Bakit Gold Jewelry Investment ang Long-Term Investment Para Sa’yo

Blog

May 29, 2024

gold-plated-accessories-052824

Sa panahon ngayon, mahalaga ang pag-iipon para sa financial security Suki. Ito ay essential para siguradong safe ang future ng ating pamilya at sarili. Nang dahil sa investment ay magkakaroon ng tubo ang perang pinaghirapan. Ngayon, dahil dugo at pawis ang puhunan sa perang kinikita mo, dapat lamang na sa mapagkakatiwalaang investment ito maigugol.

Isa sa mga long-term investments na available ngayon ang gold jewelry investment. Kilala ito bilang traditional at valuable investment option dahil kinikita ito bilang yamang pamana sa susunod na henerasyon. O di kaya ay isang global store of value dahil effective ito na panangga sa nagtaasang bilihin dahil, historically, tumataas ang value nito kasama ng rising cost of living.

Mainam din ito na safety net kapag dumating ang matinding pangangailangan. Kaya’t nakaugalian na ring isangla ito sa panandaliang panahon. Sa suliraning ito, makakatulong sa iyo ang Palawan Pawnshop, Suki! Dahil ang Palawan Pawnshop ay mayroong matatag, maaasahan, at mapagkakatiwalaan na pawning o sangla sa bansa.

Bakit Long-Term Investment Ang Gold?

  1. Ang gold ay may mataas na investment historical performance.
  2. Ang gold jewelry ay isang tangible asset.
  3. Mataas ang global demand sa gold at gold jewelry.
  4. Mataas ang resale value ng gold jewelry anytime at anywhere.
  5. Gold jewelry is an investment para sa lahat.

Gold holds its value over long periods of time. It withstands inflation and is considered a safe asset to hold in times of economic certainty. Kaya sulit na sulit ang gold investment, Suki! Alamin ang mga dahilan kung bakit long-term investment ito:

1. Ang gold ay may mataas na investment historical performance.

silver-and-gold-couple-ring-52825Photo courtesy of Goran Vrakela via Pexels

Historically, gold maintains or increases its value over time. Dahil to ay natural na mailap na metal, highly valued ito palagi. Bukod pa rito ay nakaugalian nang simbolo ng wealth and prosperity ang gold, kaya’t marami ang gustong mag-invest dito. 

Ang pag-iinvest sa gold ay maituturing ding isang safe haven to park funds dahil nami-maintain nito ang kanyang value sa tuwing mayroong financial, economic, or geopolitical crisis.

Isa sa mga dahilan sa pagtaas ng gold price ay ang inflation. Sa pagtaas ng inflationary prices, ganoon din ang pagtaas ng gold. Kaya ito ay maituturing na hedge against inflation. Over the years, parami ng parami ang nag-iinvest dito through collecting gold jewelry.

2. Ang gold jewelry ay isang tangible asset.

close-up-shot-of-a-person-wearing-gold-jewelries-52825Photo courtesy of RDNE Stock Project via Pexels

Isa sa benefits ng gold investment vs other investment ay dahil tangible asset ito o kaya’y nakikita o nahahawakan na investment kumpara sa ibang investment. 

Mapapansin mo na ang pagkolekta ng gold jewelry as an investment na mas pabor sa mga investors tulad mo dahil kita agad ang value sa bawat piraso nito. Ikaw ang may control sa investment mo habang nasa possession mo ang asset mo. Kaya naman ay nirerekomenda namin ang gold jewelry cleaning hacks para mapanatili ang kinang ng investment mo, Suki!

Bukod pa rito ay safe din ito from risks of hacking and misuse, di tulad sa mga digitally stored assets. Kung maihahambing sa ibang tangible assets tulad real estate, likas na mas accessible ang pag-invest sa gold jewelry.

3. Mataas ang global demand sa gold at gold jewelry.

gold-bars-52825Photo courtesy of Michael Steinberg via Pexels

Ang pagiging good investment ng gold jewelry ay napapansin na din sa global arena. Just last year, the gold jewelry industry garnered the highest demand in the gold industry. ‘Di lang nagtatapos diyan, Suki, the numbers are only expected to grow more considering na pataas pa rin ang trend sa prices nito. 

Ang dahilan kung bakit kinikitaan ito ng potensyal bilang long-term investment ay kapag titignan ang time frame ng 10 years, mula 1990 hanggang 2020, nagkaroon ng increase by 360% ang price nito. 

Pero gaya ng ibang investment, importanteng tingnan ito “with a grain of salt” sapagkat ang all-time high na presyo ng gold ay nangyari noong COVID pandemic at maaaring ang rapid increase na ito ay manifestation din ng pagiging epektibong hedging asset ng gold tuwing krisis. 

Ang bottomline nito ay ang gumawa ng mga financial decision na lubos na makakabenepisyo sa iyo at alamin kung kailan mas mainam mag-hold, mag-sangla, o magbenta nito.

4. Mataas ang resale value ng gold jewelry anytime at anywhere.

Bukod sa simbolo ito ng wealth at status ang gold jewelry, maaari din itong gamiting pantustos sa panahon ng pangangailangan. Ito ay dahil napakadaling magbenta ng gold jewelry, mga Suki! Pwedeng sa mga pawnshops, jewelers, or kaya naman mga Beshie mo sa online marketplaces.

Ang tanong: paano mo naman malalaman ang appraisal value ng gold jewelry mo upang makasisigurado kang sakto ito sa market price at sapat ito sa pangangailangan mo? Easy lang ‘yan, Suki! Tutukan lamang ang mga factors na makaka-apekto sa resale value ng gold jewelry mo tulad ng gold karat at weight ng gold jewelry mo.

Ang gold karat ay measurement ng purity ng gold when alloyed with other metals. Gold of highest purity are 24K, the most expensive and ideal for long-term investment. Liban sa 24K gold, meron din namang ibang type tulad ng 18K, 14K, at 10K gold, na mayroong halo ng ibang metals for durability and affordability.

Isa pang factor sa pagsusuri ng gold price ay ang weight nito. Gold is weighed in ounces, 

however karat jewelry is usually sold by the gram. Kaya kailangan i-convert ang ounces to grams para malaman ang cost of gold sa isang accessory. 

Interesado ka ba sa gold appraisal rates sa Palawan Pawnshop? Alamin ang estimated gold appraisal rates sa iba’t-ibang jewelry. Tiyak makakatulong ito sa investment decision-making mo, Suki!

5. Gold jewelry is an investment para sa lahat.

Kumbinsido ka na bang mag-invest sa gold jewelry? Ang next step ay ang pagpili ng gold jewelry na may pinakamataas na investment potential. Choose the right gold jewelry to invest in by keeping an eye out for high-quality pieces. Tandaan na ang jewelry mismo ay mayroong intrinsic value beyond its weight in gold

Lalong tataas ang worth nito kapag maganda ang craftsmanship, rare, at may mga gemstones na nakaset dito. Sa ganitong paraan, ang gold jewelry ay mas nagiging kahuma-humaling sa mga collectors at enthusiasts at mas tataas ang value nito.

Mag-invest na sa gold jewelry para WIN-WIN sa savings!

Dahil ang gold jewelry investment ay maasahang investment against inflation, isang highly liquid asset na madaling isangla or i-resell sa panahon ng pangangailangan, at mayroong high investment potential— alam mo na, Suki, kung bakit magandang long-term investment ang gold jewelry.

Pwede din naman idagdag ang gold jewelry as another way to diversify your portfolio. Dahil nananatili o kaya naman nag-iincrease ang value ng gold sa gitna ng nagtataasang cost of living ngayon, mainam na mag-invest ka sa gold jewelry, Suki!

Huwag kalimutan na kami ay kasangga mo sa pag-iimpok!. Why pawn gold at Palawan Pawnshop? Bilang matatag, maasahan, atmapagkakatiwalaan sa gold jewelry pawning, kami ang may highest appraisal rights at lowest interest rates sa apat na interest packages na pwede mong pagpilian.

Sa higit na 3,000+ branches ng Palawan sa buong bansa ay tiyak na makakahanap ka ng ka-Partner mo! 

Want to learn more about Palawan Pawnshop’s services? Huwag mag-atubiling bisitahin ang aming FAQs page. Mag-avail din ng Suki Card para sa added perks, ka-Suki!

Share: