-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
10 Wais Money Strategies Para sa Madiskarteng Single Parent
May 04, 2021
Hindi madaling maging solo parent, lalo na kung sobrang bata pa ng mga anak. Pasan-pasan mo ang lahat ng responsibilidad sa pamilya, mula sa gawaing bahay hanggang sa pagbabayad ng mga gastusin. Kaya naman, kasama sa job description ng mga single parents ang pagiging wais at madiskarte.
Kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas ang hirap ng pagtataguyod ng isang pamilya nang mag-isa. Kaya naman, mayroong mga solo parent benefits na partikular lamang sa mga single parents. Kasama rito ang leave credits at educational assistance para sa mga anak. Samantalahin ang mga benepisyong ito mula sa gobyerno, Suki! Malaking ginhawa ito sa pamilya mo.
Ngunit hindi mapipigilan ng mga benepisyong ito ang pagtaas ng mga bilihin. Kaya naman kailangang magkaroon ka rin ng solid financial plan. Para tulungan ka pa, Suki, narito ang ilang money strategies para sa mga single parents na tulad mo. Alamin kung paano makakatipid at makakapag-ipon habang solo flight ka sa pagsuporta sa iyong mga anak.
1. Magtakda ng budget
Photo courtesy of Sandy Millar via Unsplash
Isang importanteng skill ng isang single parent ang wais na pagtatakda ng budget. Dahil ikaw lang ang kumakayod para sa mga anak mo, kailangang alam mong matutunan ang matalinong pagba-budget ng sweldo.
Batay sa kinikita mo, ilista ang mga kinakailangang bayaran. Kasama dito ang pambayad sa kuryente at tubig, pang-grocery, at pang-tuition at baon ng mga bata. Kung mayroon ka pang ibang dapat bayaran tulad ng mga utang, magtabi rin para rito.
2. Maglaan para sa mga emergency
Photo courtesy of maitree rimthong via Pexels
Kasama rin sa dapat mong paglaanan ng pera ay ang mga emergency tulad ng mga aksidente o sakit. Kung maaari, maglaan ng pera para sa medical insurance o mga health cards.
Mahirap nang maabutan ng pangangailangan nang walang nakatabing pera. Sa ganitong sitwasyon, pwede ka namang umutang o humingi ng tulong sa mga pinagkakatiwalaan mo.
3. Humingi ng tulong
Photo courtesy of Breakingpic via Pexels
Kung hindi na talaga kaya ng sweldo mo na suportahan ang mga pangangailangan ng mga anak mo, huwag kang mahiyang humingi ng tulong.
Sa kapamilya man o kaibigan, huwag mag-atubiling lumapit para magpa-alalay. Sila ang mas makakaintindi ng problema mo dahil malapit sila sa iyo at mas magiging maluwag sila sa paglapit mo sa kanila para humingi ng kanilang tulong.
4. Bantayan ang gastos
Photo courtesy of Breakingpic via Pexels
Isa sa mga sinasabing budgeting hacks ay ang pagkakaroon ng sistema sa pagta-track ng mga gastusin. Ilista ang mga ito sa isang papel o whiteboard at ilagay sa lugar na madaling makita. Subaybayan ang mga madalas mong pinagkakagastusan at kung saan napupunta ang karamihan ng pera mo. Ilista ang mga gastusin sa bahay (utilities, groceries), mga pang-araw-araw na bayarin (pamasahe, pagkain, baon), at iba pang pinaglalaanan mo ng pera gaya ng iyong mga libangan o lakad.
Mainam itong paraan para ma-assess kung saan ka mas nagbubuhos ng pera at kung paano ka makakapag-adjust para makatipid at makaipon.
5. Turuan ang mga anak na magtipid at mag-ipon
Photo courtesy of Jordan Rowland via Unsplash
Suki, kailangan mong isama sa iyong mga financial plans ang mga anak mo. Kung mayroon kang anak na pwede nang magtrabaho, bakit hindi sila hikayating humanap ng part-time ideas o pagkakakitaan? Basta hindi makakaabala sa kanilang pag-aaral, pwede ka ring humingi ng munting tulong mula sa kanila.
Kung masyado pang bata ang iyong mga anak, pwede mong simulan sa pagtuturo sa kanila na maging matipid. Kung maaari, ipagbaon sila ng pagkain sa halip na pera. O kung magpapabaon man ng pera, bigyan sila ng sapat lang sa kanilang pangangailangan at ipaliwanag sa kanila kung bakit hindi kailangang malaki ang baon nila sa school.
Kasama rin sa wais lessons na ito ang pag-encourage sa mga anak na magtipid sa kuryente at tubig, pati na rin ang pag-re-recycle ng mga gamit tulad ng mga papel at bote. Bukod pa sa paggamit muli ng mga ito, pwede rin kayong magbenta ng mga recyclable items sa mga junk shop o recycling facility para kumita. Hindi lang ito makakadagdag sa pagtitipid at pag-iipon, makakatulong din ang iyong pamilya sa kalikasan.
6. I-challenge ang mga anak
Photo courtesy of Melissa Walker Horn via Unsplash
Isang masayang money strategy ang pag-challenge sa mga anak na magtipid. Gawing friendly competition ang pagiging wais sa bahay.
Pwede kayong magkaroon ng “Ipon Challenge” sa inyong bahay, kung saan pagkatapos ng ilang linggo, magpaparamihan ng naipon ang iyong mga anak. O kaya nama’y mag-fasting kayo ng mga matatanda mong anak mula sa paggastos. Kung kayong mag-anak ay mahilig sa online shopping, subukang magpatagalan sa hindi pagbili sa mga online shopping sites.
Maraming paraan para gawing masaya at exciting ang pagtitipid sa bahay. Kailangan mo lang ng kaunting creativity.
7. Iwasan ang mga mamahaling bilihin
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Isa pang pwede mong gawin upang makaipon bilang isang single parent ang pag-iwas sa mga mamahaling bilihin. Kung mayroon namang mga murang option para sa mga gastusin sa bahay gaya ng school supplies, damit, at pagkain, ang mga ito ang laging piliin.
Maraming paraan upang makatipid at isa sa mga ito ay ang pag-iwas sa mga mamahaling bilihin. Hindi importanteng branded ang mga kagamitan sa bahay. Hangga’t maaari, bumili ng mga secondhand na mga gamit gaya ng mga gadgets o appliances. Kahit mga damit, pwedeng mabili ito ng mas mura sa mga ukay-ukay o sa mga online stores.
8. Magsangla o magbenta ng mga bagay na hindi na ginagamit
Photo courtesy of Negative Space via Pexels
Kung kulang talaga ang pera, pwedeng pansamantalang magsangla o magbenta ng mga lumang bagay na hindi na ginagamit. Kung mayroon kayong mga lumang alahas o gadget na hindi na napapansin sa bahay, maaari mo itong pagkakitaan sa pamamagitan ng pagsasangla sa mga pawnshop o kaya ay sa pagbebenta ng mga ito sa mga online shops.
Patok ngayon ang ganitong pamamaraan para sa mabilis na pagkita ng pera, pati na rin sa pagbabawas ng mga gamit sa bahay. Kung marami kayong gamit na maaaring ibenta, tulad ng mga damit o laruan, pwede ring magsagawa ng garage sale.
9. Subukang magnegosyo
Photo courtesy of Sharon McCutcheon via Unsplash
Kung handang tumulong ang mga malalaki mo nang mga anak sa mga bayarin sa bahay, pwede kayong mag-brainstorm at magpalitan ng mga small business idea para sa dagdag na kita. Kung maaalagaan nang mabuti, pwedeng lumaki ang business ninyo at lumago ito sa pamamagitan ng mas malaking puhunan.
10. Maglista ng financial goals
Photo courtesy of PhotoMIX Ltd via Pexels
Makakatulong din sa pag-encourage sa buong pamilya na magtipid ang paggawa ng financial goals. Sa paggawa nito, mabibigyan ng konkretong itsura ang inyong mga pangarap bilang mag-anak.
Simulan sa maliliit at short-term na mga goals. Pwedeng kabilang dito ang pagbabayad ng credit card bills o kahit sa pagpapababa ng bayarin sa bahay gaya ng kuryente. Para sa mga long-term goals, pwedeng kasama rito ang pag-iipon para sa bagong bahay o sa college tuition ng mga anak mo.
Isama ang mga bata sa paglilista ng mga financial goals na ito, pati na rin sa iba pang paraang naiisip niyo para makatipid at makaipon sa bahay. Ipaunawa sa kanila na ang lahat ng pagtatabi ng pera ay mayroong magandang kahihinatnan sa hinaharap. =
Hingiin din ang kanilang opinyon upang maramdaman nilang parte sila ng pagdedesisyon kahit mga bata pa lang sila. Ikaw lang mag-isa ang nagtataguyod sa iyong mga anak. Kayo lang ang maaaring magtulungan. Kaya huwag ding matakot na gawin silang bahagi ng mga pagpapasya sa loob ng bahay sapagkat sila lang din ang mga makakatuwang mo sa pagdaan ng panahon.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024