Bye Bank Lines, Hello Palawan Express’ Padala to Bank Account

Blog

October 12, 2021

Bye-Bank-Lines-Hello-Palawan-Express-Padala-to-Bank-Account-1

Kumusta ka na, Suki? Sa sitwasyon natin ngayon, mahalagang sumunod sa mga ongoing restrictions para manatiling ligtas ka at ang iyong pamilya. Pero hindi naman pwedeng hindi lumabas ng bahay, lalo na kung magpapadala ka ng pera sa bangko o magbabayad ng mga bills.

Kung pera padala din naman ang pag-uusapan, ‘di ka na gagastos ng malaki sa pamasahe o magpaikot-ikot pa sa iba’t ibang lugar. Isang destinasyon lang ang iyong kailangan puntahan—ang Palawan Express, ang iyong one-stop money-shop, at handog namin sa inyo ang Palawan Express’ Padala to Bank Account.

Practical Perks sa Pag-Avail ng Palawan Express’ Padala to Bank Account

Ang bagong serbisyong ito ng Palawan Express ay nilayon para sa mga Suki naming kailangang magpadala ng pera sa iba’t ibang mga bank account. Alam namin ang hassle ng pagpapalipat-lipat ng lugar at pagpila ng mahaba para lang makapag padala ng pera o mag-avail ng money transaction services kaya naisipan naming dagdagan ang mapagkakatiwalaang serbisyo namin sa inyo, Suki.

  1. Iwas na ang pagpunta sa iba’t-ibang bank branches para magpadala ng pera.
  2. Makakatipid ka sa pamasahe na gagastusin mo.
  3. Pwede mo nang isabay sa transaction mo ang ang pagsasangla, paghuhulog ng pera para sa alahas na sinangla, magbayad ng bills, at magpadala ng pera sa mga mahal mo sa buhay na walang bank account.
  4. Hindi mo na kailangan habulin ang oras bago magsara ang bangko para lang makapag-deposit ng pera.

Suki’s Must-Know Facts About Pera Padala to Bank Account Service

Kung curious ka Suki sa serbisyo na ito, narito ang mga impormasyong dapat mong malaman tungkol sa Padala to Bank Account service ng Palawan Express:

  1. May variety of member banks
  2. Easy steps for Palawan Express Pera Padala to Bank Account
  3. Ang Padala to Bank Account ay may wide transaction range
  4. Real-time na papasok ang pera sa bank account na pinadalhan mo
  5. Kahit weeked, makapag padala ka ng pera to bank account sa Palawan Express

1. May variety of member banks

May variety of member banksPhoto courtesy of Expect Best via Pexels

Nasa 65 ang bank members ng Palawan Express Padala to Bank Account sa Metro Manila at sa buong Pilipinas. Ang ilan sa mga ito ay:

  • Asia United Bank
  • Banco Dipolog
  • BDO Unibank, Inc.
  • BPI Direct BanKo Inc.
  • Citibank, N.A.
  • Dumaguete City Development Bank, Inc.
  • HSBC
  • Korea Exchange Bank
  • Overseas Filipino Bank
  • UCPB Savings Bank
  • Yuanta Savings Bank Philippines, Inc.

Hindi mo na kailangan pang mag bank-hopping Suki kung sakaling kailangan mong mag money transfer sa iba’t ibang bank accounts. Hindi mo na rin kailangan pang habulin ang oras ng pagbubukas o pagsara ng mga bangko.

Isang pila lang sa Palawan Express Pera Padala ang kailangan mong gawin at pag turn mo na, pwede mo nang gawin ang iyong single or multiple transactions.

2. Easy Steps for Palawan Express Pera Padala to Bank Account

Ang pagpapadala ng pera sa bank account sa Palawan Express.

  1. Bumisita sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch sa iyong lugar.
  2. I-fill out ang Padala to Bank Account Form.
  3. Kumpletuhin ang lahat ng mga kinakailangang detalye. I-double check ang account details kung saan ka magpapadala ng pera tulad ng Bank Name, Account Name, Type of Bank Account, Account Number, at halaga ng pera na ipapadala mo.
  4. Iabot ang principal amount na ipapadala mo sa bank account. Bayarin din ang Service fee na PhP 100 sa bawat transaction.
  5. Huwag kalimutan kunin ang kopya ng iyong Padala to Bank form dahil nagsisilbi itong proof of transaction.

3. Ang Padala to Bank Account ay may wide transaction range.

Ang Padala to Bank Account ay may wide transaction rangePhoto courtesy of Angie Reyes via Pexels

Up to PhP 50,000 ang pwede mong ipadala per transaction using Palawan Express’ Padala to Bank Account. Kung lumagpas doon ang perang ipinadala mo, magiging panibagong transaction ito.

Halimbawa, kung PhP 100,000 ang kailangan mong ipadala, mahahati ito sa dalawang transaction.

4. Real-time na papasok ang pera sa bank account na pinadalhan mo.

Similar to bank deposit transactions, ang Palawan Express’ Padala to Bank Account service ay real-time.

Automatic na papasok sa inyong account ang halaga ng pera padala pag natapos ang transaction mo sa counter kaya makukuha agad ng pinadalhan mo ng pera ang amount na dineposit mo.

5. Kahit weekend, makakapag padala ka ng pera to bank account sa Palawan Express.

Kadalasan, anim (6) na oras lang bukas ang bangko, mga 9:00 AM hanggang 3:00 PM, Lunes hanggang Biyernes. Kaya minsan hassle ang magpadala ng pera dahil kadalasan nang kasabay ng opening hours nila ang oras ng trabaho mo.

Pero sa Palawan Express, hindi mo kailangang ma-hassle o mag-skip ng oras sa trabaho. Kahit pa Sabado o Linggo, bukas ang Palawan Express branches kaya ma-a-avail mo ang Padala to Bank Account service.

Hindi ka mangangambang pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop sa iyo Suki dahil sinusunod namin ang lahat ng required health protocols at magbago man ang quarantine restrictions, makakaasa ka na maranasan mo ang signature Palawan Pawnshop service na walang kuskos-balungos.

Share: