-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
8 Negosyo Tips Straight from the Successful Entrepreneurs
June 01, 2021
“Big time” ang tingin natin sa mga negosyante, pero beyond the glitz and glamour, maraming mga pagsubok ang dinaanan nila sa pagnenegosyo upang mapagtagumpayan ang lahat ng natatamasa nila ngayon. Kaya naman hindi nakapagtataka na marami sa atin ang naghahanap ng advice sa larangang ito. Mabuti na lang at hindi mailap ang negosyo tips.
Sa panahon ngayon, madaling makakuha ng mabentang small business ideas online. Nakakalap natin sa internet, sa blogs at vlogs na rin ngayon ang mga tips sa pagsisimula ng negosyo. Malamang sa malamang, nakakakuha ka rin ng ideas at tips habang kakwentuhan ang mga kaibigan mong nagsisimula rin sa kani-kanilang mga ventures.
Pero syempre, wala nang mas aangkop pa na business advice at mga negosyo tips na galing mismo sa successful na mga negosyante. Kaya naman Suki, sinuyod namin ang internet para i-collect ang mga negosyo tips ng mga successful na entrepreneur sa Pilipinas upang mas makatulong sa inyo.
Heto ang mga dapat tandaan na negosyo tips:
1. Magsimula na, now na!
Para sa 17-year old na entrepreneur na si Katrina Cacal, wala nang mas aangkop pang oras para mag-explore at matuto sa pagnenegosyo kundi ngayon, sabi niya sa isang feature sa Manila Bulletin.
Inamin niyang may mga hesitations siya sa pagsisimula ng business noong una bilang bata pa lamang siya. Pero in the end, push pa rin siya sa pagbenta ng mga iba’t ibang produkto sa mga kapamilya't kaibigan niya. Eventually, sinubukan niyang magbenta online at itinayo ang brand na Jomarkat General Merchandise.
Photo courtesy of Karolina Grabowska via Pexels
Ngayong pandemya, pagbenta ng essential supplies tulad ng face masks at face shields ang kanyang tinutukan. Kahit na siya ay bata pa lamang at mayroong krisis ngayon, sinimulan niya ang kanyang small business. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng sign para mag-start, ito na ‘yun! Simulan mo na ang online negosyo na matagal mo nang pinagpaplanuhan! Kahit sa maliit na capital, maaari ka nang mag-venture sa patok at magandang negosyo sa bahay.
2. Harapin ang challenges head on.
Usually, marami tayong pangamba kapag nagsisimula pa lang ng negosyo. Di sapat ang capital natin. Wala tayong masyadong kaalaman sa paghawak ng pera. Baguhan tayo sa larangang ito, at ang mahiwagang tanong na: paano kung hindi kumita? Pero para kay Neri Naig, ang proud owner ng Neri’s Gourmet Tuyo at iba pang small businesses, ang isang determinadong negosyante ay haharap sa mga challenges na ito nang walang takot.
Sa isang feature sa GMA News Online, ibinigay ng #WaisNaMisis ang negosyo tip na ito: "Walang pera? Mag ipon! Walang alam? Mag-aral! Takot? Parte yan!” Ikinuwento niya sa kanyang Instagram post na galing siya sa hirap, nangarap, at hindi tumigil sa pangangarap. Kung maraming balakid sa pagnenegosyo, laging tandaan, if there’s a will, there’s a way.
3. Hanapin ang happiness.
Maraming mga bonggang negosyo at investment ideas ang pwede mong pasukin, pero dapat ay magsimula ka sa hilig o passion mo. Ganito ang ginawa ng successful soap business owner na si Bernz Soriano, may-ari ng Boolah Soaps, isang online shop na nagbebenta ng handcrafted na mga sabon.
Photo courtesy of Aurélia Dubois via Unsplash
Sa panayam niya sa Rappler, naikwento niyang nagsimula ang negosyo niya bilang hobby. Masaya lang siya sa paggawa ng sabon, at nakakagawa siya ng sarili niyang recipes. “Na-hook” daw siya dito. Ilang buwan bago ang Pasko ng 2019, marami na ang umoorder sa kanyang mga kaibigan at kakilala na gustong magregalo ng handcrafted soaps at doon nagsimula ang kanyang business.
Ang negosyo tip niya para sa mga baguhang entrepreneurs, importanteng mahanap mo ang kasiyahan sa “nitty-gritty” ng negosyo. Dapat gusto mo ang ginagawa mo at pinahahalagahan mo 'to, hindi lamang dahil sa pera. Kumbaga, hindi lamang profit, profit, profit, dapat may passion din!
4. Paghusayan ang lahat ng aspeto ng business.
Maraming aspeto ang negosyo. Hindi lang ang mismong produkto ang dapat mong tinututukan. Ayon kay Jeff Sy, owner ng patok na Korean fried chicken joint na 24 Chicken, dapat pag-aralan mo ang kabuuan ng iyong business. Dahil sa kanilang hands-on management sa negosyo, madali nilang makita ang opportunities for improvement, particularly sa sales and marketing. Sa feature sa ABS-CBN News, ipinakita na gumamit sila ng food delivery apps sa pag-accommodate ng needs ng kanilang customers.
Gaya nitong mga successful na negosyante sa Pilipinas, dapat alam mo ang lahat ng moving parts ng iyong business. Kahit pa may mga empleyado ka na, mainam na alam mo ang pag-monitor ng inventory, paggawa ng budget, pag-promote ng mga produkto, etc.
5. Mag-develop ng right pricing strategy.
Mula sa isang maliit na sari-sari store, napalago ni Aling Merly Plan ang kanyang negosyo at nakapagpatayo ng three-story grocery store. Isa sa mga strategies na ibinahagi niya sa ABS-CBN News ay ang pricing strategy niya na two percent mark-up sa mga wholesale items. Dahil dito, napalago niya ang kaniyang earnings na nagbigay sa kanya ng sapat na kapital para sa iba pang mga negosyo tulad ng water refilling station at soft drinks distribution.
Photo courtesy of Angie Reyes via Pexels
Sundin ang negosyo tip ni Aling Merly: matuto ka ring dumiskarte sa pag-pe-presyo ng mga produkto at serbisyong ino-offer mo. Maraming options para dito. Pwede mong tapatan ang presyo ng kumpetensya. Maaari ding ibaba mo nang kaunti para makahatak ng mga customers. O kaya naman, i-base mo ang presyo sa total amount of expenses, at saka ka mag-mark-up para may tubo. Whatever you choose, dapat mayroon kang pricing diskarte sa simula pa lang ng iyong negosyo.
6. Alamin ang iyong “why’s.”
Para kay Gorby Dimalanta, isa sa mga founders ng Bukid Fresh, isang online farmers market, dapat klaro sa iyo kung bakit ka nag-nenegosyo. Makakatulong ito sa pagkilala sa iyong target market at pag-achieve ng iyong mga goals. Sinabi niya rin sa feature sa Manila Bulletin na importanteng makinig sa demands ng market. With this negosyo tip, malalaman mo kung ano pa ang maaari mong ma-improve sa products and services ng iyong business.
So ask yourself, bakit nga ba ako magsisimula ng sari-sari store o ng online negosyo? Sino ang may kailangan nito? Anong sinasabi ng customers sa aming produkto at serbisyo? Kapag mas defined ang iyong “why’s,” mas kilala mo ang iyong “who’s.”
7. Huwag sa uso, doon sa bago.
Maraming trending na small business ideas ngayon, pero mas mainam ang “innovations.” Ito naman ang negosyo tip ni Paulo Tibig, isang motivational speaker at Chief Executive Officer ng Paulo Tibig Corporate Trainings. “Be an orange among apples,” ang pagkaka-illustrate niya sa panayam sa Inquirer.
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Ang innovation, sabi ni Tibig, ay tungkol lamang sa pagpapakilala ng bago o pagpapabuti ng kung anong meron na. Kung kaya mong bigyan ng ibang “spin” ang konsepto ng sari-sari store o iba pang magandang negosyong pambahay na mas makakapag-serve sa customers better, sure na, papatok ang innovative idea mo.
8. Stay unique.
Ito naman ang negosyo tip ng milk tea business owner na si Dominik Castillo. Siya ang genius behind the popular Gringo’s sa Malabon. Ang negosyo niya ay kumikita ng 150,000 to 200,000 kada araw. Isa sa mga “unique” na selling strategies ng Gringo’s ay ang naglalahong order form na ikinwento niya sa GMA Public Affairs. Tuwing 12:45pm, mag-po-post sila ng link sa kanilang Facebook page kung saan maaaring mag-order ang mga customers. Matapos ang limang segundo, mawawala ang link na ito.
Sa business side, ito ay wais na move para ma-control ang surge ng demand at ma-meet ang requirements nila kada araw. Sa marketing side, ito rin ay wais move dahil mas lalong interesado ang mga taong mahagilap ang mailap na order form at makaabot sa limited number of customers. Stay unique. Maging committed sa value na ino-offer ng iyong business. Tiyak, may makikita kang positive difference sa iyong earnings.
Maraming mga negosyo tips ang maaari mong sundin, pero kung hanap mo ay tried and tested, dito ka na sa business advice mula mismo sa mga nagtagumpay na. Habang nagsisimula ka pa lamang sa maliit, embrace the possibility of growing your venture. Balang araw, mapapabilang ka rin sa mga successful na negosyante sa Pilipinas. Malay mo, ikaw na ang next na magbibigay ng negosyo tips dito.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024