Phone Upgrades para sa Lag-Free Mobile Games

Blog

May 12, 2021

mobile-games-phone-upgrades

Double kill, triple kill, rampage, champion. Yan ang mga gusto nating nakakamit tuwing naglalaro tayo ng MOBA, Arena of Valor, pati ng RoS. Madali lang sana itong ma-achieve kung hindi lang natin nakakaharap ang universal kalaban ng mobile gaming: phone lag.

Pero don’t worry dahil we got you covered, suki! Maraming answers sa katanungan na how to prevent lag while mobile gaming. The best part about it is hindi mo kailangang gumastos ng sobra-sobra o kaya naman mag-perform ng mga kumplikado at teknikal na bagay. Lahat ng ito’y maaari mong gawin mag-isa!

With these effective tips for a better mobile gaming experience, on your way ka na to becoming an OG suki gamer!

Palaging mag pa-load ng Mobile Data para iwas disconnection sa game

Kung mapapansin mong bigla na lang tumataas ang iyong ping habang ikaw ay naglalaro ng mga mobile games, malaki ang posibilidad na ikaw ay wala nang load o kaya naman malapit ng maubusan ng load. Either way, ang ending ay pagkatalo with matching penalty pa. Talagang isang nakaka-panic moment ang mawalan ng load habang in-game, suki!

Para maiwasan ito, mabutihing laging may sapat na load bago pa man sumabak sa panibagong game. Worry not suki dahil hindi mo na kailangang lumabas pa nang bahay para makapagpa-load! Ang Palawan Pawnshop ay may e-loading service na dapat mong gamitin to your advantage dahil wala itong extra charge at covered nito lahat ng networks.

Remember this rule: The more load you have, walang phone lag.

2. Siguraduhing updated ang iyong operating software sa cellphone

Girl using cellphone

Photo Courtesy of Porapak Apichodilok via Pexels

Ang lag na kinatatakutan ng mobile gaming community ay hindi lang nalilimita sa mabagal ng internet o kaya mahinang signal. Ang phone lag ay maaari ding tumukoy sa pagiging slow ng cellphone mo mismo! Matagal na loading time at mabagal na response time ang madalas na bunga ng isang outdated na operating software.

Halos lahat ng  article tungkol sa tips on how to reduce lag in mobile games ay sasabihin na dapat siguraduhing laging latest version ang ginagamit na operating software ng inyong cellphone.

To do this, pumunta lamang sa settings ng inyong cellphone at hanapin ang “software update”. Pag ito ay nahanap na, pindutin lamang ang update kung merong update na available. Kapag wala namang available update, ibig sabihin ay updated ang operating software ng inyong cellphone.

3. I-uninstall ang mga Apps na hindi na kailangan

I-uninstall ang mga Apps na hindi na kailangan

Photo Courtesy of MOHI SYED via Pexels

Speaking of poor phone performance, pwede pa din maexperience ang slow and laggy mobile gaming kahit updated ang operating software ng inyong cellphone. Ang salarin? Masyadong maraming applications sa phone. 

Para maremedyohan ito, mag-delete ng mga apps na madalang o kaya hindi na ginagamit. Ang mga cellphone ay may feature na ina-allow kang makita ang mga “most used apps” mo in order. So para masigurado na hindi mo madedelete yung mga apps na ginagamit mo, gamitin ang feature na ito.

4. Make sure nakapatay ang mga background apps

Make sure nakapatay ang mga background apps

Photo Courtesy of Pixabay via Pexels

Another application-related problem na pwedeng-pwedeng maiwasan ay ang pagkakaroon ng maraming applications na tumatakbo sa background. If you are confused, suki, this means ito yung mga applications na nakabukas pa din kahit ikaw ay naglalaro na.

Ang mga usual na background applications ay ang mga social media apps, internet, pati mga music player. Kung minsan, kahit ibang mga mobile games ay nagiging background applications din kaya mas nahihirapan ang isang cellphone na mag-perform optimally.

One game lag reducer na dapat mong gawin ay ang pagsasara ng lahat ng applications na nakabukas bago pa man magsimulang mag-laro. Pumunta lamang sa “recent apps” window ng inyong cellphone using the button sa tabi ng home button at i-tap ang close all apps. Pag nagawa na ito’y mas magiging smooth at mabilis ang inyong mobile gaming.

5. Mag-free up ng storage space sa phone

Mag-free up ng storage space sa phone

Photo Courtesy of Pixabay via Pexels

Hindi mapagkakaila na tayo sentimental, hindi ba suki? Mapa-music, pictures, or notes man yan, mahilig tayong mag-collect at mag-imbak ng mga ito. Pero sa kasamaang palad, ang mga ito ay nagte-take up ng storage space na nakakapekto sa iyong mobile gaming experience.

Para mabawasan ang phone lag, mag free-up ng storage space sa phone sa pamamagitan ng pagbubura ng ilang mga bagay tulad ng pictures, notes, at iba pang mga files. Pero don’t worry suki, hindi naman ibig sabihin na mawawala na ang mga ito forever. Pwede pa rin itong ma-access. Siguraduhin lamang na backed-up ang mga ito bago i-delete.

6. Gamitin ang performance boosting settings ng iyong phone

Girl using cellphone

Photo Courtesy of John-Mark Smith via Pexels

If you are looking for answers sa katanungan na “how to make games run faster on android”, hindi mo na kailangan lumayo pa, suki! The answer you are looking for can also be found right inside your phone features!

Kung ikaw ay naka-android phone, ang Game Tools pati ang Game Launcher ay makakatulong para mas gumanda at bumilis ang iyong mobile gaming experience. Mahahanap ito sa settings mismo ng inyong cellphone. Maaari ding baguhin ang “battery mode” ng inyong cellphone at piliin ang “Performance Mode” upang mas mapaganda pa ang inyong mobile gaming experience.

Ngunit kailangan mo lang malaman na mas mabilis mauubos ang battery ng inyong cellphone kapag ginamit ang mga ito. So suki, dapat ready ka na mag-charge just in case!

7. Mag-download ng mga boosting apps sa phone

Mag-download ng mga boosting apps sa phone

Photo Courtesy of Lisa Fotios via Pexels

Hindi lamang in-phone performance boosting ang pwede niyong subukan dahil mayroong mga available mobile applications para mas mabawasan ang phone lag at gawing mas smooth ang inyong mobile games.

Ang Systweek Android Cleaner ay one-stop cleaning app na lilinisin ang inyong cellphone ng mga unnecessary at duplicate files na nagcocontribute sa phone lag na sumisira sa inyong gaming experience. Pwede ding gamitin ang mobile applications na Action Launcher 3 pati na rin ang Nova Launcher. Siguraduhin lamang na may available space pa sa cellphone at direkta sa Play Store ang pagdownload para maiwasang ang mga virus na makakasama sa inyong cellphone.

Whether MOBA or RoS ang inyong nilalaro, nothing beats the feeling of a hassle-free and lag-free mobile gaming experience. Hopefully these tips will help you, suki and good luck sa mga games na iyong lalaurin. More wins to come! 

Share: