The Ninong and Ninang's Guide to the Best Gifts for the Inaanak

Blog

May 12, 2021

fun-entertaining-gift

 

 

Hindi ka nagkamali ng tingin sa kalendaryo. Ilang araw na nga lang, Pasko na naman. Ang bilis, no? Kung gaano kabilis ang panahon, ganoon din kabilis lumaki ang mga inaanak mo. Kilala mo pa ba sila?

Madalas, nagkakagulatan na lang, “O dalaga ka na pala.” “Matangkad ka pa sa tatay mo, ah.” Ang binili mong stuffed toy o kaya matchbox cars, hindi na bet ng bagets. Ngayong Pasko, iwasan mong ma-shock. Para mapili mo ang best gifts for your inaanak, kamustahin mo sila through their parents, o sa mga kumpare at kumare mo. Tutal may social media naman, madali na ang kamustahan. Itanong sa kanilang mga magulang kung ano na ang mga hilig nila, kung gaano na sila kalaki o katangkad, at ano ang wish list nila ngayong Christmas.

Through the years, dumami na nang dumami ang mga inaanak mo. Pero hindi kailangan na ma-overwhelm. Habang nag-iisip ka ng ireregalo, heto ang listahan ng patok na Christmas gifts for the inaanak.

Something useful

gift something useful

Photo courtesy of GIPHY

Isa sa laging requirements sa tuwing bumibili ng regalo ay dapat ‘yung magagamit. Kung mga magulang ang tatanungin, ang gusto nila “something useful.” These are gifts that your inaanak can use in school or at home. Ilan sa useful at abot-kayang regalo ay lunchbox, tumblers, bag, umbrella, and watch. For sure, hindi lang si inaanak ang matutuwa, pati na ang mga kumpare at kumare mo na nakatipid dahil sa mga regalo mo.

Something educational

Pagdating sa Christmas gift ideas, hindi mawawala ang “something educational.” Bilang second parents, concerned ang mga ninong at ninang sa academic performance ng kanilang mga inaanak. Kapag na-recognize sa school, god parents often proudly comment “nagmana kay ninong o nagmana kay ninang ‘yan!” If you want to feel like you have a stake at how smart your god children get, buy them something educational for Christmas. Ilan sa mga pwedeng iregalo ay mga story books, coloring books, puzzles, at iba pang educational toys na bagay sa edad nila.

Something colorful

gift something colorful

Photo courtesy of GIPHY

Children beam with delight whenever something colorful is in sight. Iba ang nagagawa ng kulay sa bata --- nakapagpapasaya at nakapagpapa-excite. Kaya naman ngayong Pasko, let their Christmas gift be something colorful. Para sa mga toddlers na nagsisimula nang magsulat at mag-doodle, siguradong matutuwa sila sa colored pens at pencils. Pwede ring mga coloring books na simple lang at hindi komplikado. Nandyan din ang makulay na head accessories, bags, at laruan.

Something fun and entertaining

Laughing child gif

Photo courtesy of GIPHY

Speaking of laruan, hindi syempre mawawala sa mga wish list ng mga bata ang mga laruan for fun and games. Pero tandaan na depende ito sa edad. Maganda ang puzzle para sa brain development o ang monopoly para sa math at problem solving skills. Meron ding wooden toys na sinasabing mas ligtas kumpara sa plastic. Pero kapag malapit nang maging teenager ang inaanak mo, siguradong patok sa kanya ang RC helicopters at iba pang remote-controlled toys at gadgets.

Something artsy and crafty

Children are very imaginative. Para lalo pang ma-enhance ang kanilang imagination, give them something artsy and crafty. Pwede mo silang bigyan ng craft box na naglalaman ng mga gamit para sa arts and crafts gaya ng colored paper, scissors, glue, pens, glitters, at iba pang accessories. Maaari ring mag-regalo ng painting supplies kung nakikitaan ng talent sa pagpipinta ang bata. Ang arts and crafts supplies ay makakatulong para i-develop ang creativity at imagination ng bata. They learn while having fun.

Something sporty

Ang inaanak mo ba iyong tipong hindi mahiwalay sa gadget? Siguro problemado na rin ang mga magulang niya dahil sa pagkahumaling niya sa online games at YouTube. Kung ganon, isa sa mainam na Christmas gift ideas to your inaanak ay something sporty. This will encourage them to keep moving and spend more time outdoors. Halimbawa, pwede mong iregalo ang isang badminton o pingpong set. Pwede ring bola ng basketball o volleyball.

Something to wear

Hindi mawawala ang damit sa mga panregalo sa inaanak. Useful at practical kasi ang mga ito. Pero tandaan na mahalaga dito na may idea ka sa sukat ng inaanak mo. Maigi rin kung alam mo kung may hilig ba siyang cartoon character o kaya superhero para lalong maging patok sa panlasa niya ang regalo mo.

Something to support development

Sa panahon ngayon, hindi lang sa school natututo ang mga bata. Marami nang iba’t-ibang facilities at activities para sa development ng talent at skills nila. One of the unique gift ideas for kids in the Philippines are classes, some of which are even offered in malls. For children that are musically-inclined, a voucher for singing, guitar, or piano lessons would be great. Pwede ring dance class, ballet, swimming, o taekwondo.

Something for the weekend

Help parents look for something that the kids can do during the weekends. Going to the mall, watching a movie, and dining out are all good, but pretty predictable. Lagyan ng excitement ang weekends ng mga inaanak mo sa pamamagitan ng mga regalo na may kinalaman sa events at activities. Halimbawa, pwede silang regaluhan ng ticket sa zoo,museum, bowling, skating, o golf. Pwede ring ticket sa isang play, concert, o sporting event.

Something trendy

Ang mga bata, gusto laging nasa uso. Kaya naman kung ikaw ang ninong o ninang, pagbibigyan mo ang trip nila. Tuwing gift-giving season, madaling makahanap ng mga merchandise ng nauusong Star Wars, Avengers, Minions, Little Pony, at kung anu-ano pa.

Something sweet

Sino ba naman ang aayaw sa goodies ngayong Pasko? Pero maliban sa chocolates at cookies, pwede ring magbigay na lang ng gift card sa isang ice cream store, make your own cupcakes, at iba pa. Pwede silang magsama ng mga kaibigan para mas enjoy ang iyong inaanak.

Something for the future

gift something fun and entertaining

Photo courtesy of GIPHY 

Hindi mawawala sa listahan ng pinakapraktikal na Christmas gift ideas in the Philippines ang pera. Sabi nga madalas, “perahin mo na lang.” Ito rin ang pinakamadaling regalo lalo na kung ayaw mo makipagsiksikan sa mall, walang oras mamili, o di kaya’y nasa ibang bansa. Dahil sa humigit kumulang 10 milyong Overseas Filipino Workers, laging patok ang pera padala. Walang hassle ang magpadala ng pera sa Pinas saan ka man sa mundo dahil sa dami ng remittance facilities worldwide na affiliated sa mga local remittance companies sa bansa gaya ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala. Sa mga OFW na balikbayan, wala ring hassle ang currency exchange. Kung gusto mong mamigay ng malulutong na bente, pwedeng-pwede. Ang mahalaga sa pagbibigay ng pera bilang regalo ay ang paalala na maging wais sa paggastos at matutong mag-ipon.

 

Sa Pilipinas, mahalaga sa atin na masaya ang mga bata lalo na pag Pasko. Kaya naman sa mga ninong at ninang, make sure na isang beses man lang kada taon, mapasaya natin sila.

 

 

Share: