Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Noong unang panahon, ang mga lola at mga magulang natin, mahilig sa alahas. May mga pares ng hikaw at porselas. Ipapamana raw nila sa mga anak nila. Heirloom o family treasure kumbaga na pwedeng ipasa sa iba’t ibang henerasyon.
Ngayon, may bagong smartphone, bili agad. May bagong tabas ng pantalon, bili agad. Maipapamana mo ba? Malamang hindi kasi ang smartphone, wala pang tatlong buwan, outdated nanaman. Paiba-iba rin ang uso sa pagdating sa fashion.
Bakit hindi ka mag-invest sa ginto? Big word --- ginto. Golden investment opportunity ito for millennials. At bago ka malula, huwag mong isipin na kailangan mo ng milyun-milyon para dito. Magtabi ka lang ng kaunti sa sahod mo, pwede ka na mag-invest in gold jewelry. Kung hindi mo pa kaya ang mag-invest sa bahay o negosyo o kahit sa kotse, kayang-kaya mo pagdating sa gold jewelry items.
Worth it ba? May mapapala ka ba?
May gamit na, low-maintenance pa!
Kapag nag-iinvest sa isang bagay, hindi ba gusto mo yung nahahawakan mo? ‘Yun bang nafi-feel mo sa mga kamay mo. Ganyan ang ginto. Hindi mo lang nakikita o nahahawakan, nagagamit mo pa. At ang kagandahan ng gold jewelry vs other investments gaya ng real estate na nagre-require ng upkeep at maintenance. Investment din ito outside the digital platform, kaya safe sa hackers. Basta panatilihing secure ito sa bahay mo.
Ginto na, pera pa!
Balikan mo ang kasaysayan, kahit pa Biblical history. Ano ang ginagamit na pambayad? Ginto. Hindi mo pwedeng ibili sa sari-sari store ang gold pero kung tutuusin, mas superior pa ito kumpara sa kahit anong currency. Taglay nga raw ng ginto ang tinatawag na long-term store value, o yung tipong bibigyan ka ng mas matinding purchasing power pagdating ng panahon.
Lifeline sa emergency
May mga pagkakataon na walang-wala ka tapos may biglaang gastos. Malayo pa ang sahod, pero biglang may emergency. Such is life, sabi nga nila.
Ang kagandahan ng ginto, pwede mong i-sangla at tubusin kapag may pera ka na. Iniisip mo ba baka baratin ka lang? Sa Palawan Pawnshop, mga propesyunal ang kausap mo. Hindi ka babaratin at mataas ang presyuhan. Huwag mong alalahanin ang mgafake myths tungkol sa pagsasangla, dahil hindi ‘yan gagawin sa’yo. Higit sa lahat, mababa rin ang interest. Pwede pa yang bumaba kung may Suki card ka.
Makakatanggap ka pa ng text notification kapag malapit na mag-expire ang sangla mo. Kung wala pa ring pera, pwede naman i-renew sa murang halaga.Higit sa lahat, hindi ka bibiguin ng mabilis at hassle free pawnshop in the Philippines. Ikaw na nga itong namomroblema, papahirapan ka pa ba?
Walang hassle sa pagbebenta
Bukod sa pagsa-sangla, nand’yan din ang option na ibenta ito lalo na kapag biglang taas ang presyuhan. Ang ginto kasi, maituturing na liquid asset.Madali i-konsider ang gold for pawning or selling. At ‘di gaya ng pagbebenta halimbawa ng stocks, mas madali ang proseso ng pagbebenta ng ginto --- pwede sa kaibigan o kahit sa online dealer. Kaya naman, may iba nga na ginagawa itong negosyo.
Pasok sa sweldo mo
There’s an impression that a gold jewelry’s price is also golden. It is not cheap, sure, but millennials can easily afford it. Sa Pilipinas, nasa PhP900 – 2,000 ang kada gramo ng ginto depende sa karat. Depende sa gusto mong bilhin na alahas, kung gaano kabigat o kalaki, doon din dedepende ang presyo.
In short, kung paglalaanan mo ng siguro 20% ng sahod mo, kayang-kaya mo mag-invest in gold jewelry.
Hindi expert? Okay lang ‘yan
Huwag ka raw mag-invest sa bagay na wala kang kaalam-alam. Halimbawa, sa stocks o real estate. Dapat marunong kang patakbuhin at palaguin ito.
Walang special skills na kailangan when you’re investing on gold jewelry. Hindi gaya ng paintings o anumang valuable artwork. Kaya mo bang sabihin kung peke o totoong Van Gogh ang isang painting? Kaya mo bang sabihin kung antique ang isang furniture o accessory? Ang ginto naman, straightforward lang at walang required skill or talent.Ang mga pawnshop, pwede kang tulungan kung fake ang alahas o mag-isyu ng certificate na totoo ang gintong hawak mo.
Investment sa ginto, investment sa future!
Ang mga millennials, mas naghahanda na para sa future at retirement nila. Mas bukas ang mga young professionals ngayon sa savings at investments gaya ng real estate, stocks, at insurance. Isama mo na rin d’yan ang mga gintong alahas. Isipin mo ang itinaas ng presyo ng ginto sa mga nakalipas na dekada. Kung ang mga nasa Gen-X bumili ng ginto noong 90s, ang ginastos nila nasa $390 per ounce. Ang value ng per ounce of gold ngayon, nasa $1,260. O diba, panalong-panalo ka d’yan.
Timeless ang halaga
Hindi ba bumababa ang value ng ginto? Ang halaga ng ginto ay may fluctuation din, pero ang value nito ay timeless. Ito marahil ang isa sa mga benefits of buying gold jewelry. Hindi gaya ng mga binibili mong phone o damit, hindi kumukupas ang ginto.
Marami ang bumibili ng gold jewelry items bilang direct investment. May anticipation kasi ng pag-increase ng future price ng gold o yung sinasabing long-term value. Valuable substance o mineral ang ginto sa maraming industriya at sa maraming panahon. Ilang change of currencies and economic challenges na ang dinaanan ng ginto, pero hanggang ngayon, ginto pa rin.
Huwag kang ma-intimidate sa ideya na worth it ang gold investment. Higit pa ito sa heirloom ng isang pamilya. Konting research at pang-unawa, madaling makasundo ang gold jewelry items. Pwede mo silang ma-enjoy habang pinapanood mo na tumataas ang value ng mga ito. Kaya naman, don’t let this golden investment opportunity pass. Take a leap of faith.