-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Wais 2020 Adulting Checklist para sa mga Suking Millennials
March 19, 2021
New year, new you, Suki Sa pagpatak ng 2020, biniyayaan na naman tayo ng isa na namang dekada to live life to the fullest. Nakaka-excite na panahon ito sa buhay ng marami sa atin. Pero para sa iba, lalo na sa mga bagong sabak sa adulting, puwedeng maging stressful ang pasok ng bagong taon.
What is “adulting”?
Photo courtesy of Tim Gouw via Pexels
Mahirap mang harapin, lahat tayo tumatanda. Parte ng buhay ng lahat ng tao ang pagsabak sa mundo ng pagiging adult, o adulting. Tapos na ang maliligaya at carefree na araw ng kabataan, suki.
Narito na ang adulting, kung saan dapat na tayong mag-step up at tumanggap ng mas mabibigat na responsibilidad sa pamilya at sa sarili. Nandiyan ang paghahanap ng trabaho at pagbabayad ng bills. Fulfilling man makatulong sa pamilya, kaakibat din nito ang sandamakmak na stress.
Kung bagong graduate ka man o nagta-transition pa lang sa pagiging young independent adult, nakakatakot para sa lahat ang pag-asa sa sarili, lalo na kung first time mong mag-trabaho o maghanap ng trabaho. Pero huwag kayong mag-alala, mga suki, narito ang adulting checklist para sa 2020 na makakatulong sa inyong harapin ang new year!
Para sa wais na pag-manage ng pera
Photo courtesy of maitree rimthong via Pexels
Parte ng adulting ang pagiging wais sa pera. Wala nang steady baon mula sa parents ngayon, suki, kaya dapat matuto ka nang magtipid. Heto ang ilang money management tips for millennials.
1. I-budget ang sweldo
Para sa mga first time maging parte ng work force, ang isa sa dapat mong unang matutunan ay ang pag-budget ng sweldo. Kung malaki man o maliit ang iyong unang paycheck, kailangan mo pa rin matutunan kung paano magtabi para sa mga importanteng bagay tulad ng mga bayarin, insurance, o emergency.
2. Magbayad ng bills on time
Photo courtesy of Artem Beliaikin via Unsplash
Parte din ng pag-manage ng pera ay ang pagsisigurong nababayaran sa tamang oras ang mga bayarin. Para sa iwas hassle na pagbabayad, bayaran sa iisang lugar ang mga bill ng kuryente, tubig, internet, cable, at iba pa.
Kung gusto mo ng hassle-free bills payment, ang Palawan Pawnshop ay mayroong over 2900 branches sa buong bansa na accessible sa mga working adults like you, suki!
3. Magbukas ng savings account
Para makapag-ipon, mainam na magbukas ng savings account na hiwalay pa sa payroll account mo sa bangko. Kada buwan, magtabi ka ng nakatakdang halaga ng pera doon at hindi mo mamamalayang lumalago na ito!
Para iwasan ang hassle ng mahahabang pila sa bangko kapag nagdedeposito, pumunta sa Palawan Pawnshop branches para sa serbisyong Palawan Express to BDO.
4. Mag-avail ng mga membership card
Photo courtesy of Dom J via Pexels
Bilang adult, mayroong mga establishment na parati mong bibisitahin; tulad ng botika, bookstore, o kahit remittance centers. Dahil madalas mo sila tangkilikin, magandang mag-avail ka na ng membership or suki cards, para sa kada pagbisita mo sa kanila ay mayroon kang natatanggap na rewards.
Sa Palawan Pawnshop Suki Card, makakatanggap ka ng discounts at perks na makakatulong sa mga susunod mong pagpapadala o pagbabayad.
5. Iwasan ang shopping sprees
Dahil mayroon ka nang steady income, nakakatukso rin namang gastusin ‘to sa kung ano-ano. Mahirap na iwasan ngayon ang temptation na mag-online shopping o mamili sa mall kung may cha-ching ka na. Pero tandaan, suki, bilhin lang ang kailangan at kung may natira pa, saka bumili ng gusto. Pero huwag sobra-sobra!
Para sa matiwasay na home life
Isang malaking parte ng pagiging adult ay ang pagiging independent sa bahay. ‘Di bale na kung nakatira ka pa rin sa bahay ng parents mo o naka-apartment malayo sa kanila; kailangan mong matuto kung paano manirahan nang hindi humihingi ng tulong. Kahit kasama mo pa rin ang pamilya mo sa bahay, dahil adult ka na, hindi na puwedeng umasa ka pa rin sa kanila.
6. Matutong magluto
Photo courtesy of Alyson McPhee via Unsplash
Kung hindi ka pa marunong nito, kailangan mo na ng cooking skills! Bilang bagong binyag na adult, kailangan mo nang matutong magluto for yourself, your family, or roommates. Hindi puwedeng laging umasa kay mama na magluto dahil matanda ka na. At hindi rin puwedeng puro de lata o fast food takeout ang kainin sa bahay ng isang working adult.
7. Matutong maglinis at maglaba
Kailangan mo ring matutong maglinis at maglaba. Ang responsableng adult ay hindi makalat sa bahay at sa workplace. Itong adulting reality na ito ay totoong-totoo lalo na ‘pag ikaw ay mag-isa nalang nakatira sa apartment. Wala na si mama para magligpit para sa’yo. Ikaw na ngayon ang bahalang mag-ayos ng mga kalat sa paligid mo.
8. Save time for your family and friends
Photo courtesy of JESHOOTS via Pexels
Nakakapagod man ang magkaroon ng trabaho, kailangan mo pa ring magtira ng oras para sa iyong pamilya at kaibigan. Kung nakatira ka malayo sa kanila, maglaan ng ilang araw sa isang linggo o buwan para bisitahin sila at magkaroon ng quality fambam o barkada night out. Kahit tight sa budget at oras, makakabawas sa stress ang pakikipag-bonding sa mga mahal sa buhay.
Para sa pangmalakasang job hunting
Para sa mga millennial na bago pa sa paghahanap ng work, heto ang ilang adulting tips para sa inyo sa inyong first taste ng pagiging grown up.
9. Pag-isipang mabuti ang resume
Unang beses kang makikilala gamit ang iyong resume. Dito makikita ng iyong ina-applyan kung ano ang nagawa mo na at kaya mo pang gawin. Dapat pag-isipan mong mabuti kung anong ilalagay mo rito. Kailangan bagay ka sa aaplyan mong trabaho, at ilagay lang ang mga bagay na relevant sa trabahong gusto mong pasukin.
10. Kilalanin ang trabahong papasukin
Photo courtesy of Sebastian Herrmann via Pexels
Huwag magpasilaw sa unang makikitang available na trabaho, suki! Bilang isa na sa grown ups, kailangang pag-isipan ring mabuti ang trabahong aaplyan. Para sa unang beses magtatrabaho, madaling magpatali sa unang tatanggap sa iyo. Pero dapat ikonsidera mo rin ang laki ng sweldo versus sa gastos ng pagtatrabaho doon. Pag-isipan din kung ito ba ang totoong gusto mong gawin para sa una mong work, at kung nakikita mo ang sariling nagtatagal dito.
11. Magdamit nang maayos
Hindi ka puwedeng pumasok sa interview na mukhang gusgusin. You need to dress the part, suki! At kailangan mong ipakita gamit ang pananamit mo na gusto at kaya mo ang trabaho.
Para sa pag-alaga sa sarili
Photo courtesy of bruce mars via Pexels
Maraming kaakibat na stress ang pagiging grown up at malaking dagok ‘to sa kalusugan at self-esteem mo, suki! Importanteng alagaan mo ang iyong sarili lalo na’t marami ka nang dala-dalang responsibilidad. Narito ang ilang self care tips for working millennials this 2020.
12. Kumain ng healthy na pagkain
Sa hectic na schedule ng working adult, nakaka-tempt kumain na lang ng kung anong mabilis mahanda o mas tipid. Karaniwan ‘yang mga instant noodles, de lata, o fast food take out. Hindi ‘to magandang diet ng nagtatrabaho. Sikaping iwasan ang ganitong pagkain, at kumain ng mas masustansyang diet tulad ng prutas at gulay. Puwede mong i-schedule ang pagluluto ng baon sa opisina; mas tipid ‘to at mas healthy pa!
13. Regular na mag-ehersisyo
Dapat ding kahit kaunting oras kada linggo ay makapag-exercise ka. Kailangan ‘to ng mga buong araw nakaupo sa opisina. Nakakabawas stress din ang pag-e-exercise, liban pa sa mga benepisyo nito sa physical health.
14. Maglaan ng oras para magpahinga
Photo courtesy of Drew Coffman via Unsplash
Liban pa sa pagkain ng masustansya at pag-eehersisyo, kailangan din ng mga grown up ang maayos na pahinga para sa self-care. Kahit sa simpleng pagtulog sa oras at pagpapahinga sa mga day off, makakaipon ka ng energy na kailangan mo sa work at sa iba pang pinagkakaabalahan mo.
15. Find a fulfilling hobby
Hindi puwedeng puro trabaho lang tayo, suki! Para sa pagod na millennial, kailangang maghanap ng hobby na puwedeng mapaglabasan ng stress sa work. Puwede mong gawin ang dati mo nang ginagawa o maghanap ng bagong matututunan, either way, pinapayaman mo ang iyong sarili sa pag-focus sa isang bagay na walang kinalaman sa trabaho.
Walang rason para matakot this coming new year kahit newbie ka pa lang sa grown up duties. Lahat tayo ay tumatanda, which means lahat ng tao ay dadaan sa challenges ng adulting. Ibig sabihin lang din nito ay lahat tayo ay capable harapin ang bagong responsibilities that come with being an adult.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024