-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Short Break? Narito Ang 8 Wais Activities Ngayong Labor Day
May 12, 2021
Good news, mga suki! Walang pasok sa May 1. Ngunit ang bad news, natapat ito sa gitna ng linggo. Nakakabitin ba? Okay lang ‘yan dahil hindi naman limitado ang paraan upang ikaw ay makapag-celebrate ng Labor Day 2019.
Trabaho ng 2 araw, pahinga, tapos trabaho na ulit. Anu-ano kaya ang maaari mong gawin sa isang araw na pagitan? Maglibang? Magpahinga? How to celebrate Labor Day, Suki? Ito ang iilang tips para sulit ang isang araw na break ngayong Labor Day!
1. Mag-binge watch ng paborito mong series
Photo couresy of Charles via Unsplash
Huli ka na ba ng apat o limang episodes dahil wala kang time manood ng series at hindi ka maka-relate sa mga kaibigan mo? Saktong-sakto dahil matatapos mo na rin ang k-drama mo, suki! Kung ayaw mo lumabas dahil sa init ng panahon, ngayong Labor Day ang perfect time para tumambay sa bahay at manuod habang nakatutok sa’yo ang electric fan.
Mahirap man hindi isipin ang trabaho at ibang responsibilidad, siguraduhin mo na magagawa mo na mag-relax kahit man lang sa loob ng 24 hours. Ilabas na ang snacks at drinks para mas lalo mong ma-enjoy ang walang pasok! O diba? Ang saya!
2. I-handa ang pambayad sa mga household bills
Photo courtesy of Steve Buissinne via Pixabay
Ang Labor Day ay panahon para ikaw ay makapagpahinga. Iwasan na ang mga hindi kanais-nais na problema sa araw na ito at asikasuhin ang mga bayarin nang mas maaga.
Upang hindi maging hassle ang pagbayad ng iyong mga utility bills tulad ng tubig at kuryente, huwag na makipagsabayan magbayad sa mga matataong lugar. Pumunta na sa pinakamalapit na branch ng Palawan Pawnshop at hindi mo na kailangan problemahin ang bills payment!
Pagkatapos mo gawin lahat ng mga ito, pag-relax nalang ang aatupagin mo, suki! Maglaan na ng budget para sa mga bills, utang, at iba pang mga pahabol na lakad ngayong bakasyon. Maaari ka na mag-travel kasama ang friends, family, o ‘di naman kaya ang iyong significant other. Sa paglaan mo ng isang araw para ayusin lahat ng ito, you can enjoy the rest of the month ng walang iniisip na bayarin!
3. Piliin ang staycation upang makatipid
Photo courtesy of Jens Kreuter via Unsplash
Isang magandang gawin na activity na kasyang-kasya sa 24 hours mo na short break ay mag-movie marathon. Kung wala ka masyadong budget para gumala sa labas o hindi mo alam where to go this Labor Day, piliin na lamang ang staycation sa iyong bahay kasama ang pamilya o kaya ang mga kaibigan.
Bago pa lumabas ang mga inaabangan mong bagong pelikula sa sinehan, mas maigi na mag-catch up sa mga nahuling pelikula dahil mas maiintindihan mo ang kwento. Maaari ka din manuod ng iba’t-ibang genre depende sa kung ano ang trip mo. Mag-unwind na ngayong Labor Day dahil madaming klaseng benepisyo ang maaari mong makuha sa panunuod ng mga iba’t-ibang klase na pelikula.
4. Tapusin ang labahan at plantsahin
Photo courtesy of PDPics via Pixabay
Isa pang pamamaraan upang makabawas sa iyong gawain para tuloy-tuloy na rin ang pag-enjoy mo ngayong Labor Day ay tapusin ang labahan bago gumawa ng ibang leisure activities. Gamitin mo na ang libreng oras ngayon upang mabawasan o hindi na man kaya’y tapusin ang matagal nang nakatambak na maruruming damit.
Napaka-simple pero mahirap maglaba ng mga damit pang-opisina dahil to ang mga klase ng damit na madalas mong gamitin at mas madalas ding maubos kaagad. Kung minsan ay ikaw pa ang mahihirapan dahil wala ka nang masusuot na kalagitnaan ng linggo. Huwag mo na patagalin pa, suki! Siguraduhin na mabango at walang mantsa na matitira ang iyong mga labada.
5. Gift-giving para sa iyong sarili
Photo courtesy of Negative Space via Pexels
After a long day at work, deserve mo rin i-treat ang iyong sarili. Kailan ang huling beses na binilhan mo ang sarili mo ng regalo, suki? Mapa-kaibigan, boyfriend, o kaya sila inay at itay — siguradong nauuna parati ang ibang tao makatanggap ng regalo kaysa sa sarili mo. Now is the perfect time para ikaw ay mag-online shopping for you and you only!
Pumunta na sa iba’t-ibang ecommerce website at mag-abang dahil minsan may mga labor day sale para sa mga damit o appliances. Kung mayroong bagay na matagal nang nasa wishlist mo, allow yourself to enjoy at wag na mag-atubiling bilhin ito! Basta’t siguraduhin mo na pasok ito o kaya naman hindi nito masisira ang iyong budget.
Kung may budget naman, ‘wag mo na problemahin how to send money kay seller para mabayaran ang binili mo. Makakatulong ang Palawan Express Pera Padala diyan!
Ilan sa mga maaari mo bilhin sa sarili mo ay bagong cellphone, wallet, o kaya isang magandang handbag. Maaari mo rin i-treat ang sarili mo ng isang massage para mapawi lahat ng stress sa iyong katawan. Ipa-reserve mo na yan for a hassle-free transaction!
6. Matulog, matulog, matulog!
Photo courtesy of Gregory Pappas via Unsplash
Kung ikaw ay nabigyan ng 24 hours na short break, ano pa nga ba ang maaari mong gawin? Para sa karamihan, sadyang walang tatalo sa tulog! Ang tulog ay sadyang mahalaga upang ika’y makakilos nang maayos sa trabaho. Ito rin ay mahalaga para sa ating kalusugan kaya’t mainam na makabawi ng tulog kapag ikaw ay nabigyan ng pagkakataon sapagkat hindi naman madalas ay sapat ang nakukuha mo.
Malaki din na tulong ang matinong tulog sa iyong well-being, suki! Lalo na kung comfortable at relaxing ang place na tutulugan mo. Maaari mo rin i-treat ang sarili mo sa isang hotel kasama ang iyong pamilya upang maranasan ang full relaxing experience ngayong Labor Day. Ang mahalaga ay magpahinga ka lamang ngayong araw na ito at ‘wag mo na muna isipin ang trabaho!
7. Mag-bonding kasama ang pamilya
Photo courtesy of RODNAE Productions via Pexels
Kadalasan, sadyang hindi mo na mamamalayan na matagal na pala kayo hindi nagkikita ng pamilya mo dahil sa sobrang daming trabaho. Huwag mag-alala, suki! Dahil ngayong Labor Day, walang rason para hindi kayo mag bonding kasama ang pamilya. Kahit mahirap i-fit sa schedule mo ang family time, mayroon pa ding pamamaraan upang mag-enjoy kayo even just for a day.
Para sa mas budget-friendly na option, maaari kayo maglaro ng board games sa bahay o hindi naman kaya magkwentuhan upang mag-catch up sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa buhay. Pwede din kayo pumunta sa mall o hindi naman kaya’y kumain sa labas. Pumili ng family activity na siguradong mae-enjoy ni bunso, ate, mama, at papa.
8. Ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa
Photo courtesy of Melany Rochester via Unsplash
At dahil ipinagdiriwang natin ang Labor Day, mainam na makibaka o sumama sa mga protesta sapagkat sa panahon natin ngayon, maraming mga nakikibaka para mapanatili at lalo pang paunlarin ang patas na batas para sa lahat ng manggagawa.
Isa sa mga pinanggagalingan ng mga protesta ay upang wakasan na ang kontraktwalisasyon at ipaglaban ang regular na paghahanap-buhay. Kung marami ang handang makibaka upang ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa, malaki ang pagkakataon na mababawasan ang mga suliranin na humahadlang upang sila’y makaranas ng magandang buhay.
Ang pagsali sa mga protesta ay hindi simbolo ng rebelyon. Hindi porke’t protesta ay masama agad ang intensyon. Samakatuwid, hindi sapat na maghintay na lamang ng pagbabago dahil pwede ito magsimula sa inyo, mga suki! Sa ganap na paglago ng bawat tao at sa mga alituntunin na makakatulong sa ating lipunan, siguradong isang makabuluhang labor day ang ating ipagdiriwang.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024