Palong-palo na Benefits ng Palawan Suki Card Holders

Blog

June 15, 2021

palawan-suki-card-benefits-og-image

Palong-palo ang mga Palawan Top Suki dahil sa dami ng benefits na nakukuha nila mula sa kanilang Suki Card.

Kung di mo pa knows kung ano ito, ang Palawan Suki Card ay ang loyalty card na maaari mong i-avail sa kahit saang Palawan Pawnshop branch sa napakamurang halaga na 50 pesos. Mababang halaga ito kumpara sa maraming benefits na makukuha mo rito.

Ilan sa mga benefits ng Suki Card ay ang pagkakaroon ng discount sa iyong sangla interest at remittance fees, pati na rin ang 10% off discount sa mga alahas na nakadisplay na maaari mong bilhin.

Kaya sa halip na gastusin ang 50 pesos sa milk tea, i-invest mo na yan sa Palawan Suki Card!

Pero why listen to us? Tingnan at pakinggan na lamang ang mga naggagandahan at nagpopogian na mga Suki Card holders ng Palawan Pawnshop para malaman ang kanilang karanasan sa paggamit nito:

1. Palaban na Pagmamahal ni Palawan Express
cj-testimonial

Palaban at taos-pusong magmahal si Palawan para sa mga Suking katulad mo. Tingnan na lamang itong comment na binahagi ni Madam CJ Campos kung paano niya kasa-kasama ang Palawan Express simula noong dalaga pa siya!

May forever mga Suki! Dahil hindi gaya ng ibang loyalty card, ang isang magandang benefit ng Palawan Suki Card ay wala itong expiration date! Kaya kung hindi mo makita ang forever mo, bili ka na lang ng Suki Card.

2. Walang Kuskos-Balungos na Serbisyo
Mara-testimonial

Dapat kung magmamahal ka, yung honest lang at kayang pangatawanan ang mga pangako niya.

Gaya ng nahanap ng Suki na si Mara A. Claveria sa Palawan Express na walang kuskos-balungos na serbisyo.

Walang ipapangako ang Palawan Express sa'yo na hindi kayang pangatawanan, Suki. Kaya nga ‘di nakapagtataka na mahal ng mga Palawan Express Associates ang kanilang trabaho dahil sa dami ng benefits na nakukuha nila dito.

3. Maassahan kahit kailan
Nieves-testimonial

Mahirap ang buhay ngayon dahil sa pandemya kaya masayang makarinig ng mga inspiring na kwento ng Filipino na nagtatagumpay sa kabila ng COVID-19.

Kahit na kabi-kabila na nga ang mga remittance center na nagsasara, huwag mag-alala dahil hindi hahayaan ng Palawan Pawnshop na mawalan ka ng malalapitan sa panahon ngayon.

Gaya nga ng sabi ni mareng Nieves Lambot, Palawan lagi ang partner niya mula noon hanggang ngayon. Dahil kahit saan ka pa mapadpad, siguradong may paraan sa Palawan.

4. Abot-kayang halaga na proteksyon
Greta-testimonial

Alam mo ba Suki na sa tulong ng iyong Suki Card, makakakuha ka ng discount para sa ProtekTodo insurance na napakahalaga ngayon dahil hindi alam ng karamihan kung kailan darating ang aksidente?

Pak na pak na insurance ito kaya hindi nakapagtataka na ang buong pamilya ng ating suki na si Greta Danos ay insured sa Protektodo program ng Palawan.

Yolanda-testimonial

Ganito rin ang sinabi ni madam Yolanda Fronda na forever na nagtitiwala sa legit na insurance ng Palawan.

Imagine Suki, sa 20 pesos lang na halaga, may insurance ka nang makukuha sa Palawan Pawnshop. Sana all sobra-sobra magbigay ng grasya, ‘di ba Suki?

Kaya wag na mag-abang na dumating ang sakuna. Aksyunan at proteksyunan mo na agad ang iyong mga mahal sa buhay ngayon sa tulong ng insurance na handog ng Palawan Pawnshop.

5. Ramdam ang pagmamahal kahit malayo
Marites-testimonial

Napakaraming Pinoy ang nawalay sa mahal sa buhay dahil sa COVID. Dahil na rin sa magkakaibang mga issued policy patungkol sa quarantine, napakahirap makipagkita sa mga taong malalayo dahil sa risk na magkasakit.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Aling Marites Cortel Besana dahil kahit na malayo sa kanyang pamilya, ramdam pa rin niya ang pagmamahal nila dahil sa Palawan Express nagpapadala ng cash ang kanyang bayaw.

Parehong-pareho ito sa karanasan ni Thelskiejun Junsay na sa mabilis at maaasahang serbisyo lamang nagtitiwala tuwing padadalhan ng kaniyang anak na malayo sa kanya.

Sa dami ng transactions na ito gamit ang kanilang Suki Card, paniguradong napakaraming points na ang naipon nila at hatid nito ang mas bongga pang mga premyo.

Share: