Modern Day Heroes: Sinu-sino sila?

Blog

October 14, 2020

modern-day-heroes

Sa araw-araw, marami tayong nakakasalamuha na iba’t-ibang tao, sa trabaho man o sa personal na buhay. Ang iba parang dumadaan lang. Madalas hindi man natin napapansin pero ang bawat isa, may papel na ginagampanan sa buhay natin.

Ngayong darating na ika-27 ng Agosto, ipagdiriwang na naman ang National Heroes Day. Araw ng mga bayani na nagbigay sa atin ng kalayaan at identity bilang isang bansa. Ngayon, meron pa ring mga bayani, ang mga modern day heroes na nakakasama natin sa araw-araw. Baka napaka-busy mo lang para mapansin na everyone plays a role in your life.

Sinu-sino nga ba sila? Sinu-sino nga ba ang mga everyday heroes na nagbibigay kulay sa buhay natin?

Yes Ma’am: Bayani ng Kabataan

Teachers: bayani ng kabataan

Walang listahan tungkol sa bayani ang makukumpleto ng wala ang mga guro. Public school o private school o home tutoring, teachers are a noble breed. Lahat tayo, kahit anumang marating sa buhay, kailangan munang dumaan at pumasa sa kanila. Para bang sila yung interview bago matanggap sa trabaho, o heart break bago mahanap si the one. Teachers do not only teach you how to read or write, they also teach you the value of hard work, patience, and persistence. Best of all, they teach you how to dream, and how to dream big.

OFWs: Bagong Bayani

OFWs, mga bagong bayani

Sino pa nga ba? Sila ang mga bagong bayani. The word is sacrifice, and our OFWs know all about them. Mahirap sumabak sa trabaho araw-araw, pero paano pa kaya kung sa ibang bansa at malayo sa pamilya? Napakalaki ng puso ng mga OFWs para sa kani-kanilang pamilya, at para sa bayan na rin. Dahil sa higit sampung milyon na Pilipino abroad, nananatiling masigla ang ating ekonomiya. Nitong 2017, umabot sa $28.1-Billion ang kanilang remittances. Hindi na nakakapagtaka kung bakit napakasigla rin ng remittance industry sa Pilipinas gaya na lang ng Palawan Express Pera Padala. Laging mahaba ang pila sa mga remittance center dahil sa walang puknat na padala ng mga OFWs, patunay na walang pagod ang ating mga OFWs sa pagsasakripisyo para sa kanilang mga pamilya. At kung mabibigyan ng pagkakataon na gawin itong muli o nang paulit-ulit, they would gladly do it all over again. ‘Yan ang Pinoy Overseas Worker.

Doctor is in: Saving Life One Patient at a Time

Saving life one patient at a time

Medical professionals work longer hours than most people. Sa kanila nga yata nagmula ang salitang toxic. Kaya mo bang manatiling gising at alerto sa loob ng 36 straight hours? Para sa mga doctor at nurse, it’s just another weekday. They don’t only cure sickness, they make you feel a whole lot better. Ilang tao sa buhay mo ang kayang gawin iyon? Make you feel better?

Medical professionals attend to your emergencies. They save lives. Tuwing operation, nakatayo sila for many hours while still being precise. Doctors and nurses can’t afford to be wrong, because being wrong may cost someone their life. Ang bigat ‘no? Pero walang gutom, puyat, o kahit pa tigas ng ulo ng isang pasyente ang makakapigil sa pagganap nila ng kanilang tungkulin.

Para Manong: Bayaning Tsuper

Bayaning tsuper

Sa pagsabak mo sa trabaho sa araw-araw, sino ang mga unang taong nakakasalamuha mo? Driver ng jeep, bus, tricycle, o taxi. Dahil sa kanila, nakakarating ka nang ligtas sa opisina mo. Hindi mo na siguro ito napapansin dahil lagi kang nagmamadali, pero ang kanilang linya ng trabaho ay nagiging daan para magawa mo ang trabaho mo sa araw-araw. Ang mga public utility drivers, bagamat malamang ay may hugot ka sa kanila, ay katulad din ng maraming Pinoy laborers na nagtitiis sa traffic, init ng araw, alinsangan ng panahon, taas ng presyo ng krudo, at init ng ulo ng mga pasahero para lang kumita para sa kanilang pamilya.

