Palawan Pawnshop for Every Juan Sa Gitna ng Lockdown

Blog

April 15, 2021

apr-palawan-pawnshop-every-juan-ft-img

Mahigit isang taon na ang nakalipas simula nang ipatupad ang lockdown sa Pilipinas dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa daigdig. Hindi tayo back-to-square-one Suki. Katunayan, nakalulungkot na patuloy pa ring tumataas ang bilang ng kaso araw-araw.

Tunay na mahirap ang nagdaang taon, Suki. Marami ang hinahamak ang takot na magkasakit para patuloy na maitaguyod ang pamilya. Mas marami ang takot at nangangailangan ng tulong. Talaga namang mapapabuntong-hininga ka na lang minsan.

Pero kahit na malakas ang kalaban, mas matatag ang mga Pinoy –lalo na't tuwing naipapakita natin ang tunay na bayanihan. Isang malaking kagaanan sa loob ang naidudulot ang makitang nagkakaisa tayo at nagtutulungan. Mapapatunayan talaga na kahit mukhang luging-lugi na tayo, makakapitan pa rin natin ang isa’t isa.

Iyan ang isa sa mga maraming layunin ng Palawan Pawnshop upang makatulong sa mga Suki namin sa mga panahong ito. Kung hahayaan mo Suki, alalahanin natin kung paano tayo nagkaisa nitong nakaraang taon upang maalala natin na may pag-asang nag daan at darating pa sa hinaharap.

1. Online and Express Pera Padala nasaan ka man sa mundo

apr-palawan-pawnshop-every-juan-1Photo taken from the Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook Page

Napakaraming OFW na ang sabik makita ang kanilang mga mahal sa buhay. Subalit dahil sa pagkalat ng coronavirus, ilang mga bansa ang nagsara dahil sa takot na kumalat pa ang coronavirus. Lalo na ngayon na nagsusulputan ang mga magkakaibang strain ng COVID-19.

Sa tulong ng Palawan Express Pera Padala, nararanasan pa rin ng maraming Pinoy ang kalinga ng kanilang mahal sa buhay sa bansa dahil sa pinabilis at pinaayos na serbisyo upang makapagpadala ng pera.

Pak na pak na example an ang Fast Remit Service ng Palawan Pawnshop para sa mga OFW na nasa Taiwan. Sa tulong nito, ramdam ng maraming Pinoy na nariyan lamang ang kanilang mahal sa buhay kahit na nasa ibayo dagat sila. Magtataka ka pa ba kung bakit mas maraming OFW ang nagtitiwala sa Palawan Pawnshop?

Dahil sa alam ng Palawan Pawnshop na mahirap at miss niyo na ang mga mahal niyo sa buhay, makakaasa kayong matatanggap niyo ang serbisyong deserve.

2. Pasaya at papremyo galore sa #PalaWanderfulWorld

apr-palawan-pawnshop-every-juan-2Photo taken from the Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook Page

Umamin ka man o hindi Suki, siguradong napaindak at napasayaw ka na sa mga sikat na TikTok dance craze sa mga kantang Break Your Heart o kaya Taki Taki dahil sa pagkaburyong dulot ng lockdown.

Pero alam mo bang maaari kang magkaroon ng cash prizes sa simpleng pagsasayaw mo lamang sa TikTok? That’s right! Pumunta ka lang at pindutin ang like button sa Facebook page upang makasali sa mga ganitong papremyo!

Isang halimbawa na nga rito ang paggamit ng larawan ng Palawan Pawnshop branch bilang background sa iyong TikTok video. Mag-post ka lamang ng “Just Arrived at Palawan Pawnshop Look mo” para manalo ng iba’t ibang premyo tulad ng cash prize na PHP 5,000!

Siyempre naman mga Suki kung di ka techie, huwag mahiyang humingi ng tulong sa mga bagetsing na siguradong naghahanap din ng katuwaan sa bahay.

Simpleng katuwaan lamang ito mga Suki kaya ‘wag na mahiyang maki-join. Tandaan na kaya ito ginagawa ng Palawan Pawnshop higit sa lahat ay upang mapangiti naman kayo. Kaya ‘wag kalimutang i-like ang Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page para sa mas marami pang prizes!

3. Walang-sawang suporta sa mga hardworking Pinoys

apr-palawan-pawnshop-every-juan-3Photo courtesy of JCI Senate Philippines, Inc.

Pinakamahalagang sangkap ng pagmamahal ni Palawan Pawnshop ang pagsusumikap upang tulungan ang mga nangangailangang mga Suki. Kaya siyempre, binibigyan ng Palawan Pawnshop ang mga taong may ganito ring prinsipyo at pagsusumikap.

Isang halimbawa na nga nito ay ang katatapos lang na Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards kung saan binigyang-pagkilala ng Palawan Pawnshop ang mga iba’t ibang kasambahay sa Pilipinas na binigay ang kanilang sarili para sa tapat at maayos na serbisyo.

Gaya na nga ng isang nanalo na si Carolina Amano na isang 62-yeard old stroke survivor na naging kasambahay for more than 20 years. Sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdaanan, hindi pa rin nauupos ang paghahangad niyang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga amo niyang itinuturing na siyang pamilya.

Kaya kung may kilala kang kasambahay, huwag manghinayang na isali siya sa paparating pang Kasamabhay Kasambuhay Pilipinas Awards Nomination!

4. Job Opportunities Para sa mga Pilipino

apr-palawan-pawnshop-every-juan-4Photo taken from the Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook Page

Mahigit sa 3,000 branches ang Palawan Pawnshop sa buong Pilipinas at kailangan mo lamang gamitin ang Palawan Pawnshop branch locator nila upang makita ang pinakamalapit na branch sa’yo.

Sa dami ng mga branches na ito, mas higit na maraming mga Pilipino ang nagkakaroon ng trabaho dahil sa Palawan Pawnshop. Naririyan ang mga poging Manong Guard na laging nakaantabay para maging protekTODO ka habang ikaw ay may transaction.

Siyempre hindi rin pahuhuli ang mga idol na Palawan Pawnshop Agents na laging sinisigurado na makamasa, makatao, at mahusay ang kanilang serbisyo. Kaya nga napakaraming benefits ng mga Palawan Pawnshop Agents dahil sigurado silang lagi silang inaalagaan lalo na sa panahon na tumataas ang unemployment rate ng Pilipinas.

5. Self-Improvement at Life Hacks para sa mga Palawan Suki

apr-palawan-pawnshop-every-juan-5Photo taken from the Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook Page

Bukod sa walang kapantay na online padala remittance ng Palawan Pawnshop, sinisikap din namin na maturuan at ma-educate kayo, mga Suki, sa usaping paghawak ng pera. Napakahalaga nito dahil patuloy na hinahamon ng COVID-19 ang ekonomiya ng Pilipinas.

Kung isa ka sa mga tambay na Suki sa Palawan Pawnshop blog, siguradong alam na alam mo na ang mga paksa tulad ng ‘Tipid Tips para sa Pang-araw-araw na Bilihin’. Sama mo na diyan ang mga ‘Basics ng Investments para sa iyong pamilya’ kasi siyempre, gusto ng Palawan Pawnshop, wais kayo sa pagtipid pati na rin kung paano kumita ng pera.

Kaya sa halip na magbasa ka ng latest happenings sa iyong mga paboritong artista, subukang tingnan ang mga nakakatuwa pero very informative articles na handog ng Palawan Pawnshop.

6. Walang hinihiling na kapalit sa serbisyo

apr-palawan-pawnshop-every-juan-6Photo taken from the Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook Page

Naniniwala ang Palawan Pawnshop na dapat maging accessible ang maayos na serbisyo sa mga Pilipino. Kaya sinisikap niya na maging affordable at mabilis ang lahat ng services na handog niya sa lahat ng Palawan Suki. Isang halimbawa na nga nito ay ang mga affordable at abot-kayang accident insurance lalo na ngayon na napupuno ng peligro ang mundo.

Kaya nga malaking bahagi at sangkap ng Corporate Social Responsibilities at Advocacy ng Palawan Pawnshop ang makapagbalik at makapagpaabot ng tulong sa mga Pilipino na patuloy na nagmamahal sa kanila.

Ilan na sa mga halimbawa ng bayanihan act of love na ito ay ang pagdo-donate sa Red Cross at pagtulong sa mga ospital tulad ng Ospital ng Palawan para sa mga frontline workers na patuloy na nakikibaka upang magbigay ng protekTODONG serbisyo sa mga Pilipino.

Kaya Suki, sana ay hindi ka magsawang sumuporta sa Palawan Pawnshop dahil nakatutulong ka sa kapuwa mo Pilipino tuwing nagtitiwala ka sa kanilang serbisyo.

Higit sa walang kuskos-balungos na serbisyo ng Palawan Pawnshop, dapat manatili ang walang-sawang pagtutulungan lalo na ngayon na patuloy na hinaharap ng bansang Pilipinas ang coronavirus.

Share: