How to Claim Palawan Padala Online in a PalaParaan Way

Blog

October 03, 2022

How-to-Claim-Palawan-Padala-Online-in-a-PalaParaan-Way

Kailangan mo bang magpadala ng pera kaagad, pero masyadong mahal ang fee, mahirap, o hasul gawin sa ngayon? Huwag kang mag-alala Suki, kasi nandito na ang Palawan Express Online Padala para sagutin ang lahat ng padala needs mo!

Kering-keri na ang paraan on how to claim Palawan Padala online nang walang stress at walang kuskos-balungos. Gamit ang online transaction pera padala, safe at secure ang pera na pinaghirapan mong ipunin ngayong taon.

Handa ka na ba sa mas mura, mas madali, at waley hasul na paraan ng sa pera padala? Sundan mo lang ang mga ang suki-friendly guide na ito para malaman ang steps on how to claim Palawan Express Online Padala today.

Person-Using-PhonePhoto courtesy of Porapak Apichodilok via Pexels

Ano ang Palawan Express Online Padala?

Ang Palawan Express Online Padala ay isa sa pinakamura at pinakamadaling Palawan Express service ngayong taon. Sa walang hasul na transaksyong ito, hindi ka na mabibili sa araw o pipila ng pagkahaba-haba para lang kumuha o magpadala ng pera sa iyong pamilya.

Kahit saan o kailan ka magpapadala, wala kang kailangan kundi internet connection para sa sulit na serbisyong ito. Sa Palawan Express Online Padala, easy procedure lang at may safe at secure transaksyon ka na para sa pera mo.

Walang hasul talaga ang pagbabayad ng utang kay mare at pare sa tulong nitong online service ng Palawan Express. Kaya ano pang hinihintay mo? Narito ang mga dapat tandaan tuwing magpapadala ka ng pera sa Palawan Express Online Padala.

Ano ang kailangan sa Palawan Express Online Padala?

Basta may koneksyon ka na sa internet para sa transaksyong ito, dalawang tao lamang ang kailangan mong isipin tuwing magpapadala ka ng pera online: ikaw bilang Sender, at ang papadalhan mo ng pera o ang Receiver.

Mahalaga na ihanda mo ang impormasyong ito bago umpisahan ang iyong transaksyon:

Para sa Sender o ang magpapadala ng pera

  • Complete name
  • Cell phone number (siguraduhin mong aktibo ang ilalagay mong number sa form)
  • Birthday
  • Email address
  • Complete home/location address
  • Mobile bank or app payment account

Para sa Receiver o ang tatanggap ng padala

  • Complete name ng Sender
  • Complete name ng Receiver
  • PEPP Transaction Code (makukuha ito ni Sender kapag sinagot niya ang online form)
  • Amount of remittance
  • Valid ID

How do you send money with Palawan Express Online Padala?

Keri ka pa ba diyan, Suki? Basahin mo lang itong madaling pera padala steps para sa paggamit ng Palawan Express Pera Padala form:

  • Pumunta sa Palawan Pawnshop website
  • Kumpletuhin ang Sender Details form
  • Sagutin ang Transaction Details form
  • Suriin nang mabuti ang impormasyong ibinigay mo
  • Pumunta sa mobile bank app para kumpletuhin ang bayad
  • Kumpirmahin ang bayad o payment option
  • Kumpletuhin ang pera padala form
  • Gamitin ang OTP para mapatunayan ang transaksyon
  • Tandaan mo ang iyong transaction number

1. Pumunta sa Palawan Pawnshop website

Pumunta ka muna sa Palawan Pawnshop website at pindutin ang “Online Padala” button sa kanan ng screen. Dadalhin ka nito sa ibang webpage. Kapag nag-load na ito, pindutin mo lamang ang “Proceed to Padala” button, at sumang-ayon ka sa Terms and Conditions ng Palawan Pawnshop.

2. Kumpletuhin ang Sender Details form

Kumpletuhin mo ang iyong Sender Details, o ang mga personal na impormasyon na hinihingi sa iyo. Kasama rito ang iyong kumpletong pangalan, cell phone number, email address, at home address. Pagkatapos mong sagutin ang lahat, pwede mo nang pindutin ang “Next” button.

Huwag kang matakot na kumpletuhin ang mga detalyeng ito, dahil sinisigurado ng Palawan Pawnshop na protektado ang iyong impormasyon at pera mo. Sinisigurado namin ang iyong safety at security sa Palawan Express online, Suki!

3. Sagutan ang Transaction Details form

Ngayon, sasagutin mo naman ang Transaction Details form. Dito mo ilalagay ang impormasyon ng Receiver o ang tatanggap ng pera. Importante na ilagay mo dito ang buong pangalan ng tatanggap, ang amount of transaction, at payment option (BDO o Coins.ph).

Sa ngayon, ang mga pwede mong gamitin na payment options ay BDO, BPI, Coins.ph, at Instapay lamang. Pero huwag ka mag-alala, Suki, kasi madadagdagan pa naman ang mga payment options mo sa serbisyong ito sa darating na panahon.

4. Suriin nang mabuti ang impormasyong ibibigay mo

Pagkatapos mo sagutin ang Sender Details at Transaction Details forms, suriin mo nang maigi ang impormasyon na ibinigay mo. Siguraduhin mo na tama ang mga detalyeng nilagay mo, tulad ng buong pangalan, address, cell phone number, at iba pa.

Kapag may nakita kang mali sa iyong nilagay na impormasyon, balikan mo lang ang iyong form at wastuhin mo ito. Kung tama na ang lahat ng iyong impormasyon, pindutin mo lang ang “Continue” button para sa susunod na hakbang.

5. Pumunta sa mobile bank app para kumpletuhin ang bayad

Ngayon, pumunta ka sa iyong mobile bank app para kumpletuhin ang iyong bayad gamit ang pinili mong payment option sa iyong Transaction Details form:

Para sa mga gagamit ng BDO Online Banking

  • Pumunta sa iyong BDO app or website.
  • Kumpletuhin ang bayad via Bank Transfer o Send Money.

Para sa mga gagamit ng Coins.ph

  • Mag-pera padala ka gamit ng iyong preferred method of transfer sa Coins.ph - email, text, Facebook, o QR code.

6. Kumpirmahin ang bayad o payment option

Kapag tapos ka nang mag-transact sa iyong mobile bank o app, kopyahin mo lang ang iyong payment reference number na galing sa iyong piniling platform:

Para sa mga gagamit ng BDO Online Banking

  • Kopyahin ang huling walong digits o characters ng Reference Number.

Para sa mga gagamit ng Coins.ph

  • Kopyahin ang unang siyam na digits o characters ng Reference Number.

    WAIS NA PAALALA: Maga-apply ang aming NCR rates sa bawat transaksyon gamit ng form. Para malaman ang karagdagang Palawan Pawnshop pera padala rates, bisitahin mo lang ang Pera Padala page.

7. Kumpletuhin ang Pera Padala form

Pagkatapos mong kopyahin ang iyong reference number, bumalik ka sa Palawan Express Pera Padala form at ilagay mo ang iyong reference number sa baba. Tapos, pindutin mo na ang MARK AS PAID.

8. Gamitin ang OTP para mapatunayan ang transaksyon

Hintayin mo ang confirmation text message ng Palawan Pawnshop sa ibinigay mong cellphone number. Ito ay may OTP code o One Time Password na kailangan mong gamitin para mapatunayan ang iyong transaksyon.

Kailangan mong hintayin ang official text ng Palawan Pawnshop para siguradong tama ang ginawa mong transakyon, Suki. Ito ay dagdag seguridad sa impormasyon at pera na ipinadala mo sa pamilya.

Kapag natanggap mo na ang OTP, ilagay mo ito sa Pera Padala form para mapatunayan ang iyong transaksyon.

9. Tandaan mo ang iyong transaction number

Huling step na ito, Suki! Hintayin mo muli ang official text ng Palawan Pawnshop na magkukumpirma na natanggap namin ang iyong transaksyon. Pagkatapos nito, siguradong pinoproseso na ang iyong pera padala.

Makakakuha ka rin ng official Tracking Number, na pwede mong gamitin bilang reference code para sa iyong pinadala.

Person-Holding-a-PenPhoto courtesy of RODNAE Productions via Pexels

How to claim Palawan Express Padala Online

Kapag tapos ka nang sumagot ng form, sabihan mo ang iyong Receiver na maghintay siya ng mahigit sa isang oras, para kunin ang pinadalang pera sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch.

Kung ikaw mismo ang tatanggap ng pera sa Palawan Pawnshop branch, narito ang steps para kunin ang ipinadala sa iyo galing sa Palawan Express Pera Padala online form:

Para sa Receiver o ang tatanggap ng padala

  • Pumunta sa bukas na Palawan Pawnshop branch or Palawan Express outlet.
  • Kumpletuhin ang Receive Money form na hihingi ng susunod na impormasyon:
    • Buong pangalan ng Sender
    • Buong pangalan ng Receiver
    • PEPP Transaction Code
    • Amount of remittance
    • Purpose of transaction
    • Relasyon mo sa nagpadala ng pera
  • Ilagay mo ang kumpletong Receive Money form at ang iyong valid ID sa tray na nakapatong sa branch counter bago mo ito ibigay sa branch associate.
  • Pirmahan at tanggapin mo ang kopya ng computer-generated Receive Money form.
  • Suriin at bilangin nang mabuti ang natanggap mong pera bago ka umalis sa Palawan Pawnshop branch or Palawan Express outlet.

Mga importanteng paalala sa Palawan Express Online Padala

Malapit ka nang matapos sa munting guide na ito, Suki! Heto lang ang ilang mga paalala na kailangan mong tandaan sa Palawan Express Online Padala:

  • Maging PalaParaan Suki! Kung gusto mong bumawas sa iyong padala rates and dues, kumuha ka na ng sarili mong Suki Card para sa discounts, rebates, at iba pang eksklusibong premyo sa Palawan Pawnshop.
  • Iba-iba ang rates ng padala kada lugar o probinsya, kaya huwag mong kalimutan na gamitin ang Pera Padala rates calculator para malaman mo kaagad ang iyong padala rates.
  • Ang Palawan Express Online Padala ay maaari namang gamitin sa Pilipinas. Hindi pa ito pwedeng gamitin sa internasyonal na remittance. May ibang uri ng transaction ang Palawan Express kung gusto mo magpadala sa ibang bansa.
  • Ang Palawan Express Online Padala ay may minimum transaction na Php1,000 at maximum na Php5,000 kada transaksyon.
  • Dalawang beses ka lang pwede magpadala sa isang araw.
  • Ang maximum amount limit kada customer sa isang buwan ay Php100,000.00 o Php100,000.00/month.
  • May dagdag na service fee kang babayaran bilang Sender sa Palawan Express Online Padala. Susundin nito ang karagdagang pera padala rates sa NCR.
  • Walang kailangan bayaran ang tatanggap ng pera sa Palawan Pawnshop o Palawan Express branch.
  • Maghihintay ang Receiver ng isang oras o mahigit pa para makuha niya ang pera padala sa Palawan Pawnshop o Palawan Express branch.

Two-People-Doing-A-HandshakePhoto courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Handa ka na ba magpadala ng pera, Suki? Ilang pindot lamang, magagawa mo na! Ang dali lang sundin at waley hasul rin, kaya subukan na itong online padala ng Palawan Express ngayong taon.

Share: