Wais Ways To Manage Bills Payment And Avoid Scams

Blog

May 12, 2021

wais-ways-to-manage-bills-payment-and-avoid-scams-8

Hindi biro ang epekto ng COVID-19 sa ekonomya. Dahil sa mga nawalan ng trabaho at sinarang kumpanya, dumausdos ang Pilipinas sa isang recession.

Damang-dama ‘to ng mga ordinaryong Pilipino na ngayo’y gipit sa pera. Sa harap ng banta ng COVID-19 at economic recession, nagsisikap din ang mga Pinoy na iraos ang bills payment at iba pang gastusin sa bahay.

Buti na lang dahil sa teknolohiya, mas naging convenient at hassle-free ang pagbabayad ng gastusin. Kahit sa kabila ng striktong social distancing ay mayroong mga puwedeng takbuhan para sa mabilisang bills payment, online man o offline.

Pero naging madali na rin ang pangsa-scam dahil sa teknolohiya, kaya dapat mag-ingat ka pa rin, suki! Narito ang ilang quick tips para tulungan kang i-manage ang ‘yong pera sa panahon ng pandemic, kasama na ang wais na bills payment strategies.

Wais management ng bills payment

Nawalan ka man ng trabaho o hindi, makakabuti para sa lahat ang mag tipid habang hindi pa natatapos ang pandemic. Hindi pa tiyak kung kailan ‘to masosolusyonan, kaya dapat ingatan ang kwarta sakaling magkaroon man ng emergencies.

Gastusan lamang ang mga importante, at laging siguraduhing sapat ang pera para sa bills payment. Heto ang ilang tips para tulungan kang gawin ‘to, suki!

1. I-track ang labas at pasok ng pera.

I-track ang labas at pasok ng pera Photo Courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Makakatulong sa bills payment management ang pag-audit ng income at expenses sa bahay. Ilista ang halaga ng pumapasok na pera at ang karaniwang presyo ng mga gastusin.

Sa unang beses na gagawin ‘to, isama ang mga common expenses outside sa household budget--halimbawa nito ang biglaang shopping spree sa online store kahit hindi naman talaga kailangan. Sa breakdown ng pera at expenses ng pamilya, makikita mo kung gaano kalaki ang nagagastos para sa bahay at para sa luho.

Kung sa tingin mo’y masyadong malaki ang nabubuhos sa mga unnecessary expenses, baka puwedeng limitahan ‘to sa susunod para makapagtabi ng pera.

2. Gumawa ng budget at panindigan ‘to.

Gumawa ng budget at panindigan ‘to Photo Courtesy of Kelly Sikkemas via Unsplash

Pagkatapos ilista ang income at expenses, gumawa ng budget na sasagot sa mga main bills sa bahay. Itakda na magtabi ng sapat na pera para walang nahuhuling bayarin.

Importanteng panindigan ang budget dahil mahirap na maputulan ng kuryente o mapaalis sa nirerentahang bahay sa gitna ng pandemic--- lalo na kung may mga chikiting pang nag-aaral.

3. I-maximize ang Internet.

Gold ring with diamonds Photo Courtesy of freestocks.org via Pexels

Para hindi makalimutan ang bills payment, puwedeng gawing mas madali ang pagbabayad nito gamit ang online banking at mobile wallet.

  • Online banking
    Gamit ang web browser o mobile app, puwede mong i-connect ang ‘yong bank account sa ‘yong bills para automatic ‘tong mababawas sa takdang araw gamit ang Auto Charge Feature.
  • Mobile wallet
    Sikat na sikat ngayon ang paggamit ng mobile wallets gaya ng Smart Padala at GCash para magpadala ng pera o magbayad ng bills. Gaya ng sa online banking, ise-save mo ang bill details mo sa mobile wallet at maaari kang magset ng reminder sa araw na kailangan mong bayaran ito.
  • Bills payment app
    Liban pa sa paggamit ng bank account at mobile wallet, puwede ring diretso na sa utility service provider ang ‘yong bayad. Puwede kang gumamit ng bills management apps gaya ng Meralco App at Bayad Center App at direktang magpasok ng pera sa kanilang account. ‘Di gaya ng online banking na nakakonekta sa bangko at mobile wallet na kailangan mo pang loadan.

4. Suriin ang bills payment charges.

Suriin ang bills payment charges Photo Courtesy of Christin Hume via Unsplash

Hindi libre ang pagbabayad online--mayroong mga patong na kasama sa’yong bills payment. Pero mayroong mga bills payment app o service na kakarampot lang ang hinihinging extra costs. Suriing mabuti ang mga ‘to para makatipid sa pagbabayad ng gastusin.

Maganda ring gamitin ang mga option na ‘to sa panahon ng pandemic, dahil hindi mo na kakailanganing lumabas ng bahay at magtiis sa mahabang pila para makapagbayad. Secured na ang ‘yong bills payment, ligtas ka pa sa virus!

Pag-iingat sa mga scammer

Dahil sa hirap ng buhay ngayon, hindi maiiwasan ang pagdami ng mga scammer na nais manamantala ng kapwa. Gamit ang iba’t ibang strategy, maaari ka nilang manakawan ng pera at impormasyon.

Isa sa pinakasikat na scam sa panahon ng pandemic ang phishing, kung saan gumagamit ang mga scammer ng mga email na gumagamit ng opisyal na logo ng mga lehitimong institusyon gaya ng WHO o CDC para manloko. Dahil mukang totoo ang mga email, nakukumbinse ang mga taong mamigay ng impormasyon gaya ng bank details.

Kailangang iwasan mo ang mga ‘to, suki! Mahirap nang mabiktima sa panahon ng krisis. Heto ang dalawang bonggang tip para tulungan kang tukuyin ang potential scams na naglipana ngayon.

1. Tignan kung lehitimo ang website o app.

Tignan kung lehitimo ang website o app Photo Courtesy of Startup Stock Photos via Pexels

Madali lang gumawa ng fake website o app, lalo na kung desdido talaga manloko ang isang tao. Mas lalong madaling maloko ng mga fake sites na ‘to, kaya dapat maging mapagmatyag.

Puwedeng gayahin ng mga scammer at hacker ang itsura ng lehitimong website para iconvince kang magbigay ng impormasyon gaya ng bank details. Alamin kung paano tukuyin ang mga fake website para maiwasan ang ganitong scam.

2. Iverify ang mga email o text.

verify ang mga email o text Photo Courtesy of Stephen Phillips - Hostreviews.co.uk via Unsplash

Hindi na bago ang mga fake texts na nagkukunwaring kaanak at nanghihingi ng pera. Pero naglevel up na ang mga scammer at ginagaya pati ang mga text ng lehitimong kumpanya gaya ng GCash para hingin sa’yo ang account details mo.

Kung hindi ka sigurado kung totoo ang mga tatanggap mong mensahe, puwede kang kumontak sa official accounts ng mga bill payment app o service para magtanong.

3. Iwasan ang mga ‘pa-bayad’ scam.

Iwasan ang mga ‘pa-bayad’ scam Photo Courtesy of Kaboompics.com via Pexels

Isa pang puwede mong maecounter ay ang ‘pa-bayad’ scam gaya ng nangyari sa Bayad Center. Sa ‘pa-bayad’ scam, gumagamit ang mga scammer ng fake Bayad Center accounts para doon magforward ng pera imbis na sa tunay na branches.

Huwag magforward ng pera o personal na detalye sa mga hindi kilala o hindi opisyal na grupo o tao. Siguraduhing nakikipagtransact ka sa lehitimong kumpanya para maiwasang maloko ng mga scammer na ‘to. Kung may pinaghihinalaan kang ‘pa-bayad’ scammer, agad na iforward ‘to sa pulis o sa kumpanyang involved.

Higit na pinadali ng teknolohiya ang pagsosocial distancing sa gitna ng pandemic. Bills payment man o grocery shopping, puwede mo nang gawin gamit ang telepono mo.

Liban pa sa banta ng mga scam, puwede mo ring ma-encounter ang patong-patong na bills payment charges kapag nagbabayad online. Iresearch mabuti ang ‘yong pipiliin na mode of payment para siguraduhing hindi ka hinuhuthutan ng extra costs.

Subukan ang convenient at hassle-free online payment systems ng Palawan Pawnshop! Liban pa sa libo-libong branches nito nationwide, puwede ka na rin magpadala ng pera’t magbayad ng bills gamit ang Palawan Pawnshop.

Share: