Bakit Palawan ang Trusted Kasambahay Pera Padala Partner?

Blog

May 12, 2021

Kasambahay-Pera-Padala-Partner

 

Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards winners

Kasambahay Kasambuhay Awards 2016 winners - Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Mga Suki, nabalitaan niyo na ba ang pag-arangkada ng Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards 2017? Ito ang programang sinimulan ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala at Junior Chamber International (JCI) Senate Philippines, Inc. noong 2016 upang magbigay-pugay sa mga Pilipinong kasambahay at magsilbi silang inspirasyon at halimbawa ng pagmamahal sa hanapbuhay.

Sila ang mga ulirang katuwang at mahalagang bahagi ng pamilyang Pilipino. Nagsasakripisyo at tinitiis nila na mawalay sa kanilang pamilya. Namamasukan sila bilang kasambahay sa Maynila para makatulong sa kanilang pamilya sa probinsya. Breadwinners ang karamihan sa kanila: sila ang nagpapaaral sa mga anak o kapatid, nagpapagawa ng bahay, gumagastos para sa pagpapagamot ng mga magulang nila, at marami pang iba. 

Para sa mga Inday at Boy ng tahanan, trusted partner ang Palawan Express sa pagpapadala nila ng pera sa mga mahal nila sa buhay na umaasa sa sahod at suporta nila.

Bago itanghal ang bagong winners ng Kasambahay Kasambuhay Awards 2017, alamin natin mula mismo sa mga nanalo sa kauna-unahang Kasambahay Kasambuhay 2016 kung bakit Palawan Express ang top choice ng Pinoy house helpers sa money remittance. Eto ang mga inspiring stories nila (Note: Ihanda ang tissue. Baka maiyak ka!).

Napakamura magpadala ng pera sa loved ones

Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards winner

Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Huwag ninyong ismolin ang mga kasambahay. Kahit karamihan sa kanila ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral, wais sila pagdating sa pera. At kahit maliit lang ang kita nila, nakakapagtabi sila ng perang pinapadala nila sa kanilang pamilya sa probinsya. 

Paano kaya nila nagagawa ‘yun? Marunong kasi silang pumili ng mga bagay na makatutulong sa kanila na makatipid—tulad na lang ng money transfer service na gamit nila: ang Palawan Express Pera Padala.

Very good example si Aling Teodora Causan, isa sa limang awardees ng Kasambahay Kasambuhay 2016. Mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang pamilya bilang single mother matapos mamatay 9 years ago ang kanyang asawa na dating family driver. 

Dahil mahusay sa pera si Aling Teodora, napagtapos niya ang dalawa niyang anak sa kolehiyo. Take note, mga suki, nagawa niya ‘yan mag-isa habang naghahanapbuhay bilang kasambahay. Astig at inspiring, ‘di ba?

“Tumutulong ako sa aking pamilya sa Iloilo. Nagpapadala kami ng mga kasamahan ko tuwing kinsenas at katapusan sa Palawan Express kasi mura lang magpadala ng pera rito,” kuwento ni Aling Teodora na halos 50 taon nang naninilbihan. 

Kasambahay Kasambuhay Awards 2016 winners Lydia Esmaya

Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Isa ring huwarang breadwinner si Aling Lydia Esmaya, na tulad ni Aling Teodora ay halos 50 taon nang kasambahay. Proud customer din siya ng Palawan Express Pera Padala. Nakakatulong ang natitipid niya sa money remittance sa pagpapaaral niya sa kanyang mga kapatid.

“Nung namatay ang parents ko, ako na ang tumayong breadwinner. Napagtapos ko ang isa kong kapatid sa kursong Nutrition sa UST. Pinagawan ko ang pamilya ko ng bahay. Nung nagpakasal ang kapatid ko, ako rin ang gumastos. Hanggang ngayon po, dahil nagkasakit ang kapatid ko, nagpapadala ako sa mga kapatid ko via Palawan Express sa Iloilo at Cavite,” kuwento ni Aling Lydia.

Sulit ang pera padala sa Palawan Express para sa mga kasambahay gaya nina Aling Teodora at Aling Lydia. Palawan ang top choice for the lowest remittance fees—for as low as 2 pesos, makakapagpadala ka na ng pera. At kung may Suki Card ka, mas malaki pa ang matitipid mo dahil sa instant discounts, rebates, at points sa bawat transaction sa Palawan.

Mabilis at walang hassle magpadala ng pera

Kasambahay Kasambuhay Awards 2016 winners Zenaida Zausa

Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Para kay Aling Zenaida Zausa ng Pasig City, napakalaking bagay na mabilis na natatanggap ng mga mahal niya sa buhay ang perang regular niyang pinapadala.

“Madalas akong nagpapadala sa Palawan Express dahil malapit lamang ang remittance center doon. Madaling nakukuha ng pamilya ko sa Aklan ang perang pinapadala ko,” sabi niya. 

Nakatutulong din na may malapit na Palawan Pawnshop branch sa kanya. Hindi na siya lalayo dahil kailangan niyang tutukan ang pagiging yaya niya kay Warren, isang person with disability na may special needs.

“Masaya na ako sa pag-aalaga kay Warren kasi nabubuhos ko ang pagmamahal ko sa kanya. Para ko na siyang anak sa loob ng 25 years kong paninilbihan dito.”

Dahil sa Palawan Express siya nagpapadala, naipadarama ni Aling Zenaida ang pagmamahal niya sa kaniyang mga kadugo sa Aklan at pangalawang pamilya sa Pasig.

Serbisyong maaasahan at may malasakit

Kasambahay Kasambuhay winner

Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Sa lahat ng Kasambahay Kasambuhay 2016 winners, si Aling Gregoria Labarte, 74, ng San Andres Bukid, Manila ang may pinakamahabang serbisyo. Sa loob ng mahigit 55 taon hanggang ngayon, naninilbihan siya sa pamilyang inalagaan niya nang tapat at buong puso mula sa original niyang amo (na edad 98 na), mga anak, apo, at hanggang apo sa tuhod.

Grabeng dedication sa trabaho, ‘di ba?

“Hindi matatapos ang aking pagiging kasambahay sa kanila dahil sila ay mahalaga sa akin,” sabi ni Aling Gregoria na walang balak magretiro hangga’t makakaya niya.

Serbisyong maaasahan at may malasakit sa kapwa at trabaho—yan ang meron kay Aling Gregoria at sa customer service ng Palawan Express. Kaya isa siya sa mga pinarangalan sa Kasambahay Kasambuhay Awards last year. 

Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards winner

Photo courtesy of Palawan Pawnshop

Higit sa lahat, malaki ang tulong ng Kasambahay Kasambuhay sa pagtupad ng mga pangarap ng mga kababayan nating naninilbihan sa kanilang mga amo.

“Simple lang ang pangarap ko: makapag-aral lang ako saka makapagpatayo ng munting negosyo,” ayon kay Alma Bohol ng Bacolod City. Salamat sa cash prize niyang Php50,000, abot-kamay na niya ang pangarap na ito.

Si Aling Lydia naman, malaki ang pasasalamat sa programa ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala at JCI Senate Philippines para sa mga kasambahay.

Kailangan niya ng dagdag na income para sa pagpapagamot ng kapatid niyang may tumor sa utak. Kaya determinado siyang sumali sa Kasambahay Kasambuhay Awards noong nakaraang taon. 

“Nung mabasa ko sa dyaryo ang tungkol sa Awards, pursigido po akong sumali. Sabi ko sa amo ko, ‘qualified ako rito.’ Pumunta ako sa Palawan Express para sumagot ng form tapos sinubmit ko sa kanila,” kuwento niya.

 

Ikaw rin ay may pagkakataong maging isa sa 10 pararangalan sa Kasambahay Kasambuhay Awards na gaganapin sa September 2017. Kung pasok ka sa magic 10, makakatanggap ka ng trophy, Php50,000 cash prize, at engrandeng bakasyon for two sa Palawan (kasama ang tours sa Puerto Princesa Underground River at El Nido). Bongga ito, ‘day!

Basta 7 taon o higit ka nang namamasukan bilang kasambahay, walang criminal record, at may pirmadong certificate of employment mula sa iyong amo, pwede kang mag-join!

Kung interesado kang sumali—o kung meron kang yaya, katulong, labandera, driver, hardinero, kusinero, o iba pang kasambahay na sa tingin mo ay dapat kilalanin sa husay ng kanyang serbisyo—punta na sa kahit saang branch ng Palawan Pawnshop para mag-fill out at mag-submit ng nomination form. Pwede mo ring i-download ang form sa Facebook page ng Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards.

Huwag kalimutang ipasa ang kuwento ng iyong buhay, certificate of employment, mga litrato, at ID. Hanggang August 15, 2017 tatangggapin ang nominations kaya mag-submit ka na! 

 

 Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards.

 

Share: