalamat sa taong malaki ang naitulong sayo, tulad ng kasambahay niyo? Bakit hindi siya sabihan ngayon ng “thank you” at ipaalam sa kaniya na pinapahalagahan mo siya? Subukan mo itong gawin Suki. For sure magiging masarap ang pakiramdam mo sa paggawa nito.
At ‘wag kalilimutan na sa susunod na taon, sumali ka o isali ang kasambahay mo sa Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2021. Kita-kits, Suki!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024