How May I Help You?

Modern-day hero: call center agents

Paano naging everyday heroes ang mga call center agents na sumasagot ng telepono sa de-aircon na kwarto?

Tanong: kailan ka tumawag sa isang call center na hindi ka galit? O ‘di kaya’y walang kailangan. Sa kabilang linya, mayroong mga agents na laging handa sagutin ang mga tanong mo o bigyang solusyon ang mga problema mo kahit pa galit ka na at mataas ang boses. Gising sila 24 hours dahil alam nila na ang mga emergency mo hindi kayang maghintay ng umaga.

Maraming kabataang Pinoy ang gustong pumasok sa call center industry dahil mas mataas daw ang sahod. Maaaring totoo ito kaya marami ang naeengganyo. Pero huwag din kalimutan na hindi ito basta-basta. Bukod sa tamang set of skills, dapat handa rin ang puso mo para sa bigat ng trabaho lalo na’t customer service ito. Iba’t-ibang tao ang nakakausap nila sa araw-araw na may iba’t-iba ring problema at higit sa lahat, iba’t-ibang haba ng pasensya. Kaya next time you pick up the phone to talk to a call center agent, kaunting hinahon at pasensya.

Mga Anghel ng Tahanan

Mga anghel ng tahanan

Tinatawag silang mga anghel ng tahanan. Kasi naman, siguro parang impyerno na ang bahay at buhay mo kung wala sila.

For full time working moms, makapasok ka kaya sa trabaho kung wala si yaya? Mapalagay kaya ang loob mo sa opisina kung wala siya? After a long day at work, hindi ba ang sarap umuwi sa malinis na bahay at home-cooked dinner? Ang mga house helpers at yaya ang gumagawa ng mga bagay na hindi na natin kaya pang gawin. They keep your life in order, they keep you sane. Can you imagine your life, your home, without these everyday heroes? Sila na iniwan ang sariling bahay para ayusin ang sa iyo. Sila na hindi maalagaan ang sariling mga anak at pamilya para lang alagaan ang sa iyo. Selfless, hindi ba?

Over-The-Counter Heroes

Over-the-counter heroes

Makikita natin sila sa bangko, grocery, malls, ticket booth, etc. Sila yung nagpo-proseso ng mga request natin gaya ng bank deposits, nagbabasa ng reseta at nagbibigay ng gamot, nagpo-proseso ng mga bayarin at utilities, kumukuha ng order sa restaurant, at basically mga umaasikaso sa atin sa tuwing may transaksyon tayo sa isang negosyo o establishment. Sila yung mga teller sa bangko, kahera sa grocery, o di kaya’y mga ahente sa remittance centers gaya ng Palawan Pawnshop na umaasikaso sa Pera Padala ng kamag-anak abroad o ang halaga ng alahas mo sa kanilang pawning service. Service-oriented ang kanilang trabaho, at sila ang nasa frontline pagdating sa pag-asikaso sa customers. They make sure customers have a pleasant time doing business with the establishment or company.

Sunog! Alerto sa Sakuna

Firemen: mga bayanhi sa delikadong panahon

Kabilang sa emergency responders ang mga bumbero, pulis at sundalo, ambulance drivers, medical professionals, tauhan sa disaster risk reduction groups, volunteers, etc. Sila yung walang takot na sasabak sa anumang bagyo, baha, sunog, epidemya, o gyera. They live to keep people safe. They are ready to risk their lives so that others get to live. Sila ang mga bayani sa mga delikadong panahon. 

Sabi nga ng isang kanta, “a hero lies in you.” Sa pagganap natin ng ating mga tungkulin, nagiging bayani tayo para sa ating pamilya, para sa ating kapwa, at para sa ating bayan. This National Heroes Day, stop awhile and be grateful for having these (extra)ordinary people in your life, your everyday heroes.

Share: