Saan Makakarating Ang Aguinaldo Mo? Saving Tips For Kids

Blog

May 10, 2021

kids-saving-tips-og

It's that time of the year again! Ilang linggo na lang, Pasko na naman, Suki. Panahon na naman ng gift-giving, mga kainan at pamamasko ng mga bata. Subalit sa Paskong ito, mainam na magkaroon ng “shift in mentality” ang buong pamilya.

Nasaksihan nating lahat ang hirap ng pamumuhay sa gitna ng pandemya. Imbes na gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan, mas praktikal na ipunin ang mga matatanggap na aguinaldo para magamit sa mga mas importanteng bagay o kaganapan.

‘Start them young’, ika nga. Turuan ang iyong mga anak ng saving tips habang maaga pa. Magandang oppurtunity ang darating na Pasko para turuan ang mga chikiting ng personal financial management. Tandaan na ang mga habits ng natututunan ng mga bata ay nadadala hanggang sa pagtanda.

Bakit kailangang turuan ang mga bata ng tamang paghahawak ng pera? Ayon sa latest reports, isa sa may pinakamababa savings rate ang Pilipinas sa buong rehiyon. Isa sa mga kadahilanan ay ang mataas na paggastos ng mga Pilipino. People tend to spend first, then save up what ever is left. Ngunit ang tamang mentality ay ang magtabi muna ng para sa ipon at i-budget sa mga gastusin ang matitira.

Kaya sa darating na gift-giving season, turuan ang iyong mga bagets ng personal finance lessons.

Lesson No. 1: Delay gratification

kids-saving-tips-1Photo courtesy of Suzy Hazelwood via Pexels

Typical na ugali ng mga bata ang magpabili ng kung anu-ano – laruan, tsitsirya, at iba pa. Importante na maisa-isip sa mga chikiting na hindi porke gusto ang isang bagay ay dapat itong bilihin agad. Turuan sila paanong ipagpaliban ang gratification.

Kung mamamasyal kayo o isasama ang buong pamilya sa pamimili, mainam na ipaliwanag sa kanila ang purpose ng inyong paglabas. Halimbawa, kakain lang sa restaurant o bibili ng groceries. Hindi kasama ang shopping.

Mainam din na i-encourage silang ipunin mula sa kanilang allowance o aguinaldo ang ipambibili ng mga gusto nilang laruan. Habang mga bata pa, turuan mo na sila ng tamang buying attitude.

Lesson No. 2: Set priorities

kids-saving-tips-2Photo courtesy of August de Richelieu via Pexels

Nakakalungkot isipin na marami sa mga Pilipino ang financially illiterate. Ayon sa mga insurance companies, mangilan-ngilan lamang na mga indibidwal ang may insurance coverage sa bansa. Karamihan ay walang financial buffer para sa mga hindi inaashang pangyayari tulad ng pagkakasakit, aksidente o kamatayan ng breadwinner ng pamilya.

It’s never too early to teach your kids how to set financial priorities, Suki. Alin ang mas kailangan: bagong damit at sapatos o ang pag-iipon ng cash gifts? Dahil sa pandemic, walang matinding pangaingailangan sa mga bagong kagamitan tulad ng mga damit at sapatos. Mas praktikal na i-save at i-invest ang mga aguinaldo na matatanggap.

Lesson No. 3: Determine a savings goal

kids-saving-tips-3Photo courtesy of Julia M. Cameron via Pexels

Mas madaling mag-ipon kung mayroon kang savings goal. Ito ang magiging ‘ultimate goals’ mo at ng anak mo. Turuan ang mga chikiting na magkaroon ng savings goal. Kung mayroon silang gustong bilihin tulad ng mamahaling sapatos, kung ano man ang halaga nito ang magiging target amount nila.

Itabi nila ang lahat ng aguinaldo na matatanggap sa Pasko. Kung kulang pa, hikayatin silang magtabi ng amount mula sa kanilang allowance. Kung magtatabi sila ng PHP 20.00 kada araw, mayroon silang Php 400.00 sa katapusan ng buwan. Ayos, ‘di ba?

Importante na matutunan nila na kailangan ang pasensya at disiplina sa pag-iipon.

Lesson No. 4: Save up in a deposit account

kids-saving-tips-4Photo courtesy of RODNAE via Pexels

Importante sa development ng isang bata ang pagkakaroon ng sense of ownership. Habang tumatanda ang tao, nagkakaroon siya ng pangangailangan for personal space at mga bagay na sa kanya lamang. Bilang magulang, kailangan mong respetuhin ito lalo na ang personal space ng mga teens.

Encourage your kids to save up sa paraan ng pagbukas ng kanilang personal savings account. Mainam na may passbook ang kanilang account para may record sila ng mga deposits and withdrawals. Ma-eenganyo silang ilagak ang mga aguinaldo at parte ng kanilang allowance sa isang account na sa kanila nakapangalan.

Gawing madali ang pagdagdag sa kanilang deposit account. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop at gamitin ang Padala To Bank Account services. Hindi na kailangan pang lumayo at pumili nang pagkahaba-haba sa bangko.

Lesson No. 5: Invest today, spend later

kids-saving-tips-5Photo courtesy of Breakingpi via Pexels

Isang aspeto lamang ng personal financial manage ang pag-iipon. Ang tamang pamamaraan ng pagpapalaki ng pera ang susi sa financial success. Turuan ang mga anak tungkol sa mga wais investments, o kaya naman simulan mo na ito nang maaga para sa kanila. Sa ganong paraan, masisisguro mo na may sapat, o malay mo naman, higit pang halaga ng pera na magagamit ang mga anak mo para sa kinabukasan nila.

Lesson No. 6: If you want it, earn it

kids-saving-tips-6Photo courtesy of August de Richelieu via Pexels

Habang bata pa ang iyong mga anak, turuan na sila na hindi palaging nadadaan sa hingi ang mga gusto sa buhay. Hindi palaging may aguinaldo. Kailangang pagsuikapan ang pera.

Ngayong Christmas vacation, bigyan ng projects ang iyong mga anak at bigyan sila ng bayad as a form of compensation for their services. Pwede mo silang paglinisin ng garden at turuan na magtanim ng mga halaman. Pwede rin nilang i-redesign ang kanilang kwarto gaya ng pag-aayos ng study area para sa kanilang online classes.

Sa ganitong pamamaraan, matututunan nila ang tunay na halaga ng pera.

Gastusan season na naman, Suki! Panahon na naman ng mga shopping, gift-giving at handaan. But don't forget to teach your kids the real essence of the Christmas season which is love and goodwill.

Turuan ang mga chikiting na maging responsible. Teach them wais tipid tips, money saving hacks at personal finance lessons. Most especially, turuan mo silang paghirapan ang pera. Hindi palaging may aguinaldo at cash gifts. Raise them into responsible and financially literate adults.

Share: