10 Secure Online Shopping Tips Sa Gitna Ng COVID-19

Blog

March 18, 2021

10-Secure-Online-Shopping-Tips-Sa-Gitna-Ng-COVID-20

Simula nang i-declare ng World Health Organization (WHO) na pandemya ang COVID-19, karamihan sa atin ay napilitang manatili sa bahay para mag-social distance. Sa social distancing, pinoprotektahan natin ang ating sarili’t pamilya mula sa banta ng virus.

Para maminimize ang paglabas ng bahay, dumami ang umaasa sa online shopping para mabili ang mga kinakailangan. Mayroon pa ngang nadevelop na Community Market App sa Pasig City, kung saan gamit ang ‘yong cellphone ay puwede kang bumili at magpadeliver ng fresh meat at veggies mula sa palengke. 

Napakaconvenient ng online shopping pero habang dumarami naman ang online shoppers, maaari ring tumaas ang bilang ng nabibiktima ng mga scam. Siguraduhing secured ang pag-o-online shopping mo, suki! Hindi lahat ng shopping site o seller ay mapagkakatiwalaan; imbis na makinabang sa convenience ng online stores, baka maloko ka pa’t manakawan ng pera!

Para maprotektahan ka online, narito ang ilang wais tips on how to secure your online shopping sa gitna ng pandemic!

1. Mag-research tungkol sa online shops.

research-online-shops

Photo courtesy of Burst via Pexels

Unang-una sa lahat, suki—huwag bibili sa online store na hindi katiwatiwala! Naglipana sa Internet ang mga page o store na nagbebenta ng fake na item o kaya nama’y ang modus ay kukuhanan ka lang ng pera pero hindi mo makukuha ang binili mo.

Para maiwasan ‘to, bumili lamang sa mga trusted online shops. Kabilang dito ang official online stores ng mga physical shops gaya ng Mercury Drug at National Bookstore. 

Marami ring online shopping sites na mapagkakatiwalaan, gaya ng Lazada, Shopee, at Zalora. Puwede ka ring magresearch sa Internet kung legitimate ba ang mga online shop sa Facebook at Instagram bago ka bumili, lalo na kung ito’y mga reseller lamang. Maaaring fake ang item na ibinebenta, na puwedeng maipahamak ka.

2. Tingnan ang customer reviews.

tignan-ang-online-review

Photo courtesy of Engin Akyurt via Pexels

Kahit sa mga trusted online sites gaya ng Lazada at Shopee ay maaaring maka-encounter ng scammer. Pero maaaring maiwasan pa rin ‘to sa pamamagitan ng paghahanap ng customer reviews o ratings.

Gawing gabay ang mga nauna nang experience ng fellow online shoppers mo para malaman kung mapagkakatiwalaan ba ang seller at ang produkto. Kahit sa second hand site na Carousell ay mayroon nang customer reviews kung saan makikita mo kung trusted ba ang seller.

Malalaman sa customer reviews kung sumasagot ba ang nagbebenta, nadeliver ba on time ang produkto, o kung may sira ba ang item. Kasama sa secure online shopping tips ang paniniguradong maganda rin ang sinasabi ng ibang buyer tungkol sa pagbili nila.

3. Siguraduhing trustworthy ang courier.

trustworthy-courier-1

Photo courtesy of Norma Mortenson via Pexels

Dahil sa social distancing, umaasa rin ang maraming online shopper sa pagiging trustworthy ng courier. Maaaring masira o macontaminate ang item on the way kung ‘di nag-iingat ang courier.

Hinahandle bang maayos ang mga parcel? Nadedeliver ba on time? Mayroon bang sanitation protocols ang drivers? Ilan lang ‘yan sa mga bagay na kailangan mong i-research para masiguradong safe and secure ang online shopping experience mo.

4. Mag-ingat sa pagbibigay ng impormasyon.

sending-information

Photo courtesy of rupixen.com via Unsplash

Para sa mga quarantine online shoppers, kasama sa mga dapat i-expect sa new normal ang pagbibigay ng impormasyon para sa payment o delivery. Pero wait, suki! Huwag basta-basta magbigay ng personal info!

Siguraduhing trustworthy ang site o seller bago magbigay ng personal details gaya ng address o card number. Kung puwede nga, magreserba ng hiwalay na phone number para sa online transactions. Limitahan ang impormasyong ibinibigay sa mga online shops, dahil maaaring magamit ‘to laban sa’yo.

5. Huwag gumamit ng public access Wi-Fi.

huwag-gumamit-ng-public-wifi

Photo courtesy of Brooke Cagle via Unsplash

Iwasang mamili online gamit ang public access Wi-Fi gaya nang nakikita sa mga mall o restaurant. Mapanganib ang paggamit ng public Wi-Fi--dahil hindi mo alam kung sino pang ibang gumagamit ng network na’yon maaaring manakawan ka ng impormasyon at mapasahan ng virus kung hindi ka mag-iingat.

Puwedeng makuha ng isang hacker na nakaconnect sa network ang impormasyon tungkol sa ‘yong bank account o address kapag ginamit mo ‘to sa online shopping. Kung maaari rin ay huwag gumamit ng public computer gaya ng asa computer shops dahil nakaconnect din ito sa iisang network lang.

6. Gumamit ng komplikadong password.

secure-password

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Makakatulong din kung gagamit ka ng secure na password sa paglog in sa mga online shopping site. May mga hacker na kayang hulaan ang password mo gamit ang ilang impormasyon tungkol sa’yo.

Maiiwasan ‘to kung gagamit ka ng komplikado’t mahabang password. Makakatulong din kung gumamit ka ng mga numbers at capitalization para mas mahirap ihack ang ‘yong account.

7. Palaging mag-log out pagka-check out.

always-log-out

Photo courtesy of John Schnobrich via Unsplash

Para mas secure ang online shopping experience, maaari ring piliing maglog out pagka-check out mo sa online store, kahit ang gamit mo ay ang ‘yong sariling device,

Lalong lalo na kung nakaconnect ang ‘yong credit card sa ‘yong shopping account, pupwedeng magamit ‘to para gastusin ang ‘yong pera. Kakailanganin lang ng hacker na makuha ang ‘yong device at gamitin ‘yon para bumili.

8. Huwag i-save ang ‘yong card details sa site.

Huwag-i-save-ang-card-details

Photo courtesy of Negative Space via Pexels

Kapag nag-save ka ng card details sa isang shopping site, mas mabilis ang check out dahil hindi mo na kailangan i-type pa uli ang impormasyon. Isang pindot lang, tapos na agad ang shopping.

Pero ang pag-save ng information sa database ng isang site ay maaaring ilagay ang impormasyon mo sa panganib--mas madali ‘tong manakaw ng mga hacker.

9. I-maximize ang mobile payments.

maximize-mobile-payments

Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Kung hindi ka naman kumportable gumamit ng credit o debit card, mas maigi nang gumamit ng mobile payments gaya ng GCash o Shopee Pay para magbayad ng transactions. 

Ang paggamit ng mobile payments ay secure dahil hindi ‘to konektado sa bangko mo, at puwede mong piliing lagyan ng load ang mga ito batay sa pangangailangan mo. Gumagamit din ‘to ng one-time use na verification PIN para i-secure ang transactions mo mula sa mga scammer o hacker.

10. Laging bantayan ang ‘yong mga transaction.

bantayan-ang-transaksyon

Photo courtesy of cottonbro via Pexels

Para rin manatiling secure ang online shopping ay dapat subaybayan mo ang transaction history mo. Maaaring mayroon na palang nakikigamit ng account mo’t bumibili ng kung ano-ano nang hindi mo nalalaman. 

Makikita ang listahan ng pagbili mo sa transaction history sa online sites. Puwede mo ring tignan ang history ng paggamit ng debit or credit card mo para malaman kung mayroon ka bang binabayaran nang hindi mo alam. 

Dahil sa pinabilis na pamimili online, bahagyang napadali ang pagkaquarantine para sa mga Pinoy. Pero kasama sa life lessons ng COVID-19 pandemic ang pag-iingat ng husto, kasama na rito ang secure online shopping. 

Hindi biro mawalan ng pera o mascam sa panahon ng krisis, kaya dapat maging mapagmatyag sa bawat transaksyon. Siguraduhing mapagkakatiwalaan ang seller at ang produkto para maprotektahan ang sarili.

Share: