Suki-Entrepreneur Guide To Be A Palawan Pawnshop Express Agent

Blog

September 06, 2021

palawan-express-agent-guide-ft-image-1

Without a doubt Suki, bago pa ang pandemic at hanggang sa ngayon, malaki ang tulong ng money transfer centers tulad ng Palawan Express Pera Padala. Dahil malaki ang demand sa ganitong services at kailangan nating maging wais para laging may source of income, ba’t di mo subukang maging isa sa aming domestic remittance partner?

domestic remittance partnerPhoto courtesy of Angie Reyes via Pexels

Sa article na ito, malalaman mo ang specific steps on how to apply as a Palawan Express Agent.

Bakit Wais Move ang Pag-Apply Bilang Isang Palawan Express Agent?

Since 2009, nakikipag-partner ang Palawan Express sa mga mapagkakatiwalaang mga business sa bansa. Ngayon, meron nang higit 2,700 locations ang Palawan Express Pera Padala Authorized Agents.

Syempre, para suportahan din ang mga wais na Filipino entrepreneurs tulad mo na kumita ng pera at mas mapalago ang negosyo mo, binuksan nila ang chance to become a franchisee and authorized agent sa mga taong gaya mo, Suki.

Hindi na kami magpapatumpik-tumpik pa. Ito ang ilang benefits sa pagiging Palawan Express Agent:

  1. Dagdag kita sa existing o new business mo.
  2. Partnership sa widest remittance network sa Pilipinas
  3. Malaki ang demand sa mga remittance services
  4. Magkakaroon ka ng access sa iba’t-ibang international at local partners
  5. Tataas ang foot traffic at cross-selling ng mga produkto at serbisyo ng business mo

With over 30 years of excellent service in the pawning and money transfer industries, subok na ang Palawan Pawnshop at Palawan Express Padala sa pawning, remittance, foreign currency exchange, bills payment, e-loading, at accident insurance kaya mapapanatag ka na matatag ang corporation na magiging kapartner mo.

1. Ihanda ang mga requirements para maging palawan express authorized agent

Ihanda ang mga requirements para maging palawan express authorized agentPhoto courtesy of Nataliya Vaitkevich via Pexels

Ang mga qualified applicants ng Palawan Pera Padala Authorized Agent ay para sa mga business owners na nasa National Capital Region, Rizal Province, Central Luzon, at Northern Luzon.

Kung dito ang location ng business mo, ito naman ang mga sumusunod na requirements na kailangan mong ihanda:

  1. Letter of Intent na naka-adress kay:
    Ms. Rebecca F. Badayos
    Head, Remittance Partners Department
    Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala
  2. Company profile
  3. Listahan ng (mga) lokasyon ng business/es mo kasama na ang actual na larawan ng iyong business location o opisina (front view at side view) at ang lokasyon nito sa Google Maps app.
  4. Kopya ng dalawa (2) Government Issued Valid IDs ng Owner o Authorized Representative.
  5. DTI Certificate/SEC Certificate Registration
  6. Valid Business Permit
  7. BIR COR
  8. Latest two (2) years Income Tax Return (ITR)
  9. Latest two (2) years Audited Financial Statement (FS) if applicable
  10. Latest General Information Sheet (GIS) if applicable

Pag nakompleto mo na Suki ang mga requirements na ito you are one step closer sa pagiging authorized agent.

2. Fill up your Application Form.

Fill up your Application FormPhoto courtesy of Ketut Subiyanto via Pexels

Ang next step? Madali lang! Magtungo sa website ng Palawan Pawnshop sa Domestic Remittance Partnership page.

Pumunta sa bandang ibaba ng page at i-click ang green button na may label: Proceed with the Application.

Dadalhin ka nito sa PEPP Know-Your-Agent Form Google Document form na dapat mong sagutan ng tapat. Ito ang ilan sa mga tanong o detalye na mababasa mo sa form para may ideya ka kung ano ang nilalaman nito:

  1. Email address
  2. Business Entity Name, Type, Nature, Address, at Years of Operation nito
  3. Description tungkol sa proposed location mo kung saan ka magtatayo ng Palawan Express Pera Padala branch.
  4. Paano mo papangasiwaan ang business na ito?
  5. Ano ang source of capital mo sa pag-operate ng Palawan Express Pera Padala?
  6. Meron ka bang existing partnership sa ibang mga remittance companies? Kung oo, ilista ang mga ito.
  7. Tatlong (3) Personal reference at mga basic details tungkol sa kanila
  8. Tatlong (3) Business reference

Sa dulong bahagi ng Google Form na ito mo na rin pwedeng i-upload ang mga files ng mga requirements sa na naka tala sa itaas.

3. Hintayin ang message ng Palawan Express Team.

Pagka-send ng mga detalye, the waiting game begins.

Konting patience lang Suki! Ito ay para sa pag-aayos ng application mo. Pero ‘wag maga-alala, dahil hindi naman matagal bago malaman kung approved at ang mga next steps para go na go na pagiging Palawan Express Authorized Agent mo.

Oh diba, Suki! Madali lang talaga sundin ang steps on how to apply as a Palawan Express Agent!

Maganda na siguraduhin na kumpleto ang requirements mo at higit sa lahat, handa ka sa bagong responsibilidad na maglaan ng send money services na mura, mabilis, at walang kuskos-balungos sa mga kababayan mo at iba pang nangangailangan ng serbisyong ito!

Kaya ano pa hinihintay niyo? Apply na, Suki!

Share: