20 New Year's Resolutions para sa Wais na Paggastos this 2021

Blog

February 01, 2021

20-New-Years-Resolutions-para-sa-Wais-na-Paggastos-this-2021

Maligayang pagbati sa’yo, suki! Congrats at nasurvive mo ang 2020. Napakaraming naging problema last year, napakatatag mo to make it this far!

Pero syempre meron ding mga nakaambang challenges ang 2021 para sa’yo, lalo na para sa wallet mo. Anytime puwedeng magkaroon ng emergency or kalamidad na kakailanganin na gumastos ng malaking pera. 

Handa ka na bang harapin ang mga ‘to? Kung hindi pa, narito ang 21 na financial new year’s resolution para sa’yo at sa pamilya mo! Makakatulong ang mga ‘to para imanage mo ang ‘yong finances ngayong taon.

1. Magtakda ng budget.

magtakda-ng-budget

Photo courtesy of Kelly Sikkema via Unsplash

Syempre unang-una sa listahan ng financial new year’s resolution ang pagkakaroon ng budget. Makakatulong ‘to para maplano mo ang mga dapat mong pagkagastusan gamit ang ‘yong sariling pera. Magtakda ka ng budget para sa isang linggo at para sa isang buwan, sa paraang ‘to masusubaybayan mo ang labas at pasok ng pera mo.

2. Mag-set ng short term at long term goals.

short-and-long-term-goals

Photo courtesy of Patrick Perkins via Unsplash

Kaakibat ng pagtatakda ng budget ang pagkakaroon ng mga short term at long term goal. Ano ang gusto mong maabot pagkatapos ng taon? Pagkatapos naman ng limang taon? Magandang isama sa iniisip ngayon ang future, suki! Mainam na ngayon pa lang ay nag-iipon ka na para sa mga goals mo sa hinaharap, gaya ng pagkakaroon ng sariling bahay, pag-aaral uli, o kaya nama’y pagtatravel.

3. I-automate ang savings.

automate-saving

Photo courtesy of Micheile Henderson via Unsplash

Para naman sa pag-iipon, mas mainam kung automatic ‘tong nababawas sa sweldo mo. Puwede kang gumawa ng hiwalay na bank account para sa savings. Tapos, tuwing sesweldo ka, automatic na mababawasan ang pera mo sa payroll account mo at mapupunta naman sa savings account mo. Mainam ‘to para hindi mo makaligtaan ang paghulog sa savings account mo.

4. Humanap ng raket.

humanap-ng-raket

Photo courtesy of Glenn Carstens Peters via Unsplash

Kung kaya mo pa, mainam din maghanap ng raket para may maidagdag sa income. Humanap ka ng mga sideline na madali ipasok sa sked mo at hindi makakasagabal sa pangunahin mong trabaho. Syempre, i-consider mo rin kung makakapagpahinga ka pa rin! Importante din ang alagaan ang sarili, suki!

5. Magtabi ng pera para sa retirement.

magtabi-ng-pera-para-sa-retirement

 

Photo courtesy of James Hose Jr via Unsplash

Naisip mo na ba ang gagawin mo pag nagretire ka na? Kung hindi pa, walang mas magandang oras para magsimulang magplano para rito. Kung ngayon pa lang ay nag-iipon ka na para roon, mas magiging maginhawa ang retirement mo. 

6. Alamin ang madalas na pinagkakagastusan.

alamin-ang-pinagkakagastusan

Photo courtesy of Josh Appel via Unsplash

Bigla ka na lang ba nawawalan ng pera sa gitna ng buwan at ‘di mo alam kung bakit? Suki, mainam nang ilista lagi ang ‘yong ginagastos para hindi nagkakagulatan. Maganda rin ang habit na ‘to para makita mo kung saan mostly napupunta ang ‘yong pera. Makikita mo kung paano mo dapat ayusin ang ‘yong paggastos para hindi ka lumustay nang lumustay sa hindi kailangan.

7. Unahin ang mga kinakailangan kaysa sa mga gusto.

unahin-ang-mas-kailangan

Photo courtesy of Catheryn Lavery via Unsplash

Kasama rin sa budgeting tips ang pagprioritize ng mga necessity. Kailangan mo ring alalahanin na i-budget ang ‘yong pera ayon sa mga pinaka-kailangan mo. Bago ka magshopping spree, sikaping nabayaran mo na lahat ng kailangang bayaran gaya ng utility bills, tuition, o pagkain. 

8. Mag-invest sa insurance.

mag-invest-sa-insurance

Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Walang nagpaplanong magkasakit— bigla na lamang ‘to dumarating. Mainam kung may nakahandang sumalo sa’yong medical expenses pagdating ng panahon. Kaya naman dapat kang magkaroon ng insurance, lalong-lalo na ang health insurance. Napakamahal magpagamot kaya naman magandang unti-unti ka nang naghuhulog para sa pagkakataong magkasakit ka. 

Mayroon ding mga insurance na pagkatapos ng ilang taon ay makakakuha ka ng malaking pera kaya naman sulit talaga ang pagkakaroon nito para sa personal finance.

9. Huwag magpabudol sa online shopping sites.

wag-magpabudol

Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Napakadali na magshopping ngayon dahil sa online shopping sites. Ilang pindot lang ay meron ka nang paparating na parcel. Pero hindi magandang habit ang laging pamimili kahit wala namang urgent na pangangailangan. 

Kung kailangan mo naman talaga bumili, sikaping istrategize ang pamimili online. Kasama na rito ang paghahanap ng pinakamura o kaya’y paggamit ng mga sale at voucher. 

10. Iwasan ang paglabas-labas.

iwasan-angpaglabas-labas

Photo courtesy of SOCIAL CUT via Unsplash

Hindi lang dahil sa COVID-19 dapat iwasan ang paglabas lagi— napakamahal ng gastos kapag sa labas pa kakain o mamamasyal. Napakaraming nga namang nae-engganyo umalis-alis dahil sa pagkahaba-haba ng quarantine. Pero napakalaking gastos din ang paglabas ngayon, suki!

Pero kung nais mo talaga makakita naman ng ibang scenery, sikaping doon ka sa mumurahin lang. Puwede ka rin naman magdala na lang ng pagkain mula sa bahay at magpicnic kasama ang mga mahal sa buhay. Syempre siguraduhin ang pagsosocial distance at pagsusuot ng mask para maging ligtas

11. Magtipid sa utilities.

magtipid-sa-utilities

Photo courtesy of Fran Jacquier via Unsplash

Isang magandang paraan para makapag-ipon ng pera ang pagtitipid sa paggamit ng utilities gaya ng kuryente at tubig. Patuloy na tumataas ang gastusin sa mga ‘to kaya mainam na ugaliing magtipid. Maraming paraan para magawa ‘to, suki! Puwedeng ischedule ang paggamit ng telebisyon o computer. Puwede ring maging wais sa pagliligo at paghugas ng pinggan para kaunti lang ang magamit. 

12. Palitan ang mga lumang appliance ng energy-efficient para makatipid.

palitan-ang-mga-lumang-appliances

Photo courtesy of PhotoMIX Company via Pexels

Isa pa sa mga budgeting tips ang paggamit ng energy-efficient na appliance. Ang mga green appliances na ‘to ay hindi malakas sa kuryente. Sa paraang ‘to kahit maghapon nakabukas ang ilaw o electric fan, hindi mataas ang bayarin. Kaya pag-ipunan nang mabuti, Suki! Malaki din ang benepisyo na makukuha sa mga bagong kagamitan ngayon.

13. Magbayad ng bills on time.

magbayad-ng-bills-ontime-1

Photo courtesy of Markus Spiske via Pexels

Kapag hindi mo nababayaran sa tamang oras ang utilities, nagpapatong-patong lang ‘to. ‘Di kalauna’y mahihirapan ka na talaga magbayad dahil sobrang taas na ng bill. Sikaping magbayad on time para maiwasan ‘to. Kung kulang sa oras o nagmamadali, puwede kang pumunta sa Palawan Pawnshop para sa mabilis at madaling bills payment.

14. Imbitahan ang buong pamilya sa pag-iipon.

imbitahan-ang-pamilya-sa-pagiipon

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Mas maraming maiipon ang pamilya kung lahat nagtutulong-tulong! Para madalian ka sa pagtatabi ng pera, puwede kang humingi ng tulong kina mama at papa o kaya naman kung may pamilya ka na, sa’yong asawa at mga anak. Maganda ‘tong new year’s resolution para sa lahat.

Kahit ang simpleng pagtatabi lang ng barya para sa mga chikiting ay makakatulong sa pag-iipon para sa hinaharap! Hindi naman kasi puwedeng ikaw lang ang nag-iipon para sa inyong lahat. Mas marami kayong maitatabi kung sama-samang nagtitipid at nag-iipon ang pamilya.

15. Magtabi ng pera para sa pag-aaral ng anak.

magtabi-ng-pera-para-sa-pag-arral-ng-anak

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Kung may anak ka na, alam mo ang hirap ng pagkayod para mapaaral sila, lalo na ng college kung saan napakataas ng bayarin. Para matulungan ang future self mo sa pagbabayad nito, magandang ngayon pa lang ay nag-iipon ka na para sa college. Magset up ka ng bank account para lang sa college expenses at unti-unti mo ‘tong hulugan. 

16. Magtipid sa mga okasyon.

magtipid-sa-mga-okasyon

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Normal ang kagustuhan ng magarbong celebration. Pero libo-libo rin ang nagagastos sa mga okasyon o kahit sa pamimigay ng regalo. Isang magandang new year’s resolution ang pagtitipid sa tuwing merong kailangan i-celebrate gaya ng birthday o anniversary. Imbis na mamili ng pagkain, magluto na lang. Imbis na buimili ng regalo, gumawa na lang ng DIY gifts. Mas dama pa ang pagmamahal mo dahil sa effort na kailangan para sa mga ‘to!

17. Mag-ipon para sa mga emergency.

magipon-para-sa-emergency

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Tinuro sa’tin ng 2020 na maaaring mangyari ang mga hindi natin inaasahan. Napakaraming sakuna at problema ang hinarap ng mga Pilipino nitong nakaraang taon. Sa pagdaan ng bagyo at pandemya, maraming nawalan ng trabaho at tahanan. Maraming kinailangan mag-ayos o magtayo uli ng bahay, at marami ring kinailangan dalhin sa ospital.

Hindi natin alam ang ano pang puwdeng mangyari kaya dapat laging handa para sa mga ganoong isyu sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nakatabing pera

18. Sikaping bayaran ang mga utang.

sikaping-bayaran-ang-mga-utang

Photo courtesy of EVG Culture via Pexels

Naipon na ba ang mga utang sa tindahan o sa mga kaibigan? Ngayong taon, isama mo sa new year’s resolution ang pagpaprioritize ng pagbabayad ng mga utang. Kahit paunti-unti lang ay magandang mawala ang mga ‘to para makaipon ka nang matiwasay. Kapag kasi laging may kailangang bayaran, mahihirapan ka talaga magtabi ng pera.

19. Maging wais sa paggamit ng credit card.

wais-sa-pag-gamit-ng-credit-card

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Nakakatempt man, suki, huwag ka na kumuha ng bagong credit card ngayong 2021. Dagdag gastos lamang ‘to at makakahadlang sa pag-iipon para sa mga mas importanteng bagay. Dahil din sa credit card naeengganyo mamili at gumastos ang mga tao dahil sa dali ng paggamit dito.

May napapatong na interes kapag huli ka na magbayad ng credit card. Gaya ng utility bills, kapag hindi mo nabayaran sa tamang oras ay lumalaki lang ang kailangang bayaran kalaunan. Isama sa budget ang pagbabayad ng mga ‘to para hindi makalimutan at hindi na lumaki ang utang.

Kung hindi naman maiwasan ang credit card, siguraduhing maging wais ka na lang sa paggamit nito. Maganda rin naman gumamit ng card kapag nag-iipon ka ng perks o points. Kasama rin dapat sa new year’s resolution mo ang pagkonsidera sa pasok ng pera bago gumamit ng card sa pamimili. Dapat bago ka gumamit ng credit card, may pera kang pambayad nito pagdating ng bayaran.

20. Patawarin ang sarili kapag nagkamali.

patawarin-ang-sarili-pag-nagkamali

Photo courtesy of Christina Morillo via Pexels

Madali gumawa ng new year’s resolution pero mahirap ‘to sundin. May pagkakataong magkakamali ka o magkukulang. Pero huwag mapaghinaan ng loob, suki! Kapag nangyari ‘yon, magsimula ka na lang uli. Hindi rason ang pagkakamali para hindi na ituloy ang pagtitipid o pag-iipon. Tandaang mas makakabuti sa’yo at sa pamilya mo ang pagkakaroon ng nakaimbak na pera sakaling may mangyari. Kaya kapag nakaligtaan mong mag-ipon o napagastos ka nang malaki, patawarin ang sarili at magsimula uli.

Bagong taon, bagong gastusin. Hindi natin alam ang mga mangyayari sa 2021 kaya mainam na sa lahat ng panahon ay maingat tayo sa pera natin. Maraming puwedeng maging biglaang gastusin at marami ring kailangang paghandaan sa hinaharap. 

Kung kailangan mo pa ng tipid tips this 2021, pumunta lang sa Palawan Pawnshop. Dapat lang ang mindset natin ay nakatuon sa pagtitipid at pag-iipon. Higit na makakatulong ‘to sa pagsurvive ng 2021 at ng mga susunod pang taon.

Share: