Have a Merry Christmas With This Pangmalakasang Guide

Blog

November 24, 2020

Merry-Christmas

Ang bilis-bilis ng panahon, Suki! Dalawang buwan na lang, Pasko na! Nagsimula ka na bang magplano para sa mga handaan? May ilang linggo ka pa nga naman pero wala namang masama sa pagiging early bird ‘di ba? Buti nang maaga kaysa mag last minute planning at maging chaka ang celebration o magkulang ang mga regalo sa Pasko.

Don’t worry, Suki! Mayroon kaming pangmalakasang early Christmas Guide para sa bongga at maligaya ang celebration this year. Kami ang bahala sa’yo!

1. Magsimula nang maglaan ng pera para sa Pasko.

Assorted-Silver-and-gold-colored-Coins-on-Gray-SurfacePhoto courtesy of Steve Johnson via Pexels

Habang malayo pa, simulan mo nang magtabi ng pera para sa mga ganap sa holilday season. Magtabi na para sa regalo, handaan, at kahit sa mga lakad. Maraming puwedeng gawin sa Christmas season, at kahit na may dumagsang pera sa Christmas bonus, mas maganda pa ring nakapaghanda ng malaki-laki para mas maraming ma-experience, ‘di ba Suki?

2. Gumawa ng komprehensibong Christmas Plan.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-2Photo courtesy of Pexels via Pixabay

Ang wais na taga-pagdiwang ng Christmas ay nagsisimula sa plano. Ilatag mo na muna ang mga dapat gawin, mga schedule ng party sa trabaho o sa school, mga reunion ng pamilya, pati na rin ang mga palaro sa Christmas party para sa mga sa inaanak. Kumbaga, gagawa ka ng mapa at itinerary mo ngayong Pasko. Kapag mayroon ka kasing ganon, puwede mong mapaghandaan ang mga ganap in advance.

3. Magplano ng Christmas budget.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-4Photo courtesy of Allef Vincius via Pixabay

Isa pang mahalagang parte ng paghahanda para sa Pasko ay ang pagkakaroon ng budget. Syempre, mas okay na yung nakaplano na ‘yong puwede mong gastusin para i-manage mo na ang pera mo! Kaysa naman sige lang ang hugot sa wallet. Baka mamaya n’yan Suki ‘di mo namamalayang wala na ‘tong laman!

4. Maglista ng bibigyan ng regalo.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-5Photo courtesy of Matthias Cooper via Pexels

Ayan, Suki. May battle plan ka na para sa Pasko, complete with budget. Ngayon, kailangan mo nang i-coordinate ito sa listahan ng kailangan mong bilhan ng regalo sa Pasko. Pwede mong simulan sa’yong pamilya, at pagkatapos ay sa’yong mga kaibigan.

Sinu-sino sa mga pinsan at tita ang makakatanggap? Sinu-sino ang magtatampo kapag inetsepwera? Lahat ‘yan kailangan ikonsidera kapag gumagawa ng early Christmas shopping list.

5. Maglista ng mga kailangang bilhin (regalo, rekado, dekorasyon).

pangmalakasang-guide-sa-pasko-6Photo courtesy of StartupStockPhotos via Pixabay

Liban pa sa mga taong kailangang regaluhan, kasama dapat sa gagawan ng listahan ay ang mga puwedeng i-regalo sa kanila. Kung kaya, maglagay ng ilang option para sa bawat tao, kung sakaling hindi mahanap ang isa, mayroon ka namang back-up!

Kailangan ding i-lista na ang mga kailangang bilhing dekorasyon at rekado para naman sa Noche Buena. Maaayos mo ‘to kung magpaplano ka na rin sa gantong panahon ng handa ninyo sa Pasko.

6. I-plano na ang Noche Buena menu.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-7Photo from Kaboompics.com via Pexels

Sa dami ng ginagawa bago mag-Pasko, nakaka-tempt nga namang ‘wag nang paghandaan ang handa at mag-settle na lang sa kung anong nao-order na pangmaramihan na ang ihahain at.

Pero suki, kung early Christmas planning naman ang peg natin this year, iwas hassle naman tayo. Kaya, ngayon pa lang, puwede na ninyong pag-usapan kung anong ihahanda ninyo sa Noche Buena, o sa iba pang handaan sa inyong tahanan.

Isa pang magandang tip sa early planning para sa Noche Buena ay puwede mong konsultahin ang mga dadalo. Tanunging mo sila kung anong kaya nilang dalhin sa handaan. O kaya naman maghanap ka rin ng mga Noche Bueno recipe na dati mo pa gustong subukan nang ma-practice mo itong lutuin habang malayo pa ang Christmas.

7. I-map ang mga shopping spree.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-8Photo from Anna Dziubinska via Unsplash

Makakatulong din sa’ting mga early Christmas na paghahanda ang pagmapa ng pamimili. Ibig sabihin, ikukumpol mo ang mga nalista mong dapat bilhin batay sa kung saan sila isahang madadatnan sa pamilihan. Ang layunin ng tip na ito ay mabawasan ang mga pagpunta mo sa mall o palengke, para makatipid sa oras at sa pera.

Isa pa, ang tip na ‘to ay applicable din sa online shopping. Kung sa isang online shop mo lang mabibili ang mga pasko essentials mo, malaki rin ang matitipid mo sa mga shipping fee. Tandaan lang na mag-ingat sa mga online shopping scams na laganap, Suki!

8. Abangan ang mga sale at discount.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-9Photo from Claudio Schwarz via Unsplash

Kahit naman hindi pa sumasapit ang Pasko, marami naman nang naka-schedule na sale at discount sa mga mall. Kahit nga sa Divisoria o Taytay, kung saan dagsa ang mga tao para mamili, mayroon nang mga bagsak presyo para sa iniintay na Christmas shopping ng mga Pinoy.

Nasa pag-strategize lang ‘yan ng plano mo kung saan at kailan ka mamimili na alam mong mayroong sale o discount. Iwas din to sa trapik sa kalsada at trapik sa pamilihan mismo. Gusto mo bang ang level ng crowd sa mall ay nagkakapalitan na kayo ng mukha? O gusto mo ba chill lang sa maluwag na mall at mababang presyo ng bilihin? Pumili nang maigi, Suki.

9. Bumili na ng panghanda.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-10Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Dahil naplano mo na ang mga putaheng ihahanda sa Pasko, puwede mo na rin pangunahan ang siksikan sa palengke o grocery. Kung may mga rekadong puwede nang bilhin one week in advance, go na ‘yan Suki! ‘Wag mo nang hintayin na blockbuster ang pila o stampede level na ang itsura sa pamilihan. Maganda na yung puwede ka pang sumayaw sa gitna ng daan habang namimili, kaysa stressed at haggard.

10. Subukang online bumili para sa mga regalo.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-11Photo courtesy of picjumbo.com via Pexels

Isa pang hassle-free na paraan para mag-shopping ay ang gawin itong online. Kung hindi ka pa nahuhulog sa balon ng online shopping, pinakamagandang magsimula ay sa early Christmas na pamimili. Maraming promo at sale lagi sa mga online app. Marami ring mga magagandang item na online lang nabibili. Kailangan mo lang maging mapagbantay sa mga binibilhan mo para maging ligtas ang online shopping experience mo.

11. Subukan ang pangmaramihang pagbili ng regalo.

Puwede mo ring subukan bumili nang bultuhan ng mga regalo para sa Pasko. Halimbawa, keychain haul sa Divisoria o online shop, kung saan naka-engrave ang espesyal na mensahe mo para sa mga kaanak at kapamilya. Tipid ‘to at nagbibigay daan pa para i-customize mo ang mga regalo.

Maraming mga pangregalo na puwede bilhin nang bulk katulad ng t-shirt, notebook, mug, pamaypay, at iba pa. Kahit anong maliliit at maramihang bagay na tatatak sa bibigyan mo, dahil ikaw ang nagdisenyo nito.

12. Mag-recycle ng dekorasyon

pangmalakasang-guide-sa-pasko-12Photo courtesy of Tj Holowaychuk via Unsplash

Kung mayroon ka pang nakatagong mga Christmas decorations mula pa sa mga nakaraang taon at okay pa namang gamitin, ‘wag ka na bumili ng bago. Kung wala naman, marami pa rin namang paraan para makatipid. Patok din naman ang pag-DIY ng mga dekorasyon para makatipid. Kasama rito ang pag-recycle ng mga lumang bote, CD, papel, at kahoy para bumuo ng handmade Christmas decorations.

Magandang i-plano at gawin ito ngayon habang medyo malayo pa ang Pasko. Magandang bonding ito ng pamilya, at malay mo, nasagot mo pa ang project ng mga chikiting sa eskwela.

13. Mag-book ng ticket habang maaga pa.

pangmalakasang-guide-sa-pasko-13Photo courtesy of Torsten Dettlaff via Pexels

Kung maaaring makapagpasko kayo sa probinsya o ibang bansa, mainam na paghandaan ‘nyo na ang trip habang maaga. Sanay na ang Pinoy sa last-minute na paluwas o ‘yong pag-asa sa chance passenger sa eroplano man o sa bus pero napaka-stressful nito.

Higit pa sa pagiging stressful, bilang nasa gitna pa tayo ng delikadong pandemya, maigi na ang handa. May mga bagong konsiderasyon na rin kasi Suki pag dating sa pagluluwas sa mga probinsya sa ‘new normal’ natin. Aralin ang mga ito nang mabuti nang makaiwas sa mga hassle sa daan, at higit sa lahat, makaiwas sa sakit.

14. Magsagawa ng general cleaning sa bahay

pangmalakasang-guide-sa-pasko-14Photo courtesy of Volha Flaxeco via Unsplash

Habang papalapit ang Christmas vacation, paparami rin ang tambak na gawain sa work or school. Wala na halos oras para mag-ayos ng bahay. Baka nakabuyangyang lang ang mga papel o laruan sa mga kwarto dahil pag-uwi ay kain-tulog na lang ang routine.

Ayaw naman nating madungis ang bahay sa birthday ni Papa Jesus, ‘di ba? Lalo na’t baka magkaroon tayo ng mga bisita. Mainam na habang malayo pa, hinihimay mo na ang paglilinis sa bahay. Kahit paunti-unti kang nakakaraos ng paglilinis kada linggo.

Puwede ka rin mag-schedule ng powerful na deep clean ng bahay ilang araw bago ang Pasko para shining, shimmering, splendid ang selebrasyon!

Suki, ngayong ready ka na to face ang mga nahuhuling linggong paghahanda para sa Maligayang Pasko. Hindi mo na kailangang mawarla dahil kulang-kulang ka sa preparations. Pagdating ng Pasko, kapag nakahilera na ang mga regalo at nakaayos na ang hapag-kainan, chill ka na lang! Well, chill hanggang time na para maghugas ng pinggan at maghanda para sa Bagong taon. Good luck, suki!

Share: