Sulit Na Serbisyo: Palawan Express International Remittance Partners Para sa OFWs

Blog

May 28, 2024

Sa bawat sulok ng Pilipinas, may kwento ang mga pamilyang umaasa sa padalang pera mula sa kamag-anak na overseas Filipino worker (OFW) na nasa ibang bansa. 

Ang bawat padala na ito ay simbolo ng pagpupunyagi at pag-asa, pati narin ng pagsisikap na makapaghatid ng ginhawa at tulong pinansyal sa mga mahal sa buhay. At sa bawat international remittance, kasama nila palagi ang Palawan Express. 

Isa ang Palawan Express sa mga sulit na kasosyo sa mga money transfers, lalo na kapag international ang usapan. Ang kanilang masipag na serbisyo at tiwala ng maraming Pilipino, ang Palawan Express ang tunay na solusyon sa iyong pangangailangan sa remittance. 

Bakit dapat Palawan Express kapag international remittance?

Sa pagpili ng tamang serbisyo para sa iyong international remittance, mahalaga ang pagiging maalam at maingat. Kaya naman ‘wag na magdalawang isip, narito ang limang dahilan kung bakit ang Palawan Express ang tamang kapartner sa pagpapadala ng pera saan mang sulok ng mundo. 

1. Malawak na abot 

Sulit ang pagpili sa Palawan Express para sa international remittance dahil sa malawak nitong saklaw. Marami itong branches sa Pilipinas at remittance partners sa ibang bansa, kaya’t madaling makapagpadala at makatanggap ng pera kahit nasaan ka man sa mundo. 

Bansa 

Partners 

Global 

  • Transfast 
  • Tranglo
  • Remitly 
  • WorldRemit 
  • Ria
  • Western Union 
  • MoneyGram 
  • Xoom (Paypal) 
  • iRemit 
  • Sigue Money Transfer
  • Filremit 
  • Xpress Money 
  • URemit 
  • Inteliexpress 
  • LBC
  • EMQ 

HongKong 

  • Pacific Ace 
  • Calsons Remittance 
  • AtServices 
  • Citi Express Payment 
  • Lulu Money 
  • Franki Exchange Co 
  • Czarina 

Singapore 

  • Kabayan Remittance
  • Right Choice Payments 

Middle East 

  • Cash Express
  • Instant Express
  • Worldcom Finance 
  • Al Ansari Exchange 
  • Optimum Exchange Remit 

Canada 

  • Family Express
  • Atin Ito

USA 

  • UniTeller 

Kahit nasaan ka man, tiyak na mayroong Palawan Express branch na handang maglingkod sa iyo. Kaya't kahit saan ka man naroroon, hindi mo na kailangang mag-alala kung paano matatanggap ang iyong perang padala.

2. Sulit na rates at pera padala rates at fees 

Madalas nagiging problema ng mga nagpapadala ng pera ay ang hidden charges. Sa Palawan Express, sulit ang iyong padala dahil walang nakatagong bayarin o bawas dito. Garantisado na walang kahit anong deductions kaya ang halaga na iyong pinadala, makakarating nang buo at walang kaltas. 

Ngunit, mahalaga ring tandaan na ang bayad ng sender ay maaaring mag-iba depende sa napiling serbisyo. Maaaring magkaroon ng iba't ibang singil batay sa bilis ng pagpapadala at iba pang serbisyong inaalok ng Palawan Express. Subalit, sa kabila nito, tiyak na walang kahit anong nakatagong bayarin o bawas mula sa prinsipyo ng Palawan Express.

3. Mabilis na International Remittance process 

Sa Palawan Express, ang pagpapadala at pagtanggap ng remittance ay hindi lamang madali kundi mabilis din. Narito ang mga hakbang para sa pagpapadala at pagtanggap ng pera sa pamamagitan ng Palawan Express:

Pagpapadala:

  1. Pumunta sa pinakalamapit na International Money Remittance partners.
  2. Ihanda ang mga kinakailangang impormasyon at dokumento tulad ng Valid ID 
  3. Ibigay ang pera at bayad para sa serbisyo.
  4. Tanggapin ang transaction receipt bilang patunay ng pagpapadala.

Pagtanggap:

  1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Express branch.
  2. Ihanda ang transaction reference number at mga kinakailangang dokumento tulad ng Valid ID.
  3. Tanggapin ang iyong perang padala kasama ang transaction receipt.

Simple at safe lang, Suki! Kaya’t sure na sure na makukuha ni bunso ang iyong regalo kahit gaano ka pa ka-busy. 

4. Secure at maasahan ang bawat international remittance

Iniingatan ng Palawan Express ang seguridad at tiwala ng kanilang mga Suki. Mayroon silang matibay na track record sa pagtransact ng pera, na nagpapatunay ng kanilang katatagan bilang isang remittance service provider. 

Bilang bahagi ng kanilang commitment sa seguridad, mayroon ding mga hakbang na kanilang sinusunod upang masigurong ang bawat transaksyon ay ligtas at protektado laban sa anumang uri ng pandaraya o hacking. Mula sa pagpapatupad ng tamang proseso hanggang sa paggamit ng pinakabagong teknolohiya sa seguridad, mapapanatili mong tiwala na ang iyong pera ay nasa mabuting kamay sa Palawan Express. 

5. Benepisyo para sa mga Palawan Express Suki card members 

Para sa kanilang mga loyal customers, mga Suki card members, mayroong mga karagdagang benepisyo na maaaring ma-enjoy sa pagpapadala ng pera. Kasama na rito ang mga discounts at special offers para sa suki ng Palawan Express. 

Kung ikaw ay Suki cardholder, mayroon ka na special privilege at `rebates kapag ikaw ay kukuha ng pera o magsasangla ng iyong jewelry. Ang mga ito ay bahagi ng pasasalamat ng kompanya sa kanilang mga tapat na Suki na patuloy na pinagkakatiwalaan ang kanilang serbisyo.

International Remittance? I-Palawan mo na ‘yan!

Sa Palawan Express, talagang komportable at tiwala ka sa kanilang serbisyo. Kaya sa mga kababayan nating nasa ibang bansa, huwag nang mag-atubiling piliin ang Palawan Express para sa kanilang remittance needs. Siguradong sulit at tiwala sa bawat padala! Ihanda na ang perang padala at bisitahin ang pinakamalapit na Palawan Express branch o gamitin ang PalawanPay!

Share: