6 Bonggang Negosyo at Investment Ideas para sa mga OFWs

Blog

March 19, 2021

bongang-negosyo-at-invesment-ideas

Noong umalis ng bansa ang mga OFWs natin, ang madalas nilang sabihin: “Dalawang taon lang, uuwi rin ako agad. Mag-iipon lang” o ‘di kaya ay “makatapos lang si bunso, uuwi na ako. Magne-negosyo na lang ako sa Pilipinas.”

 OFW ka ba o may kamag-anak na OFW? Nasaan ka na sa pangakong iyan?

 Walang forever sa trabaho, lalo na sa ibang bansa. Isang araw, kailangan mo na umuwi at mag-for good sa Pilipinas. Handa ka na ba para dito?

 Hindi naman dapat katakutan ‘yan. Dapat nga mas ma-excite ka pa dahil sa wakas, makakasama mo na ulit ang iyong pamilya. Pero para no worries, dapat ngayon pa lang, nag-iisip ka na ng mga swak na OFW investment opportunities para mapalago ang perang pinaghirapan mo ng ilang taon. Maraming good business in the Philippines for OFWs na hindi naman nangangailangan ng malaking kapital.

Narito ang ilang business at investment ideas para sa bawat OFW.

Simulan mo na sa stocks and mutual funds!

Simulan mo na sa stocks and mutual funds

Kung gusto mo ng investment na low capital at minimal effort lang ang required, pwede mong subukan ang stocks at mutual funds. Sa simula, parang kumplikado pero sa konting research lang at tulong na rin ng financial at fund managers, mage-gets mo rin yan. With as little as Php 5,000, pwede ka na magsimula.

Sa mutual funds, siguraduhin na stable at profitable ang insurance company o bangko na sasalihan mo. Sa stocks naman, mag-research nang maigi tungkol sa tatayaan mong kumpanya. Sa lahat ng pagkakataon, lagi mong i-monitor ang galaw ng pera mo.

Makakuha ng extra income sa Real Estate! 

Makakuha ng extra income sa real estate

Isa ang real estate sa investments na nangangailangan nang medyo malaking kapital, pero isa rin naman sa pinaka-safe na pasukin. Ang lupa kasi o properties, napakabilis magtaas ng value sa panahon ngayon.

Kung sapat ang ipon, pwedeng makabili o magpagawa ng mga apartment units na papaupahan o di kaya’y mag-develop ng isang vacation house at ipa-renta sa mga online platforms gaya ng Airbnb. Malay mo, mapalago mo pa ito at maging legitimate construction business.

Kung hindi kaya ng budget ang biglaang gastos, pwede rin naman ang mga pre-selling condominium o townhouse units. Huhulug-hulugan ang mga ito at sa loob ng ilang taon ay mapapasayo na rin. Mas madali na ang magkaroon ng property ngayon dahil competitive na ang mga financing packages ng mga bangko.

Kumikitang kabuhayan sa Franchising!

Kumikitang kabuhayan sa franchising

Risky talaga ang mga mag-negosyo. Kaya marami ang pinipili na lang na mag-franchise dahil kahit papaano, nababawasan ang risk. Perfect ito na OFW business idea dahil hindi ka magsisimula from scratch, ika nga.

Halos lahat ngayon pwede na i-franchise: food carts, restaurants, laundromats, bakeries, spas, salons, coffee shops, convenience stores, at pati na gasoline stations. Depende sa budget, hilig o interest, at location ang pagpili ng franchise. Ang kagandahan dito, may brand na ito na kilala na ng mga tao. Sagot na rin nila ang training, unang stocks, equipment, at pati na rin marketing. Kumbaga, may katuwang ka. Pero siyempre, gaya ng lahat ng negosyo, hindi pa rin ito garantisado. Kaya tiyakin na hilig mo talaga ang kukuning franchise, at may mapagkakatiwalaan ka para patakbuhin ito.

Go an sa Maasahang Remittance Center!

Go na sa maaasahang remittance center

Kung ikaw ay may existing business gaya ng isang sari-sari store. Maaari ka ring mag-apply para maging isang Palawan Express Authorized Agent na bukod sa marami ng suki, wala ring kahirap-hirap na pasukin dahil may tutulong sa’yo para i-set up ito. At ang kagandahan pa ay maraming serbisyo na pwede kang gamitin gaya ng Palawan Express Pera Padala at e-loading service.

Bonggang Negosyo? Mag-online buy and selling ka na! 

Online buying and selling

Usong-uso ito ngayon dahil nga naman buong cyberspace ang business location mo. Pwede mong simulan sa pagbebenta ng mga bagay-bagay na nasa bansang pinagtatrabahuhan mo. Basta imported, malaki ang market niyan. Pwedeng chocolates, bags, damit, pabango, home essentials, accessories, at kung anu-ano pa. Mag-set ka rin ng cut-off sa mga order para minsanan at makamura sa padala.

Kung sistema sa pagtatanggap ng bayad ng mga customers at pag bayad na rin sa mga supplier mo, maaari mong gamitin ang Palawan Express Padala. Madaling-madali lang din aralin kung paano ka makapagpapadala ng pera pati na rin how you can receive money sa customers mo gamit ang mga babasahin sa website natin!

Maaari ring maghanap ng mga supplier at maging re-seller. Siguraduhin lang na magbigay ng oras para mag-check ng orders at mag-reply sa customers. Simulan mo sa iyong mga online friends at unti-unti itong palaguin.

Travel Agency all the way!

Travel agency all the way

Bilang OFW, alam mo na malaki ang nagagawa ng pag-discover ng ibang bansa sa isang tao. Kaya rin naman, dumarami na ang travel at tour agencies sa Pilipinas.

May proseso sa pagkakaroon ng travel agency business. Pwede kang bumili ng murang ticket sa ibang ahensya at patungan ito. Pwede rin naman na ikaw mismo ang mag-issue ng tickets pero dapat miyembro ka ng International Air Transport Association. Maaaring makipag-partner muna sa ibang travel agency para makapagsimula. Halimbawa, pwede kang maging provider ng tours. Ang kagandahan nito, pwede mo itong i-manage kahit nasaan ka basta may internet.

 Panalong-panalo na Home-based business! 

Panalong-panalo na home-based business

Kung gusto mo na subukan lang muna ang pagne-negosyo, maraming small business ideas for OFWs na pwede mo simulan sa bahay. Isa sa pinaka-common ang sari-sari store. Pwede ring bigasan o karinderia sa garahe. Ang mahalaga lang dito ay marunong kang magpa-ikot ng kita. Kahit hindi ganun kalaki ang kita at medyo matrabaho, mas nababantayan ang negosyo at instant suki mo pa ang mga kapitbahay.

Wala sa laki ng kapital ang pag-iinvest o pag-ne-negosyo. Nasa diskarte at abilidad ‘yan, mga bagay na sadyang taglay ng mga OFWs. Ang kailangan lang ay mayroon kang financial goals at magkaroon ng strategies kung paano mo maaabot ang mga ito. Magsimula ka sa maliit at low-risk, at huwag magdalawang-isip na humingi ng tulong sa pamilya, mga kaibigan, at maging sa mga eksperto.

Share: