-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Sino Ang Mama Mo? A Mother’s Day Tribute Sa Mga Wais Na Ina
March 19, 2021
Suki, ano ang tawag mo sa iyong ina? Mama? Mommy? Nanay? O, Inay?
Sadyang napakaraming mga terms of endearment ang maaari mong itawag sa pinakamahalagang babae sa iyong buhay—ang iyong ina. Sa totoo lang, Suki, hindi mapapantayan ang pagmamahal ng iyong ina, kahit pa may mga pagkukulang o kamalian siya at minsan—o madalas pa nga—ay hindi mo siya maintindihan.
Kaya, upang mas maunawaan mo si nanay at bigyang pugay siya ngayong Mother’s Day, narito’t kilalanin ang iba’t-ibang wais na mama:
1. Ang Nanay Kong Si Perfecta (Perfectionist Mom)
Photo courtesy of Julia M Cameron via Pexels
Si Perfecta ba ang nanay mo, Suki? Siya ‘yung tipo ng nanay na hindi pwede ang pwede na. Mahusay kasi ang ginawa niyang pag-aalaga at pagpapalaki sa inyo ng mga kapatid mo kaya ine-expect niya ring excellent ang lahat ng bagay na ginagawa mo.
Lagi mong naririnig sa kanya ang mga katagang, “Paghusayan mo nang may marating ka.” Halimbawa, noong nag-aaral ka, masigasig niyang binabantayan ang mga grado mo at madalas ka niyang pagalitan tuwing mababa ang marka mo, ngunit “proud mom” naman siya kapag nakakuha ka ng perfect score sa exam o nanguna ka sa klase.
Pagdating naman sa trabaho, lagi niyang inaabangan ang job promotion mo. Maging sa pagpili ng kasintahan, bibigyan ka niya ng mahabang listahan ng mga “non-negotiables” mo o mga katangian na dapat taglayin ng manugang niya..
Sa totoo lang, Suki, nakaka-pressure talaga ang high standards ng isang perfectionist mom gaya ng mother mo kung kaya’t mahalagang matutunan mo kung paano mag-cope up with perfectionist parents. Makabubuti rin kung iisipin mong nais lang ng nanay mo na magkaroon ka ng magandang buhay at kinabukasan, Perfecta man o hindi ang kanyang pangalan.
2. Hindi Mahulaan Si Mama (Unpredictable Mom)
Photo courtesy of Elly Fairytale via Pexels
You know fully well that there are different kinds of moms in the world. May mga magagalitin, matampuhin, matatakutin, magugulatin, makukulit, at mga nanay na masayahin. Ngunit kung ang lahat ng mga ito ay tinataglay ng nanay mo, malamang, napapailing ka na lang dahil ibang klase nga ang mama mo.
Gayun pa man, Suki, masasabi mo pa ring nakabuti sa’yo ang pagkakaroon ng unpredictable mom. Dahil sa kanya, natuto kang maging maunawain at mapagpasensiya. Nagkaroon ka rin ng mataas na EQ (Emotional Quotient) o emotional intelligence na naging dahilan kung bakit ka naging matagumpay sa buhay at sa pakikipagkapwa-tao. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ng mga learnings mo ay natuto kang magmahal at dahil ito sa maraming beses na naramdaman mo ang pagmamahal niya sa’yo, hindi mo man minsan mahulaan ang feelings o mood swings ng mama mo.
3. Bestfriend Ko Si Momshie (Best Friend Mom)
Photo courtesy of Albert Rafael via Pexels
Kung close ka naman sa mama mo at palagi mo siyang nasasabihan ng mga problema mo o mga nararamdaman mo ay masasabi mo talagang bestfriend mo ang momshie mo. At dahil bestfriend mo ang momshie mo, hindi kayo madalas mag-away at bihira rin kayong magkatampuhan dahil naiintindihan ka niya at ang mga pinagdadaanan mo.
Kahit nga sabihing malaki ka na at kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa, e, hindi pa rin maaaring mawala ang bonding time niyo ni mama. Nasanay ka na kasing kakwentuhan siya na hahaluan pa ng inyong malalakas na tawa. Siyempre, mayroon din kayong mga madadramang eksena at habang humahagulgol ka, inaalo ka niya ng kanyang mga payo na punong-puno ng pagmamahal. Mother knows best, ika nga.
Hay, ang sarap talagang maging bestfriend si momshie!
4. Ang Uliran Kong Ina (Ideal Mom)
Photo courtesy of Bruno Nascimento via Unsplash
Suki, ano ba para sa’yo ang isang ulirang ina? Siya ba ang klase ng ina na labis-labis kung magmahal at mag-aruga sa kanyang mga anak at nakahanda niyang gawin ang lahat ng pagsasakripisyo para matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak?
Kung ganito ang iyong ina, tunay na mapalad ka sa pagkakaroon ng isang ideal mom. Kaya naman, nararapat lamang na pasayahin mo siya at suklian ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan mga simple gifts ngayong Mother’s Day. Maaari mo siyang bigyan ng simpleng regalo, alayan ng bulaklak, i-treat sa labas, o halikan at yakapin ng mahigpit. Anuman ang iyong paraan, Suki, ang mahalaga ay ipadama mo sa kanya kung gaano siya ka-espesyal sa iyong buhay at natatangi bilang isang ina.
5. Strict Ang Mommy Ko (Strict/Disciplinarian Mom)
Photo courtesy of LinkedIn Sales Navigator via Pexels
Suki, naaalala mo ba sa mother mo si Miss Minchin sa sikat na palabas noong “Sarah, Ang Munting Prinsesa?” Kung oo, marahil ay dahil ito sa kanyang pagiging isang strict mom o disciplinarian. Nais niya kasing maging disiplinado ka kung kaya’t madalas ka niya noong mapalo o mapagalitan tuwing sumusuway ka sa mga utos niya.
Ayaw ka rin niyang mapahamak o maging iresponsable kung kaya’t madalas ka niyang hinihigpitan sa pakikipagkaibigan at sa pag-aaral. Hindi rin siya madalas magsabi ng “I love you” o magpakita ng emosyon sa’yo kaya minsan, hindi mo maramdamang mahal ka niya. Marahil, nais niya lamang na maging matatag para sa’yo at sa inyong pamilya.
Ngunit kahit strict ang mommy mo, hindi mo maipagkakaila na ang kanyang paghihigpit at pagdidisiplina ay nakabuti sa’yo. Natuto kang maging masipag, responsable, at masunurin. Ang mga magagandang katangian na ito ay patunay lamang na naging maayos ang pagpapalaki niya sa iyo.
6. Madiskarte Si Inay (Wais Mom)
Photo courtesy of Joshua Anand via Unsplash
Praktikal. Maabilidad. Wais. Ganito ba ang nanay mo, Suki? Mula sa pag-re-recycle ng mga ulam hanggang sa pagsisimula ng mga in demand na small business para sa pamilya, lahat talaga ay bibilib sa madiskarte mong nanay.
Maliban pa riyan, walang sinabi ang math teacher mo sa galing ng pagkukwenta at pagbabudget ng nanay mo. Kaya ngayong Mother’s Day, bakit hindi mo siya i-treat kasama ang buong pamilya? Tandaan, Suki, maraming mga family activities na swak sa budget ang pupwede mong gawin para pasayahin ang iyong pamilya lalo na ang wise mom mong si inay.
7. Bagets Si Mother (Millennial Mom)
Photo courtesy of Maria Lupan via Unsplash
Madalas bang mapagkamalang dalaga pa ang mommy mo dahil sa kanyang pagiging fashionista at pala-ayos? E, ang pag-a-update ng status niya sa social media o ang pagka-hook niya sa mga kinagigiliwan ngayon ng mga millennials na K-drama?
Hindi naman masama ang lahat ng ito, Suki. Ang totoo niyan, nararapat lang na mag-ayos, umangkop sa panahon, at maglibang si mother. Importante rin na magkaroon siya ng panahon sa sarili dahil hindi madali ang trabaho niya bilang isang ina. Hayaan mo siyang i-enjoy ang pagiging isang millennial mom at siguradong-sigurado, madali siyang makaka-connect sa’yo at masaya lagi ang bonding niyo.
8. My Super Sipag Mom (Hardworking Mom)
Photo courtesy of Jopwell via Pexels
Kung pagkayod lang naman sa araw-araw ang pag-uusapan, siguradong mapapahiya kahit pa ang pinakamasipag na kalabaw sa iyong hardworking mother. Dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ka niya ng magandang kinabukasan, katuwang siya ng tatay mo sa pagtatrabaho habang binabalanse niya ang pag-aalaga sa inyo ng mga kapatid mo at sa pag-ma-manage ng inyong tahanan.
May iba pa ngang mga nanay na bukod sa pagkakaroon ng full-time job at pagiging full-time mom ay mayroon pang mga sideline o part-time jobs para kumita ng extra income. Kaya ngayong Mother’s Day, Suki, huwag mong kalilimutang pasalamatan siya at paalalahanan na kailangan niya ring magpahinga at mag-relax. After all, your hardworking mom deserves a break.
9. Ang Kwela Kong Madir (Funny Mom)
Photo courtesy of Dario Valenzuela via Unsplash
Sino nga ba ang hindi maaaliw kay Madir na kwela at masayahin? Sa dinami-rami ba naman ng mga problema ng mundo at idagdag pa ang mga responsibilidad niya bilang isang ina, ay pihadong idadaan na lang niya sa tawa ang lahat. Ito na lamang kasi ang mabisang paraan para hindi siya mabaliw o mawala sa katinuan. Gusto rin niyang pagaanin ang pakiramdam niyo at panatilihing masaya ang inyong pamilya sa kabila ng mga problema. Kaya sa susunod na humirit si Madir ng mga nanay quotes at jokes, tawanan mo na lang at pagbigyan na, funny man o corny ang mga hirit niya.
Ngayong nalaman mo na, Suki, ang iba’t-ibang klase ng mga ina, nararapat lamang na mahalin mo si inay, intindihin si mommy, at i-appreciate si mama lalo na ngayong Mother’s Day.
Tandaan, Suki, kahit nga iba pa sa iba’t-ibang mga nanay na nabanggit dito ang mama mo ay hindi naiiba ang pagmamahal niya sa’yo. Sa totoo lang, pare-pareho ang pagmamahal ng mga ina sa kanilang mga anak, iba-iba nga lang ang paraan. Kaya naman, lagi mo siyang pasalamatan at pasayahin dahil sa pagmamahal niyang walang kapalit.
Sa lahat ng mga wais na ina, Happy Mother’s Day po sa inyo!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024