10 Paraan Para Ipakita Ang Pagmamahal Ngayong Pasko From Afar

Blog

December 21, 2020

10-Paraan-Para-Ipakita-Ang-Pagmamahal-Ngayong-Pasko-From-Afar

Hindi biro ang malayo sa pamilya, lalong-lalo na tuwing kapaskuhan. Para sa ating mga OFW, isa lamang ‘to sa mabibigat na hamon ng pagtatrabaho abroad. Pero hindi dapat mapigilan ng distansya ang pagpapakita mo ng pagmamahal sa mga kaanak— kahit malayo ka, maraming paraan para sabihing ‘I love you, family!’

Kabilang sa mga paraang ‘to ang international remittance— sino ba namang ayaw mapadalhan ng pera pang aguinaldo sa Pasko? Hindi naman libre ang dekorasyon, regalo at pagkain, ‘di ba suki? Dagdag pa rito, marami pang ibang way para maparamdam sa mga naiwan sa bansa ang ‘yong love and care. Para tulungan ka, narito ang ilang send your love ideas para sa OFWs:

1. Magpadala ng mga munting regalo.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-1Photo courtesy of freestocks.org via Pexels

Parte na ng kulturang Pilipino ang balikbayan box na naglalaman ng samu’t saring regalo para sa buong pamilya. Ngayong pasko, sure na mag-eenjoy ang mga kaanak sa isang malaking kahon na puno ng Christmas gifts para sa kanila.

Kung nagtitipid ka, pwede kang gumawa ng DIY Christmas gifts para sa kanila. Sa mga simpleng regalong ‘yon ay mararamdaman nila ang ‘yong effort at love!

2. Mag-schedule ng video call kasama ang buong pamilya.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-2Photo courtesy of Yan via Pexels

Dahil sa COVID-19 pandemic, nasanay na ang buong mundo pag-gamit ng video call. Naging mainam na paraan ito para magkausap pa rin ang magkakamag-anak at magkakaibigan sa kabila ng striktong quarantine measures.

Ngayong Pasko, huwag palampasin ang celebrations sa bahay at jumoin gamit ang video call. Hindi mo man sila katabi, damang-dama pa rin ang presensya mo kahit papaano gamit ang simpleng pagtawag.

3. Mag-movie night o game night.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-3Photo courtesy of Vlada Karpovich via Pexels

Liban pa sa simpleng tawag, pwede mo ring gawing exciting ang video call sa pamamagitan ng isang activity. Pwede kayong maglaro ng mga online games na available sa Messenger app o kaya naman gawin ang classic Pinoy Games na tulad ng ‘Bring Me’ o kaya’y Pinoy Henyo na online!

Maraming activity ang pwedeng gawin labas pa sa kwentuhan. Make it fun para sa buong pamilya para mas maging memorable ang tawagan ngayong pasko.

4. Magpadala ng handwritten letter o card.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-4Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Bago pa man naimbento ang mga cellphone o ang Internet, sulat lang ang paraan para makausap ang mga kaanak mula sa ibang bansa. Kahit medyo matagal bago dumating, iba pa rin kapag hawak mo sa kamay ang mga salita ng mahal sa buhay.

Ngayong Pasko, bakit hindi natin buhayin muli ang tradisyon ng handwritten letter o card? Mainam ‘tong paraan para maipakita at mapadama mo ang ‘yong pagkamiss sa mga kaanak. Napakaspecial din ng liham na maaari nilang itago at balikbalikan kapag namimiss ka nila.

5. Magluto ng paborito nilang pagkain.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-5Photo courtesy of Max Delsid via Unsplash

Isa pang paraan to show your love from afar ay ang pagluto ng paborito nilang pagkain pangNoche Buena. Kahit hindi sila makadalo sa handaan sa bahay mo, maganda pa ring present ang favorite food nila sa hapag-kainan. Mapapakita nito na naaalala at namimiss mo sila.

Pwede mong picturan ito para sa kanila o kaya nama’y pwede kayong magvideo call habang nagluluto ka. Gawing interactive ang activity para parang kasama mo na rin sila sa ibang bansa.

6. Magsimba at magpasalamat sa mga biyaya.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-6Photo courtesy of Marcelo Chagas via Pexels

Isa pang paraan para maparamdam sa kanila ang ‘yong pagmamahal ay ang pagsisimba. Malayo man sa pamilya, para na ring nasa tabi mo sila kung mananalangin ka para sa kanilang kaligtasan at kapakanan. Isabay mo na rin ang pasasalamat para sa mga biyayang natanggap mo at naibahagi sa pamilya mo ngayong taon, sa kabila ng sunud-sunod na trahedya sa buong mundo.

7. Mag-surprise padala sa Noche Buena.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-7Photo courtesy of Lucian Alexe via Unsplash

Miss mo na ba ang Noche Buenang Pinoy? Kahit malayo, pwede ka pa rin makisalo sa handaan ngayong Pasko. Maliban sa pagvi-video call, pwede mo na rin isorpresa ang iyong mga kaanak at magpadeliver ng pagkain kasabay ng handaan.

Pwede mo ‘tong bayaran via credit card o kaya nama’y kumuntsaba ng kaanak para bayaran ‘to para sa iyo. Tiyak matutuwa ang buong pamilya na kahit papaano ay nakacontribute ka sa munti nilang salo-salo sa pasko.

8. Gumawa ng Christmas vlog.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-8Photo courtesy of Patrick Tomasso via Unsplash

Pwede ka ring gumawa ng video message sa ‘yong pamilya na pwedeng i-play sa Pasko. Maaari mong ipakita ang ‘yong buhay abroad—mga ginagawa mo sa isang araw, mga paborito mong kainin, at mga madalas mong puntahan.

Pwede mo ring gawing vlog-style ang video at iupload sa ‘yong social media page. Tiyak na matutuwa ang buong pamilyang makasulyap sa buhay mo sa ibang bansa.

9. Magpadala ng additional funds pang-celebrate

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-9Photo courtesy of Jason Leung via Unsplash

Syempre last but not the least— wala pa ring tatalo sa money transfer. Ito ang pinakamadaling paraan din to send your love sa Pilipinas dahil sa maraming options para magpadala ng pera. Kung gusto mo ng mabilis at mapagkakatiwalaan, magpadala via Palawan Express Pera Padala.

Ngayong Pasko, pwede pang manalo ng cash prize ang iyon mga loved ones kung sa Palawan Pawnshop branch nila kukunin ang perang padala mo. Ang bawat International remittance claim ay automatic raffle entry sa Express Your Love from Abroad – Pamaskong Palawan Promo. Mula November 16, 2020 to February 15, 2021, kada buwan ay may tatlong mananalo ng cash prize mula sa raffle draw. Up to Php 10, 000 ang pwedeng mapalanunan dito!

10. Magpadala ng potential investment gaya ng ginto.

dec-paano-magpakita-pagmamahal-pasko-10Photo courtesy of Paolo Cifuentes via Pexels

Liban pa sa money transfer, pwede ka ring magpadala ng maaaring investment para madagdagan ang kita sa tahanan. Isa sa pinakamadaling investment ang ginto— kahit tumagal ay relatibong mataas pa rin ang presyo nito. Mainam itong investment lalo na kung mababa ang halaga ng pera o kung tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa mga panahong ‘to ay tumataas din ang presyo ng ginto.

Pwede kang bumili ng gintong alahas abroad at ipadala ‘to sa Pilipinas. Ito naman ay itatago ng ‘yong pamilya hanggang mangailangan ng pera o kaya nama’y mataas ang bentahan ng ginto.

Kapag dagat ang pagitan mo sa mahal mo sa buhay, mahirap talaga ipadama ang kalinga. Pero hindi ito imposible, suki! Napakaraming paraan to say ‘I love you’ kahit napakalayo sa kanila. This Christmas, sulitin ang lahat ng posibleng way para maparamdam sa kanila ang ‘yong pagmamahal!

Share: