Why OFWs Should Send Money through Palawan Express

Blog

May 04, 2021

Sa dami ng tinitiis ng mga Overseas Filipino Workers sa pagtatrabaho sa ibang bansa, hindi na makatao na isipin pa nila kung paano nakakarating sa pamilya nila ang pinaghirapan nilang pera. Todo kayod ka na nga, todo praning pa rin ba?

Kaya naman mahalaga para sa mga OFW at pamilya ng mga OFW na merong mapagkakatiwalaan na “bridge” o yun bang tulay na matatag at kampante kang makakarating ang perang pinaghirapan mo sa mga mahal mo.

No wonder dumarami na ang suki ng Palawan Pawnshop na tumatangkilik sa kanilang remittance service na Palawan Express Pera Padala. Partner yan ng mga Pinoy sa international money remittance dahil sa mura, mabilis, at walang kuskos-balungos na serbisyo.

Ano ba ang nakita ng mga OFW at OFW families sa Palawan Express at bakit bet na bet nila ito? Hala sige, isa-isahin nga natin:

Mabilis na, sure pa

Ayaw natin ng babagal-bagal. Hindi naman kasi pwedeng sabihan ang school na iuurong ang enrollment dahil wala pang pang-tuition. Hindi rin pwedeng i-schedule kung kailan lang pwede magkasakit. Kaya naman, we make sure na when you send money through Palawan Express, pasok agad yan! Trusted na mabilis, safe, at efficient yata ang serbisyo ng mga partners ng Palawan Express abroad, kaya naman ito pa rin ang best way to send money to the Philippines.

Speaking of global partners, mahaba ang listahan ng international remittance partners ng Palawan Express sa iba’t-ibang bansa. Lahat ng mga global partners na ‘yan ay trusted brands sa buong mundo. Safe ang bawat transaction mo at hindi ka mapa-praning na baka kung kani-kaninong kamay mapunta ang hard-earned money mo. Centralized din ang system ng Palawan Pawnshop kaya lahat nasa isang database lang para kahit saan pa ginawa ang transaction, makikita at madaling ma-track.

There’s always a branch near you!

Kung ikaw ay OFW, siyempre iniisip mo rin kung paano makukuha ng pamilya mo ang iyong pera padala. May branch bang malapit sa inyo? Baka naman kailangan pang tumawid ng dagat ha?

Kung Palawan Express ‘yan, for sure meron ‘yan. Mahigit 2,500 branches ng Palawan Express sa Pilipinas kaya siguradong makukuha agad ng pamilya mo ang padala mo. Bukas ang mga ito araw-araw at laging handa mag-release ng cash remittance.

Dos pesos lang, suki!

Sa panahon ngayon, saan makakarating ang dos pesos mo? Kahit ‘yata ice candy ‘di na pasok d’yan. Pero sa pera padala ng Palawan Express, malayo ang maaabot niyan. Sa halagang dos pesos na remittance rate, pwede ka nang magpadala ng pera sa mga kamag-anak sa probinsya.

Kung within the Philippines ay dos pesos lang, siyempre hindi rin dapat feeling na-holdap ang OFWs. Depende sa remittance partner ang service fees, pero for sure hindi ka lugi at hindi tipong nagta-trabaho ka na lang para may pambayad ng service fee.

Instant text para no worries

Madalas na worry ng mga OFW: “nakarating na kaya ang perang pinadala ko?”

Hindi mo na kailangan mapuyat pa sa kaka-worry dahil d’yan. Naiintindihan ng Palawan Express na mahirap pakawalan at ipagkatiwala ang perang pinaghirapan mo. Kaya para wag na ma-praning, may text confirmation kapag naipadala na ang pera at na-claim na. Pati ang receiver, makakatanggap din ng text na available for pick-up na ang pera padala. Bukod pa dito, madali ring ma-track ang status ng padala mo.

Isang ID lang, okay na

Aminin naman natin na sa Pilipinas, pahirapan kumuha ng valid government ID. Aminin din natin na marami sa mga kababayan natin na umaasa sa mga OFWs ay nasa malalayong lugar at walang mga ID. Kaya hassle kapag hihingan ka ng sangkaterbang ID ng bangko o kaya ng ibang money remittance centers. Kukunin mo na lang ang pera, maaatraso ka pa dahil lang sa ID.

Sa Palawan Express, required din ang valid ID sa pag-claim ng remittance para kung kanino pinadala, siya lang ang pwedeng kumuha. Pero, isang ID lang. Wala nang kung anu-anong dokumento o requirements. Walang arte, walang hassle.

More discounts, more fun

Para sa mga loyalista ng Palawan Express, mas panalo kung meron kang Suki card. Mababa na nga ang Palawan express pera padala rates, mas bababa pa kapag meron ka nito. Magagamit mo rin yan sa iba pang transactions gaya ng sangla. Kapag meron kang suki card, more points, more rebates, more discounts, at definitely more fun.

Pang-VIP ang serbisyo

Hindi dapat nagtatapos ang serbisyo sa pagpapadala ng pera. Dapat na VIP din ang trato sa mga mahal mo sa buhay na pinadalhan mo ng pera. Don’t worry dahil always open ang mga branches ng Palawan Pawnshop, kahit holidays, para serbisyuhan kayo. Very helpful at friendly rin ang mga staff. Basta tandaan na makipag-usap lamang sa mga authorized na staff at hindi kung kani-kanino.

Doon ka na sa trusted

Sa negosyo na may kinalaman sa pera, importante ang tiwala. Ang mga transaksyon involving hard-earned money of our OFWs, dapat lang naman na trusted name sa remittance industry ang hahawak ng pera nila.

To the OFWs who wil send money, maging wais sa pagpili. Tatlong dekada na ang Palawan Pawnshop kaya makakasiguro kang safe at secure ang bawat transaksyon mo. Sure din na maaalagaan ka at ang pamilya mo.

Ramdam at naiintindihan ng Palawan Pawnshop at mga partners nito sa Pilipinas at abroad ang pinagdadaanan ng ating mga OFWs. Hindi matatawaran ang sakripisyo ninyo. Kaya naman hangad ng Palawan Express na pagaanin ng kahit kaunti ang loob n’yo sa pagbibigay ng serbisyong mabilis, secure, at maaasahan.

Share: