-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
10 Inspiring Bayanihan Acts for the Modern Filipino
May 10, 2021
Ang best qualities ng mga Pinoy ay best seen tuwing Kapaskuhan, suki. Nai-emphasize sa holiday season ang pagiging sentro ng pamilya sa Filipino culture, pati na rin ang diwa ng pagtutulungan at selflessness.
Sisiw ang sakripisyo sa Pinoy—maliit man o malaki—basta makatulong sa kapwa. Simula bata pa lang, tinuturo na ang history ng mga bayani para maitatak sa mga chikiting ang importansya ng pagpapahalaga higit pa sa sarili. Isang prime example ng pagiging selfless ng mga Pinoy ay ang tradisyon ng bayanihan sa kanila.
Kapag sinabing bayanihan, ang unang pumapasok sa isip natin ay ang walang kupas na imahe ng mga taong nagbubuhat ng kubo. Mula kasi sa salitang ‘bayan,’ ibig sabihin ng bayanihan ay united ang buong komunidad para sa pagtulong sa kapwa.
Kahit luma na ang salitang bayanihan, ngayong modern times, mayroon nang lumilitaw na new acts of bayanihan—pero lahat pa rin ng ‘yon ay nakabase sa natural na pagiging selfless ng mga Pinoy.
Ngayong holiday season, tingnan natin ang ilang examples ng modern bayanihan na magpapaalala sa atin ng tunay na diwa ng Pasko,
1. Mag-volunteer sa charities
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Sa dinami-dami ng ‘yong hinaharap sa work o school, milagro na ang magkaroon ng oras para sa iba pang labas doon. Pero iba rin talaga ang fulfillment sa pagvo-volunteer sa mga Non-government Organizations (NGO) o charities.
Maraming orgs sa Pinas kung saan puwede maglaan ng kahit ilang oras kada linggo para magsilbi sa iba. Mayroong mga children’s orgs, animal welfare associations, at iba pang civil society groups na tumatanggap ng volunteers. Mula sa pagtuturo ng mga bata hanggang sa pagtatayo ng bahay—puwede kang mag-volunteer base sa interest at capability mo.
Wala man sweldo kada-akinse, sapat nang gantimpala ang knowledge na nakapagbigay lakas ka for a good cause. Ang pagvo-volunteer ay isang good way to practice bayanihan, lalo na sa season of giving tuwing Kapaskuhan.
2. Mag-donate ng pera
Kung wala ka namang oras para mag-volunteer, puwede ka pa rin namang makatulong sa paraan ng pagdo-donate ng pera. Liban pa sa volunteers, tumatanggap din ng monthly monetary donations ang mga NGO. Kahit gaano kaliit pa ‘yan, basta makapagbigay lang, ay ikasasaya na ng mga member ng mga nasabing group, lalo na ng mga natutulungan nila.
3. Mag-donate ng mga gamit o pagkain
Photo courtesy of Dan Gold via Unsplash
Kung hindi rin kaya ng budget mo ang buwanang pagdo-donate, puwede ka ring mangolekta ng mga gamit sa bahay na puwedeng ibigay sa mga charity. Puwedeng damit, pagkain, o laruan—lahat ng puwedeng pakinabangan ng mga nangangailangan.
Tuwing Pasko, maraming pamilya ang hindi makapagdiwang dahil kapos sa pera. Tulungan sila ngayong holiday season sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga hindi mo na kailangan. Siguradong ikatutuwa nila ‘yon, at ikagiginhawa ng Pasko nila.
Puwede ka ring tumulong (mag-donate at mag-volunteer) sa mga group na ang focus ay mga nasalanta ng bagyo o iba pang natural calamity. Hindi exclusive ‘to tuwing Pasko lang, dahil bilang tropical na bansa, nakakaranas ang Pinas ng maraming sakuna, at mas maraming tao ang naapektuhan nito na kailangan ng tulong.
4. Maging mas eco-friendly
Speaking of sakuna, dinudulot ‘to ng mapag-aksaya at iresponsableng lifestyle. Isa pang paraan kung paano i-practice ang bayanihan ay ang pagtulong sa kalikasan, dahil pagtulong din ‘to sa sanlibutan.
Kahit sa maliliit na paraan lang gaya ng pagbabawas ng paggamit ng plastic at pagtitipid ng kuryente, makakatulong ka na. Mas makakatulong ka pa kung sasali ka sa mga environment-centered organizations dahil mas malakas ang pagkilos kung sama-sama, ‘diba suki?
5. Suportahan ang mga lokal na negosyo
Puwede ka ring makatulong sa iba sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang up and coming na mga negosyo. Napakahirap kayang humawak ng small business, lalo na kung may mga karibal kang malalaking kumpanya.
Isang halimbawa na ng bayanihan ang pagpili sa mga locally made products dahil pagtatangkilik ito sa talent at pagsisikap ng kapwa Pilipino. Napakaraming tatak pinoy na negosyo na ang produkto ay mas maganda at mas matibay kaysa sa mga branded at imported na gamit—na mas mura pa! Nakatulong ka na sa kapwa, nakatipid ka pa—na makakatulong ngayong Pasko kapag bumibili ka na ng pangregalo o kahit ng panghanda sa Noche Buena.
6. Suportahan ang local artists
Puwede ka ring sumuporta ng local talent gaya ng homegrown bands at artists. Imbis na gumastos nang mahal sa mga foreign at malalaking artista, puwede kang maglaan ng atensyon at pera sa mga talentadong artist na hindi pa gaanong sikat.
Kadalasan nga, mas maganda pa ang music o art nila dahil kakaiba ang tunog at itsura kumpara sa mga sikat na gawa, na nagsisimula nang maging magkakamuka. Hindi madali ang buhay ng struggling artist, kaya malaking tulong ang pagsuporta sa kanila.
7. Suportahan ang pamilya
Photo courtesy of Niels Steeman via Unsplash
Sa usapin ng bayanihan, pinakamadaling pagtulong ang pagsa-start sa pamilya. Ang pagtulong sa mga problema sa pamilya, personal man o pinansyal, ay mga munting gawain na rin ng bayani.
Kaya naman tinatawag na ‘bagong bayani’ ang mga OFW, na napakalaki ng sakripisyo na mawalay sa bansa at kaanak para makapagtrabaho abroad. Nakatatak na sa kultura ng Pinoy ang pagiging matatag ng mga OFW, dahil hindi madali kumita ng pera sa ibang bansa.
Kaya sila rin ang takbuhan ng pamilya kapag may problema sa pera. Nagiging tulay na ng mga OFW ang pagpadala ng pera para magparamdam ng pagmamahal nila mula sa malayo. Dahil dito, kailangan ng mabilis at maasahang pagpapadala ng pera sa mga minamahal, na hatid ng Palawan Express Pera Padala.
Bilang tulong na lang din sa layunin na ito, nagbibigay din kami ng agarang impormasyon para masagot ang mga common questions ‘nyo suki. Mga sagot sa tanong na how to send money at pati na rin how your family can receive the money ay matatagpuan sa website natin – may kaakibat pang text updates. Sa paraan na ito, hindi ka magtataka kung paano mo maiitrack ang remittances mo.
8. Suportahan ang komunidad
Hindi na kailangan lumayo sa sariling bahay para mag-practice ng bayanihan. Nandiyan ang community needs na puwedeng simulang tugunan para makatulong.
Kapalit ng kaunting oras mo sa isang araw o isang linggo, makakatulong ka sa paglahok sa mga activity ng iyong barangay o village. Puwedeng clean-up drive o liga ng basketball, basta kahit anong makaka-contribute sa pag-unlad ng buong komunidad.
Kung wala pang ginagawang activity sa community n’yo, puwedeng magsimula sa’yo. Maghakot ka lang ng ilang kapitbahay, at puwede kayong magsimula ng bagong tradisyon sa lugar n’yo. Mag-brainstorm lang kayo ng community activites at i-propose ‘to sa local leaders. Makikita ang diwa ng bayanihan sa paglahok ng community sa mga activity na ikakabuti ng marami.
Magandang gawin ‘to sa holiday season, lalo na sa bakasyon, kung saan kadalasan libre ang mga tao. Puwede n’yo ring hikayatin ang buong komunidad na tumulong sa iba pang community na nahihirapan.
9. Maging maaalalahanin sa mental health ng iba
Photo courtesy of Toimetaja tõlkebüroo via Unsplash
Isa sa mga tampok na usapin ang mental health. Sa dami ng may depresyon at iba pang mental health disorders, kailangan nang maging maingat dito. Kailangan nang pag-usapan ito sa mga bahay, school, at trabaho dahil lahat naapektuhan nito.
Puwedeng maging isang munting halimbawa ng bayanihan ang pagsaalang-alang ng mental health ng mga nakapaligid sa’yo. Puwede itong magsimula sa simpleng pangangamusta ng mga kaibigan o kaanak.
10. Magsimula sa maliliit
Gaya ng nabanggit kanina, hindi naman kailangan enggrande ang pag-practice ng bayanihan. Kahit sa munting paraan, puwede ka pa rin makatulong sa kapwa. Kung hindi mo kayang mag-volunteer, mag-donate, o makilahok sa community activities, puwede kang magsimula sa mga small act of kindness.
Halimbawa nito ang pagtulong sa matatandang makatawid, pagbibigay ng upuan sa jeep sa mga may kapansanan, o kahit ang paghugas ng pinggan. Hindi ‘to magiging viral o makakakuha ng malaking atensyon, pero hindi naman ‘yon ang point ng bayanihan.
Ang totoong diwa ng bayanihan ay ang essence din ng Pasko—pagtulong at pagmamahal sa kapwa nang walang kapalit—dahil hindi lahat ng bayani ay naparangalan, pero ang lahat ng bayani ay may natulungan.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024