10 Wais Tips on Saving Money Ngayong 2021

Blog

June 14, 2021

money-saving-hacks-h-image

jan2021-money-saving-hacks-1Photo courtesy of cottonbro via Pexels

It’s a new year and a new you, suki! Finally, tapos na ang pinakamahirap na taon sa buong buhay mo. Ready ka na siguro to put 2020 in the past and move on to a better future ngayong 2021, diba?

But wait! Ready ka na ba para sa taong ito? Kamusta ang savings mo, suki? Was saving money a priority for you in 2020, o nagamit mo na ba ang savings mo sa lahat ng emergencies at mga krisis nung nakaraang taon?

Gets naman kung nahirapan kang mag-ipon noong 2020. Mahirap talagang maging financially conscious sa pandemya. Pero kailangan mo nang maghanda para sa challenges ngayong taon. Kailangan mong bumangon at lumaban ngayong 2021.

Now, more than ever, importante ang budgeting ng personal finances mo para sa happiness mo this year. Makakatulong ito sa pag-assess ng iyong financial situation. Ngayon pa lang, kailangan mong simulan ang iyong money management plans para handa ka sa mga hamon nitong taon.

Kung gusto mong lumaban at bumangon ngayon, kailangan mo ng effective ways to save money para sa 2021. No need to fear - narito ang sampung simpleng money-saving hacks for your happiness and success this year.

jan2021-money-saving-hacks-2Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

1. Ilista lahat ng mga gastusin.

May bago ka na bang planner para sa 2021? Get ready to put it to good use para sa personal finances mo. Ang una mong kailangang gawin to save money this year is to list, list, list all your expenses, suki!

Ilista mo ang lahat ng mga gastusin mo ngayong taon sa iyong planner, o sa kahit anong tracker na mabilis mong mabuksan. Kung madalas kang gumagastos sa flash sales at promos, gawin mo na ring good habit ang paglista ng expenses mo sa iyong tracker.

Dito mo makikita ang iyong bad spending habits, suki. But don’t worry - makikita mo rin dito ang ways on how to budget, based on your regular expenses. Knowing is half the battle, kaya kilalanin mo na ang bad spending habits mo by listing all your expenses down.

2. Magbukas ng bank account para lang sa savings.

May plans ka ba noong 2020 na natigil dahil sa pandemya? Ngayong 2021, pwede ka nang mag-ipon para sa iyong long-term goals. A helpful wais financial tip for you is to open a bank account just for your savings, suki.

Bakit kailangan may separate savings account? Kapag dumating ang iyong sahod sa payday, pwede mo nang i-set aside ang ilang porsyento nito sa iyong savings account. Hindi mo ito gagalawin hangga’t kailangan mo siya para sa future plans mo.

Isa lang ito sa maraming ways to save money ngayong 2021. Pero kung gusto mong mag-ipon para sa cancelled plans mo noong 2020, maganda ang separate account bilang budgeting tip para sa iyong long-term life goals.

3. Mag-try ng isang “saving money challenge.”

Kung kinaya mo ang challenges ng 2020, kakayanin mo ang mga simpleng “saving money challenges.” Ang mga challenge na ito ay ilan sa mga simpleng money-saving hacks na pwede mong gamitin para makaipon sa 2021.

I-try mong hamunin ang sarili mo na magtabi ng Php50 sa isang linggo. Sa susunod na linggo, magtabi ka ng Php100. Sa susunod, Php150. Kung tuloy-tuloy ka lang sa 52 weeks ng buong taon, makakaipon ka ng Php68,900! Solb ka na sa money-saving hack na ito.

Kung hindi kaya ang pakonti-konting increase na ‘to, magtabi ka lang ng Php20 o Php50 kada araw. Makakaipon ka between Php7,000-Php18,000 sa dulo ng 2021 sa ganung budgeting. Challenge accepted na, suki!

4. Sundin ang 48-hour rule to save money.

Alam mo ba yung phrase “think before you act?” Importanteng lesson ito sa life - at sa personal finance mo, suki! Kung kailangan mo ng ways to save money, gamitin mo ang 48-hour rule for every impulse purchase.

Ano ba ang 48-hour rule? Simple lang ito: kung may gusto kang bilhin na hindi naman necessity, pag-isipan mo muna yung purchase for 48 hours. Kailangan mo ba talaga yung makeup palette na iyon? Sulit ba ang cellphone model na iyon?

Give yourself time before you buy. Huwag kang magpadala sa impulse buying sa 2021. Think before you act, suki, if you’re figuring out how to save money this year.

5. Magbawas ng utang.

Kung gusto mong maka-ipon ng savings, kailangan mo ring bayaran ang utang mo. Parang contradictory, diba suki? Pero totoo siya: dapat nasa 2021 financial bucket list mo ang pagbabawas ng iyong utang kung may plans ka for saving money this year.

Parang relationship lang ‘yan, suki. Hindi ka makaka-move on sa financial future mo kung may current debts ka pa. Sa kapitbahay man ‘yan, o sa credit card mo mismo, kailangan mo ng closure with your past debts to move on with your budgeting future.

Kaya magbawas ka na ng utang mo, suki! Iwasan mo ang utang para sa fresh slate mo ngayong 2021.

6. Save money sa mga discounts at promos.

jan2021-money-saving-hacks-3Photo courtesy of Artem Beliaikin via Pexels

Palagi ka bang bumibili online noong 2020? Suki ka ba sa mga 10.10, 11.11, at 12.12 sales ng online stores? Kung kailangan mo ng helpful ways to save money when you buy the essentials, ituloy mo lang ang practice mo of buying during sales and promos.

Gawin mong wais financial goal ang pagbili ng essentials habang may discounts and special deals. Hindi lang siya effective money-saving tip kapag nag-iipon ka, good habit rin siya whenever you buy things you really need, like food, clothes, and medicines.

7. Include emergency funds sa budgeting mo.

Masyadong maraming emergencies noong 2020, diba suki? May pandemya, financial recession, natural calamities, at kung anu-ano pang krisis noong nakaraang taon. Gusto mo ng helpful budgeting tip? Maglaan ka na ng emergency funds para sa 2021.

Isa talaga ito sa mga important lessons ng coronavirus outbreak: be ready for any emergency. Dapat handa ka sa kahit anong health-related emergency o sudden job loss ngayong taon. Of course, sana naman hindi mangyari ang mga ito. Pero you can never be too sure na, especially with everything that happened last year.

Mag-include ka na ng emergency funds sa iyon budgeting. Kung may emergency ulit, at least prepared ka na sa kahit anong financial crisis sa 2021.

8. Bawasan ang bisyo to save money.

Madalas ka bang bumibili ng yosi, o nagpapadeliver ng desserts sa bahay niyo? Suki ka ba sa “treat yourself” attitude ng 2020? Kung marami kang bisyo at coping mechanisms last year, baka a good money-saving tip is to lessen your vices this 2021.

Okay lang naman kung nag-splurge ka sa bisyo mo noong 2020 dahil sa stress o kalungkutan. Pero that’s so last year na, suki! Bawasan mo na ang iyong bisyo this 2021, to save money and manage your budgeting wisely.

You can still “treat yourself” naman this year, suki. Deserve mo pa rin iyan, after the stress of 2020. Pero kung kailangan mo ng effective ways to save money, siguro you can save your solo splurge for another day.

9. Mag-invest ka para sa future mo.

Congratulations, suki! Na-survive mo ang 2020, and things are looking up for you. You have a bright future ahead of you this 2021. Kaya ngayon, kailangan mo nang mag-invest para sa lahat ng future plans mo.

May plano ka bang bumili ng bahay o kotse noong nakaraang taon? Tinabi mo ba muna yung mga planong iyon dahil sa pandemya? Edi dapat pag-isipan mo na sila ngayong taon. Marami kang investment options sa 2021, like stocks and bonds, real estate, insurance, at iba pa. You just need to know the right place to look for great investment tips.

Gusto mo bang mag-invest para sa future mo? Naghahanap ka ba ng ways on how to save money in the Philippines this year? Marami kang mahahanap na suki-approved wais investments with Palawan Pawnshop.

10. Matutong tumanggi.

Isa ito sa pinaka-mahirap na financial goals to conquer, suki - learning to say ‘NO’! Pero kung kailangan mo ng tips on how to save money, kailangan mong matutong tumanggi sa spending temptations this year. May mas malaki ka nang priorities ngayong 2021, suki.

Gusto mong bumangon sa kahirapan na dulot ng 2020. May long-term plans ka with friends in the next few years. Gusto mo ng budget para sa COVID-19 vaccine. Learn to say no sa bad spending habits mo, para sa success ng lahat ng iyong post-COVID plans.

jan2021-money-saving-hacks-4Photo courtesy of maitree rimthong via Pexels

You made it, natapos mo na ang 2020! Pero kailangan mo nang magplano para sa 2021. Kung nahirapan ka financially last year, there’s no need to fear, suki. Makakatulong talaga ang mga money saving hacks na ‘to para sa iyong exciting future plans for 2021.

Fresh start na ito para sa iyo, at fresh slate na rin ito para sa personal finance mo. Exciting, ‘diba, Suki?! You have so much to look forward to your financial future.

Kailangan mo pa ba ng budgeting tips and other ways to save money? Look no further than Palawan Pawnshop para sa lahat ng money-saving hacks mo this year.

Share: