Tipid Tips: Paano Bumaba Ang Monthly Bills Ngayong 2021

Blog

January 13, 2021

monthly-bills-tipid-tips-h-image

“Magiging mas matipid na ako sa bagong taon.”

Ilang beses na nga ba natin naging New Year’s resolution ito at nangakong magiging mas wais tayo sa pag gastos pero hindi naman natuloy?

Pero tunay nga na mahirap panindigan ito lalo na kung napakaraming sale sa mga online shopping sites paminsan hindi ka rin sigurado kung secure ba ang shopping experience. Dagdag mo pa diyan ang mga food delivery services ng mga app gaya ng Grab na napaka-convenient gamitin. Ganon pa man, may mga maliliit na bagay na pwede mo pa rin gawin upang simulan at mapanindigan ito ngayong bagong taon.

Dahil na rin sa pandemya at mga sakunang nangyari noong nakaraang taon, natutunan ng marami na napakahirap at mahal magkasakit nang kapos sa emergency funds. Na-realize natin na hindi na pwedeng basta-bastang ginagastos ang pera at dapat may ipon tayo na pwedeng gamitin tuwing may emergencies.

Upang makatipid, karaniwang kaalaman nang dapat may disiplina ka sa sarili. Ang disiplinang ito ang mag-uudyok sa ‘yo na bawasan ang iyong araw-araw na gastusin. Bukod sa pag-iwas sa pamimili online, dagdag mo na rin ang mga tipid hacks upang maka bawas pa lalo sa monthly bills.

Maliit mang tingnan ang mga paraan na ito, ngunit sa katagalan, malaki ang epekto nito lalo na kung buwan buwan itong susundin. Mamamalayan mo na lang isang araw na malaki na pala ang natitipid at, samakatuwid, naiipon mo.

O pa’no, Suki? Ready ka na bang tuparin ang iyong New Year’s resolution na makapagtipid at mabawasan ang bills? Basahin ang mga napakadaling wais hacks na ito:

1. Magbayad ng bills on time.

jan-monthly-bills-tipid-tips-1Photo courtesy of nattanan23 via Pixabay

Ang pinaka-una mong kailangang gawin para sa wais money management ay siguraduhing nababayaran ang utility bills on time.

Ang karaniwang dahilan kung bakit lalong tumataas ang iyong bayarin ay dahil late mo ito nababayaran. May karampatang penalty kasi ang hindi pag bayad ng bills nang pasok sa due date.

Hangga’t maaari, i-prioritize ang pagbabayad nito. Maliban sa pag-iwas sa mga overdue penalty fees, maaari ka ring maputulan ng kuryente, internet, o tubig kung hindi ka agad makapagbayad. Siyempre, naman ayaw natin ‘non, ‘diba Suki.

Sa panahon ngayon na sa bahay na nagaganap ang klase ng mga bata at pati na rin ang pagtratrabaho para sa iba, mas lalong naging importante ang mga ito sa araw-araw na pamumuhay.

2. Mag-set ng timer sa mga appliances.

jan-monthly-bills-tipid-tips-2Photo courtesy of mojzagrebinfo via Pixabay

Ang pag-set ng timer sa mga appliances ay isa sa mga wais ways to manage bills para mapababa ang iyong electricity bill. Maaari itong gawin sa iyong air conditioner, television, laptop, at iba pa.

Kung hindi naman ginagamit ang mga appliances sa bahay, bunutin sa saksakan ang mga ito upang makatipid. Tandaan na bawat paggamit ng mga ito ay may katumbas na singil. Maging mindful sa mga appliances na gumagana at tanggalin sa saksakan kung hindi ito ginagamit.

3. Patayin ang wi-fi sa gabi.

Napakahalaga ng internet sa panahon ngayon. Maraming bagay ang naka-depende sa online at digital na mga spaces kagaya ng news, pag-contact sa mga mahal sa buhay, pati na rin ang entertainment. Dahil diyan, nakasanayan na nating maging online 24/7.

Gayunpaman, may paraan pa din upang mabawasan ang gastos dito. Kung hindi naman kailangan ng wifi sa gabi lalo na kung matutulog, maaaring patayin na lamang ito. Kahit na hindi aktibong ginagamit ang wifi ay nagkokonsumo pa rin ito ng kuryente.

4. Magsimula ng online shop or side business.

Sa panahon ngayon, napakahalaga na mayroon kang side business para sa karagdagang income. Maaari kang magsimula ng online shop o food business na makakatulong na ma-explore mo ang iyong talents at hobbies. Maging financially conscious ngayong panahon ng pandemic at maghanap ng pagkakakitaan lalo na kung may extra time ka naman.

Sa ganitong paraan, siguradong hindi kakapusin ang iyong monthly budget. Limitado lamang ang epekto ng pagtitipid ngunit ang pagkakaroon ng additional income ay siguradong makakatulong sa iyong expenses.

5. Maghanap ng analogue hobbies.

jan-monthly-bills-tipid-tips-3Photo courtesy of milivigerova via Pixabay

Mahalaga na magkaroon ng hobbies upang makapagde-stress. Hindi rin masama na maglaan ng pera para dito, huwag lang mag-overbudget.

Kung gusto mo na makapag-tipid ng pera sa iyong hobbies, maaaring mag-explore ng ibang paglalaanan ng oras na hindi masakit sa bulsa gaya ng drawing, gardening, at pagbabasa. Bukod sa nakakatulong ito sa pagtitipid, ma-e-explore mo rin ang iyong talent at mapapahusay at mapalawak ang iyong skills at kaalaman. Maaari mo rin itong i-benta online upang kumita ng extra income ngayong pandemic! Hindi ba magandang ideya yun, mga Suki?

6. Iwasan ang mangutang.

Hindi natin malalaman kung kailan darating ang sakuna kaya mahalaga na mayroon tayong emergency funds. Ito ay para maiwasan ang pangungutang na nakakaapekto din sa pagbubudget at pag-iipon ng pera. Kung hindi talaga ito sapat, ay saka lamang i-consider ang pagkuha ng loan.

Mangutang lamang kung tunay na kinakailangan at hindi lamang para sa luho. May katumbas na interes ang mga loan depende sa laki ng pera na iyong inutang at kung gaano katagal bago mo ito mabayaran. Kung kukuha man ng loan, piliin ang mga creditors na may mas mababang interest rate upang hindi gaanong maapektuhan ang iyong monthly budget.

Kung kinakailangan talaga, pwede ka rin naman mag-sangla muna ng mga gamit na hindi mo na napapakinabangan.

Gawing new year’s resolution ang pagtitipid upang makaipon ngayong taon. Maging matalino sa paghahawak ng finances at iwasan ang mga luho pati na rin ang overspending. Gusto mo ba malaman ang iba pang tipid tips? Basahin ang iba pang articles ng Palawan Pawnshop upang makatulong sa iyong budget journey.

Share: