-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Hello, Sahod, Goodbye No More! Money Management Guide
March 19, 2021
Sa panahon ngayon, wais ka ‘pag meron kang major investment, suki. Ayon sa PSE stock market report ng 2018, tumaas ang Filipino stock market holders ages 18-29 years old; and they comprise 21.5% of stock market holders sa buong bansa. Kaya trend na talaga ang pagkakaroon ng investement ngayon, suki.
Pero baka matanong mo, paano ba effectively i-manage ang iyong pera para maipundar ang iyong first major investment? ‘Wag nang mamroblema, suki! Sagot ng Palawan Pawnshop ang money management guide na tutulong sa’yo para magkaroon ng bagong bahay, motor, kotse, negosyo, at iba pang investment options na maiisip mo.
Ang totoo, hindi mo naman kailangang maging genius sa Math para maging wais sa iyong money management, suki. Ang kailangan mo ay self-control. Oo, kailangan mong makontrol ang paggastos mo ng pera sa halip na ito ang kumontrol sa iyo. Syempre, kailangan din ng honest examination kung ano ang iyong mga pinagkakagastusan at kung magkano ba ang kinikita mo kada buwan minus ang tax at monthly SSS, PhilHealth, at PAG-IBIG contributions mo. Speaking of honest examination, magagawa mo ito kung meron kang budget plan.
Ano ba ang budget plan?
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Isa dapat sa mga monthly goals mo kapag natanggap mo na ang sahod mo ay ang pag-buo ng budget plan. To simply put, suki, ang budget plan ay isang process para ma-evaluate mo ang iyong earnings at expenses nang sa gayon ay effectively mong ma-manage ang iyong pera.
Maraming mga options para sa paggawa ng budget. Ilista mo sa isang column ang mga pinagkakagastusan mo kada buwan tapos titignan mo kung fit ba ito sa iyong kinikitang pera kada buwan. Pwede mo ring i-try ang 50/30/20 rule for budgeting na inintroduce ni Elizabeth Warren, isang U.S. Senator from Massachusetts at ng kaniyang anak na si Amalia Warren.
Sabi sa kanilang 2005 book na “All Your Worth: The Ultimate Lifetime Money Plan.” Ayon kay Warren, kailangan mong i-breakdown ang iyong after-tax income sa tatlong categories: 50% para sa needs or mandatory expenses, 30% para sa wants, at 20% para sa savings.
Ito ang isang halimbawa ng budget plan based sa 50/30/20 Rule. For example, ang take home money mo every month ay 15,000 (bawas na dito ang tax at monthly contributions, Suki ah.) Ang 50% ng take home money mo ay Php7,500; ang 30% ay Php4,500; at ang 20% naman ay Php3,000. So dapat, yung mga items na ililista mo sa tatlong categories na ito ay pasok sa amount based sa percentages.
Needs (50%) Php7500 | |
Electricity | Php700 |
Water | Php600 |
Groceries | Php1500 |
Internet | Php1500 |
Load | Php1000 |
Fare | Php1200 |
Credit Card payments | Php1000 |
TOTAL | Php 7,500 |
Wants (30%) Php4500 | |
Movie | Php300 |
Shopping | Php1800 |
Eat out | Php700 |
Drinks | Php600 |
Salon | Php1100 |
TOTAL | Php 4,500 |
Savings (20%) Php3000 | |
Investment | Php1000 |
Emergency Fund | Php1000 |
Bank Savings | Php1000 |
TOTAL | Php 3,000 |
Anong dapat ilista sa budget plan?
Photo courtesy of Sandy Zebua via Unsplash
Tulad ng nakikita mo sample budget plan, kailangan mo ilista sa budget plan mo ang lahat ng mga pinupuntahan ng pera mo. Halimbawa, ang ilalagay mo sa needs mo ay yung talagang mga pangangailangan mo tulad ng bills, groceries, at pamasahe mo. Isipin mong maigi kung ano ba yung mga bagay na kaya mo namang mabuhay kahit wala ka nito tulad halimbawa ng gym membership at Netflix.
Sa kabilang banda, kailangang i-treat mo rin ang sarili mo paminsan-minsan. Dito naman papasok ang mga wants mo tulad ng pang-shopping, pang salon at iba pang gusto mong makatwirang pagkagastusan. Lastly, hindi naman pwedeng YOLO lang palagi, suki. Dapat isipin mo rin ang future mo kaya kailangan mong magtabi ng pera para sa iyong savings, investments, at emergency fund.
Syempre, hindi naman kasi ganoon kadaling mag-ipon para sa investment. May mga investment tulad ng real estate property at negosyo na malaking halaga ang kinakailangan. Kung magiging wais ka sa pagtitipid at paghahandle ng finances mo, hindi mo kailangang gumugol ng sobrang tagal na panahon para maipundar ang mga major investments na tulad nito, suki!
Kung na-ooverwhelm ka sa pagbuo ng budget plan, okay lang yan. Tiyaga-tiyaga lang, masasanay ka rin at mapapa-say no more ka na sa petsa de peligro kung mag-stick ka sa budget mo at hindi ka mag-o-overspend. Para ma-track mo lahat ng expenses mo, pwede kang magkaroon ng money diary para doon mo ilista ang lahat ng mga pinaggastusan mo at wala kang ma-miss kapag ginagawa mo ang budget mo.
Maganda rin kung kaya mong hindi sagarin ang amount na naka-allot sa iyong budget para naman may extra ka pang pera na pwede mong ilagay sa iyong major investment. Tandaan, wala sa laki ng sahod ang savings na matitipid mo. At the end of the day, kahit gaano pa kaliit ang kinikita mo, for as long as matalino ka sa paghawak ng pera, hindi ka maghihirap, Suki!
Paano na kung may emergency?
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Pero syempre suki, gaano man ka plantsado ang iyong budget plan para sa iyong money management, di pa rin maiiwasan ang mga emergency na gastusin lalo na kung may biglang magkasakit sa pamilya. Tulad ng nakita mo sa budget plan na ginawa natin, dapat na maglaan ka ng pera para sa iyong emergency fund. Ideally, ang amount for emergency fund ay dapat kayang suportahan ang iyong financial needs for three to six months. Sa totoo lang, hindi naman ganun kadaling ipundar ang sapat na emergency fund. Kung sakaling magkaroon ng emergency pero hindi sapat ang emergency fund mo, di mo kailangang gamitin ang savings mo, at hindi mo kailangang umasa sa 5-6. Ang kailangan mo lang gawin ay humanap ng gintong alahas at dumiresto sa Palawan Pawnshop para isangla ito!
Ang Palawan Pawnshop ay matatag, maaasahan, at mapagkakatiwalaan! Sulit na sulit ang pagsangla ng ginto dito dahil sa mga ino-offer nilang packages na swak na swak sa budget at pangangailangan mo. Isa pa, pwede mo ring gamitin ang Palawan Pawnshop online calculator depende sa package, loan date, at redeem/renew date na swak para sa’yo. Gamit ito, malalaman mo rin kung magkano ang redeem o renewal amount na kailangan mong bayaran depende sa loan mo. Ang nakakatuwa pa sa calculator na ito, hindi ito kumplikadong gamitin.
Photo courtesy of Palawan Pawnshop
Ito ang five simple steps na dapat mong gawin sa paggamit ng online calculator:
1. Pumili ng sangla package. Let’s say pipiliin mo ang Package 1 na may 2.73% per month at 1% advance interest.
2. Ilagay ang halaga ng sangla. For example ay Php5,000.
3. Piliin sa calendar kung kailan ka magsasangla at kung kailan mo ito balak tubusin. Let’s say magsasangla ka sa September 1, 2019 at plano mo itong tubusin sa December 1, 2019.
4. May Suki Card ka ba? Kung oo, i-click mo ang *Suki Card Holder button sa choices. Automatic na magkakaroon ka ng 5% discount sa interest rate. Kung wala ka pang suki card, aba, ito na ang time para mag-apply!
5. Tingnan sa ibaba ng calculator kung magkano ang total amount na kailangan mong bayaran para tubusin o i-renew ang sinangla mo.
Photo courtesy of Tierra Mallorca via Unsplash
Sa panahon ngayon na mapapa-“Hello, Sahod, Goodbye” ka na lang, napakahalaga ang money management, suki! Kapag sinunod mo ang money management guide na ito at tatakbo ka sa Palawan Pawnshop sa panahon ng emergency, for sure hindi ka mababaon sa utang, makakapundar ka para sa iyong major investment na pinapangarap, at talagang certified wais suki ka ng Palawan Pawnshop!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024