Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Iba na talaga ang Facebook ngayon, ano? Dati, pang-stalk lang ang FB kay crush o kay ex at pang-chismis sa mga kaklase mo nung high school. Ngayon, talo pa ang mga mall sa dami ng bentahang nagaganap! Mas mabilis at madali nang mag-shopping dahil marami nang online sellers sa Facebook at Instagram.
Hinihikayat din ng gobyerno ang mga maliliit na negosyante na gamitin ang internet para palaguin ang kanilang negosyo at palakihin ang kita.
Iba-iba yung mga tipo ng seller. Merong mga namumukod-tangi dahil kapansin-pansin ang kanilang produkto, serbisyo, at pakikitungo sa customers.
May kakilala ka ba o kayo mismo na nabentahan na ng ganitong online sellers, mga suki?
Basta Pinoy, mahilig sa kahit anong libre at bagsak presyo. Swerte mo kapag nakatagpo ka ng Facebook seller na madalas nag-ooffer ng discounts. May pasobra pang freebies. Ayus!
Malaki na natipid mo sa pagsha-shopping sa internet, hindi ka pa maha-hassle dahil ipapadala ang binili mo sa bahay ninyo nang libre.
Alam mo bang mas makakatipid ka pa tuwing bumibili ka sa isang online business? Mura lang magbayad sa seller through Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala. Mag-apply at gumamit ka na rin ng Suki Card para may instant discounts ka sa remittance fees at makapag-ipon ng rebates!
Eto yung mga tipo ng online sellers na kinacareer ang business nila. Iba-ibang sizes, kulay, designs, at brands ang binebenta nila. Detalyado ang mga description sa kada produktong naka-post sa Facebook at Instagram. Sa sobrang galing ng pagkakasulat ng product details, feeling mo manghihinayang ka kung hindi mo yun bilhin.
Bukod diyan, masipag din silang mag-post ng mga bago nilang produkto. Sa sobrang sigasig, bumabaha na ang newsfeed mo ng posts nila. Habang nagche-check ka ng FB, nagtataka ka kung anyare na sa iba mong friends kasi puro posts na ng friends mong online sellers ang nakikita mo. Pero keri lang dahil interesting naman ang mga binebenta nila.
3. Feeling mowdel ng mga binebentang damit
Kabogera si ateng online seller tuwing nirarampa niya ang mga sample ng binebenta niyang dress, gown, at iba pang klase ng damit sa Facebook o Instagram. Hindi siya papayag na naka-hanger lang o nakasuot sa mannequin ang mga damit. Dapat suot niya para may ideya ka kung paano ang magiging itsura ng damit. Pak na pak pa ang mga pose at background niya! Winner!
Kapag medyo shy naman si seller, ibang modelo naman ang ginagamit niya. May ilan ding sellers na anak naman nila ang cute mowdels ng ginagawa nilang headband, ribbons, at iba pang accessories para sa mga bata. Nakakaaliw tingnan ang mga ganitong klaseng pictures kahit hindi ka naman bumibili ng mga ganung bagay.
"HM po, ate?" "May itim po ba kayo ng ganitong product?" "Nagde-deliver po ba kayo sa Tuguegarao?"
Kahit ano pa ang tanong ng customer, mabilis pa sa alas kwatro sumagot ang Facebook seller na laging online at walang tulugan! Sila yung mga madalas na nagiging successful dahil hindi nila palalampasin ang pagkakataong makabenta.
At siyempre, ikaw, bilang isang online buyer, mas pabor sa yo na mabilis sumagot ang seller. Yung hindi ka pinaghihintay at pinahahalagahan ka.
5. Yung may food business at nagpo-post ng nakakatakam na pagkain
Naranasan mo na bang biglang magutom habang tumitingin ng pictures sa Facebook o Instagram mo? May nag-post kasi ng mukhang napakasarap na cake o yung paborito mong ulam. Parang naglaway ka bigla sa sobrang pagkatakam. Nakakainis, ano? Yung wala ka namang planong magutom pero dahil sa nakikita mong food pics, kumalam agad ang tiyan mo.
"Oh tukso, layuan mo ako!" Sabi mo sa sarili. Pero maling-mali ang isnabin ang kumakalam na tiyan. Dahil nakakatakam ang nakita mong post ng binebentang pagkain sa FB, napabili ka tuloy. Si ate kasi ang galing magpiktyur ng tinda niyang pagkain eh! Pero sa totoo lang, hindi mo napigilang umorder because food is life at takot kang magutom.
6. Nahuhulaan kung ano ang kailangan mo ngayon
Panregalo kay misis ba ang hanap mo? Aba, sakto may lumabas sa newsfeed mo na mga bagong bags for sale. Kailangan mo nang bumili ng bagong cellphone? Pagbukas mo ng FB mo, may lumitaw na mga bago pero murang cellphones na binebenta!
May mga online sellers na parating sakto ang timing at parang may psychic powers at bolang kristal. Parang nahuhulaan nila kung ano ang kailangan mong bilhin ngayon dahil naipost nila ang hanap mong online items sa Facebook.
Nakakairita yung mga sellers na magulo at malabong kausap sa internet. Kaya kapag nakatagpo ka ng sellers sa Facebook o Instagram na napakadaling kausap at swabe ang transaksyon mo sa kanila, siguradong magiging loyal customer ka nila. Yung walang arte at daming satsat. Yung gets niya agad kung ano ang gusto mong bilhin at paano made-deliver ito. Kabilang din dito ang sellers na mabilis mag-deliver at walang problema sa produktong pinadala nila.
Ganyan din ang husay ng serbisyo na natatanggap ng mga suki sa Palawan Pawnshop. Yung mapapa-OMG ka sa gulat dahil sa mura, mabilis, at walang hassle na serbisyo.
Kung madalas kang bumibili sa Facebook o Instagram, sulit ang pagpapadala mo ng bayad sa online sellers sa mababang remittance fees at Suki Card discounts ng Palawan Express Pera Padala.