OA sa Taas na Bilihin? 7 Gigs para sa Wais na Millennial

Blog

May 12, 2021

gig-wais-millennial

Kahit saan ka magpunta ngayon at kahit sino pa kausapin mo, panay ang reklamo sa tumataas na presyo ng mga bilihin. Sa sobrang hot ng topic, trending na at napakaraming memes na ang nagawa dahil dito.

Isa sa mga sektor na pinaka-apektado ng pagbilis ng inflation ay ang millennials. Ang iba, nagsisimula pa lang gumawa ng marka sa kani-kanilang industriya at nagsisimula pa lang maging independent at self-sustaining, pero nadidiskaril na. Ang iba, umaasa lang sa allowance pero kahit student meals, hindi na ma-afford.

Pero knowing Pinoy millennials, madiskarte ‘yan! Operation: Part-time job. Maraming part-time job ideas online man o offline. Maraming opportunities for extra income for millennials basta maging open at creative lang.

Narito ang ilang ideas for part-time job for millennials para extra income na, dagdag experience pa.

Online sari-sari store

Online sari-sari store

Dahil palagi namang online ang millennials, isa sa pinakamagandang platform na gamitin sa pagne-negosyo ay ang internet at social media. Hindi mo kailangan ng pwesto, mag-ayos ng sangkaterbang dokumento, at malaking kapital. Kailangan lang alam mo kung ano ang gusto mong ibenta. Sa panahon kasi ng Facebook Marketplace at buy and sell apps, lahat na ng produktong maisip mo ay binebenta na.

Pagdating sa online reselling, which is one of the most common small business ideas, sundin ang passion at mag-research. Ikaw ba ay mahilig sa fashion? Maraming suppliers ng mga trendy clothes and accessories everywhere. Crazy ka rin ba about anything Korean? Mula sa make-up, skin care products, cute home accessories, and clothes, for sure patok na patok ‘yan. Lumalaki na rin ang demand para sa packed meals, food trays, organic products, eco products, gadgets, tech accessories, etc.

Virtual assistant

Virtual assistant

Isa pa sa nauusong internet-based part-time gig ay ang pagiging virtual assistant. Ang kailangan lang dito ay may matindi kang organizational skills. Bawal din mangarag at mataranta sa ganitong trabaho. Medyo demanding ito sa oras at effort pero flexible naman. This perfect part-time job for millennials also requires a good management and communication skills. Kung talent mo ang pag-set ng schedules, filing and organizing, at coordination, pasok na pasok ka d’yan.

Event photography and organization

Event photography and organization

Pagdating sa mga happening, updated ang mga millennials. Kaya kung gusto mo ng gimik plus side gigs to make money, bakit hindi mo subukan ang photography and coverage of local events? Generation of selfie ang millennials kaya kahit basic camera lang, pang-maestro na ang mga kuha. Kung may editing software, maaari pang idagdag sa services ang editing ng photos at videos. Bukod pa rito, pwede rin mag-part time sa events coordination. All it takes is one event, madali nang makapasok sa industriya.

This is perfect for students and young professionals dahil kadalasan weekend, holidays at after-school or office hours ang mga happening sa community. At ngayong malapit na ang Pasko, for sure napakarami ring events kaya this is also a part-time job during the holidays.

Graphic design

Graphic design

Kung ikaw ay very creative at marunong sa graphic design, marami kang raket na pwede pasukan. Dahil uso ang social media marketing at blogging, marami ang nangangailangan ng graphic artists. Ilan sa mga in-demand na services ay sa paggawa ng logo, social media cards, banners, at pati na t-shirt designs. Mataas ang bayad sa mga artists dahil hindi nga naman matatawaran ang skills at creativity nila. Madalas per project ang kontrata sa mga ito kaya mataas din ang bayad. Isa rin itong paraan para gumanda ang portfolio mo one day.

Writer, editor, and encoder

Writer, editor, and encoder

May lahi ka ba ni Shakespeare? Kung mahilig ka magsulat tapos sino-solo mo lang, i-share mo na ‘yan! Maraming kumpanya ang naghahanap ng freelance writers na pwede i-outsource. Technical o creative writer ka man, merong swak na raket para sa’yo. At kahit estudyante pa lang, pwedeng-pwede na dahil informal naman ang freelance industry. Kung kaya mo na mag-manage ng sariling blog at tingin mo marami kang ideas for fresh and quality content, bakit ‘di mo ituloy sa blogging na pwede mo pang maging permanent raket?

Bukod sa writers, pwede rin subukan ang pagiging copy editor. Para ito sa mga ma-detalye at may talent na mag-enhance ng trabaho ng iba. Kung talent mo naman ang typing, pwede mo subukan ang pagiging data encoder o transcriber.

Home-based English tutor

Home-based English tutor

Isa sa best part-time jobs para maka-ipon ay ang pagiging online tutor. Basta may computer ka at internet connection, pwede mo itong subukan. Kadalasan mga Korean at Chinese students na nag-aaral ng Ingles ang clients mo.

Magandang work experience ang online tutoring dahil natututo ka ng skills na magagamit mo in the future. Natututo kang makipag-usap, lumawak ang pang-unawa, humaba ang pasensya, at iba-iba pang valuable career at life skills.

Pet and house sitter

Part time job ideas

Ang mga pet dogs and cats, may sarili nang yaya ngayon. Kaya naman kung mahilig ka rin naman sa mga hayop, bakit hindi mo subukan ang maging pet sitter. Maraming naghahanap niyan lalo na ang mga sobrang busy na amo. May mga kumpanya rin na nag-ooffer ng pet sitting services na pwede mo pasukan para dumami agad ang clients. O ‘di ba? Kumita ka na, nag-enjoy ka pa. At dahil papasok na tayo sa busy Christmas season, pet sitting is also a great way on how to save for the holidays.

Bukod sa pet sitting, pwede rin i-try ang house sitting lalo na sa panahon ng Airbnb. Ikaw ang magma-manage ng rentals mula sa posting, bookings, at pati housekeeping.

Hindi naman mali na magreklamo it idaing ang taas ng presyo ng gasolina at mga bilihin, pero para makatulong na lang din, ituon na lang ang pansin sa paghahanap ng paraan and turn crisis into a golden opportunity. Malay mo, born to be a boss ka pala talaga at ‘di ordinaryong empleyado. Kung sakaling ganon na nga ang kaso Suki, ay ibig sabihin lang noon ay ‘di mo na proprobelmahin ang pag-kita ng pera. Ang iisipin mo na lang ay siyempre how to send money sa mga kapamilya mo. Ang sagot? Palawan Pawnshop Express Pera Padala, siyempre naman! Sa mga ganitong raket, gig at maliit na negosyo, mas nakakatulong ka na nga sa pamilya, mas makikilala mo pa ang iyong sarili at mga kakayahan!

Share: