-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
May Ipon Ka Na Ba? Easy Saving Tips For OFWs
October 14, 2020
Likas sa mga Pilipino ang magmalasakit sa pamilya. Iyon bang tipong kahit walang-wala ka na, gagawa at gagawa ka ng paraan para makapagbigay at makatulong. Ganyan ang mga Overseas Filipino Workers. Tingin ng iba, basta sa abroad nagtatrabaho, big-time! Pero ang totoo, ang big time talaga ay ang lungkot, hirap, at sakripisyo.
Higit sa sampung milyong documented at undocumented Pinoy OFWs ang nagsisikap sa ibang bansa. Araw-araw, kumakayod sila para masustentuhan ang iniwang pamilya sa Pilipinas. Kumbaga, padala is life. Bukod sa pera, unti-unti rin silang nagpupuno ng balikbayan box. Such is the OFW life, ika nga. Kayod dito, padala doon.
Ang sakripisyo ng mga OFWs ang dahilan kung bakit palaki nang palaki ang remittance industry sa bansa. Gaya na lamang ng Palawan Express Pera Padala na tested na ang malasakit sa mga OFW families. Mura na, wala pang hassle ang magpadala o mag-claim ng pinadalang pera.
Pero gaya ng ibang trabaho, hindi ito pang-habambuhay. Darating ang panahon na kailangan mo na mag-for good sa Pilipinas. Handa ka na ba dito? Handa na ba ang pamilya mo? Isa ito sa classic OFW problems na laging iniisip ng ating mga kababayan abroad. Paano na lang kung matanggal sila sa trabaho, maka-alitan ang amo, o ‘di na kayanin ng katawan nila? Paano na ang padala?
Dapat matuto rin ang bawat Pinoy OFW na maging masinop at mag-ipon. Mahirap nang dumating ang panahon na wala ka nang ma-ani, dahil hindi ka naman nagtanim. Narito ang ilang OFW tips on saving money para naman matiyak ang seguridad mo at ng iyong pamilya.
Teka lang, huwag ipadala lahat
Totoo naman na nagpapakahirap ang mga OFWs para tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Pero, subukang magtabi rin.
The money you send back home will never be enough. ‘Yan ang masaklap na katotohanan. Lumalaki ang gastos, dumadami ang umaasa sa’yo, at kahit magkano pa ‘yan, feeling mo kulang pa rin. Ilista mo ang mga bagay na tinutustusan mo sa Pilipinas gaya ng bayad sa bahay, tuition at allowance, pamalengke, kuryente, at kung anu-ano pa. Kung may pasobra, okay lang. Pero siguruhin mo na may maitatabi ka. Ayon sa mga eksperto, ideal na ilaan ang 20% ng sahod sa savings. Kung kaya mo na mas malaki pa, mas mainam.
Bank account para sa savings
Nakaka-inspire at nakaka-motivate kapag nakikita mo ang ipon mo na lumalago. Sa susunod na umuwi ka sa Pilipinas, mag-bukas ka ng bank account para lang sa savings. Halos lahat ng bangko ngayon, may mga espesyal na account para sa mga Pinoy OFWs. Maaari mong ma-monitor ang mga ito online. Mas maigi kung pwede ka mag-transfer dito ng pera gamit lang ang app para hindi na kailangan na dumaan ang pera mo sa ibang palad, ika nga. Pero kung kailangan na kamag-anak o kaibigan ang mag-deposito ng padala mo, ugaliing laging i-check kung naipasok nga ito.
#LifeGoals: Anu-ano ang mga plano mo?
Mahalaga na meron kang tinatawag na short-term at long-term goals. Kung ang short-term ay magpadala sa pamilya buwan-buwan o mabigyan ng laptop si bunso sa Pasko, dapat meron din yung pang-matagalan. Halimbawa: saan mo nakikita ang sarili mo sa loob ng lima o sampung taon? Gusto mo ba magkaroon ng sariling bahay o kaya naman negosyo?
Mula sa mga #LifeGoals na ito, dapat i-manage mo ang pera mo. Magkano ang capital na kailangan mo? Kung P5,000/month for the next five years, dapat disiplinado ka na itabi ito. Kung gusto mo ng sariling bahay sa pag-uwi mo, ngayon pa lang dapat inaalam mo na kung magkano ang downpayment at amortization kung saka-sakali.
Mahalaga ang pagpa-plano para may target ka at hindi basta-basta gastos na lang nang gastos. Kumbaga, may inspirasyon. Makatutulong kung may pinaglalaanan ka.
Free yourself from utang
Mahirap magsimulang mag-ipon hangga’t lubog ka pa rin sa utang. Bayaran mo na ang mga ‘yan, lalo na ang mga malalaki ang interes gaya ng credit cards. At hangga’t kaya mo, huwag ka na mangutang muli. Siyempre, may mga good loans naman gaya ng binabayaran mong bahay na sa huli ay mapapasa’yo. Pero in general, sagabal sa pag-unlad ang sangkaterbang utang.
Easy lang sa shopping
Isa sa mga madalas na mabanggit na OFW saving tips ay ang needs before wants. Kapag ang Pinoy raw kasi napaligiran ng imported, mahirap pigilan. Ang dahilan, “wala niyan sa Pilipinas” o “mahal yan sa Pilipinas.” Pero ang tanong: kailangan mo ba talaga ito o ng iyong pamilya?
Halimbawa: branded na handbag. Hindi naman masama na gastusin ang pinag-hirapan pero bago mo ibayad ang perang ‘yan, isipin mo kung gaano mo kakailangan ang isang bagay. Para saan? Ano ang masasakripisyo dahil dito?
Pero tandaan na hindi mo dapat kalimutan ang sarili mo. Huwag puro trabaho, dapat naglilibang ka rin. Pero gaya ng lahat ng bagay, huwag din sobra-sobra at magtabi para sa kinabukasan.
Simulan ang pag-invest
Maraming investments kang pwedeng pasukin kahit nasa ibang bansa ka pa. Isang halimbawa d’yan ang mga passive investments gaya ng stocks at bonds. Madali lang yan intindihin kung bibigyan mo ng panahon. Makakatulong kung meron kang financial adviser na magbibigay sa’yo ng options at tutulungan kang mamili ng pinaka-swak sayo.
Isa pang sikat na investment ngayon ay real estate. Napakaraming pre-selling properties na pwede mong pagpilian. At least dito, siguradong may pinupuntahan ang pera mo. Pwede mo itong pa-rentahan na magiging iyong extra income.
Bisyo, bisyo, layuan mo ako
Malungkot ang buhay OFW. At minsan, gusto mo aliwin ang sarili mo. Ang iba, sa kasamaang palad, binubuhos sa bisyo ang sobrang oras at pera. Nand’yan ang madalas na pag-inom, pagyosi, pag-party, at sugal. Lahat ‘yan, hindi lang bulsa mo ang madadale kundi pati na kalusugan, trabaho, at mga personal na relasyon.
Huwag laging sumunod sa uso
Isa sa mga dahilan kung bakit mahirap ang money management sa mga OFWs ay dahil sa pressure na sumunod sa uso. Kung ang kapwa mo OFW may bagong cellphone o may balikbayan box na puno ng mamahaling pabango o sapatos, pakiramdam mo dapat ikaw rin, eh pasok naman sa sahod mo at kaya mo rin naman. Pero bakit mo ba bibilhin ang mga ito? Dahil kailangan o dahil uso?
The struggle is real pagdating sa pag-iipon. Kahit nasaan ka pa — Pilipinas man o sa ibang bansa. Ang kaibahan lang, medyo angat ang sahod ng mga OFWs, bagay na dapat pinapahalagahan mo at ng iyong pamilya. Huwag sayangin ang panahon at ang pagkakataon.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024